You are on page 1of 10

8

FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Unang Aralin

Popular na Babasahin bilang Daan sa Malikhaing Gamit ng Wika

Locally Developed Self-Learning Material

MODULE DEVELOPMENT TEAM


1
Writer:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
Modyul sa Filipino 8-Unang Linggo
Aralin 3.1: “Popular na Babasahin bilang Daan sa Malikhaing Gamit ng Wika”
Kasanayang Pampagkatuto:
F8T-llla-c-29
Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia.
F8PB-llla-c-29
ALAMIN Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw,
paraan ng, pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap.

Magandan araw! Nagbukas ka na ba ng iyong telebisyon? Nagbasa ng pahayagan at nagtingin sa facebook?


Kung oo, Alam mo na ang trending ngayon! Ngayong araw ang ating pagsasaluhan ay tungkol sa mga
napapanahong balita sa bansa. Halika’t dagdagan pa natin ang mga balita na iyong nakalap ngayong araw. Handa
ka na ba? Tara!

\
SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang teksto pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa ibaba:

DAHILAN SA PAGBAHA
Sangkaterbang basura
Bumara sa mga drainage

Sangkaterbang basura ang nahakot mula sa pumping station ng Tripa De Galina sa Pasay
City dahilan upang bumara ang mga drainage na naging sanhi ng pagbaha ng ilang lansangan sa
Metro Manila.
Kung kaya’t maghapon ay mariing nanawagan ang Metropolitan Manila Development
Authority (MMDA) sa publiko, na pairalin ang disiplina at huwag magtapon ng basura kung saan-saan
lalo na sa mga ilog.
Sa isinasagawang inspeksiyon ni MMDA Chairman Danilo Lim sa mga pumping station,
nabatid na napakaraming basura na pawing mga plastic ang nahakot na nakabara sa daluyan ng mga
tubig.
Sinabi ni Lim na mas titindi pa ang pagbaha sa Kalakhang Maynila kapag umuulan dahil sa
ganitong walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan.
Nabatid nitong kasagsagan ng bagyong Maring na lubog na tubig ang malaking bahagi ng
Metro Manila dahil barado ng basura ang ilang daluyan ng tubig.
Nabatid na ang pagbabaha din anya ang isa sa sanhi kung bakit matindi ang trapik sa mga
pangunahing lansangan ng Metro Manila kapag umuulan. (Lordeth B. Bonilla.

-Halaw sa Pinagyamang Wika at Panitikan, Gabay ng Guro, Pahina 144

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gamitin ang mga salitang nasa ibaba sa pagbibigay ng
opiniyon sa isyung tinalakay.

Sa ganang akin… Lubos akong naniniwala na… Sa tingin ko naman…

3
1. Ano ang isyung tinalakay sa balita?
Sa ganang akin ang tinalakay sa balita ay ang pag baha sa Metro Manila
_____________________________________________________________
2. Ano raw ang epekto ng pagbaha sa paglubha ng trapiko sa Metro Manila?
Lubos akong naniniwala na ang paglubha ng trapiko sa Metro Manila ay ang pag bara
Ng mga basura sa drainage katulad ng mga plastic

BALIKAN

WORD ASSOCIATION
Panuto: Mula sa salitang nasa loob ng BILOG, maglagay ng iba pang salita na may kaugnayan
sa salitang nasa gitna.

BALITA

TUKLASIN

Digital Prescription Ilulunsad ng FDA


Upang makatipid sa oras, papel, at higit na makapagligtas ng buhay, ipinatupad ng Food and Drugs
Authority (FDA) ang “Electronic Logbook” na isang mobile application para sa modernisasyon ng “pharmacy sector”
sa bansa.
Sinabi ni FDA Director General Nela Charade Puno na tatanggalin ng E-Logbook apps ang “paper
bureaucracy” sa pagrereseta ng mga gamot sa mga pasyente habang makakakolekta ng mga importanteng datos
na maaaring magamit sa pagliligtas ng buhay. Sa tala ng FDA, nasa 10,000 aktibong botika sa bansa ang kanilang
mino-monitor habang nasa 50 taon nang nauubos ang kanilang oras sa pagpuno sa mga “logbooks” upang
makatupad sa batas ukol sa “patient prescriptions.”

Ipinaliwanag ng FDA na ang E-Logbook ay isang mobile application na ginagawang digital ang mga
preskripsiyon gamit ang mga smartphones. Donasyon ang application ng mClinica, isang bagong HealthTech na
kumpanya sa Southeast Asia na nagdi-develop ng mga mobile technology.

Kabilang sa magagawa ng E-Logbook ang pag-digitalize sa mga preskripsiyon at mabilis na pagpapadala


ng mga datos sa mga gamot; proteksiyon sa mga pasyente sa pag-monitor sa paggamit ng resetang mga gamot,
mabilis nap ag-recall sa mga mapanganib na mga droga, at pagsawata sa pagkalat ng mga peke at expired na
gamot.
Sa pamamagitan din nito, mas magiging madali rin ang pagkolekta ng mga datos ukol sa mga outbreaks ng
sakit para magamit ng mga mananaliksik at gumawa ng polisiya. (Danilo Garcia) Pilipino Star Ngayon, Agosto 25,
2017

-Halawa sa Pinagyamang Wika at Panitikan,


Batayang Aklat sa Filipino 8, Pahina 6

Magaling! Natapos mo ng basahin ang maikling akda sa itaas. Ngayon naman ay susukatin natin ang iyong
pang-unawa sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba:

1. Ayon sa binasa, paano makakatipid ng oras at papel ang pharmacy sector sa Pilipinas?
Para makatipid ng oras at papel ay nag karoon ng “Electronic Logbook” na isang Mobile Application para sa
Modernisasyon ng pharmacy sectors sa ating bansang
pilipinas______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________
2. Ano-ano ang kahalagahan ng E-Logbook sa mga pharmacist?
Bukod sa makakatipid sa oras at papel, maaari ding makakolekta ng mga datos upang makapag ligtas ng buhay,
maaari ding ang mabilis na pagpapadala ng mga datos sa mga gamot; protection sa mga pasyente sa pag monitor

SURIIN
sa pagamit ng resetang gamot, at pagsawata sa pagkalat ng mga pekeng at expired na
gamot .________________________

Gawain 1: “TALAS-SALITAAN”
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang batay sa konteksto ng balitang
binasa. Isulat ang sagot sa katapat ng bawat pahayag.

1. Digital prescription ilulunsad ng FDA

2. Sinabi ng FDA Director na tatanggalin na


j ang E-Logbook apps ang “ paper
bureaucracy” sa pagrereseta ng mga gamot
sa mga pasyente.
ghghghfhxthx

3. Kabilang sa magagawang E-Logbook ang


pag-digitalize sa mga preskripsiyon at
mabilis na pagpapadala ng mga datos sa
mga gamot.

4. Ang pag-recall sa mga mapanganib na


mga droga, at pagsawata sa pagkalat ng
mga peke at expired na gamot ay
mapapabilis.

5. Magiging madali na rin ang pagkolekta ng


mga datos ukol sa mga outbreaks ng sakit
para magamit ng mga mananaliksik at
gumawa ng polisiya.

Gawain 2: “PAG-UNAWA SA BINASA”


Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang kasagutan

1. Ano ang ilulunsad ng Food and Drugs Authority (FDA) sa bansa na sinasabing makapagligtas ng
maraming buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang problema ng FDA sa pagmomonitor sa mga botika?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Paano makatutulong sa bansa ang bagong mobile application?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Bakit naisipan ng FDA na gumamit ng bagong mobile application?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, talaga bang makalulutas sa problema ng FDA ang baong mobile application?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Panuto: Basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon hinggil sa pahayagan. Pagkatapos, sagutin
ang sumusunod na gawain.

Ang mga pahayagan sa Internet o tinatawag na “online news” ay isang popular na babasahin ng mga
Pilipino sa kasalukuyan. Nakasulat man ito sa wikang Ingles o sa wikang Filipino, ito ang balitang tinatawag na
digitalized. Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa naganap, nagaganap, o magaganap na pangyayari sa local,
pambansa, at pandaigdig kaya hindi nahuhuli ang madla sa mga kaganapang nangyayari sa buong mundo. Ang
kaibahan ng pahayagan na ito ay madaling ma-access ang mga balita dahil isang pindot o swipe lamang sa laptop,
mobile phone, at iba pang kauring gadgets ay maihahatid na ang balita, kaya naman tinatawag itong “paperless na
pahayagan” na di-katulad ng mga nakasanayang pahayagan na binibili sa mga newsstand.

Ang pagsulat ng balita ay isang kasanayan na kailangang matutuhan sapagkat nagpapayaman ito ng
talasalitaan ng mga mag-aaral, nagpapalawak ito ng karunungan at kaalaman sa mga nangyayari sa bayan, at
nagpapatalas ito sa kasanayan sa pagsulat at paghahatid ng mga impormasyon sa mga mambabasa.
Ang balita ay isang bahagi lamang ng kabuoan ng pahayagan na madalas na binabasa ng mga
tagasubaybay ng pahayagan.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang mahahalagang pangyayari at ito ang ginagawang
pamatnubay (lead). Nakapokus ang pamatnubay sa pagbuo ng mahalagang pangyayari. Nakasama rito ang
pagsagot sa mga tanong na: Ano, Sino, Kailan, Saan, Bakit, at Paano.
Isunod sa pamatnubay ang ikalawang pangyayari at gawin itong pangalawang talata. Isunod ang iba pang
pangyayari ayon sa pababa o papaliit na kahalagahan nito. Ginagamit dito ang pabaligtad na piramide; ibig sabihin,
inuuna sa unang talata ang pinakamahalagang pangyayari sa balita patungo sa di-gaanong mahalaga (decreasing
importance).

Halimbawa:
 Job Security Tax Reforms Pinatitiyak
Pinatitiyak ni Sen. Sonny Angara sa gobyerno na magkakaroon ng seguridad sa trabaho
ang mga manggagawa na maaapektuhan ng panukalang tax reform.
-Pilipino Star Ngayon, Agosto 27, 2017

7
Maraming ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa madla sa paghatid ng balita. Iba-ibang salita o lingo ang
ginagamit lalo na sa mundo ng multimedia. Narito ang mga salitang nakakasalamuha sa pagbabasa ng mga balita
Internet o website:

Digital Online Electronic e-logbook e-news


Samrtphones mobile technology www website http
ph com

Ang tawag sa mga jargon o lingo na nabanggit ay mga multimedia jargon o lingo na ginagamit na
multimedia.
Sa mga balita naming nakalimbag sa Internet o nakasanayan nating mga pahayagan, gumagamit din ang
mga tagapagbalita ng mga impormal na salita bilang bahagi ng komunikasyon tulad ng balbal, kolokyal, at
banyagang salita batay sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng:
BALBAL: petmalu lodi
KOLOKYAL: droga peke
BANYAGANG SALITA: digitalized expired recall

Ang balbal na salita ay tumutukoy sa mga salitang slang o mga salitang kalye na kalimitang hindi tanggap
ng nakararami dahil hindi ito lubusang nauunawaan ng madla at hindi nagagamit bilang pormal na komunikasyon.
Samantala, ang kolokyal na salita ay mga salitang di-pormal din ngunit mataas nang kaunti sa salitang
balbal na kadalasang halos karamihan sy nauunawaan ito at ginagamit na ng madla.
Ang banyagang salita naman ay tumutukoy sa mga salitang hango sa ibang wika na hindi nabibilang sa
wikang sinasalita sa isang partikular na lugar o nasyon. Halimbawa nito sa bansang Pilipinas ay Ingles, Koreano,
Nihonggo, Kastila, at iba pa.

-Halaw sa Pinagyamang Wika at Panitikan, Gabay ng Guro, Pahina 169

GAWAIN 3:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang gingamit sa multimedia (online news). Ibigay ang buong
katumbas na salita nito kung mayroon man.
Halimbawa: Ph- katumbas ito ng salitang Philippines na pinaiikli sa mga web address upang malaman kung
saan ito ginagamit na bansa.

1. http

2. www

3. url

4. e-

5. link

ISAISIP

Panuto: Itala ang pangkalahatang natutunan sa araling ito. Dugtungan ang pahayag
upang makabuo ng pangungusap.

Nalaman ko sa araling ito


___________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
__________

Sa pamamagitan nito
________________________________
ISAGAWA

Ipakita ang galling!


Panuto: Kumuha ng isang artikulo mula sa isang pahayagan, ihambing ito sa balitang nabasa tungkol sa
“digital prescription” batay sa sumusunod na kategorya.

Pamagat ng artikulong binasa: “Digital Prescription Ilulunsad ng FDA”

Kategorya “Digital Prescription Ilulunsad ng Napiling artikulo


FDA” Pamagat: ____________
a. Paksa

b. Layon

c. Tono

d. Pananaw

e. Paraan ng pagkakasulat

f. Pagbuo ng Salita

g. Pagbuo ng pangungusap

Tayahin

TAYAHIN
Panuto: Lagyan ng masayang mukha J ang patlang kung ang sitwasyon sa bawat bilang ay
magreresulta sa mabisang pagsulat ng balita at malungkot na mukha L kung hindi
magbubunga ng mabisang pag-uulat ng balita.

_______1. Isinusulat agad ni Jessica ang buod ng kaniyang balita upang walang makaligtaan sa
mga impormasyon.
_______2. Inuunang ilahad ni Amparo ang mga hindi mahalagang impormasyon sa kaniyang
isinusulat na balita.

9
_______3. Ginagamit ni Sandy sa kaniyang pamatnubay ang pinakatampok na pangyayari.
_______4. Pinipilit ni Clarice ang mga pangyayaring isasama sa balita.
_______5. Hindi binibigyang-pansin ni Romina ang mga pangyayaring maaaring ilagay sa
kaniyang magiging pamatnubay.

BINABATI KITA!
Naipakita mo ang iyong sariling pagpapahalaga sa mga popular na babasahin. Ang iyong pagpapaunlad sa
mga akdang uri nito ay may malaking kontribusyon sa umuunlad na Panitikang Pilipino.

You might also like