You are on page 1of 40

Ano ang pumapasok sa

iyong isipan sa tuwing


maririnig ang salitang
DULA?
“Ang mundo ay isang teatro…”
- Shakespeare

2
3
Free powerpoint template: www.brainybetty.com
Dula
Ito ay nahango sa salitang
Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
Dula
Ito ay isang pampanitikang
panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan.
Ang dula ayon kay:
Aristotle
Ito ay isang imitasyon o
panggagagad ng buhay.
Ang dula ayon kay:

Rubel
Ito ay isa sa maraming
paraan ng pagkukwento.
Free powerpoint template: www.brainybetty.com
Ang dula ayon kay:

Sauco
Ito ay isang uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang mensahe sa
manonood sa pamamagitan ng kilos ng
katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.

Free powerpoint template: www.brainybetty.com


Kahalagahan ng Dula:
Gaya ng ibang panitikan,
karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa
totoong buhay.
Free powerpoint template: www.brainybetty.com
Kahalagahan ng Dula:
Inilalarawan nito ang mga
damdamin at pananaw ng mga
tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.
Free powerpoint template: www.brainybetty.com
Mga Sangkap ng Dula

Simula Gitna Wakas


Kasukdulan Kalutasan
Tauhan Tagpuan Tunggalian Kakalasan

Sulyap sa Suliranin Saglit na Kasiglahan


Tauhan
Ang mga kumikilos at
nagbibigay buhay sa
dula.
Tagpuan
Ang panahon at pook kung
saan naganap ang mga
pangyayaring isinasaad.
Sulyap sa Suliranin
Pagpapakilala sa problema ng kwento.
Pagsasalungatan ng mga tauhan, o
kaya’y suliranin ng tauhan na sarili
niyang likha o gawa.
Saglit na Kasiglaan
Ito ay ang saglit na paglayo
o pagtakas ng
mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Tunggalian
Maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang
sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
isa o patung-patong na tunggalian.
Kasukdulan
Sa puntong ito nasusubok ang
katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso
ang damdamin o ang
pinakakasukdulan ng tunggalian.
Kakalasan
Ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin
at pag-ayos sa mga
tunggalian.
Kalutasan
Dito nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin
at tunggalian sa dula.
Mga Elemento ng Dula
- Iskrip o Banghay
- Tagadirehe o Direktor
- Gumaganap o aktor/ Karakter
- Manonood
- Dayalogo
- Tanghalan
- Tema
Iskrip o Banghay
Ito ang pinakakaluluwa ng
isang dula. Sa iskrip nakikita
ang banghay ng isang dula.
Aktor o Karakter
Ang nagsisilbing tauhan ng
dula at nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip.
Dayalogo
Ang mga bitaw na linya ng mga
aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang
mga emosyon.
Tanghalan
Ang anumang pook na
pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula.
Tagadirehe o direktor
Siya ang nag-i-interpret sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.
Manonood
Saksi sa isang pagtatanghal. Hindi
maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao.
Tema
Ito ang pinakapaksa
ng isang dula.
Bahagi ng Dula
Yugto
Tanghal- eksena

Tagpo
Yugto (Act)
Kung baga sa nobela ay
kabanata. Ito ang
pinakakabanatang paghahati
sa dula.
Tanghal-eksena (Scene)
Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay
maaaring magbadya ng pagbabago
ng tagpuan ayon sa kung saan
gaganapin ang sususnod na
pangyayari.
Tagpo (Frame)
Ito ay ang paglabas at
pagpasok ng kung sinong
tauhang gumanap o
gaganap sa eksena.
Mga Uri ng Dula
• Komedya
• Trahedya
• Melodrama o “Soap Opera”
• Parsa
• Parodya
• Proberbyo
Komedya
Kapag masaya ang tema,
walang iyakan at magaan sa
loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
Trahedya
Kapag malungkot at kung
minsan pa ay nauuwi sa isang
matinding pagkabigo at
pagkamatay ng bida.
Melodrama o “Soap Opera”
Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya,
at kung minsan ay eksaherado
ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang
damdamin ay pinipiga para lalong madala ang
damdamin ng mga nang sila ay maawa o
mapaluha sa nararanasan ng bida.
Parsa
Kapag puro tawanan at walang saysay
ang kwento, at ang mga aksyon ay puro
“Slapstick” na walang ibang ginawa
kundi magpaluan at maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.
Parodya
Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang
ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao
bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna
o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa
ngunit nakakasakit ng damdamin ng
pinauukulan.
Proberbyo
Kapag ang isang dula ay may
pamagat na hango sa bukambibig
na salawikain, ang kwento ay
pinaiikot dito upang magsilbing
huwaran ng tao sa kanyang buhay.
Kontribusyon sa Panitikang Pilipino
Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng
Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong
nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng
mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino.
Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin
ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat,
bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino.
Talasanggunian:
Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino. 33 Acebo St., Marulas Valenzuela,
Metro Manila: 24K Printing Co, Inc.,1989
Rubin, Casanova, Gonzales, Marin, Semorlan.Panitikan sa Pilipinas. 856 Nicanor
Reyes, Sr. St., Manila, Philippines: Rex Book Store, Inc., 2001
Arrogante, Jose A. Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino. 58 Kalayaan St.,
Diliman, Quezon City: National Book Store, Inc., 1991
http://iamcarlitorobin.wordpress.com/2011/10/05/ang-makulay-na- mundo-ng-dula/
http://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-dulang-pilipino-sa-panahon- ng.html
http://www.scribd.com/doc/100492107/Filipino-505-Katuturan-Ng-Dula
http://www.scribd.com/doc/34412025/Dula

Free powerpoint template: www.brainybetty.com

You might also like