You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG BATANGAS

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7

YUGTO NG PAGKATUTO: Linangin-Pampanitikan

I. LAYUNIN
A. F7PB-IIIh-i-18 Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kwento.
B. F7PT-IIi-11 Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap.
C. F7PD-IIIh-i-15 Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at saloobin
ng tauhan.

II. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN


TEMA/PAKSA: Maikling Kwento: Paalam sa Pagkabata
SANGGUNIAN: Rex Interactive Supplemental Lesson
KAGAMITAN: Pantulong na biswal, lobo, kendi, yeso at pisara laptop at telebisyon.
KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN: Huwag mong gawin ang isang bagay na pagsisisihan
mo lamang sa huli.

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. PANIMULANG GAWAIN
1.1 Panalangin
1.2 Pagsasaayos ng Silid
1.3 Pang-araw araw na gawain
1.4 Pagtatala ng Liban
1.5 Pagwawasto ng Takdang Aralin.

A. AKTIBITI 1
Pagpapanood/pagpapakinig ng isang
awiting pinamagatang “Bawat Bata”.

B. ANALISIS 1

1. Saan pumapatungkol ang awit na ating Ang awit na ating napakinggan ay pumapatungkol sa
napakinggan? mga bata.

Tumpak!

2. Ano ang iyong naramdaman habang Naging masaya ako, dahil habang pinapakinggan ko
pinapakinggan ang awitin? ang awitin ay bumabalik sa aking mga alaala at mga
masasayang pangyayari.
(Ang mga mag-aaral ay may iba pang kasagutan)

Magaling!

3. Ano ang iyong karanasan na hindi mo Ang aking karanasan na hindi malilimutan noong ako
malilimutan noong ikaw ay bata pa lamang ay mga masasayang alaala kasama
ay bata pa lamang? ang aking pamilya.

(Ang mga mag-aaral ay may iba pang kasagutan)

Magaling!

Tayong lahat ay may kanya kanyang karanasan


na hindi malilimutan noong bata pa lamang,
karanasan na nagbibigay aral at nagtutuwid sa
ating mga pagkakamali kasama ang ating
pamilya. Katulad sa Maikling Kwento na ating
tatalakayin ngayong araw na ito ating
kikilalanin ang isang bata na kung saan ay tila
hindi niya kilala ang kanyang sarili, batang
naguguluhan sa kanyang buhay.

Pagpapatalas ng Bokabularyo
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang
may salungguhit batay sa gamit nito sa
pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang
kasagutan at gamitin sa isang makabuluhang
pangungusap.

Bahay Pinag- Pangkuha ng


mga isda
aawayan
Mayaman

Gumugulo Nalaman Bahay

Kubo

1. Napakaraming bagay ang labis na 1. Gumugulo


bumabagabag kay Celso.
2. Hindi magkasundo ang mag-asawang 2. Pinag-aawayan
Tomas at Isidra dahil sa mga konting
bagay na lagi nilang pinagtatalunan.
3. Laging napapatingin si Celso sa bahay- 3. Bahay-kubo
pawid na kanyang nadaraanan pag-uwi.
4. Nagulat si Celso sa lihim na kanyang 4.Nalaman
natuklasan.

5. Tinaga ni Celso ang lambat ng kanyang 5. Pangkuha ng isda


ama.
AKTIBITI 2
Pagpapanood ng Maikling Kwento Paalam sa
Pagkabata ni Nazareno D. Bas

ANALISIS 2
1. Sino sino ang mga tauhan sa Ang mga tauhan sa kwento ay sina Celso, Tomas at
kwento? Isidra.

Magaling!

2. Sa inyong palagay ano ang madalas na Ang madalas na bumabagabag kay Celso sa unang
bumabagabag kay Celso? bahagi ng kwento ay ang kanyang mga problema at
kapag nakikita niya ang kanyang ina na nakatulala at
umiiyak.

(Ang mga mag-aaral ay may iba pang kasagutan)


Mahusay!

Palagi nga niyang nakikita ang kanyang ina na


umiiyak na hindi niya malaman ang dahilan.

4. Ano ang pinagtatalunan ng mag- Ang pinagtatalunan ng mag-asawa ay ang pag-iisip na


asawang Tomas at Isidra? pinagtaksilan ni Isidra si Tomas.

(Ang mga mag-aaral ay iba pang kasagutan)

Magaling!

Ang madalas nga na pinagtatalunan ng mag-


asawa sa kwento ay ang pag-aakala ni tomas na
pinagtaksilan siya ni Isidra noong mga
panahong wala siya at nasa laot.

5. Bakit kaya ang pamagat ng kwento ay Kaya siguro naging paalam sa pagkabata ng pamagat
“Paalam sa Pagkabata” ? ng kwento ay dahil sa gusto na lamang niya
makalimutan lahat ng mga mapapait na alaala noong
siya ay bata pa.
Magaling!

(Ang mga mag-aaral ay may iba pang kasagutan)


Mahusay!

Ang naging pamagat ng ating kwento ay


paalam sa pagkabata sapagkat gusto na lamang
kalimutan ni Celso ang kanyang mga hindi
magagandang alala-ala noong siya ay bata pa
lamang ngayong nagsisisi na si Tomas sa
kanyang ginawa at handa ng magbago.

C. ABSTRAKSYON
Panuto: Bigyan ng reaksyon ang mga
sumusunod na larawan at ipaliwanag.

Nalulungkot ako Galit ako

Gusto ko ito Pusuan mo ito

Sapagkat hindi kaaya-


ayang makita ang pag-aaway ng mga
magulang.

Hindi naman dapat na kailangan pang


saktan ang anak mapagsabihan lamang.

Masayang makakita ng isang buo at


nagkakasiyahang pamilya. Katulad ni
Celso sa kwento ito ang pamilya na
kanyang inaasam-asam.
Dugtungan Mo!

Ang pagdidisiplina sa anak ay hindi lamang sa Maaring sa maayos na pakiusapan mapagsabihan lang
pamamagitan ng pamalo ito at maitama ang kanyang pagkakamali.

Habang tayo ay bata pa kailangan Nating pahalagahan at gawin ang nararapat upang hindi
natin ito pagsisihan sa huli.

D. APLIKASYON
Pangkatang Gawain
Iangkop ang sariling katauhan sa katauhan,
kilos damdamin at saloobin ng mga tauhan sa
Maikling Kwento.
Pangkat I
Tula (Bigkasan ng Makata)

Pangkat II
Tableu (It’s frozen time)

Pangkat III
Pag-awit (Himig Handog)
Pangkat IV
Pagsasadula (Lights Camera Action)

Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa-5 puntos
Kasiningan-5 puntos
Kaisahan ng pangkat-5 puntos
Kabuuan- 15 puntos

Interpretasyon
5 Palakpak (15-12 puntos)
3 Palakpak (11-8 puntos)
2 Palakpak (7 pababang puntos) IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng wastong kasagutan.
1. Ano ang pamagat ng nasabing akdang
tinalakay?
A. Paalam sa Pagkabata
B. Lambat ng Buhay
C. Paalam sa Buhay-Bata
D. Dalampasigan

2. Sino ang orihinal na may akda ng akdang


sinabi?
A. Narciso G. Reyes
B. Santiago Pepito
C. Nazareno D. Bas
D. Alejandro G. Abadilla

3. Nasa anong uri ng pamanitikan ang nasabing


akda?
A. Maikling Kwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Alamat

4. Anong bagay ang sa tuwing nakikita ni Isidra


ay naluluha siya?
A. Salamin
B. Bahay
C. Lambat
D. Bangka

5. Saang lugar sa Pilipinas naganap ang kwento?


A. Davao
B. Cebu
C. Zambuanga
D. Bacolod
Susi sa Pagwawasto
1. A
2. C
3. A
4. C
5. B

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng tungkol sa Gamit ng Pang-
ugnay sa Pagsasalaysay at Pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari.

Inihanda ni:

WELSON A. CUEVAS
Guro sa Filipino

You might also like