You are on page 1of 8

1

Aralin
Suring Pelikula: Masusing Pagrerebyu
5
Mga Inaasahan

Kumusta ka na? Naging kawili-wili ba ang nakaraan mong aralin? Tiyak


na maiibigan mo ang araling ngayon sapagkat naghanda ako ng iba’t ibang
gawaing sadyang kapaki-pakinabang at hahamon sa iyong kakayahan.

Nasubukan mo na bang sumuri ng isang pelikula? Paano mo kaya


masasabing mahusay ang pagkakabuo nito? Sa bahaging ito ng iyong modyul,
tatalakayin natin kung ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng
isang pelikula. Kinakailangan mo ring mailahad ang iyong pananaw batay sa
iyong napanood.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


sumusunod na kasanayan:

1. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng


nagsasalita (F8PN-IIIg-h-31)
2. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: (F8PB-IIIg-h-32)
 Paksa/tema
 Layon
 Gamit ng mga salita

Ang sagot sa bawat pagsasanay at gawain ay ilalagay mo sa nakalaang


bahagi ng modyul na ito.

Alam kong nasasabik ka na sa bago mong pagkatuto, ngunit bago ka


magsimula ay ihanda mo muna ang iyong sarili sa isang pagsubok.

Paunang Pagsubok

WIKA-rambulan: Basahing mabuti ang lipon ng mga salita. Piliin sa loob ng


kahon ang mabubuong salita sa tulong ng mga gabay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa: PEAL-LEAK-COOL-LAW = PELIKULA

1. Linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


DIE-YEAH-LOG-GO = _______________________
2. Pinakapuso ng isang pelikula
THEME-MAH = ________________________

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
2

3. Mga karakter na gumaganap sa pelikula.


THE-WHO-HONE = _________________________
4. Nagsisilbi itong panghatak ng pelikula
FUN-MUG-GOAT = ___________________________
5. Mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula
COW-WHEN-TOO = _____________________________

Balik-tanaw

Basahin ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon kung anong ugnayang
lohikal ang isinasaad ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sanhi at Bunga Paraan at Layunin


Kondisyon at Bunga Paraan at Resulta

1. Nagkaroon ng matinding pagbaha kaya marami ang namatay.


2. Sa sandaling makinig ka sa pangaral ng iyong magulang, gaganda ang iyong
kinabukasan.
3. Para makatulong sa nangangailangan, nag-ambag sila ng kaniyang mga
kaibigan.
4. Kung nag-ensayo ka nang mabuti sa pagkanta, sana’y nanalo ka sa paligsahan.
5. Sa masigasig niyang pagtatrabaho, nakamit niya ang kanyang puwesto.

Pagpapakilala ng Aralin

Hindi maikakailang isa sa mga naging daan upang makapaglibang ang tao
mula noon hanggang ngayon ay ang panonood ng pelikula. Kadalasan upang masuri
at mabusisi ang isang pelikula ang ilan ay nanonood pa sa mas malalaking bulwagan
o pinilakang-tabing. Handa silang magbayad ng mahal upang mapanood lamang ni
ang kinagigiliwan nilang pelikula.

Ayon kay Direktor Joel Lamangan, "Ang pelikula ay isang sining, at ang
kaluluwa ng bayan ay ang sining. Ang bayang walang sining, walang kaluluwa."

Batay sa Wikipedia, ang pelikula na kilala din bilang sine at pinilakang tabing,
ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula
sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-
aaral ng pelikula. Ang mga pelikula ay sining may ilusyong optikal para sa mga
manonood.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.


Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay
(kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng
cartoon.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
3

Sa bahaging ito, isa sa mga mahalagang kasanayang dapat mong


matutuhan ay ang pagsusuri ng pelikula kung saan maipakikita ang
pagpapahalaga sa sining nito at kung saan ang manunuri ay maiangat na
nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito.

Ang sumusunod na mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng


pelikula:

1. Kuwento – tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot


ang pelikula.
o Bago o luma ba ang kuwento?
o Nakapupukaw ba ito ng interes?

2. Tema – ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at maituturing na
pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula.
o Napapanahon ba ang paksa?
o Akma ba ang tema sa panahon?

3. Pamagat – ito ang naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito rin ang nagsisilbing
panghatak sa pelikula.
o Nakatatawag ba ito ng pansin?
o Mayroon ba itong ipinahihiwatig o simbolo?

4. Tauhan – ang mga karakter na gumaganap ng iba’t ibang katauhan sa pelikula.


o Makatotohanan ba ang mga ito?
o Angkop ba ang kanilang pagganap?

5. Diyalogo – ito ang linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


o Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong
ginamit?
o Naisaalang-alang ba ang lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento?

Naging malinaw ba sa iyo ang pag-unawa sa mga dapat isaalang-alang sa


pagrerebyu o pagsusuri ng isang pelikula? Madali lang hindi ba?

Ngayon, sagutin mo ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1.1 TAMA O MALI. Iguhit mo ang (bituin) kung tama ang kahulugang
ibinigay batay sa pagsusuri ng pelikula at (tatsulok) kung mali ang kahulugan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Itinuturing na sining ang pelikula.


2. Tinatawag na tema kung angkop ang pag-arte ng mga tauhan sa isang pelikula.
3. Sa pamagat matatagpuan ang paksa ng isang pelikula.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
4

4. Kinakailangang isaalang-alang ang lengguwaheng ginagamit ng mga tauhan sa


diyalogo.
5. Sa tema makikita ang impact ng isang pelikula.

Gawain 1.2 Pagsagot ng mga tanong. Ilahad ang iyong sariling pagkiling o bias sa
sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa inilaang espasyo.

1. Ang pagsusuri ng manonood sa isang pelikula ay nakatutulong upang matukoy


ang kahinaan at kakulangan nito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ang magandang pamagat ng isang pelikula ay kinakailangang makatawag
pansin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Binibigyang-pansin sa pagbuo ng pelikula ang kaangkupan ng edad sa target
ng manonood.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rubriks
♣ Naipakikita ang sariling pananaw (bias) sa mga pahayag ----------- 3 puntos
♣ May maayos na pangungusap ----------- 2 puntos

KABUOAN ----------- 5 PUNTOS

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng


pelikula, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang pagrerebyu o pagsusuri ng isang pelikula ay isang paraan ng


pagpapahalaga sa sining ng pelikula.
2. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan kundi
gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng
pelikula.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
5

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng


pagsulat ng iyong pananaw o kaisipan hinggil sa isyung nasa ibaba.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Bilang pag-uugnay sa aral na iyong nakuha mula sa ating tinalakay, mag-


isip ka ng isang pelikula na iyo nang napanood. Gamit ang graphic organizer sa
ibaba, suriin ang napiling pelikula batay sa mga impormasyong dapat tandaan sa
pagsusuri ng isang pelikula.

Tema ng
Pelikula

Layon ng Gamit ng
pelikula mga salita

Napanood kong
Pelikula
Diyalogo ng
Pagganap
Tauhan
ng mga
Tauhan

Mga Pamantayan:

1. Ang pagsusuri ay binubuo ng maayos at magkakaugnay ng mga detalye


2. Naaayon at angkop ito sa nilalaman ng pelikula
3. Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod
5 - Napakahusay
4 - Katamtamang husay
3 - Dapat pang paunlarin

5 - Napakahusay 4 - katamtamang husay 3- dapat pang paunlarin

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
6

Pangwakas na Pagsusulit

Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng Hanay A. Isulat ang LETRA ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay kilala sa tawag na pinilakang- A. Pamagat
tabing. B. Kuwento
2. Tumutukoy sa istorya ng pelikula. C. Tema
3. Pinakapundasyon ng isang pelikula. D. Tauhan
4. Nagpapakita sa kalinawan ng E. Pelikula
karakterisasyon ng isang gumaganap.
5. Naghahatid ng pinakamensahe
ng isang pelikula.

Pagninilay

Ang paglikha o pagbuo ng mahuhusay at dekalidad na mga pelikulang


Pilipino ay hindi lamang makatutulong upang mapaunlad ang ekonomiya bagkus,
ito rin ay nakapagdudulot ng kasiyahan at inspirasyon sa maraming tao. Bilang
isang kabataan, magbigay ng mga paraan kung paano mo mapauulad ang
industriya ng pelikulang Pilipino? Ilahad ang iyong sagot gamit ang organizer sa
ibaba.

Mga bagay na
magagawa ko upang
mapasigla ang
Pelikulang Pilipino

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Pamantayan:
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Naaayon ang sagot sa tanong 4 – taglay ang 2 pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng 3 – taglay ang 1 pamantayan lamang
pangungusap

Binabati kita sa ipinamalas mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
aralin.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
7

FILIPINO 8
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikatlo Linggo: Ikalima

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: _____________

PAUNANG BALIK- GAWAIN 1.1


PAGSUBOK TANAW
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

GAWAIN1.2

1.

2.

3.

4.

5.

Tema ng Pelikula
___________________
___________________
___________________
Pamagat ng ___________________ Layon ng Pelikula
Pelikula _________________ __________________
______________________
__________________
______________________
__________________
______________________
__________________
_________________
__________________

Napanood kong
Pelikula
Diyalogo ng Pagganap ng
Tauhan mga Tauhan
____________________ _________________
____________________ _________________
____________________ _________________
____________________ _________________

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
8

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
1.
2.
3.
4.
5.

PAGNINILAY

Mga bagay na
magagawa ko
upang mapasigla
ang Pelikulang
Pilipino

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like