You are on page 1of 9

8

FILIPINO
Learning Activity Sheets
Ikaapat na Markahan

Florante at Laura: Isang Obra Maestrang


Pampanitikan ng Pilipinas

20

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

0
Filipino 8
Learning Activity Sheets
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Gemma B. Obsiana


Editor : Catherine D. Diaz
Tagasuri : Lilibeth D. Meliton
Tagaguhit : Gemma B. Obsiana
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr. Ed.D., CESO V
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

1
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng Kagawaran
ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi
na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

2
Aralin 4

I. Paglalahad ng Damdaming Namamayani sa mga Tauhan Batay sa Napakinggan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan.
(F8PN-1Vg-h-37)

Panimula (Susing Konsepto)


Marami tayong mga isyu at suliranin na kinakaharap sa ngayon, maging ito man ay tungkol
sa pamilya, lipunan, politika, kapaligiran at iba pa. Bilang isang indibidwal, may karapatan at
kalayaan tayong magpahayag ng ating damdamin hinggil sa kung ano ang ating nakita o narinig.
Ang paglalahad ng damdamin sa kung anuman ang ating nabasa, nakita o napakinggan ay
mahalaga upang magkaroon ng kamalayan at kaalaman tungkol sa pangyayari sa kapaligiran.
Sa araling ito ay susuriin mo ang damdaming namamayani sa tauhan batay sa
mga saknong sa Florante at Laura.

Pagsasanay/Aktibidad
F8Q4_A4 Aktibiti 1. Panuto: Ilahad ang damdaming namamayani batay sa
tinuran ng tauhan sa bawat saknong. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba at
isulat sa sagutang papel.

Saknong Damdaming namayani


1. “Hinadulong ako sabay nitong wika
ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako’y nabulagta sa tatlong
mariing binitiwang taga”.
2. “Dito na nahubdan ang kababayan ko ng
hiram na bait na binalatkayo, kahinhinang
asal na pakitang-tao nakilalang hindi bukal
kay Adolfo”.
3. “Ako’y napahiga sa inilag-ilag sinabayang
bigla ng tagang malakas, salamat sa iyo,
O Menandrong liyag
Kung di sa liksi mo, buhay ko’y nautas”.
4. “Minulan ng galit sa pagsasayawan ayon
sa musika’t awit na saliwan, larong buno’t
arnis na kinakitaan ng kani- kanilang liksi’t
karunungan”
5. “Nanlilisik ang mata’t ang ipinagsaysay ay
hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang
winika’y ikaw na umagaw na kapurihan ko’y
dapat na mamatay”.

takot tuwa inggit galit nerbiyos lungkot

3
F8Q4_A4 Aktibiti 2. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
pahayag ng mgan tauhan. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

“Florante, iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan. Sapat na sa aking


makita kang humihinga, may buhay, may lakas at may pag-ibig”.

1. Anong damdamin ang namamayani sa pahayag?


A. nagagalit B. nagmamalasakit C. nalulungkot D. naiinip

“Florante, ang wika ng guro, “sa pagbabalik mo sa Albanya ay tandaan


mong mayroon kang isang kalaban. Ang higante ni Konde Adolfo ay
pakaingatan mo. Ituring mong ang kanyang mga mata ay para nang sa
isang basilisko na sa titig lamang ay nakamamatay”.

2. Masasalamin sa pahayag ng guro ang damdaming….


A. nag-aalala B. nalulungkot C. nagagalit D. natutuwa

“Kayo’y itinuring ko nang pangalawang magulang. ang inyong mga


pagpapagal sa akin ay hindi ko malilimot at kahit anong tagumpay ang
aking marating kayo rin ang paghahagisan ng mga alaala.”

3. Anong damdamin ang lumulutang sa pahayag ni Florante?


A. nagsisisi B. nagagalak C. nalulungkot D. naiinggit

“Ang ama ko nga ang naging matinik na landas sa aming dalawa ni


Flerida, ang patuloy ni Aladin. “Wala na siyang inibig kundi akong dugo
ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman ay mautas nang sa gayon
ay masarili niya ang aking giliw.”

4. Sa nangyari, si Aladin ay nakaramdam ng…


A. kasiyahan B. kalungkutan C. poot D. panibugho

“Oo, irog ko. Ibig kong ikaw’y maging bulaklak at ako’y maging
paruparo. Nais kong sa habang panahon ay maging ganyan na rin ang
ating pag-uulayaw. O, kaytamis mangarap sa piling ng isang
minamahal.

5. Ang naglalahad ay punumpuno ng….


A. pag-asa B. pananabik C. pag-aalala D. pag-ibig

4
II. Pagsusuri ng mga Sitwasyong Nagpapakita ng Iba’t Ibang Damdamin at
Motibo ng mga Tauhan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. (F8PB-IVg-h-39)

Panimula (Susing Konsepto)


Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang pinanggalingan at kinalakhan na kumukuha ng
malaking parte sa paghubog ng ating kilos, gawi at paniniwala. Ito ang paligid na mayroon tayo sa
bahay, eskuwelahan o maging ang mga taong palaging nakakausap natin ay nagbibigay ng
malaking impluwensiya sa ating pagkatao. Ang impluwensiyang ito ay maaaring positibo o
negatibo na puwedeng magpatatagumpay o magpababagsak sa atin. Ngunit paano kaya natin
maiiwasan ang mga bagay na magpalulugmok sa atin? May panahon pa kaya na itama ito o baka
huli na ang lahat?
Sa araling ito ay pag-aralan mo ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
at motibo ng mga tauhan ng Florante at Laura na gagabay sa iyo na hubugin ang iyong sarili.
Sa pagpapahayag ng damdamin gaya ng tuwa, galak, poot, galit, lungkot at marami pang
iba, laman nito ang motibo ng tauhan sa kaniyang kausap gaya ng pagpapaalala, pagbibigay-
lakas, pagmamahal atbp.

Mga Pagsasanay/Aktibidad
F8Q4_A4 Aktibiti 3. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga saknong ng
Florante at Laura at suriin ang damdamin at motibo ng tauhan sa bawat kalagayan. Tingnan
ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“At sa katapanga’y bantog si Aladin


H SAKNONG may buhay rin namang sukat na makitil,
iyong matatantong kasimpantay mo rin
A Sa kasamaang palad at dalang hilahil”

I Ang damdaming nangingibabaw ay


pagkalungkot dahil pinapakita na si
M DAMDAMIN
Aladin ay tao rin, may kapaguran at
marunong masaktan kahit bantog siya
B sa kaniyang katapangan.

A
Ang motibo ng tauhan sa ating
W mambabasa ay pagpapaalala na kahit
gaano katapang, katatag o bantog ang
A isang tao, siya ay tao pa rin na may
MOTIBO damdaming maaaring masugatan at
nakaramdam ng kapaguran at minsa’y
nakaranas din ng kamalasan.

5
“Ako’y walang sagot na naipahayag
SAKNONG
Kundi haring poot nagdapa sa yapak,
Nang aking hahagkan ang mahal na
S bukas kusang tindig at muling niyakap.”

A
Ang damdaming nangingibabaw ay_
G _
_
U DAMDAMIN _
_.
T

I Ang motibo ng tauhan sa ating mga


mambabasa
N
ay
_
MOTIBO .

F8Q4_A4 Aktibiti 4. Panuto: Basahin at unawain ang saknong sa ibaba. Ilahad ang iyong
sariling karanasan kaugnay dito at ibigay ang iyong naramdaman at motibo hinggil sa
karanasang ito. Gamitin ang rubrik ng pagmamarka sa ibaba bilag gabay sa paggawa. Isulat
ang iyong sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

“Ito ang nagkalat ng lasong masidhi sa


ugat ng aking pusong mapighati at
pinagnasang buhay ko ay madali sa
pinganggalingang wala’y masauli.”

Damdamin
Sariling
Karanasan Motibo

6
III. Pagsulat ng Isang Islogan na Tumatalakay sa Paksang Aralin

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin. (F8PU-

Panimula (Susing Konsepto)


“Sama-sama sa Pag-SULONG ng EduKALIDAD” ito ang tanyag na islogan ng Kagawaran
ng Edukasyon sa panahon ng pandemya. Alam mo ba kung ano ang islogan? Ano ang kahalagahan
ng mensaheng dala nito sa mga tao? At paano ito binubuo?
Ang islogan ay isang malikhaing pagbuo ng mga salita na kayang humikayat at mag-
impluwensiya sa mga tao batay sa mensaheng dala nito. Sa pamamagitan ng islogan tumatatak sa
isipan ng tao ang mensaheng ipinababatid nito sa madla. Masasabing ito’y payak lamang ngunit
epektibong paraan upang madaling maalala ang isang bagay, pangyayari, lugar at maging produkto.
Ang islogan ay binubuo ng mga payak at magkakatugmang salita ngunit malakas ang dating upang
madaling tumatak sa isipan ng mga tao. Ito ay ginagawa upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin
ang isang bagay, lugar, programa, kompanya at produkto.
Sa araling ito, sisikapin mong bumuo ng islogan na tumatalakay sa isang paksa. Kaya, tara
na gagawa at susulat tayo ng isang islogan tungkol sa mga napapanahong paksa.

Panuto: Magbigay ng limang (5) islogan mula sa mga patalastas sa radyo, telebisyon, programa o
lugar at isulat sa sagutang papel.
Halimbawa:
Lugar: Iloilo
Islogan: “Basta Ilongga, Guwapa!”

Mga Batayang Tanong


a. Batay sa nakuha mong islogan, paano ito binuo?
b. Paano ito tumatak sa isipan ng mga tao?
c. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ng islogan ang isang kompanya,
lugar o produkto?

7
F8Q4_A4 Aktibiti 5. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at bumuo ng sariling
islogan batay sa paksa. Lapatan ito ng angkop na guhit upang lalong mapatingkad
ang islogan. Gawin ito sa short na kupon at gawing batayan ang rubric sa ibaba.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya


Mahigit isang taon na buhat nang sumalakay ang COVID 19 o Corona Virus hindi
lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.
Maraming bagay ang isinakripisyo maging ang kabuhayan ng mga tao. Ang mas
masaklap pa nito ay maraming buhay ang nawala dahil sa sakit na ito. Maraming gawain
sa paaralan ang hindi naisakatuparan dulot ng COVID 19 kagaya na lamang ng
gradwasyon, face to face na klase at iba pang mga pagtitipon.
Walang pinipiling dapuan ang sakit na ito maging bata man o matanda kaya may
mga health protocol na ipinatupad ang Inter-Agency Task Force na dapat sundin upang
maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Sa kabila ng pandemyang ito, sinisikap pa rin ng Kagawaran ng Edukasyon na
patuloy na maibigay ang kalidad na edukasyon sa mga magaaral kahit na sila ay nasa
kanilang tahanan lamang upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral
ayon sa kanilang piniling paraan ng paghahatid ng kaalaman.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang
mga anak sa panahon ng new normal. Sila ang gumagabay sa mga gawain ng kanilang
mga anak bilang halili sa guro.
Sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa mga guro, hindi
imposibleng makamit ang hinahangad na edukalidad ng kagawaran kung lahat tayo ay
tulong-tulong tiyak na makamtan ang minimithing kaunlaran.
Marami sa atin na sabik nang gawin ang mga bagay na ating nakasanayan kaya
umaasa tayo na babalik na sa normal ang ating pamumuhay sa lalong madaling panahon.
Personal ni Norberto B. Valles

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


A. Kaangkupan sa Paksa 5 puntos
B. Kasiningan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUOAN 15 PUNTOS

You might also like