You are on page 1of 16

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT

PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO FIL102 EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN


(Subject)

YUNIT YUNIT 2: KALIKASAN BILANG PROTAGONISTA SA MGA AKDANG


(Chapter) PAMPANITIKAN

Kalikasan bilang Protagonista sa mga Akdang Pampanitikan


PAMAGAT NG
ARALIN  Kalikasan bilang Protagonista
(Lesson Title)  Wika ng Ekolohiya
 Higaonon: Wikang Kakambal ng Kalikasan

Sa loob ng dalawang linggo (Abril 19-Abril 30, 2021), ang mga mag-aaral
LAYUNIN NG ay inaasahang matamo ang mga sumusunod na layunin:
ARALIN
(Lesson Objectives)
1. nakauunawa sa pagiging protagonista ng kalikasan sa mga akdang
pampanitikan;
2. napahahalagahan ang napanood na music video at nabasang tula sa
pamamagitan ng pagsusuri/ paghahambing nito; at
3. nakasusulat ng eko- tula/awit batay sa pagkakaroon ng malaking
ugnayan ng wika at kultura ng isang tribo sa kalikasan tulad ng sa mga
Higaonon na siyang tunay na nagpapakita o naglalarawan sa pagiging
protagonista ng kalikasan.

LAGOM NG Tatalakayin sa yunit na ito ang kalikasan bilang protagonista sa mga


PANANAW
akdang pamapanitikan. Ipaliliwanag ang kalikasan bilang protagonista sa
(Overview/
Introduction) pagtalakay sa wika ng ekolohiya at sa Higaonon bilang wikang kakambal
ng kalikasan.

LASAPIN AT DAMHIN ANG GANDA NG KALIKASAN SA HIMIG NG KALIKASAN


PAGGANYAK Panunuod ng downloaded music video:
(Activity) Himig ng Kalikasan ni Rading Jumaquio
https://www.youtube.com/watch?v=2-UBUp2VOTE
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

1. Sino ang aktor o ang binibigyang-pokus sa music video?


PAGSUSURI May papel ba itong ginagampanan o isa lamang itong tagpuan?
(Analysis)
2. Ano ang awit na hinuhuni ng inang kalikasan?
3. Bakit hanggang sa panaginip na lamang ang himig ng kalikasan?
4. Ano ang gagawin upang hanggang sa paggising patuloy pa ring humuhuni
ng awit ang inang kalikasan?

KALIKASAN BILANG PROTAGONISTA


SA MGA AKDANG PAMPANITKAN

Karaniwan nang binabasa ang panitikan na nagtatanghal ng tao bilang


sentro o pokus ng mga akdang pampanitikan. Halimbawa, kung babasahin
ang simpleng akdang “Si Matsing at si Pagong”, palagi ng ikinakabit ng
mambabasa ang representasyon ng dalawang tauhan bilang mga tunay
na tao. Na si Matsing ay ang mga taong tuso, mapanlinlang at hindi tunay
na kaibigan, habang si Pagong naman ay ang mga taong mahina ngunit
may angking talino upang maipaglaban ang sariling karapatan. Ang
pagbasang ito ng akda ay tinatawag sa Ingles na Anthropocene.

Ayon sa http://www.thefreedictionary.com/anthropocentric, ang


PAGLALAHAD
anthropocentric, ay nagsaalang-alang sa tao bilang sentral na elemento ng
(Abstraction)
sanlibutan at nagbibigay-kahulugan sa katotohanang batay sa mga
pagpapahalaga at karanasan ng tao.

Dahil sa nakagawiang paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga akdang


pampanitikan, hindi masyadong nabigyang-diin ang kalikasan at
karaniwan na lamang isinasantabi at karaniwang ang papel ay tagpuan o
bahagi lamang sa mga akda. Samakatuwid, walang mahalagang papel na
ginagampanan sa akda. Ang pananaw na ito ay taliwas naman sa
pananaw ng ekokritisismo. Sa lenteng ekokritisismo, isapokus sa pagbasa
and kapaligiran bilang isang indibidwal na may malaking papel na
ginagampanan sa akda. Ituturing na aktor at protagonista ang kalikasan sa
halip na tao ang pokus ng pagbabasa ng panitikan.
Inaasahang ang kasalukuyang dulog-ekokritisismo ay makatutulong sa
pagpapalaganap sa sistema ng pagbabasa ng panitikan.
Bibigyang-halaga mula rito ang kalikasan na makikita sa mga akda upang
ang mga konsepto ng kahalagahan ng kalikasan ay mapagtutuonan ng
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

mga mag-aaral at guro ng panitkan. Sang-ayon ito sa binigyan-diin ni


Larson (2012, abstrak) sa kanyang artikulong “The Cosmopolitanization of
Childhood: Eco-Knowledge in Children‟s Eco-Edutainment,” ang
pagsisiwalat ng mga kaalamang manghihkayat sa kabataan upang
makisangkot sa pagligtas ng mundo mula sa mga sakuna sa pamamagitan
ng pag-analisa ng mga aklat-pambata na pangkalikasan.

Sinuri ni Larson kung paano inilahad at ipinalaganap ng mga


aklat-pambata ang mga kaalaman ukol sa kalikasan na tinatawag nyang
“Eco-knowledge” na nakatulong upang magiging maalam ang mga
kabataan sa mga isyung nauukol sa kapaligiran. Lumabas sa kanyang
pagsusuri na ang mga aklat pambata na nauukol sa kalikasan ay
humimok sa kabataan hindi lamang upang magkaroon ng disiplina sa
sarili at maging at tagapangalaga sa kalikasan kundi upang maging tulay
sa pagsiwalat ng mga kaalaman ukol sa kalikasan at maging
mapagmatyag sa mga pangyayaring maaaring makasira sa kalikasan.
Ang resulta ng ginawang pagsusuri ni Larson ay siyang inilalako ng
ekokritisismo. Layon din ng teoryang ito ang magbigay atensyon sa mga
panitikang-bayang pinaniniwalaang kapupulutan din ng kaalaman ukol sa
kalikasan na maaaring maisiwalat sa pamamagitan ng edukasyon.
Binalangkas Zapf sa kanyang aklat sa “Literature in Culutural.
Ecology: Sustainable Texts‟‟ ang bagong dulog sa pagbasa ng mga
akdang pampanitkan (2016, p.7). Inilahad sa akda ang mahalagang papel
ng panitikan sa pagtamo ng maayos na buhay sa pamamagitan ng
pamumuna upang humamon at magpabago sa uri ng ugnayan ng tao at
ng kalikasan. Pareho ang dinadalumat ng ekokritisismo sa balangkas ni
Zapf. Bibigyang puwang din sa pagdulog ang mga umiiral na panitikang
pangkalikasan ng mga etnikong grupo upang magbukas ng panibagong
pagtingin sa mga akda na pasalindila. Itatanghal ang mga ito hindi lamang
umiiral upang mang-aliw at mangaral, kundi magpaunawang ang
kalikasan ay mga daing na kailangang dinggin.

WIKA NG EKOLOHIYA

Wika- Ang pangunahing instrumento ng tao sa kanyang lipunan. May


koneksiyon ang wika sa kapaligiran na patuloy na pakikiksalamuha ng tao
sa lipunan.
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Manipestasyon ito sa umuusbong na ugnayan ng wika, isip, at kapaligiran


sapagkat nasa impluwensiya ng wika kung paano iniisip ng tao ang
kanyang mundo na tinatawag na wika ng ekolohiya.

Sabi ni Wendel (w.t) ang mga wika ay hindi umiiral sa kawalan. Ito ay
bunga ng matagal na paninirahan ng taong nagsasalita sa kanila at sa
kapaligiran kung saan ginagamit ang mga ito, Isinasaalang-alang ng
ekolohikal na diskarte sa wika ang kumplikadong koneksyon ng mga
relasyon na umiiral sa pagitan ng kapaligiran, wika, at kanilang mga
nagsasalita.

Ang ekokritisismo ay ang pag-aaral ng panitikan at kapaligiran mula sa


interdisiplinaryong pananaw kung saan ang lahat ng mga agham ay
pinagsama-sama upang suriin ang kapaligiran at magpapalitan ng
kaisipan sa posibleng solusyon para sa pagwawasto ng kasalukuyang
pangkapaligirang sitwasyon (Dobie,2012).

Pinalawak ang ugnayang ito ni Emar Haugen sa kanyang sanaysay na The


Ecology of Language noong 1972. Naniniwala si Haugen na higit may
makukuhang pakinabang sa pagbibigay ng higit na atensyon sa ugnayan
ng wika at ekolohiya mula sa pakikipagtulungan ng larang ng linggwistika
sa larang ng antropolohiya, sosyolohiya, agham, politikal, at pati na rin sa
sikolohiya.

Binigyan ng kabuluhan ni Haugen (1972) ang wika ng ekolohiya


bilang pag-aaral sa mga interaksyon sa pagitan ng anumang wika at
kapaligiran nito. Ang tinutukoy rito na kapaligiran ng isang wika ay ang
lipunan na gumagamit nito bilang isa sa kanilang mga simbolo o wika.
Ang wika ay umiiral lamang sa utak ng mga gumagamit nito at gumagana
naman ayon sa ugnayan nito sa mga gumagamit at maging sa kanyang
kapaligiran. May dalawang bahagi ang ekolohiya nito:

1. Saykolohikal, ang pakikipag-ugnayan sa ibang wika sa isip ng mga


bilinggwal at multilinggwal na tao o tagapagsalita.

2. Sosyolohikal, ang interaksyon ng lipunan kung saan ito ginagamit


MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

bilang midyum ng komunikasyon.

HIGAONON: WIKANG KAKAMBAL NG KALIKASAN

Iba-iba ang paliwanang sa pinagmulan ng salitang Higaonon. Ayon kay


Levita (1996), galing ito sa gaon na nangangahulugang bundok. Sa
maikling pakli, “taong-bundok” o “taong taga-bundok”.

Ayon naman sa UNAHI Mindanao, sa tatlong mahalagang kataga


nagmula ang pangalan ng pangkat-higa (buhay), goan (bundok) at onon
(tao), samakatuwid, taong namumuhay sa buhay na bundok. Sa papel ni
Tangian (2010), ang higa ay salitang Binukod na nangangahuluguang
“pinagkukutaan” at ang non naman ay taguri sa “taong taga-itaas”.

LUMAD
Lumad ang taguri sa isang taong “isinilang at nabuhay sa iisang
lugar” (grown in place).

Pinaniniwalaang binubuo ng walong pangkat ang Higaonon na nasa


Bukidnon , Misamis Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Lanao.
Bagama‟t magkakalayo, kapansin-pansing magkakatulad ang kanilang
kasaysayan kung ihahambing sa iba pang lumad tulad ng Tiruray,
Manobo, Bagobo, B‟laan, Talaandig at Suban-on.

May humigit-kumulang 400,000 ang populasyon ng Higaonon sa


kasalukuyan at nahahati pa rin sila sa tatlong kategorya tulad ng mga
sumusunod:
1) primitibong komunidad na naninirahan sa kasukalan ng
kagubatan at patuloy na sumusunod nang walang pagbabago
sa “Bungkatol Ha Bulawan Daw Nang Ka Tasa Ha Lana”
(Hangarin ng Pagkakaisa, Pag-ibig, at Kapayapaan), ang
kanilang kabuuan batas ng mapayapang pakikipamuhay sa
kapwa;

2) pinaghalong komunidad ng mayoryang di Higaonon at lehitimo


o taal na Higaonon na naninirahan sa bukana ng mga
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

kabundukan at kagubatan;

3) nagsasamang komunidad ng mga Higaonon sa kapatagan at


baybaying bayan.

WIKA NG KAPAYAPAAN

Isinasaad sa bawat titik nito ang pag-ibig at pagpapahalaga sa kapwa


upang makamit ang katiwasayan at maligayang buhay, Ito ay
maihahambing sa Bibliya ng mga Kristiyano. Ganito ang mga tampok na
katagang mababasa rito:

1. Impakatugol intugon na hadi ug lidason sang pamalihi-makagaba.


Huwag kang susuway sa batas-mula pa ito sa iyong mga ninuno,
mamalasin ka o ikamamatay mo;
2. Hadi yo ag lidasa ala nana intugon. Huwag mong lalabagin ang
banal na mg autos at huwag mong biibigyan ng pansariling
interpretasyon ang anumang batas ng ating tradisyon:
3. Hadi ka lumalabaw. Huwag kang maging makasarili dahil
nakamamatay iyon.
4. Hadi nog ilingi so duma. Huwag mong ihahambing ang sarili sa iba;
5. Hadi kag kasina. Iwasan mong mainggit sa iyong kapwa;
6. Manayo ka ag ila ka. Humihingi ka at magbigay ka;
7. Palangga-a no sa mga duma no. Mahalin mo ang iyong kapwa;
8. Manging kauyagin kaw Ho maayad. Mamuhay kang mapayapa.
Iwasan mo ang pakikipag- away. Kung may kapayapaan, may
pag-ibig.
9. Miglupung kaw/ mig-iling kaw. Pantay-pantay ang lahat ng tao
sapagkat nilikha silang lahat ng Diyos;

10. Paliman kay alan ing-ila Ho Magbabaya. Makinig ka sa sinuman, sa


lahat. Ang karunungan ay handog ng Diyos sa matatanda sa bata,
at maging sa mga kababaihan.

KULTURA
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Ang kasaysayan ng mga Higaonon ay kapilas ng dinanas ng iba pang


Lumad na pawang nasa kabunduan sa Mindanao, Ito ang dahilan kung
bakit mahalagang bigyang- pansin ang kanilang wika. Kinakatawan nila
ang mga pamayanang malayo sa sentro ng sibilisasyon sa kapatagan sa
ibaba. Ang yaman ng kanilang wika na nagbibigay-pansin sa yaman ng
lupa na sumasakop sa kanilang daigdig at tubig sa mga ilog na nasa
kanilang paligid.

Pamuhat/Ipu (Ritwal para sa Kapayapaan)


Kaugnay ng paggalang at pananatili ng kapayapaan ang pagsasagawa ng
iba‟t ibang ritwal sa mga kumba (banal na lugar) ng komunidad.
Pinaniniwalaan nilang sa mga sagradong lugar na ito nananahan ang mga
espiritung sumusubaybay sa bawat indibidwal simula sa kanyang
pagsilang. Taon-taon, may takdang petsa ng pagsamba sa pamamagitan
ng mga natatanging pamuhat.

Daigdig ng Pangkat
Binubuo ng kalupaan, masinsing mga punongkahoy, mga mamamayang
natatangi sa mga kulay pula, puti, at asul, mga bahayang yari sa matitibay
na mulawin, bundok, batisan, mga hayop pansaka at pananim ang daigdig
ng Higaonon.

Sa pagpanaw ng isang Higaonon, ang lupa ay hindi maaaring bilhin o


ipagbili sapagkat pag-aari ito ng Magbabaya. Ganito ang sinabi ng isang
lumad sa “Kumperensiya sa Pananampalataya ng mga Indihenus”:
“Likha ni Magbabaya ang kalikasan at lahat ng buhay sa paligid.
Bawat desisyong kaugnay rito ay kailangang isangguni sa patnubay
ng mga espiritu upang magkaroon tayo ng palaging kapayapaan.”

Sa mga pagkakataong nagkakaroon ng sigalot hinggil sa lupa, may


konseho ng mga Datu na nagsisikap humanap ng solusyon. Mas madaling
natatapos ang mga kasong hidwaan sa lupa sa ganitong paraan.
Kadalasan, ang hatol ay pagpapalipat ng tirahan sa isang pamilya.
Samantala, binabayaran ng nakaaangat sa buhay ang anumang puno o
pananim na naiiwanan sa lupain.

Bago umalis, nagsasagawa ng ritwal ang pamilya: pagpatay ng puting


MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

manok, (ang dugo nito ay idinidilig sa lupa) at pinapakain sa mga taong


iiwanan ng kamag-anak. Sa kabilang dako, ang kabilang panig na iiwanan
ay nararapat maghandog sa mga tagapag-ingat na espiritu upang
makaiwas sa gaba (malas).

Masalimuot ang naging kasaysayan ng mga Higaonon na kapamilya ng iba


pang lumad. Dahil dito at sa lawak ng kanilang nasasakupan ay nagkaroon
ng pagkakaiba-iba sa bigkas at baybay ang kanilang wika, bagama‟t,
pawang nasa ilalim pa rin ng taguring „Binukid‟.

Dumanas ng iba-ibang karanasang pangkasaysayan ang wikang Higaonon


na naging sanhi ng pagbabago sa alpabeto tulad ng sumusunod:

Pagkawaglit ng mga katutubo pagkatapos ideklara ng gobyerno na


“pampublikong lupain” ang mga “gaop” (lupa ng mga ninuno) noong
panahon ng Amerikano.
Noong 1935, pinahintulutan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
National Development Company (NDC) narentahan ang mga lupain sa
halagang piso sa bawat ektarya.

Noong 1988, sa tulong ng batas sa repormang pang-agrikultura, isinalin sa


Del Monte Employees Agrarian Reform Cooperative ang napakalawak na
lupain ng mga Higaonon.
Ang pag-unlad ng kabuhayan sa hilagang Bukidnon ay nagbigay daan sa
pagdagsa ng iba‟t ibang pangkat mula sa Luzon at Visayas. Labis itong
nakaapekto sa wikang Higaonon.

Ang alpabeto na kasalukuyang tinatanggap ang mga resulta ng mga


daluyong sa pagbabago ng wika (Language Change).

Ang alpabeto ng Higaonon ay kinabibilangan ng 20 grapema. May 22 itong


tunog o ponema; anim na pantig (a, e, i, ǝ, o, u) at 16 katinig (b, k, d, g, h, l,
m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ˀ). Ang karaniwang tunog na /e/ tulad ng e sa
/elepante/ ay maririnig lamang sa mga tiyak na pangalan ng taong dayo o
gaya ng Efren o Remy. Hindi matagpuan ang mga hiram na tunog ng c, f, j,
q, v, x, at z sa wikang ito. Maliban diyan, nagpapalitan ang mga tunog d, l, at
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

r sa ilang mga piling salita tulad ng /hadi/ (huwag) sa /hari/ at /idung/ (ilong)
sa /irong/.

Mga Halimbawang Salitang Pangkalikasan/Pangkapayapaan na


Maaari Maiambag ng Higaonon sa Wikang Filipino

Malapit sa kagubatan kundi man sa mismong kagubatan ang kanlungan ng


pangkat na ito. Sapat na itong dahilan kung bakit maraming salitang
pangkalikasan ang maaari nilang maiambag sa pambansang wikang
Filipino. Magpapayaman ng talasalitaang Filipino ang pagdaragdag ng
salitang ito sa diksiyunaryo maging sa talakayang pangklase tulad ng
panitikan dahil sa denotasyon at konotasyon nito.

Agil-il [a-gil-il] pngn. – Isang uri ng kuliglig na humuhuni tuwing nag-aagaw


ang dilim at liwanag; babala na may darating na hindi kanais-nais na balita;
pahiwatig ng hindi mabuting mangyayari sa hinaharap.
Agulanga [a-gu-la-nga] pngn. – Iginagalang na nakatatandang babae o
lalaki sa pangkat
Agutay [agu-tay] – uri ng saging na pataas ang bunga at paboritong kainin
ng unggoy.
Alumo [a-lu-mo] pdw. – paraan ng pakikipagkasundo sa kaaway sa
pamamagitan ng paghingi ng tawad sa pinagkasalaan at pagriritwal na
may alay na puting manok.
Ambubunaw pngn. - Punongkahoy na may bungang parang lansones.
Paboritong kainin ng unggoy.
Apo [a-po] pngn. – lolo/lola; espiritu na iginagalang ng ninunong namatay
na; kaluluwa ng banal na ninunong matagal nang namayapa.
Apusaw [a-pu-saw] pngn. – Halamang namumulaklak ng kulay puti at
may malalapad da dahong tulad ng gabi na tumutubo sa tubigang lugar,
maaaring iluto tulad sa gulay.
Anibung [ani-bung] – maliit na punongkahoy na tila niyog.
Bagani [ba-ga-ni] png-u. – matapang na kawal; marangal na mandirigma;
hindi natatalong kawal; katumbas ng heneral sa sandatahang hukbo ng
Pilipinas.
Bagyang [bag-yang] pngn. – isang punong may malalapad na dahon na
maaaring gamiting pansamantalang bubong ng isang bahay-kubo sa
kamutihan o kamaisan.
Bakusan [ba-ku-san] pngn. Ahas na walang lason na kinakain ng mga
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

katutubo; ahas na kapag lumaki ay kumakain ng manok at kambing.


Binaki [bi-na-ki] pngn. – isang uri ng suman na niluto mula sa mais na
dilaw; suman na mais na may mantikilya; nilagang mais na kinudkod na
binalot sa balat ng mais; suman sa Bukidnon. (tagbaki-gumawa;
agbakiki-gagawa; migbakiki-gumagawa)
Ang salitang ito ay mula sa salitang-ugat na baki na
nangangahulugang palaka sa Cebuano. May sining sa pagbubukas ng
sumang ito bago kainin sapagkat nakatiklop ang balat na waring katawan
ng isang palaka.
Binakion [bi-na-ki-on] p-uri. – Mais na tamang-tamang gawing binaki;
singkahulugan ng pintos – Higaonon-Rogongon.
Buuy [bu-uy] png. Lola sa tuhod; ina ng iyong lola; asawa ng ama ng iyong
lola. Ang antigong panawag na ito ng Higaonon ay walang katumbas sa
Tagalog o sa iba pang wika sa Pilipinas.
Gitamod [gi-ta-mod] pngn. – saling-bibig ng mga kaugalian at
pananampalatayang higaonon mula sa magulang at Baylan, (katumbas
ng pari sa Katoliko). Kabilang dito ang pinagdaanan ng pangkat mula pa sa
sinaunang panahon. Maitutumbas din ito sa dangal ng lahi, katarungan,
paggalang sa kalikasan. Walang nasusulat na dokumentong maaring
magpatunay nito subalit kapag binanggit ang salitang ito ay tutugunan ng
paggalang ng isang Higaonon. Ang isang bahagi ng kahulugan nito,
samakatwid ay isang sagradong batas, lihim na koda, banal na salaysay,
pangaral, katutubong kodigo ng mabuting asal at wastong pag-uugali; iba
pang tawag nanangen – salimbibig ng mga kuwento; dilay – binibigkas na
aralin.
Ang gitamod ay walang katumbas sa Filipino. Kung ang salimbibig
ng mga kuwento ay kuwentong-bayan at karunungang-bayan naman kung
hinggil sa pangaral sa pamamagitan ng tugmaang taludtod. Walang
masasabing salimbibig ng tradisyon at batas sa alinmang panig ng bansa.
Malaki ang potensyal ng salitang gitamod na mapasama sa diksyunaryong
Filipino upang magkaroon ng tiyak na salita hinggil sa salimbibig ng mga
tradisyon at batas.
Kaamulan [ka-a-mu-lan] pngn. – asembleya ng piyestang kultural;

panahon ng pagsasayaw ng mga Higaonon na nakasuot ng katutubong

damit na nagtatampok ng mga kulay puti, asul at pula; piyesta ng Higaonon

tuwing Mayo ng taon; taunang pagtitipon ng lahat ng tologan (pangkat) ng


MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

mga Higaonon sa Malaybalay, Bukidnon. Katumbas ito ng sinulog ng

Cebu, Diyandi ng Iligan, Penagbenga sa Baguio at iba pa.

Kaya-kaya [ka-ya-ka-ya] pngn.- punongkahoy na ang bunga ay laruan ng


mga bata
Kolubi [ko-lu-bi] pngn. – maliit na punong parang niyog ang dahon at may
bungang maaring kainin
Lab-o [lab-o] pngn. – isang uri ng kamote (root crop)
Lugimit [lu-gi-mit] pngn. – isang uri ng puno na ang bunga ay kinakain ng
ibon.
Manlulunda sa Kinaiyahan [man-lu-lun-da sa kina-i-ya-han] png. Ang
espiritung nagbabantay sa iba‟t ibang aspekto ng kalikasan may pangalan
ang mga manlulunda tulad nina:
o Pinag-aso – nagbabantay sa kahayupan;
o Bulalakaw o Tagabusay – tagapangalaga sa mga tubig, batis at
ilog;
o Ibabasuk o Tagabugta – nangangalaga sa mga pananim;
o Tagabalite – nangangalaga sa mga puno at kagubatan;
o Tagabato- nangangalaga sa mga bato;
o Tagabito – nangangalaga sa labas ng yungib; at
o Tagaliyang - nangangalaga sa loob ng yungib

Oway [o-way] pngn. - ginagawang basket ang katawang payat; balagon


ang iba pang tawag; iginugulay ang dulo.
Pait-pait [pa-it] pngn. – isang uri ng maliit na isda na kulay puti at abo na
nabubuhay sa ilog na ipinapakain sa bagong panganak na ina para
maging masustansya ang gatas na sususuhin ng sanggol.
Pulot [pu-lot] pngn. – isang maliit na puno na may dagtang ginagamit sa
panghuhuli ng isda.
Sudsod [sud-sud] pngn.- isang uri ng damo na malapad na tumutubo sa
matubig at kubling lugar; damong pinatutuyo at ginagawang banig.
Tagabito [ta-ga-bi-to] pngn.- epiritung nagbabantay sa labas ng kuweba at
sa paligid nito; bantay kuweba; nagpapanatili sa katahimikan sa paligid sa
kagubatan.
Tagaliyang [taga-liyang] pngn. – espiritung nag-iingat sa loob ng mga
kuweba sa kagubatan; pinag-uukulang ng ritwal sa kagubatan kapag
nagpaplanong mangaso; inuusalan ng ritwal ng Baylan upang hindi
magkasakit/mapinsala ang sinumang papasok sa gubat.
Wala pang iisang salitang naglalarawan sa isang kuweba tulad ng
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

salitang liyang ng mga Higaonon na tumutukoy sa kuwebang may bukal at


nilalagusan ng tubig. Mahalaga itong mapatala sa hanay ng mga salitang
Filipino tungo sa pagpapayaman ng wikang pambansa.
Tangkul [tang-kul] pngn. – instrumentong pangmusika na yari sa
kawayang may taling lubid; kultural na instrumentong pangmusika ng mga
Higaonon; pinagmulan ng pangalan ng isang bayan sa Bukidnon, ang
Tangkulan; kawayang instrumentong pangmusika tulad ng kubing.

Nakasalalay sa yaman ng kalikasan ang mga salitang kultural ng


Higaonon. Ang pagkasira ng kalikasan ay maaaring magbunga ng
paglalaho ng pangkat na naninirahan dito. Kung mangyayari ito, maglalaho
rin ang wikang nagbibigay ng identidad sa pangkat o grupo. Ang
pagpapahalaga sa kalikasan ay matatagpuan sa kanilang oral at
nakasulat na kasaysayan. Sa tunguhin ng kapayapaan, isang
pangangailangan ang paggalang sa kalikasan na bumubuo ng kanilang
daigdig at wika.
Ayon kay Dr. Erlinda Burton, isang Cultural Anthropologist ng
Xavier University sa Lungsod ng Cagayan de Oro, “strip a tribe of its
language and you lose its identity”.
Ang wika ng Higaonon ay mahalaga para mapanatili ang kanilang
identidad. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggalang sa kalikasan na
siya nitong sandigan.

Mga Sanggunian:

Dizon, Rosario B., Ijan, Melba B, Pantorilla, Chem R, Sandoval, Mary Ann S. 2018.
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Mutya Publishing House Inc. Lungsod ng
Malabon

Teodoro, John Iremil. 2012. Bagong Luma.


m=1&fbclid=IwAR3mVbkTF5RZihnadV2Psht8z3pNnIQndc 9/15/2020

Jumaquio, Rading. https://www.youtube.com/watch?v=2-UBUp2VOTE


Jumaquio,RadingBionote
https://www.facebook.com/angie.valle.58/10-18-2020:06:59pm
https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-kalikasan/ Retrieved 10/10/2020

PANGKATANG GAWAIN
Panuto I: Sumulat ng tula-awit. Gawing batayan ang pagkakaroon ng
malaking ugnayan ng wika at kultura ng isang tribo sa kalikasan tulad ng sa
mga Higaonon.Gumamit din ng mga salitang
pangkalikasan/pangkapayapaan na siyang tunay na nagpapakita o
naglalarawan sa pagiging protagonista ng kalikasan. Gawing batayan sa
paggawa ang rubrik sa ibaba.
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Rubrik sa Pagsulat ng Tula-Awit


KAILANGAN NG
MGA NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN
PAGLALAPAT PAMANTAYAN (10) (9-8) (7-6)
PAGSASANAY
(5)
(Application)

Napakalalim at Malalim at
Bahagyang may
NILALAMAN makahulugan makahulugan Mababaw at literal ang
lalim ang
(PAKSA) ang kabuuan ng ang kabuuan ng kabuuan ng tula
kabuuan ng tula
tula tula.

Gumamit ng
Gumamit ng ilang
simbolismo/ simbolismo/
Gumamit ng 1-2
pahiwatig na pahiwatig na Wala ni isang
simbolismo na
nakapagpaisip bahagyang pagtatangkang ginawa
nakalito sa mga
KASININGAN sa mga nagpaisip sa upang makagamit ng
mambabasa.
mambabasa. mga simbolismo. Ang mga
Ang mga salita
Piling-pili ang mambabasa. salita ay „di pili.
ay „di-gaanong
mga salita at May ilang piling
pili.
pariralang salita at
ginamit. pariralang
ginamit.
Angkop ang Hindi gaanong
Angkop ang tono
inilapat na tono angkop ang
na inilapat sa Hindi angkop ang inilapat
sa ginawang inilapat na tono
TONO/HIMIG ginawang tula, na himig at hinding-hindi
tula, „di gaanong at hindi
nakaaagaw ng nakakukuha ng atensyon
nakakukuha ng nakakukuha ng
atensyon.
atensyon atensyon

Kabuuan = 30

Panuto II: Suriin ang mga tulang Balintuna sa Tag-init at Punongkahoy.

Alin sa dalawang tula ang nagpapakita na ang kalikasan ang siyang


Protagonista?

 Isulat ang saknong ng tula o parapreys ng buong tula.


 Isulat ang patunay (mula sa ekokritiko)
Gamiting patunay sa pagpapaliwanag ang mga talakay/pananaw
ng mga ekokritiko sa lente ng ekokritisismo sa pagbabasa ng mga
akdang pampanitikan.
 Isulat ang paliwanag sa isang talata na binubuo lamang ng 1-3ng
pangungusap.

Halimbawa:
Saknong: Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw dito ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
(Kalikasan:S2)

Parapreys: Ang kalikasan ang siyang tunay na yaman na siyang nagbibigay


sa atin ng walang hanggang katahimikan at kapayapaan. Kung
ito‟y nasira dulot ng ating kapabayaan sa atin wala nang maiiwan.
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Patunay: Ang krisis na natatamasa ng tao ay dahil sa hindi etikal ba


pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang tao ay nakikinabang
sa kalikasan ngunit hindi ito pinapahalagahan.
( Glotfelty, 1996)

Paliwanag S2: Itinatampok sa nasabing saknong ang gubat na siyang


nagbibigay-buhay sa lahat. Yamang maituturing sapagkat
ang sinag ng araw at simoy ng hangin ay nagdudulot ng
kasaganaan, kaluwalhatian at kapayapaan.

__________________________________________________________

BALINTUNA SA TAG-INIT
Honesto M. Pesimo Jr.

Tinatanong mo ang langit kung bakit


nag-aalburuto ang kanyang hangin,
At bumubulwak ang kanyang ulan
Ngayong tag-init.
Diba kahapon,
Nakadikit ang iyong mga mata sa TV
Habang nilalaklak mo ang nagyeyelong
Coke Zero na bumubuhos sa „yong baga.
Di ba kagabi,
Plastik ang „yong pakiramdam
Habang umuusok ang tambutso ng iyong Delica
Dahil nakikipagtalik ka sa aircon.
Ngayon nga,
Bagyo ka sa „yong shower
At delubyo itong nambubugbog
Sa „yong anit at ulo
Ngunit wala namang
Pumapasok sa „yong kamalayan. (110)

__________________________________________________________

ISANG PUNONG KAHOY


ni: Jose Corazon de Jesus

I
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako‟y binabati ng ngiting malamlam.

V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PAGSUSULIT
PAGTATAYA
(Evaluation)
Magkakaroon ng ikatlong pagsusulit sa ika-29/30 ng Abril, 2021
(30ng aytem). Saklaw nito ang mga paksang tinalakay sa Modyul III.
Gagawin ito sa pamamagitan ng Moodle (VLE).

Inihanda ni: ANGELES Digital Signer:ANGELES E. YSMAE


L
DN:C=PH, E=leamsygie@gmail.co

E. YSMA m, O=MSU-GENSAN, OU=FILIPIN


O DEPARTMENT, CN=ANGELES E
. YSMAEL

EL Date:2021.04.17 18:38:12 +08:00

ANGELES E. YSMAEL, MA
Associate Professor IV
CSSH-Filipino Department
MSU-GSC
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

You might also like