You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

I. LAYUNIN
A. Naiuugnay sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa kwento.
B. Naihahambing ang pangunahing tauhang inilarawan sa kwento sa pinagbatayang tauhan
sa akda.
C. Nakasusulat ng kwento sa sariling karanasan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Ang Aguinaldo ng mga Mago
Kagamitan:
II. PAMAMARAAN
A. Pagganyak/ Motibasyon
- Panalangin
- Pagbati
- Pagtsek ng atendans
* Motibasyon
- Pag-aanalisa ng larawan ( Picture Analysis )
* Pagganyak na Tanong
- Naranasan mo na bang mabigayan o bumigay ng aguinaldo?
B. Paghawan ng Sagabal
* Magkasing kahulugan
1. Halukayin - halughugin
2. Hagulhol - malakas na iyak
3. Humarurot - tumulin
4. Umalembong - lumandi
5. Lumoklok - napaupo
C. Paglalahad
BAGO BUMASA
* Ipapabasa ang pamagat ng akda/kwento.
Tanong: Saan kaya patungkol ang kwento?
HABANG BUMABASA
* Ibibigay ng guro ang mga gabay na katanungan na sasagutin ng mga mag-aaral.
PAGKATAPOS BUMASA
* Itatalakay ng guro ang ibinigay niyang mga katanungan sa mga mag -aaral.
1. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Della ang paghahanda ng pamasko sa
isat-isa. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa nilang paraan upang malutas
ang kanilang suliranin?
2. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa pasko ang ipinakita
sa maikling kwento?
3. Sa iyong palagay, maisasakatuparan mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo
mapaligaya mo lamang ang iyong minamahal?
4. Bakit pinamagatang aguinaldo ng mga mago ang kwento?
D. Pagpapahalaga/ paglalapat
Itinuturing na marurunong ang tatlong hari ng mago na nag -alay sa sabsaban. Sa pamamagitan ng
Comparison Organizer, ihambing ang kaugnayan ng mga tauhang inilarawan sa maikling kwento sa
tatlong hari ng mago na pinagbatayan sa akda.
Pagtutulad

Pagkakaiba
E. Paglalahat/ Sentisis
* Handa ka bang magsakripisyo alang -alang sa kaligayahan ng taong mahal mo?
IV. EBALWASYON
* Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa
kwento.
V. TAKDANG ARALIN
* Basahin ang kwentong " Sa loob ng love Class" pg. 225-226

You might also like