You are on page 1of 4

TANZA NATIONAL TRADE SCHOOL

Paradahan I, Tanza Cavite

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


BAITANG – 8

Pangalan :________________________ Seksyon :___________________ Marka :


________

I- F8PN-IIIa-c-28 : Nabibigyang-reaksyon ang narinig na opinyon ng


kausap tungkol sa isang isyu
Panuto: Basahin ang sumusunod na bahagi ng mga dayalog at ibigay ang reaksyon sa
narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu. Gamitin ang sumusunod na pahayag
sa pagbibigay ng reaksyon.

Sumasang-ayon ako….
Tutol ako sa sinabi….
Nais ko lamang magbigay ng puna….
Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat……
Magaling ang iyong ideya o naiisip…

1. ______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________

1. ______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________

1. ______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________
II- F8PT-IIIa-c-29 Nabibigyang kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa
mundon ng multi-media.
B. Panuto: Isulat kung saan nabibilang na antas ng wika ang mga sumusunod.
A. Pampanitikan B. Panlalawiganin C. Balbal D. Kolokyal
____1. Pinangarap ni Nena na maging kabiyak ng kanyang puso ang kanyang
kababatang si Edwardo.
____2. Malimit manghingi si Totoy ng salapi sa kanyang ina.
____3. Kahapon ay nasaksihan ni Myla ang mga batang mahuhusay tumugtog ng lira.
____4. Inusisa ko ang kapatid ko kung na-gets niya ang lahat ng kanyang aralin ngayong
araw.
____5. Ikinabigla ko na si Jericho pala ay utol ni Jerimie.
____6. Pinaplano naming umuwi sa balay sa ganap na alas- kwatro ng hapon.
____7. Kapansin-pansing petmalu ang ginawang presentasyon ng grupo ni Leni.
____8. Inanyayahan kong lumahok ang mga bata sa iba’t ibang paligsahan sa baryo.
____9. Ibinalita sa radyo na maging mapanuri at handa sa mga kumakalat na mga
pekeng bigas.
____10. Astig ang bagong palabas ngayon ni Marian Rivera sa channel

III - F8WG- III d -e- 31 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa


pagpapahayag ng konsepto ng pananaw (ayon sa, batay sa, sang-ayon sa, sa
akala) iba pa.
Panuto: Punan ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw ang
patlang sa pangungusap. Piliin sa talaan ang tamang sagot.
Sa pananaw ko Sa paniniwala sa isang banda
Ayon sa batay sa iniisip kong

1. ______________________ higit na makabubuo ng isang maunlad na bansa kung may


matatag na edukasyon ang bawat isang mamamayan.
2. Nakagagamot sa tuberculosis ang Vitamin C ________________ ulat ng isang doktor.
3. _______________________ konstitusyon ng 1987, dapat ipagbawal ang mga dinastiyang
politikal sa Pilipinas.
4. _______________________ ni Pangulong Aquino, dapat ipagtanggol ng mga Pilipino ang
teritoryo ng bansa.
5. _______________________ hindi tama ang ginagawa ng University of the Philippines kay
Kristel Tejada.

IV -F8WG- III e-f-32 Nagagamit ng wasto ang mga ekresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal (dahlia-bunga, paraan-resulta)
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang angkop na gamiting mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal. Titik lamang isagot.
A. kung kumandidato ka d. sana naabutan mo siya
b. sa kanyang pagsasabi ng totoo e. para maitawid niya ang kanyang pamilya
c. kaya malaki ang kanyang komisyon
1. Kung maaga kang dumating _____________________________________________
2. Nagsisikap siyang Mabuti _____________________________________________
3. Malaki ang kanyang benta _____________________________________________
4. Napuri si Jaja _____________________________________________
5. Kapag nagsumikap ka _____________________________________________

V- F8PB- IIId-e-30 Naiisa- isa ang mga positibo at negatibong pahayag.


Panuto: Isulat ang titik P kung positibo ang pahayag at titik N kung negatibo ang
pahayag.

_________ 1.Sa mabilis na paggulong ng kampanya ng administrasyong Duterte kontra


droga, walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagong hatid ng nito.
___________2.Habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay ng
maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating lipunan.
__________3.Sa pinakahuling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, tinatayang
92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga.
__________4.Kaya naman bukod sa mga tulak ng drogang maya't mayang itinutumba,
punterya ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga protektor ng mga drug lord na
matatagpuan daw mismo sa hanay ng pulisya at mga lokal na pamahalaan.
__________5.Hindi lamang pala mga pulis ang sangkot sa illegal na droga kundi pati na rin
mga local executives na kinabibilangan ng mayor, governor, konsehal at maski barangay
chairman.
__________6.Sabi ni Marquez, naniniwala siyang walang sangkot na heneral sapagkat
mino-monitor nila ang pulisya at naglilinis sa kanilang hanay.
__________7.Hindi na dapat balewalain ang problemang ito ng lipunan. Ang agarang
paglutas dito ang hinihintay sa pag-upo ng bagong presidente.
__________8.Hindi pa man opisyal na nakaupo sa pamamahala ang bagong halal na
Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ang laban sa droga ay napa-igting na, na siyang
nagbunsod ng paglabas ng mga “drug lords.
_________9.Hindi biro itong gagawin ni Duterte sa pagsugpo ng kriminalidad at ilegal na
droga.
__________10.Lahat tayo na nagmamahal sa katinuan at kapayapaan ng ating lipunan at
bansa ay kailangang makiisa sa kanya.

VI - F8WG-IIIg-h-33 Nagagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang


bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang
suring pelikula.
Panuto: Isulat ang tamang bantas sa bawat inihandang patlang.

Mula sa sipi ng “Manoro” (Ang Guro)


Eksena: Araw ng pagtatapos
Babae 1: Dala mo ba ang kamera (1)____
Babae 2: Hindi eh (2)____ naisanla ko kahapon.
Ina 1: Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya (3)____
Batang babae: Kasama yata si Kulitis (4)____
Ina 2 (Nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga gagradweyt
tulad mo, wag kang mahiya. Bagay sa (5)__ yo ‘to.

VII - F8WG-III I -j-34 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag


sa pagbuo ng isang social awareness campaign.
Panuto: Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap.
Piliin ang iyong kasagutan mula sa kahon.

Pagtanggi pagbibigay- babala pagsalungat


Panghihikayat pagsang-ayon panghihinayang

___________________ 1. “Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan.”


___________________2. “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa
pagboto.”
___________________3. “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga
ibon.”
___________________4. “O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin.”
___________________5. “Ang sampagitang ito ay para sa gagradweyt lamang, isuot mo
waking mahiya, bagay sa’yo ‘to.

VIII - F8PT- IIIg-h-32

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.


Panuto: Piliin ang titik na tumutugon sa kahulugan ng mga salitang kaugnay sa pelikula.

1. Kumuha ng close-up shot para


A. nakapokus sa paligid B. kita ng malapitan
C. kuha ang kabuuang anyo. D. nakapokus sa isang particular na bagay gaya ng
ekspresyon ng mukha

2. Lubhang mahalagaang maayos napag eedit ng pelikula ay para sa


A. pagpapanatili ng mga nakuhang bahaging dapat isama.
B. matiyak kung alin ang eksena ang dapat isama o putulin sa kabuuang nakuhanan.
C. pagpapanatili ng mga nakunang bahaging dapat isama.
D. pagpapalutang ng magagandang bahagi ng eksena na dapat mabuo.

3. Ang pagkuha ng Birds Eye View ay para


A. nakapokus sa isang detalye lamang mula sa close up
B. nakapokus sa isang particular na bagay na gaya ng ekspresyon ng mukha.
C. nakapokus mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
D. nakapokus sa anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa
ibabang bahagi.
4. Naging popular ang mga dokumentaryong pampelikula dahil ito ay
A. maikli at karaniwang isyung panlipunan.
B. totoo at aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari.
C. matipid at maikling panahon lamang ang tinatalakay
D. mura ang badyet at marami ang nakagagawa.
5. Malaki ang naitutulong sa pelikula ng disensyong pamproduksyon upang lalong makita ang kasiningan
sapakat dito ay
A. pinasisidhi ang ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo
B. pinanatili ang kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon.
C. masusing pinag aaralan ang pag arte ng mga artista
D. malinaw na naipapakita ang tunay na pangyayari sa wastong ilaw at lente ng
kamera.

F8PB-IIIg-h-32 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa\tema, layon, gamit ng mga
salita, mensahe
Panuto: Basahin ang isang eksena ng pelikulang napanood (Manoro). Sagutin ang sumusunod na tanong.
Piliin lang ang titik ng tamang sagot.

Eksena 10 Isang Natatanging Pagdiriwang


Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang
nahuling baboy-ramo. Doon nagwika ang kangyang Apo Bisen “Hindi na ako bumoto, sapagkat
para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.”
Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang
sumasayaw at sa likuran ng kanyang damit ay na kasulat ang “Babangon ang Pilipinas”

1. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa


A. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas
B. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago
C. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad
D. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa

2. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit sa eksena.


A. Maraming mamamayan ang hindi nakauunawa ng kahalagahan ng pagboto
B. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong sumulat
C. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan
D. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa

3. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong pampelikula


A. Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng produksiyon
C. Pag-eedit
D. Sinematograpiya

4 Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa


A. Hindi nagkaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mga mamamayan
B. Maraming mga politiko ang tiwali at hindi matapat
C. Mahirap ang maraming lipunan sa Pilipinas
D. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng kahirapan

5. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga manonood batay sa bahaging
nabasa
A. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay
B. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat
C. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo
D. Nakasulat sa likuran ng bata ang katagang Babangon ang Pilipinas

You might also like