You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 8-Q2-W3


Tekstong Argumentatibo
3
Mga Inaasahan

Sa Aralin 3, pag-aaralan mo ang tekstong argumentatibo.


Matutunghayan mo ang mga katangian nito at kung paano mo ito gagamitin sa
pagsulat.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay mailalapat mo ang iyong
mga natutuhan tungkol sa paksang aralin.
1.Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat
sa isang argumento (F8PU-IIc-d-25)

2. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


paghahayag ng opinyon (F8WG-IIc-d-25)

Narito ang gawaing inihanda upang alamin ang iyong kaalaman sa mga
isyu tungkol sa Wikang Filipino.

Paunang Pagsubok

Basahin ang isyung ibinigay. Tukuyin ang mga ekspresyong ginamit sa


pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Isulat ito sa sagutang papel.

Ipinahayag ng World Health organization (WHO) na maaaring hindi na umalis o


mawala sa piling ng mga tao ang sakit na covid-19. Mananatili na ito na walang
ipinagkaiba sa sakit na tuberculosis (TB) at Acquire-Immune deficiency Syndrome
(AIDS). Kung kaya, nararapat ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayang pag-
iingat para makaiwas sa virus.
(1) Dominic: Sang-ayon ako sa WHO. Huwag na tayo bumalik sa dating gawi.
(2) Sandra: Hindi ko matanggap na palagi na tayong magsusuot ng face mask.
Hindi ako makahinga.
(3) Dominic: Pero ito ang kailangan upang hindi ka mahawa sa sakit. Kaya sang-
ayon ako na dapat lagi tayong magsuot ng face mask at face shield. Maghugas
palagi ng kamay. Iwasang kumpol-kumpol sa isang lugar.
(4) Sandra: Sa anggulong iyan, masasabi ko na may punto ka subalit ganito na
lang ba palagi. Hindi mo na makasama madalas ang iyong mga kaibigan at
ibang mahal sa buhay.
(5) Dominic: Kaisa ako sa sinasabi mo. Pero kung gusto mong manatiling
malusog at walang karamdaman nararapat nating sundin ang sinasabing
healthy protocols.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
2

Balik-tanaw

Ilahad ang inyong natutuhan mula sa tinalakay na balagtasan “Dapat o Hindi dapat
Pagsabayin ang Panliligaw sa Pag-aaral. Sagutin ang mga tanong na makikita sa KWL
tsart. Gawin sa sagutang papel.

Ano ang Ano ang nais Ano ang natutuhan


nalalaman mo ko pang mo?
sa paksa? malaman?
Ilahad ang
Paano Paano nakuhang mensahe
makakatulong makakatulong sa akdang
ang Balagtasan ang Balagtasan tinalakay, Dapat o
sa paghasa ng sa paghasa ng hindi dapat
talento ng isang talento ng isang pagsabayin ang pag-
mag-aaral? mag-aaral? aaral at panliligaw.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang Tekstong Argumentatibo at mga


hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat

Ano ang Tekstong Argumentatibo?

A. Tekstong Argumentatibo

Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran


batay sa katotohanan o lohika. Maari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa
kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna,
gamit ang mga ebidensya mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang
teksto o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan, at pananaliksik sa susuporta sa
kaniyang mga argumento.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong
argumentatibo:

A. Tesis
B. Posisyong Papel
C. Editoryal
D. Petisyon

B. Pagsang-ayon at Pagsalungat
Ang pagpapahayag ng opinyon o saloobin sa isang partikular na paksa o isyu ay
matatagpuan sa pahayagan, radyo, telebisyon, Internet, at sa iba’t ibang uri ng usapan

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
3

gaya ng mga umpukan ng mga drayber, mga empleyado, mga kasambahay, at iba pa.
Hindi maiiwasan ang kani-kaniyang pagbibigay ng opinyon sa mainit na isyung pinag-
uusapan na ang iba ay maaaring sumang-ayon sa pananaw at ideya ng iba ngunit may
sumasalungat din at tumututol.

Upang maging maayos at may paggalang sa opinyon ng iba, ang gawaing


komunikatibo sa talakayan, pag-uusap, at pagkakaroon ng iba’t ibang interaksyon ay
mahalaga. Narito ang ilang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat na magagamit
sa paglalahad ng sariling opinyon.

Paano ka magpapahayag ng iyong pagsang-ayon?

1. Ganap na pagsang-ayon

• Lubos akong sumasang-ayon sa...


• Sang-ayon ako sa...
• Kakampi mo ako sa...
• Magkatulad tayo sa paniniwala...
• Kasama mo akong naniniwala sa...

2. Pagsang-ayon na may pasubali

• Sumasang-ayon ako sa iyo subalit...


• Medyo sumasang-ayon ako pero...
• Sumasang-ayon ako pero...
• Iginagalang ko ang iyong punto pero...
• Maaaring tama ka subalit...

Paano ka magpapahayag ng isyung pasalungat?

1. Ganap na pagsalungat

• Hindi totoo ang iyong sinasabi at lubos akong hindi sumasang-ayon


lubos akong sumasalungat sa...
• Maling-mali yata ang iyong paniniwala...
• Hindi mo ako mahihikayat...

2. Pagsalungat na may paggalang

• Hindi ako sumasang-ayon pero...


• Sa anggulong iyon, masasabi kong may punto ka, subalit...
• Sumasalungat ako sa iyong sinasabi pero...
• Hindi ako makakapayag sa iyo...
• Hindi ko talaga matatanggap ang iyong opinyon sa...

Narito ang isang halimbawa ng tekstong argumentatibo. Basahin at unawain.

[Editoryal] #AnimatED: Bigyan natin ng pagkakataong yumabong ang Filipino


August 19, 2019
Rappler

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
4

Hindi isinasantabi ng Filipino ang wika nating kinalakhan at ang kulturang


nagpausbong nito. Tulay itong naglalayong pag-ugnayin tayo sa kabila ng ating
pagkakaiba-iba.

Pagpasok ng Agosto taon-taon, nagiging kabi-kabila ang talakayan sa media at


sa mga forum sa eskwelahan tungkol sa wika. Inuulit-ulit din ang argumento ng mga
kontra sa ideya ng wikang pambansa: dapat daw ituring na pantay-pantay ang mga
lenggwahe sa Filipinas, at huwag payagang may isang mangibabaw.

Nakaangkla ang pagtutol na ito sa mahigit 8 dekada nang katuwiran- na ang


national language nating mga Filipino ay Tagalog lang din, isa lang sa 8 pangunahing
lenggawahe, kaya’t bakit itinatanghal bilang “pambansa”, at sa gayon ay nakatataas sa
isa? May mga mas pumipilit pa ng usapin– dahil umano Tagalog lang ang inalagaan ng
pamahalaan, napabayaan ang wika, kaya’t ilan sa mga ito ay nanganganib nang
maglaho.

Sa 1935 Constitution- na nagtakdang Espanyol at Ingles ang pambansang wika-


unang ipinag-utos ang pagsusulong ng isang “common national language” na nakabase
sa isa sa mga katutubong wika.

Tagalog ang napiling maging basehan, ngunit hindi ito kapritsosong pagtatangi.
Ang pumili ay isang komite na ang mga miyembro’y gumagamit ng mga wika ng iba’t
ibang rehiyon. Pinamunuan sila ng Waray na si Jaime de Veyra. Pinili nila ang Tagalog
dahil ito ang pinakamaunlad o may pinakaganap na sistema ng mga tuntunin.

Pinakamalaki rin ang populasyon ng mga gumagamit nito kung ihahambing sa


iba pang pangungunahing wika.

Kalaunan ay tinawag nang Pilipino ang Tagalog, at ideneklara itong opisyal na


wika, kasama ang Ingles, sa ilalim ng 1973 Constitution. Sa Saligang Batas na ito,
ipinag-utos muli ang pagsusulong ng national language na tatawaging Filipino.

Sa 1987 Constitution unang ideneklarang pambansang wika ang Filipino, na


“samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika (as it evolves, it shall be further developed
and enriched on the basis of existing Philippine and other languages).”

Sa simula pa, ang intensiyon ay gawin lang basehan ang Tagalog ng isang
pambansang wikang pinayayabong pa lamang, at gamitin ang mga tuntunin nito para
bigyan ng sistema at estraktura ang paggamit ng mga salita at konseptong mula sa mga
wika ng rehiyon. (We had to start somewhere).

Malinaw din sa estado at pamahalaan na kasabay ng paglilinang sa Filipino ay


ang pagpapaunlad ng wika ng mga rehiyon. Walang intensiyong manlaglag o mang-
iwan. Ayon sa Article XIV, Section 9 ng Konstitusyon, ang “isang komisyon ng wikang
pambansa” ay dapat “binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili (composed of representatives of various regions and disciplines who shall
undertake, coordinate, and promote researches for the development, propagation, and
preservation of Filipino and other languages).”

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Sa Section 7, kung saan sinasabing “wikang opisyal (official languages)” at


“wikang panturo (medium of instruction)” ang Filipino at Ingles, kinikilala rin ang mga
wikang panrehiyon bilang “pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon (auxiliary official languages in the
regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein).”

Kung pinapansin lang sana natin ang mga polisiya, plano, at programa ng
Komisyon sa Wikang Filipino o KWF, makikita natin ang bukod at ibayong paglilinang
nito ng iba pang katutubong wika – nagsasalin ng mga libro, nagwo-workshop sa
pagtuturo, nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasaliksik, at iba pa.
Nagpapatayo ito ng mga Bantayog- Wika o language markers sa mga bayang kailangan
ng dobleng sikap at inspirasyon para buhayin ang kanilang katutubong wika.

Kung sa mga nakaraang panahon ay nagkaroon ng pagkukulang ang


pamahalaan sa paglilinang ng iba pang pangunahing wika, ngayon ay may pagkakataon
ang mga kritiko at eksperto na maging katuwang ng KWF para isulong ang wika ng mga
rehiyon.

Bigyan natin ng pagkakataong yumabong ang Filipino- ang pambansang wikang


dapat ay nagbubuklod sa atin anuman ang katutubo nating wika. Hindi isinasantabi
ng Filipino ang wika nating kinalakhan at ang kulturang nagpausbong nito. Hindi
binubura ng Filipino ang ating pagkakatangi. Tulay itong naglalayong pag-ugnayin tayo
sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Hindi Filipino ang kaaway.

Samantala, habang ang pinagtutuunan natin ng pansin, at galing ay ang


pagtutol, pagsalungat, o paninira sa konsepto ng Filipino bilang pambansang wika-
dahil lang nagsimula itong nakabatay sa isa at hindi iba pang katutubong wika- ang
namamayagpag ay ang Ingles, na isang opisyal mang wika ay mananatiling banyaga.-
Rappler.com

Mga Gawain

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan


Isulat ang Tama kung ang salitang may salungguhit ay kasalungat ng salitang nasa
kahon sa kaliwa, at mali naman kung hindi sa sagutang papel.

pumayag 1. Tumutol ang Tanggol Wika sa pag-alis ng Filipino at Panitikan


bilang kuhaning kurso sa kolehiyo.
pinahalagahan 2. Kung pinapansin lang sana natin ang polisiya ng KWF
makikita nating malilinang ang wikang Filipino.

nangingibabaw 3. Samantala, habang namamayagpag ang wikang Ingles


nanatiling tinututulan ang Filipino bilang opisyal na wika.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
6

pinababayaan 4. Nakikipagtulungan ang pamahalaan sa pagsulong ng Filipino


at Panitikan bilang asignatura sa programang K-12.

nanatili 5. Sa 1987 Constitution na isalig pa ang Filipino sa iba pang


umiiral na wikang katutubo.

Gawain 2 Pagtukoy sa Natutuhan


Narito ang bahagi ng editoryal na ating nabasa, ilahad ang inyong kuro-kuro
gamit ang hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat. Gumamit ng hiwalay na papel.

Hindi isinasantabi ng Filipino ang wika nating kinalakhan at ang kulturang


nagpausbong nito. Tulay itong naglalayong pag-ugnayin tayo sa kabila ng
ating pagkakaiba-iba.

Nakaangkla ang pagtutol na ito sa mahigit 8 dekada nang katuwiran- na ang


national language nating mga Filipino ay Tagalog lang din, isa lang sa 8
pangunahing lenggawahe, kaya’t bakit itinatanghal bilang “pambansa”, at sa
gayon ay nakatataas sa isa? May mga mas pumipilit pa ng usapin– dahil
umano Tagalog lang ang inalagaan ng pamahalaan, napabayaan ang wika,
kaya’t ilan sa mga ito ay nanganganib nang maglaho.

Kung sa mga nakaraang panahon ay nagkaroon ng pagkukulang ang


pamahalaan sa paglilinang ng iba pang pangunahing wika, ngayon ay may
pagkakataon ang mga kritiko at eksperto na maging katuwang ng KWF para
isulong ang wika ng mga rehiyon.

Gawain 3 Opinyon Mo, Mahalaga

Pangatwiranan nang maayos at mabisa ang ibinigay na iba’t ibang sitwasyon


sa pamamagitan ng paggamit ng mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
pagpapahayag ng opinyon. Gumamit ng hiwalay na papel.

Sitwasyon Blg. 1
Gusto ni Catherine na mag-abroad upang makatulong sa pamilya, ngunit naiisip
niya na maiiwan ang kaniyang anak. Ano gagawin mo kung ikaw si Catherine?

Sitwasyon Blg. 2
Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa General Education sa kolehiyo,
nangangahulugan bang hindi ito kinakailangan ng mga estudyante?

Sitwasyon Blg. 3
Hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso. Ano ang masasabi mo
rito?

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Sitwasyon Blg. 4
Magkalabang pamilya sa pulitika sina Sandra at Jake ngunit nagmamahalan
sila. Pinaghihiwalay sila ng kanilang pamilya. Ano ang makabubuti sa kanilang
dalawa?

Sitwasyon Blg. 5
Ang paraan ng paghahatid ng karunungan sa mga mag-aaral sa panahon ng new
normal ay dapat naaayon sa kanilang kapasidad at kakayahan.

Mahusay mong naipamalas ang iyong kakayahan at natutuhan.


Binabati kita!

Tandaan

Sa paggamit ng Tekstong Argumentatibo sa pagsulat, kailangan nating tandaan ang


mga sumusunod na elemento.

1. Nakabatay sa totoong ebidensya.


2. May pagsaalang-alang sa kasalungat na pananaw.
3. Ang panghihikayat ay nakabatay sa katuwiran at mga patunay na inilatag.
4. Nakabatay sa lohika.
5. May mga angkop na ekspresyon o pahayag na dapat gamitin sa pagpapahayag
ng pagsang-ayon o pagsalungat.

Sa gawain natin ngayon, ilalapat natin ang ating natutunan tungkol sa


Tekstong Argumentatibo sa pamamagitan ng Pagsulat ng Talumpati

Pag-alam sa mga Natutuhan

Bilang Pilipino, paano pa natin mapaghuhusay ang paggamit ng ating wika at paano pa
natin ito palalaganapin? Sumulat ng isang talumpati. Gumamit ng pahayag na
pagsang-ayon at pagsalungat. Pagkatapos, ito ay basahin at bigkasin nang malakas at
i- upload ito sa ating Messenger Group. Gawin sa hiwalay na papel.

Paksa: Wikang Filpino, Kaluluwa ng bansa ko!

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
8

Rubrik sa Pagmamarka:

Pamantayan 15 puntos 12 puntos 9 puntos

Naisulat ng mag-aaral ng Nakasulat ang mag- Naisulat ng mag-aaral


Nilalaman malinis, maayos at naibigay aaral ng talumpati ang talumpati subalit
ang matalinong pahayag ng subalit kulang ng hindi nasunod nag
may merito o ebidensiya sa merito. pamantayan sa
ginawang talumpati. nilalaman.

Pagpili Naipagtanggol ang panig na Naipahayag ang Naipahayag ng mag-


ng nais niyang pangatwiranan at talumpati subalit di- aaral ang talumpati,
mga salita nagamit ang mga salitang gaanong kinakitaan ng subalit mahina nag
naghuhudyat ng pagsang kanyang panig sa panga-nagtwiran.
ayon o pagsalungat. pagsang-ayon o
pagsalungat.

Malinaw ang pagsasalita, Malinaw ang boses at May kahinaan ang


Pagbigkas malakas ang boses at maayos boses, kulang ng
mahusay magpaliwanag. magpaliwanag. detalye ang
pagpapaliwanag

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang mga pahayag na opinyon at piliin ang letra ng tamang hudyat ng
pagsalungat o pagsang-ayon sa binanggit na opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang problema ng maruming kapaligiran ay masosolusyonan sa


pamamagitan ng pagtutulungan ng mamamayan.
A. Hindi ako sumasanga-ayon pero ito ang hanapbuhay ng iba
nating kababayan.
B. Hindi ko matatangap ang iyong opinyon dahil sa may kalakihan
ang ating populasyon.
C. Sang-ayon ako sa proposisyon na sinasabi mo.
D. Magkatulad tayo ng paniniwala dapat ang bawat isa ay
magpamalas ng pagmamahal sa kapaligiran.
2. Ang bagong paraan ng pagtuturo ay may kahirapan subalit ito ay
ating mapagtatagumpayan sa ipinamamalas na sipag at tiyaga ng mga
magulang, mag-aaral at mga guro.
A. Medyo sumasang-ayon ako pero kulang naman ang mga upuan sa
sa silid –aralan.
B. Kasama mo ako sa paniniwalang iyan sapagkat likas sa Filipino
ang pagiging masikhay at matiyaga sa buhay.
C. Maling-mali yata ang iyong paniniwala sa dahilang ang mga bata
ay hindi makalabas ng bahay .
D. Kakampi mo ako diyan sapagkat tayo ay mahilig talagang
magsayaw.
3. Ang panonood ng mga balita sa telebisyon ay isang paraan upang iyong
malaman ang mga pangngyayari sa buong mundo.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
9

A. Kasama mo ako na naniniwala na ang pagbabasa ay nakakadagdag


sa kaalaman ng tao.
B. Sumasang-ayon ako pero ako ay may ginagawa.
C. Lubos akong sumasang-ayon sa iyo sapagkat ang panonood ng
telebisyon ay maganda sa katawan.
D. Iginagalang ko ang iyong punto subalit ito ay kinakailangan ng
may bilang na oras lamang ang panonood lalo na sa mga kabataan
ayon sa pag-aaral.
4. Maipamamalas ang ating pagiging makabayan sa pamamagitan ng
pagtayo ng tuwid , nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib
sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
A. Magkatulad tayo sa paniniwala sapagkat,iyan ang una kong
natutuhan sa paaralan.
B. Maaring tama ka pero mahirap kapag ang mga kasama mo ay
hindi alam ang gagawin.
C. Kakampi mo ako sa opinyon na iyan pero paano kung masakit
ang iyong paa at kamay
D. Sumasangayon ako sa iyo pero paano kung ikaw ay
nagmamadali.
5. Ang isang paraan ng pag-iwas sa sakit ay ang pagkain ng
masustansiyang pagkain at pagiging maingat sa iyong
pangangatawan..
A. Sumasalungat ako sa iyong sinasabi subalit kailangan talaga
nating palakasin ang ating katawan.
B. Magkatulad tayo sa paniniwala, ang tamang pagkain at
bitamina ay makapagpapalakas ng ating katawan.
C. Hindi ako makakapayag sa iyo sa dahilang ito ay nasa
ginagawa ng pamilya.
D. Kasama mo ako sa paniniwala ang pag-iwas sa sakit ay ang
paliligo bago matulog.

Pagninilay

Suriin ang pahayag sa ibaba at bigyan ito ng katwiran.

Pinanindigan ng Korte Suprema ang tuluyang pag-alis sa Panitikan at Filipino


bilang mga kailangang kuning asignatura sa kolehiyo, sang-ayon sa desisyon na nilabas
nila noong Oktubre 2018. Gumamit ng hiwalay na papel sa iyong pagsagot.

Tanong: Sa paanong paraan natin mapagyayaman pa ang pagpapahalaga sa panitikang


Pilipino sa kabila ng pagtanggal dito sa kolehiyo?
Rubric sa Pagmamarka

10 puntos- Malinaw, maayos at matalinong naipahayag ang opinyon


7 puntos- Malinaw na naipahayag ang opinyon.
4 puntos- Sinubukang maglahad ng mag-aaral ng kanyang opinyon.

Binabati kita sa sapagkat iyong natutunan kung paano maglahad ng


matalinong opinyon sa mga paksang may kaugnayan sa ating wika at pagka-
Pilipino. Ipagpatuloy mo pa ito.

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
10

FILIPINO 8
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikatlo


Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Balik-tanaw

Ano ang nalalaman mo sa paksa? Ano ang nais mo pang malaman? Ano ang natutuhan mo?

Mga Gawain

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan


1
2
3
4
5
Pangwakas na Pagsusulit

1 4

2 5

Modyul sa Filipino 8
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like