You are on page 1of 16

Kasaysayan ng

Dula sa Pilipinas
Ulat ni
Hennevivia Codamon
Daryl Joy sagapan
Dula o Drama
• Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa
diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang
komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika
at galaw ng mga aktor.
• Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay
maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.
DULANG PILIPINO
KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
• Ayon kay Tiongson na ang drama ay binubuo ng
tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”,
at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng
tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan.
• Ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang
mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.
• Nawika ni Tiongson, memises ang pangunahing sangkap
ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng
aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng
mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga
sa Pilipinong dula.
Ang dula
 Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula,
ang mga pangarap ng bansa.
 Dito ipinapakita ang mga katutubong
kultura, paniniwala, at tradisyon.
 Ikinukuwento rin ang paghihirap at
pagpupunyagi sa buhay ng mga
katutubong Pilipino.
 Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo
ng kanilang pamahalaan at uri ng
lipunan.
• Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan
ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga
dayuhang mananakop.

• Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na


mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-
ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang
awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay
mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay
sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at
ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng
kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan,
kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian,
pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp.
Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay
mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong
pilipino.
Ang Ritwal Bilang Pinag-ugatan ng Dula
• ang mga sayaw at ritwal na katulad ng paggaya ng tao sa
patak ng uylan noong sila’y nangangailangan ng tubig
mula sa langit
• panggagaya ng mga mag-asawang hindi magka-anak sa
mga mag-asawang may anak (fertility dance ritual).
Panahon ng Kastila
• Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng
Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang
pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang
pagbibinyag sa mga katutubo.

• Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan,


ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga pagdadala
ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa,
piano, espada, libro atbp.
Ang dula at dulaan
Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng
dula noong panahon ng Kastila, mahahati ito sa tahanan, sa
labasan at sa tiyak na entablado.

• 1.) sa tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan,


bugtungan at dulog o pamamanhikan

• 2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan,


pangangaluluwa, tibag, santakrusan, moriones at hugas-
kalawang.

• 3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro,


carilyo, senakulo at sarsuwela.
Mga manunulat ng dula
• Severino Reyes (1861- 1942), ang moro- moro o comedia ay
walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga
manonood kaya’t pinagsikapan niyang ito’y palitan ng
inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at karikitan
ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang
makabagong uri ng dulang tagalog, ang sarsuwela, wala
nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng
pamosong Walang Sugat.
• Patricio Mariano( 1877- 1935). Siya ay nakapag-ambag na
sa iba’t ibang larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y kinikilala
hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa
pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista
at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila.
• Blagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang
Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw.
May mga pagkakataong ang banghay ng
pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan
ng pagtatalo sa isang paksang hindi
romantiko.

• Batutian- isang mimetiko at satirikong


pagtatalong patula na may kayarian ng isang
dula na pinangalanan sa makatang si Jose
Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag
panulat na Huseng Batute.
• Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang
nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na
“Ama ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasa at
Batutian ng mga Tagalog.

• Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat


sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang
Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan
at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga
Ilokano.
• Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na
nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na
si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kaunaunahang
balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de
Mujeres noong 1924, Abg nga nakatabg nagtagisan ng
talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino
Collantes.

You might also like