You are on page 1of 14

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

Karunungang-Bayan

Para sa Filipino 8
UNANG
UNANGMARKAHAN-LINGGO
MARKAHAN-LINGGO1 1

SARILING LINANGAN KIT

1
Isa sa mahalagang aspekto ng pagtuturo at pagkatuto ay ang mga mag-
aaral. Sila ang sentro ng paaralan at ng sistemang pang-edukasyon. Bilang sentro
ng edukasyon mahalaga na maibigay sa kanila ang pagkatuto na lilinang at huhubog
sa kanilang pagkatao. Sa panahong ito sinusubok ang kakayahan ng mga guro
kung paano maiparating ang pagkatutong ito. Isa sa magandang pamamaraan na
sasagot sa pangangailangan ng mga mag-aaral ay ang “Self Learning Kit” (SLK).

Narito ang “Self Learning Kit” (SLK) sa Filipino na sadyang inihanda para sa
mga mag-aaral ng ikawalong baitang. Nais ng SLK na ito na higit na malinang at
mahubog ang kaalaman sa pagbabagong nagaganap sa panitikang Pilipino mula sa
makalumang panahon hanggang sa kasalukuyan. Maipakita ang pagyakap sa
pagbabago at pakikipagsabayan sa agos ng panitikang Pilipino. Sa pamamagitan
nito maipabatid din sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng ating sariling panitikan.

Makikita sa SLK na ito ang mga dapat mong matutunan at ang mga
kasanayang pupukaw sa iyong malikhaing imahinasyon at gigising sa puso mong
uhaw sa kaalaman sa mga akdang napamahal at mayroon tayo bilang bahagi ng
kulturang Pilipino, ang Panitikang Pilipino.

Sa pagbabago ng mundo sumasabay din ang ating panitikang Pilipino. Kaya


halina at tuklasin ang pagpapalit-anyo ng ating Panitikang Pilipino.

2
Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
 Nakakikilala ang mga karunungang-bayan bilang bahagi ng panitikang
Pilipino
 Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit
 Naiuugnay ang mga karunungang-bayan sa kasalukuyang pangyayari
 Naipapahayag ang posibleng mangyayari kung ang mga karunungang-bayan
ay hindi matutuhan sa kasalukuyan.

A 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo


Sa araling ito maipapamalas ang iyong pag-unawa sa mga
karunungang-bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga
Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noong panahon
na naisulat ito at mapapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating
pinagmulan.
A 1.1.1 Karunungang-bayan
 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining
na pahayag ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento,
epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan (F8PT-
Ia-c-19)

3
AYUSIN MO AKO!
Ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon na nasa kaliwang bahagi.
Isulat ang iyong sagot sa kahon na nasa kanang bahagi .

1. Nasa awa Diyos ang,


Tao nasa ang gawa.
2.
Anak paluhain na di Ina
patatangisin ang
3.
Pag hangin nagtanim ng
Aanihin ang Bagyo

4. Kung uukol hindi


Hindi bubukol
5.

Daig maagap ng
Ang masipag

4
Pagganyak:
Tayong mga Pilipino ay maswerte
sapagkat maraming mga pamana ang
iniwan sa atin ng ating mga ninuo. Isa na rito
ay ang mga panitikang Pilipino.

Simulan nga
nating alamin mula sa
iyo kung ano-anong
mga panitikang Pilipino
ang alam mo. Pakitala
sa graphic organizer na
makikita sa ibaba.

Mga
Panitikang
Pilipino

5
Aanhin pa ang damo. Kung patay na ang kabayo.

1. Naniniwala ka ba sa isinaad ng pahayag na nakasulat sa loob


ng kahon na nasa itaas na bahagi?
2. Anong mga mahahalagang ideya ang nais na iparating ng
pahayag?
3. Sa iyong palagay,ano ang kahalagahan sa pag-aaral ng
ganitong klase ng mga pahayag?

1. ______________________________________
_______________________________________.
2. _______________________________________
_______________________________________.
3. _______________________________________
_______________________________________.

6
Ngayon alamin natin!

Sinasabing mayaman sa panitikan ang ating mga ninuno


bago pa man dumating ang mga Espanyol na sumasalamin sa
nakagisnan , kalinangan, at kultura ng lahing Pilipino.
Napapabilang dito ang karunungang-bayan (salawikain,
sawikain/kawikaan, bugtong, palaisipan).

Anu-ano nga ba itong mga


Karunungang-Bayan?

Karunungang-bayan= ito ay
tinatawag ding kaalamang-bayan na
binubuo nga mga salawikain,
sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at bulong. Karaniwan
itong nagmula sa mga Tagalog at
hinango sa mahahalagang tula.

7
Salawikain= mga pahayag na karamiwang patalinghaga na may kahulugang
nakatago. Ito ay may layuning mangaral at akayin ang kabataan patungo sa
kabutihang-asal.
Halimbawa ng Salawikain:
1. “Ang sakit ng kalingkingan, 4. “Pag ang tubig ay magalaw
Damdam ng buong katawan” Ang ilog ay mababaw.”

2. “Walang gawaing mahirap sa 5. “Ang hindi lumingon sa pinang-


Taong matiyaga.” galingan, Di makararating sa
Paroroonan.”

3. “Kaibigan sa harapan, 6. “Kapag may itinanim,


Kaaway sa talikuran.” May aanihin.”

Sawikain (Idyoma) =ito ay salita o pahayag na hindi gumagamit ng marahas


na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain ay masasabing
mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging
maganda ang paraan ng pagpapahayag.

Halimbawa ng Sawikain:

Sawikain Kahulugan
Itaga mo sa bato Pakatandaan
Mahaba ang kamay Magnanakaw
Bagong tao Binata
Bulang-gugo Gastador
Bukas ang palad Matulungin
Kabiyak ng dibdib Asawa
Nagsusunog ng kilay Masipag mag-aral

Kasabihan=ito ay mga kasabihan noong unang panahon ay yaong


mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga

8
tinatawag na “Mother Goose Rhymes”. Ito ay may payak na kahulugan na
kung saan nasasalamin ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao.
Halimbawa ng Kasabihan:

Putak, putak
Tiririt ng ibon,
Batang duwag
Tiririt ng maya
Matapang ka’t
Kaya lingon nang
Nasa pugad lingon

Ibigay ang kahulugan sa mga matatalinghagang


pahayag na nakasulat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa loob ng kahon na makikita sa kanang bahagi.

1. Pag nagtanim ng hangin,


Bagyo ang aanihin

2. Nasa Diyos ang awa,


Nasa tao ang gawa.

Ano ang Natutunan Mo?

Gawain 1:

9
Panuto: Mula sa mga nakasulat na mga karunungang-bayan na nasa ibaba iugnay
ang mga kaisipang nakapaloob dito sa mga pangyayari sa Tunay na Buhay sa
Kasalukuyan at isulat ang iyong sagot sa mga kahon na kulay dilaw na nasa loob ng
ilustrasyon sa ibaba. Isulat mo rin kung ano-ano ang mga posibleng mangyari kung
ang mga ito ay hindi na matututuhan ng kabataan sa kasalukuyang panahon at isulat
ang iyong sagot sa kahon na kulay asul na nasa loob ng ilustrasyon sa ibaba.

Salawikain Sawikain Kasabihan

Huwag gawin Tulak ng


Balat
sa iba, ang bibig,
kalabaw
ayaw mong (walang hiya) Kabig ng
gawin sa iyo. dibdib

Kaugnayan ng mga Kaisipan ng mga ito sa Tunay na Buhay sa


Kasalukuyan.

Posibleng mangyari kung di na ito matututuhan ng mga mag-aaral.

10
Gawain 2:
Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa patlang
na nakasulat pagkatapos ng tanong.

1. Ito ay tinatawag na kaalamang-bayan______________.


2. Ito ay naglalayong mangaral at akayin ang mga kabataan sa
kabutihang-asal__________________.
3. Ito ay tinatawag ring “Mother Goose Rhymes” sa
Ingles__________________.
4. Ito ay matalinghaga at masasalaminan ng aral sa buhay ang kilos,
ugali, at gawi ng isang tao____________________.
5. Ang salawikain, bulong, at kantahing bayan ay napabilang sa
panahon ng______________________.
6. Ang pahayag na “Itaga mo sa Bato” ay halimbawa ng
karunungang-bayan na ________________________.
7. Ang pahayag na “Kung ano ang itinanim, Siya ring aanihin” ay
halimbawa ng karunungang-bayan na ______________________.
8. Ang mga karunungang-bayan ay mga akdang pampanitikan na
lumaganap sa panahon ng mga ______________________.
9. Ang pahayag na “Bata, bata, pantay-lupa, asawa ng palaka”, ay
halimbawa ng karunungang-bayan na ______________________.
10. Ang mga salawikain, sawikain, kasabihan at bugtong ay mga
halimbawa ng ____________________________.

11
SINOPSIS

Sa Sariling Linangan Kit (SLK) na ito matututunan ng mga mag-aaral


ang karunungang-bayan o kaalamang-bayan na minana pa natin mula sa
panahon ng ating mga katutubo. Sa Panitikang Pilipino ay marami tayong
mga karunungang-bayan nandiyan ang mga salawikain, sawikain, bulong,
bugtong at mga kasabihan. Dito sa SLK na ito bibigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral na linangin at payabungin ang kanilang kaalaman sa mga
karrunungang-bayan na nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga Pilipino, ito ay
ang salawikain, sawikain at kasabihan.

Sa SLK na ito, may mga gawain na magpapalawak sa kanilang


imahinasyon at huhubog sa kanilang pagkatao bilang bahagi nga paglinang at
pagpanatili sa ating kulturang Pilipino. Higit sa lahat ang pagbibigay halaga
sa kung anu-ano itong mga karunungang-bayan; salawikain, sawikain at
kasabihan na hanggang ngayon ay ginagamit at tumutulong sa paghubog ng
pagkatao at ugali nating mga Pilipino.

SUSI SA PAGWAWASTO

Ano ang Nangyari?

Ayusin Mo Ako! May-akda:


1. Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.
2. Anak na di paluhain, Si Gng. JILL B. JO ay nagtapos sa
Ina ang patatangisin. Mindanao State University sa kursong Bachelor
3. Pag nagtanim ng hangin,
Bagyo ang aanihin.
of Secondary Education major in Filipino sa
4. Kung hindi uukol, taong 2005. Siya ay nakapag-aral at nakakuha
Hindi bubukol. ng Complete Academic Requirements (CAR) ng
5. Daig ng maagap, Masters of Education major in Filipino Language
Ang masipag. Teaching sa Cebu Normal University.
Nakapagturo siya ng asignaturang Filipino sa
Ano ang Natutunan Mo? Kolehiyo ng ACLC-Mandaue sa loob ng
labingtatlong (13) na taon, mula taong 2005
Gawain 2 hanggang sa taong 2018 . Sa kasalukuyan siya
1. Karunungang-bayan ay guro ng Filipino sa Tipolo National High
2. Salawikain
3. Kasabihan
School at nakahandang magturo at matuto sa
4. Sawikain mga pagbabago sa Sistema ng Edukasyon sa
5. Katutubo ating bansa.
6. Sawikain
7. Salawikain
8. Katutubo
9. Kasabihan
10. Karunungang-bayan

12
Mga Sanggunian

Hanguang Internet:
“ Salawikain: 30+Halimbawa ng Sawikain at Kanilang mga Kahulugan,”
Philippine News, December 14, 2018, https://philnews.ph/2018/12/14/sawikain-30-
halimbawa-sawikain-kahulugan/

“Halimbawa ng Salawikain: 15+ ng mga Halimbawa ng Salwikain,” Philippine


News, December 19, 2018, https://philnews.ph/2018/12/19/halimbawa-ng-salawikain-
15-halimbawa-salawikain/

“Kto12-Filipino Learners Module”, LinkedIn Learning, Slideshare, August 16,


2013, https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

“Mga Salawikain at mga Kasabihan,” Pinoy Collection,


https://pinoycollection.com/salawikain/

“Kasabihan at Halimbawa Nito,” filipinotagalog.blogspot,com, July 11, 2016,


https://www.myph.com.ph/2016/07/kasabihan.html#.Xtiag1UzbIU

“Pagsasanay sa Filipino,” Samutsamot.files.wordpress,


https://samutsamot.files.wordpress.com/2014/09/patulad-o-di-patulad-na-
paghahambing_12.pdf

Canva,https://www.canva.com/design/DAEADOzJsbo/Bwpr9us_qnov2zi3SYv
E2g/edit?category=tACZCpZm2Lk#

Mga Aklat:

Julian, A. B. et al., Pinagyamang Pluma 8. Pinagyamang Pluma 8


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015, 7-24.

Lydia G. Garcia, Binagong Edisyon, Makabagong Gramar ng


Filipino Maynila: Rex Book Store, Inc., 1999, 69-72

Amba, H. P. et al., Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino


Sanayang Aklat, Dibisyon ng Negros Oriental

13
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN EdD


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO,MAEd
Education Program Supervisor in Filipino

JILL B. JO
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ EdD JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

14

You might also like