You are on page 1of 2

TAYO NA’T MAGSANAY!!

Pangalan _____________________________________________
Taon at Kurso _____________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga saknong ng tula. Tukuyin ito kung anong uri ito ng tugma at ang
sukat nito.

1. Ang sugat ay kung tinanggap


Di daramdamin ang antak
Ang aayaw at di mayag
Galos lamang magnanaknak.

2. Ang tamuneneng ko’y lumuha sa bundok.


Kasabay ang taghoy ng luha’t himutok;
Luha’y naging dagat along sumasalpok,
Ang tamuneneng ko’y sadyang napalaot.

3. Ang salita nati’y huwad din sa iba,


Na may alpabeto at sariling letra.
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

- Sa Aking Mga Kababata ni Jose Rizal

4. Ang Prinsesa’y nanahimik


sa malungkot niyang silid
si Don Pedro ay umalis
na may sugat sa dibdib

- Saknong 856 ng Ibong Adarna

5. O akasyang nalulungkot sa lansangan


Parang taong nagdarasal tuwing hapon
Kung umaga’y nakalahad iyang palad
At kung gabi’y nakatungo’t namamanglaw

-Ang akasya ni Jose Corazon De Jesus

6. Ako ay dinilim sa aking paglakad


At di ko malaman kung saan tatawag;
Ang lahat ng baga, may asong marahas,
At sa pagsama ko ang sagot ay layas.

- Ang Matanda ni Benigno Ramos

7. Sa edad kong labing-apat


Test paper ko ay panggulat
Ay! Sero ang nakasulat
Lukutin na’t gawing kalat

- Bagsak ni John Anthony Teodosio


8. Ngayo’y namamanglaw sa pangungulila
Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa
Nagdaang panaho’y inaalaala
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

- Kay Selya (Florante at Laura) ni Fransisco Balagtas

9. Narito po’t tingnan ninyo


Kapirasong barong ito,
May padala’y Ermitanyong
Sa aki’y nagpaparito.

-Saknong 889 ng Ibong Adarna

10. “O, Birheng kaibig-ibig,


Ina naming nasa langit,
liwanagan yaring isip
nang sa layo’y di malihis.”

- Unang saknong ng Bernardo Carpio

You might also like