You are on page 1of 10

DEPARTMENT OF EDUCATION

Division of Camarines Sur


SAN JOSE PILI CAMARINES SUR
Pili Camarines Sur

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

“Tayutay”
Lunes
8-Rose, Daffodil, Cattleya,

Ika-4 ng Pebrero, 2020

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. maisa-isa ang mga iba’t ibang uri ng tayutay.


b. makapagbabahagi ng sariling saloobin o damdamin hinggil sa mga uri ng
tayutay; at
c. makagagawa ng iba’t ibang gawain/aktibi gamit ang mga tayutay

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Matatalinhagang Pagpapahayag o Tayutay
b. Batis: Retorika, *Badayos, Paquito B. et. Al. 2010. Yaman ng Pamana Wika at
Panitikan II. Vibal Publishing House Inc. Quezon City.
c. Kagamitang Panturo: Aklat, laptop, projector, powerpoint presentation,
kagamitang biswal
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Nalilinang ang kasanayan sa
paggamit ng mga tayutay sa pagsasalit at pagsusulat.
e. Konsepto: Ang Tayutay ay siang paraan ng makulay na pagpapahayag.
Naglalayon itong gawing marikit at masining ang pagpapahayag upang maging
mabisa at kawili-wili ang pag-unawa sa damdaming ipinahihiwatig nito.
f. Halagang Pangkatauhan: Pagpapahalaga at paggamit ng mga kakaibang istilo
sa pagpapahayag ng diwa at kaisipan
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Ingles at Panitikan
h. Metodolohiya: 4A’s Approach o Dulog (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon,
Aplikasyon)

III. PAMAMARAAN

Oras
Pasunod-
na (IM’s)
sunod na Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ilalaa Kagamitan
Gawain
n
2 A. Panimulang
min. Gawain
1. Panalangin Tumayo ang lahat para sa
panalangin, Justin maaari mo
bang pangunahan ang
pagdarasal? Ama namin na
makapangyarihan sa lahat.
Hinihiling po namin ang inyong
presensya at patnubayan
ninyo po kami sa bagong
kaalamang tatalakayin po
namin ngayon.
Patnubayan ninyo rin po ang
aming guro na siyang
pagmumulan ng kaalaman
ngayong umagang ito. Iyan
lamang po ang aming samo’t
dalangin sa matamis na
pangalan ni Hesus. Amen.

2. Pagbati Magandang buhay sa lahat!


Kumusta kayo? Magandang buhay din po Sir.
Mabuti naman po.

3.Pagpapanatil Bago maupo ang lahat, (Ang lahat ay aayusin ang


i ng Kalinisan pakiayos muna ng inyong mga kanilang upuan at pupulutin
at upuan sa tamang linya at pulutin ang mga duming nakakalat.)
Kaayusan ang mga
basurang na nakakalat sa ilalim
ng inyong upuan.

4. Pagtala ng Kalihim, maaari mo bang itala at Sir, wala pong liban sa araw
Liban sa klase iulat sa klase ang liban sa araw na ito.
na ito.
Mahusay!

5. Pagpasa o Mayroon ba akong ibinigay na


Pagwasto ng takdang-aralin sainyo? Meron po!
Kasunduan Basahin at unawain ang mga
iba’t ibang ri ng mga tayutay.

Binasa niyo ba ang paksa na


may pag-unawa? Opo Sir!

6. Pagbabalik- Ano ba ang huli nating tinalakay Ang paksang tinalakay po


aral noong nakaraang pagkikita? natin noong nakaraang araw
Mark. ay tungkol sa mga
pangunahing uri ng tayutay.

Ano-ano ang mga pangunahing Ang mga pangunahing uri ng


uri ng tayutay? James. tayutay sir ay pagtutulad,
pagwawangis, pagsasatao,
pagmamalabis, at pagtawag
Magaling! po

3 min. 7. Pagganyak Noon hanggang ngayon, Powerpoint


kilalang mangingibig ang mga presentatio
Pilipino at kadalasang n, projector,
umuusbong ang pagliligawan laptop (mga
sa edad ninyo ngayon. larawan)
Napapansin niyo na ang
kagandahang at kagwapuhan
ng kapwa binata’t dalaga. Saksi
sa inyong mga ligaw-tingin at
pagsusuyuan ang lugar ng
inyong tagpuan.

Saan ba kadalasang
nagliligawan ang mga binata’t
dalaga? Sa tabi ng dagat po
“SA TABI NG DAGAT” Tumpak!

Isang sa mga itinuturing na


pinakamagandang tula ng pag-
ibig sa panulaang Filipino ay
ang “Sa Tabi ng Dagat” ni
Ildefonso Santos.

Babasahin ng Guro ang tula sa (tahimik na nakikinig ang mga Kagamitang


harap ng klase na sasaliwan ng mag-aaral) biswal
isang awit ng pag-ibig.

Mga gabay na Tanong:

Sino ang nagsasalita sa tula? Marahil po ay ang lalaki

Sino ang kanyang Kinakausap? Ang kanyang kasintahan pong


babae

Ano ang nangingibabaw na Pagliligawan at pag-iibigan po


damdamin sa tula?

Sa palagay mo ba’y tapat ang Opo!


lalaki sa kanyang pag-ibig?

Sa makabagong panahon, ano Facebook na po Sir.


baa ng uri ng ligawan ngayon
ng mga kabataan?

3 min. B. Paglalahad Magkaiba man ang


ng Aralin pamamaraan ng ligawan noon Powerpoint,
Paglalahad at ngayon, ang mahalaga ay projector,
ng Paksa laptop, tsok
ang wagas na pagmamahalan
at pisara
na namamayani sa kaibuturan
ng bawat pusong umiibig. Mula
sa tulang bingkas, may mga
paglalarawang sinipi upang
bigyan ng ibayong pansin.

“at sakong na wari;y kinuyom


na rosas”

“di na kailangang sapnan pa


ang pang binalat-sibuyas”

Sa isang pilapil na nalalatagan


ng damong may luha ng mga
bituin”

“patiyad na tayo’y
maghahbulang simbilis ng
hangin”

Ano sa tingin ninyo ang tawag


sa mga pangungusap na
nabanggit? Tayutay po
Tumpak! Tayutay!

Paglalahad ng Ang paksang ating tatalakayin


Layunin ngayong araw ay tungkol sa
Tayutay at may uri nito kung
kaya’t gaya ng dati mayroon
tayong layunin o pokus ng ating
gagawing pag-aaral. Pakibasa
ng lahat.
Mga Layunin:
a. maisa-isa ang mga
iba’t ibang uri ng
matatalinhagang
pagpapahayag o
tayutay.
b. makapagbabahagi
ng sariling saloobin
o damdamin hinggil
sa mga uri ng
matatalinhagang
pagpapahayag o
tayutay; at
c. makagagawa ng
iba’t ibang uri ng
mga gawain batay
sa mga halimbawa
ng iba’t ibang uri ng
mga tayutay.

15 a. Aktibiti Mekaniks: Musika,


min. speaker, at
May mga halimbawa ng iba’t kagamitan
ibang uri ng tayutay na biswal
nakasulat sa papel at ididikit ang
mga ito sa pisara. Habang (Makikilahok sa gawain)
tumutogtog ang isang kanta ay
iikot sa bawat mag-aaral ang
mga uri ng tayutay na nakasulat
sa maliit na papel. Kapag tumigil
ang togtog kung sino ang may
mga hawak ng maliit na papel
na may nakasulat na mga uri ng
tayutay ay kailangan idikit yaon
sa pisara kung saan sa tingin
nila ay tama ang halimbawa.

Bawat tamang sagot ay may


karampatang puntos

10 b. Analisis Analisahin natin ang unang Powerpoint,


min. pahyag na sinipi mula sa tula projector at
laptop
“at sakong na wari’y kinuyom
na rosas”

Ano-anong mga bagay ang


pinaghahambing? Sakong at rosas po

Anong salita ang ginamit sa


paghahambing? Wari’y o wari ay
Ano ang ibig ipahitawig ng
pahayag?
Mamulamula ang kanyang
sakong
Ano ang tawag sa
paglalarawan na kung saan
ito’y paghahambing na
ginagamitan ng mga salitang
wari, gaya,tila, at parang?
Pagtutulad o simile
“di na kailangang sapnan pa
ang pang binalat-sibuyas”

Anong mga bagay ang


inihahambing sa pahayag na
ito?
Paa at binalat-sibuyas po
Ano baa ng ibig sabihin ng
salitang binalat sibuyas?
Maputi at makinis
Ano ang tawag sa
paglalarawan na kung saan
inihahambing ang dalawang
magkaibang bagay na walang
ginagamit na salit o parirala
upang paghambingin ang mga
ito?
Pagwawangis o metaphor po
“sa isang pilapil na nalalatagan
ng damong may luha ng mga
bituin”

Ano ang katangian ng isang ta


ang matatagpuan sa linyang ito
ng tula?
Pagluha po
Anong ang bagay na binibigyan
buhay sa linyang ito?
Bituin Sir
Lumuluha ba ang mga bituin?
Hindi po, dahil tao lamang po
ang lumuluha
Ano ang ibig ipahiwatig ng
pahayag?
May mga patak ng hamog ang
dahoon
Anong uri ng pagsasalarawan
kapag nagbibigay buhay sa
mga bagay gamit ang kilos o
galaw ng tao?
Pagsasatao o personification
“patiyad na tayo’y
maghahabulang simbilis ng
hangin”

Ano ang ibig sabihin ng


pahayag na ito na mula sa
tula?
Maghahabulan sila ng
Anong uri ng paglalarawan na napakabilis
kung saan lumalagpas sa
katotohanan ang
ipinahihitawig?

“O tukso layuan mo ako” Pagmamalabis o hyperbole


Sir
Anong gawi ang namumutawi
sa pangungusap?

Nasa anong uri ng Tila tumatawag po


paglalawaran ang pahayag na
ito?

Pagtawag po o apostrophe Sir


5 min. c. Abstraks Ang mga ginawa nating
yon pagsusuri o pag-aanalisa sa
mga taludtod ng tula ay
makatutulong upang may
mapalalim natin ang kaalaman
sa Tayutay.

Ano ang unang uri ng tayutay?


Ken. Sir ang unang uri po ng
tayutay ay pagtutulad. Ito po
ay nagpapakita ng isang
tahasang paghahambing ng
dalawang bagay, tao,
pangyayari o kaisipan at iba
pa.
Tumpak Ken. Karagdagan,
ginagamitan ito ng mga salitang
gaya ng, para, wangis, wari,
animo, tila at mistulan at tulad

Ano naman ang ikalawang uri


ng tayutay? Jun Pagwawangis po Sir, ito po ay
tuwiran o tahasang
pagkukumpara o pagtutulad.
Mahusay! Ito rin ang hindi
gumagamit ng mga salita o
pariralang tulad ng nasa Kagamitang
pagtutulad. biswal

Ang pangatlong uri? Beth. Pagsasato po, ito po ay


pagbibigay katauhan sa mga
bagay na walang buhay.
Tama. O kadalasa’y sa mga
abstraktong kaisipan.

Ang pang-apat na uri? Karl. Ito po ay ginagamit kapag


pinasisidhi ang paglalarawan
sa isang bagay, pangyayari,
kaisipan, o damdamin.
Pagmamalabis po Sir Jet.
Magaling Karl.

Ang panglimang uri ng tayutay?


Francis.
Sir jet ito po ay ang pagtawag,
pagpapahayag ng isang
karaniwang bagay o isang I
nadaramang kaisipan na
Salamat francis. Maaari ring parang isang buhay na tao.
isang taong kaharap na
kinakausap gayong wala
naman.

(Talakayan)
3 min. d. Aplikasyon Mekaniks:

Magkakaroon ng pangkatang
gawain ang mga mag-aaral at Pamantayan:
hahatiin sa limang grupo. Gamit Powerpoint,
ang papel na ibibigay ay Ideya o Kaisipan 5 puntos projector at
pasusulatin ng maikling Pagkamalikhain 5 puntos laptop
sanaysay na di bababa sa Kooperasyon 5 puntos
limang pangungusap. ------------
Kailangan nilang bumuo ng 15 puntos
mga pangungusap na
napalolooban ng iba’t ibang uri
ng mga tayutay. Kailangang
talakaying mabuti at pipili
lamang sila ng isa sa mga
paksa:

a. Pag-ibig
b. Pamilya
c. Kaibigan
d. Pag-aaral
e. Pangarap

3 min. Pagpapahalag Bilang isang mag-aaral paano


a mo mapapalawak at patuloy na
magagamit ang tayutay sa
iyong araw-araw na
pamumuhay? Sa kasalukuyang panahon
maraming mga tao ang
nakalilinot na sa ating sariling
wika maging sa paggamit ng
mga masisining na
pagpapahayag o
matatalinhagang salita o
tayutay. Marapat lamang na
gamitin ito sa araw-araw
upang lubos na maunawaan
ang tamang paggamit.
Mapapalawak ko ang aking
kaalaman sa pamamagitan ng
pagsusulat ng mga tula na
may mga tayutay.
Magaling! Nararapat lang na
pagibayuhin ang paggamit ng
mga tayutay lalo na sa
pagsusulat ng mga tula upang
malinang at hindi makalimutan
ng ibang tao ang sariling wika
lalo na ang tayutay.
3 min. Paglalahat Ano ulit ang ating tinalakay? Ang tinalakay po natin ay
tungkol sa mga uri ng tayutay.

Edric, ano po ang aral na Sir Jet. Ang natutuhan kop o


natutuhan mo sa paksang ito? sa paksang ating tinalakay ay
maliban po sa limang
pangunahing uri ng tayutay ay
may iba pang mga uri.

Maraming Salamat Edric!


Karagdagan, naglalayon itong
gawing marikit at masining ang
pagpapahayag upang maging
mabisa at kawili-wili ang pag-
unawa sa damdaming
ipinahihiwatig. Marami pa’ng uri
ang tayutay maliban sa limang
pangunahin uri nito. Ito ay ang
mga sumusunod:

1.

IV. EBALWASYON

I. PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang makikita sa bawat pahayag.

1. Siya’y uminom ng isang balding gatas.


2. Animo’y isang paruparokung lumigaw si Basti sa dalaga.
3. Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan.
4. Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isa kung hihipuin.
5. Mga basing sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan.
6. O, pagtulog! Dalawin mo ako nang ako’y mahimbing na!
7. Gabundok ang labahin niya kaya siya ay nakasimangot.
8. O, dagat! Iduyan mo ako sa iyong mga alon.
9. Ang puso mp’y bato dahil hindi marunong magmahal.
10. Ibinulong ng hangin sa akin ang walang maliw niyang
pagsinta.

Susing sagot:

1. PAGMAMALABIS
2. PAGTUTULAD
3. PAGSASATAO
4. PAGTUTULAD
5. PAGWAWANGIS
6. PAGTAWAG
7. PAGMAMALABIS
8. PAGTAWAG
9. PAGWAWANGIS
10. PAGSASATAO

TAKDANG ARALIN
Ika- 5 ng Pebrero, 2020
Panuto: tukuyin ang tayutay na makikita sa bawat pahayag. Kilalanin ang uri ng tayutay
at ibigay ang kahulugan nito.

1. Para ng halamang lumaki sa tubig,


Daho’y nalanta munting di madilig
Ikinalulunoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig
(Florante at Laura)

a. Tayutay __________________________
b. Uri ng Tayutay _____________________
c. Kahulugan ________________________

2. Lumuha ang langit


At ang mundo ay nanliit
Kumakaway sa bakod
Ang anghel na nakatanod
(Saranggola ni Pepe)

a. Tayutay __________________________
b. Uri ng Tayutay _____________________
c. Kahulugan ________________________

3. Nang isinilang ka sa mundong ito,


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
(Anak ni Freddie Aguilar)

a. Tayutay ________________________
b. Uri ng Tayutay ___________________
c. Kahulugan ______________________

Inihanda ni:

JETHRO G. OREJUELA
Nagsasanay na Guro sa Filipino 8

Nabatid:

BERNARDINA C. ABRAHAM
Katuwang na Guro-Dalubguro, Filipino 8

You might also like