You are on page 1of 8

Setyembre 24, 2008

Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I - LAYUNIN

a. Natutukoy ang mga matatalinhagang salita mula sa akda. - Cognitive


b. Nailalahad ang mga simbolismong nakapaloob sa tula. - Cognitive
c. Nakapaglalahad ng pansariling karanasan kaugnay sa mga pangyayaring nakapaloob sa
tula.- Affective
d. Nabibigyang-halaga ang mensaheng ipinapaabot ng tula. - Affective
e. Nagagamit ang matatalinhagang salita sa isang makabuluhang pangungusap. -
Psychomotor

II – PAKSANG-ARALIN

a. Paksa: “Ang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus


b. Sanggunian: PLUMA III mp. 316-321
c. Kagamitan: Pantulong na biswal

III – ISTRATEHIYA

Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral

A. Pagganyak

Mayroon ako ditong piraso ng “puzzle” ngunit


hindi ko mabuo, maaari bang tulungan ako ng
tatlong mag-aaral para buuin ang puzzle
upang makita natin kung ano ang larawang
nakatago dito.

(Bubuuin ng mga mag-aaral ang larawan)

Ano ang nabuong imahe sa pirapirasong


larawan? Larawan po ng isang punongkahoy

Tama! Ngayon tatalakayin natin ang tulang


“Ang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus,
subalit bago iyon, pagyamanin muna natin
ang inyong talasalitaan.

B. Paghahawan ng Sagabal

Panuto: Hanapin sa tula ang mga salitang


binigyang kahulugan ng sumusunod na
parirala. Gawing gabay ang titik sa patlang sa
kanan

1. Hiyaw ng nararamdaman Taghoy


2. Matinding kalungkutan Kapighatian
3. Walang gana; nanghihina Malamlam
4. Batingaw Kampana
5. Sulyap/tingnan Tanawin
6. Pantakip Tabing
7. Dasal tuwing alas sais Orasy
8. Daloy on
9. Umiiyak Agos
10. Pantabing Nagtutumangis
Lambong

Matapos ang pagpapalawak ng talasalitaan,


gamitin naman ninyo ang matatalinhagang
salita sa isang makabuluhang pangungusap.

Hiyaw ng nararamdaman
Makapanindig balahibo ang hiyaw ng
nararamdaman ng anak ni Rudy Fernandez ng
ito’y sumakabilang buhay.

Matinding kalungkutan
Matinding kalungkutan at pangungulila ang
tinitiis ng mga taong nagtratrabaho sa ibang
bansa para lamang mabigyan ng magandang
bukas ang pamilya sa Pilipinas.

Nanghihina
Nanghihina ang aking pakiramdam ng
malaman ko ang resulta ng nakaraang
pagsusulit.

C. Unang Pagbasa ng Tula

Ang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook
ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa sariling libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang saka ang buwang nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam!

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
ibon sa sanga ko’y may tabing ng dahon,
batis sa paa ko’y may luha ng dalo’y.

Ngunit tingnan ninyo ang aking


narrating,
natuyo, namatay sa sariling aliw,
naging kurus ng pagsuyong laing,
at bantay sa hukay sa gitna madilim.

Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,


panakip sa aking namumutlang mukha!
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
ni ibon ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isipin nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay;
ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan
dahon ko’y ginawang korona sa hukay.

D. Pagtalakay sa Aralin

Ano ang isinasagisag ng punokahoy sa


tula?

Ang isinasagisag po ng punongkahoy sa tula


ay ang kurus na nakadipa sa malayong pook
na siya namang sumisimbolo sa may-akda ng
tula.

Mahusay na kasagutan!ano ang kalgayan ng


puno noong una? Sa anong yugto ng buhay
maaaring iugnay ang kalagayang ito?
Sa iyong palagay paano nagbago ang
kalagayang ito?
Nagbago po ito dahil ang puno ay nasa
masamang kalagayan tulad sa buhay ng tao
na nahaharap sa pighati at hilahil patunay
nga po dito ang saknong ng tula na
matatagpuan sa ikatlo hanggang ikaapat na
taludtod. “habang ang kandila ng sariling
buhay, magdamag na tanod sa aking
libingan”.

Tama ang iyong kasagutan! Ano ang ibig


ipakahulugan ng taludtod na “kahoy na
nabuwal ni ibon ni tao’y hindi na matuwa?
Ipinakakahulugan po ng taludtod na iyan na
sa kabila ng pagiging malago’t malabay ng
isang puno, dumarating ang panahon na
ito’y mamamatay din, at ang dating
nakakakuha ng importansya sa puno ngayon
ay hindi na.

Sa paanong paraan ito maiuugnay sa buhay


ng tao?

Maiuugnay poi to sa buhay ng tao na sa


araw-araw na dumaraan ay may mga
balakid na hinaharap at kahit anong taas o
tikas ng kanyang tindig may pagkakataon na
siya’y matutumba din.

Mahusay na kasagutan! Paano naman


naiugnay sa naging buhay ng may-akda ang
taludtod na “ngunit tignang ninyo ang aking
narrating natuyo, namatay sa sariling aliw”?
Ano kaya ang kinahinatnan ng buhay?
Naiugnay po niya ang taludtod na ito s
kanyang buhay sapagkat sa kabila ng
kanyang mga nagawa at naratinghindi pa rin
nakumpleto ang kanyang buhay at nagising
na lamang siyang may malubhang
karamdaman. Puro kapighatiaan ang
kinahinatnan ng kanyang buhay.

Amy hinanakit ba ang may-akda sa


nangyari sa kanyang buhay?
Opo, dahil po noong panahonh iyon siya ay
kilalang kilala ng mga tao dahil sa kanyang
mga nagawa at kinuha pa na maging isang
artista para sa pelikulang oriental blood
ngunit hindi na niya natapos dahilan sa
siya’y nagkasakit at namatay sa gulang na
36.

Tumpak na kasagutan! Ano ang


pangkalahatang tono ng tula? Masaya ba ito
o malungkot? Ipaliwanag.

Malungkot po sapagkat tinalakay sa tula ang


mga hinanakit ng may akda sa nangyari sa
kanyang buhay na noon nga po siya’y tanyag
ngunit naratay sa banig ng karamdaman at
habang isinusulat niya ang tulang ito malapit
na siyang bawian ng buhay.

Tama! Ano ang mensahe ng tula na ibig


ipabatid sa mga mambabasa?
Sinasabi po ng tula na dapat nating gawin
ang lahat ng puwede nating gawin habang
tayo’y malakas pa at kung ito’y
makapagdudulot sa atin ng kasiyahan,
sapagkat mamamalayan na lamang natin na
mabilis dumaan ang panahon at baka isang
araw hindi na natin alam, hindi na pala natin
ito magagawa at magsisi na lang tayo sa huli.

Mahusay na kasagutan! Ngayo’y tunghayan


nattin ang ikalawang pagbasa ng tula.

E. Ikalawang Pagbasa ng Tula

(Hahatiin ng guro ang klase sa apat na


pangkat. Bawat pangkat ay may tiga –
tigalawang saknong ng tula na babasahin.
Magpapagalingan ang mga ito sa pagbasa ng
tula.)
(Babasahin ng bawat pangkat ang inilaang
saknong ng tula.)

F. Pagpapahalaga

(Magpapakita ang guro ng dalawang larawan


ng puno: una ay punong nasa panahon ng
taglagas at tagsibol ang ikalawa.)

Anong pangyayari sa buhay ninyo ang


kaugnay ng larawan sa unahan? Ipaliwanag
kung bakit ninyo nasabi na nasa ganito kayong
panahon.
Punong nasa panahon ng taglagas, dahil po
noon ang mga magulang ko ay nagkahiwalay at
kami ay naging broken family. Sobrang hirap
po dahil ang ugat ng aming pamilya ang siyang
dahilan nito.

Para naman sa panahon ng tagsibol.


Masasabi ko pong nasa panahon kami ng
pagsibol dahil sabay na nagkaroon ng
hanapbuhay ang aming mga magulang at
muling sumibol ang pag –asa sa aming pamilya
na guminhawa ang buhay.

G. Paglalapat

Batay sa ibinigay ko na takdang-aralin, na


gumuhit ng larawan na kung ano ang maaari
mong gawin upang maging makabuluhan ang
iyong buhay, nabibigyan ninyo ng sariling
pamagat at ipaliliwanag sa 2-3 pangungusap.
Maaari ban a pumuta ditto sa unahan ang
mag-aaral na aking tatawagin at ibahagi ang
kanilang ginawa.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral.)

(Ibabahagi ng mag-aaral ang kanilang ginawa


sa harap ng klase.)

IV – PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong kaisipang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Saan inihambing ang anyo ng punongkahoy?


a. Sa isang taong nakaluhod c. Sa isang kandilang unti-unting natutunaw
b. Sa isang nakadipang kurus d. Sa isang ulilang organo sa loob ng
simbahan

2. Ano ang tinatanuran ng kandilang inugnayan ng kaniyang sariling buhay?


a. Ang mga naglahong mahal sa buhay c. Ang mapait na gunita ng lumipas
b. Ang kadiliman na kanyang hinaharap d. Ang kayang sariling libingan

3. Ano ang bagay na sinasabing nagtutumangis sa kaniyang paanan?


a. Isang nilikhang sawi sa pag-ibig c. Isang ulilang kurus
b. Isang makislap na batis d. Isang ibong umiibig

4. Ano naman ang nakasabit sa kaniyang mga sanga?


a. Mga bulaklak na bunga ng kanyang pag-ibig
b. Mga hinog na bungang naghihintay ng kanyang pansin
c. Mga duyang ginagawang tagpuan ng mga nag-iibigan
d. Pugad ng ibon ng pag-ibig

5. Ano ang bumabati ng ngiti sa puno?


a. Ang agos ng pag-ibig c. Ang buwang malamlam
b. Ang mga ibon sa puno d. ang makislap na batis

6. Ano ang nais ipahiwatig ng pagkakaroon ng puno ng mga bagay na tinutukoy sa bilang 3,
4 at 5?
a. Ang puno ay matanda na at wala ng pakinabang
b. Ang puno ay bata pa at malago kaya’t nakikilala’t napakikinabangan
c. Ang puno ay makasarili at inaring kanya ang mga bagay na natulungan
d. Ang puno ay mapanumbat sa mga bagay na natutulungan

7. Ano ang bagay na tila nagpapahiwatig ng pagtaghoy?


a. Mga dahong kumakaway c. Ang pagdaloy ng batis
b. Ang kampana sa orasyon d. Ang bulong ng hangin

8. Ano ang kinahinatnan ng puno?


a. Nanatiling sariwa hanggang sa huli c. Ginamit, pinutol at
pinakinabangan
b. Natuyo, namatay sa sariling aliw d. Inilipat kung saan ito nararapat

9. Ano ang nangyari sa kanya ng maganap ang nasa bilang 8?


a. Napansin at naaalala pa rin siya ng karamihan
b. Naging panggatong na lamang
c. Naging kurus na nagbabantay sa libingan
d. Naging tagapagpaalala ng nakalipas

10. Anong nangyari sa kanyang mga dahon?


a. Naging korona sa hukay c. Naging alaala ng masayang nagdaan
b. Naging dekorasyon sa tahanan d. Naging tuyot at walang pakinabang

V – TAKDANG-ARALIN

1. Basahin ang maikling kuwento na Nagbihis ang Nayon ni Brigido C. Batungbakal.

2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang tingin ng nayon kay Derang bago gawin ang lansangan patungong
Sinikuran?

b. Anu-ano ang patunay sa mataas na pagtinging ito?

c. Bakit sinasabing napakaganda ni Derang? Anu-ano ang patunay sa kagandahang ito?

Sanggunian:

PLUMA III mp. 321-324

You might also like