You are on page 1of 10

1

ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER


Pangalan______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________

Aralin
Aralin
Dahilan, Kaganapan, at Epekto ng
34 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal
Most Essential Learning Competencies:
Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal. Code: AP8DKT-IIi-13

Sa aralin na ito malalaman mo ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong


Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal, gayundin ang kontribusyon nito sa daigdig.
May mga gawain din na inihanda upang masukat ang iyong natutuhan tungkol sa
aralin. Inaasahan na magiging interesado ka sapagkat ito ay batay sa iyong karanasan
sa araw-araw na nakakaapekto sa ating pamumuhay.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral at pagsusuri sa mga dahilan,
kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal sa
lipunan at komunidad sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tutulungan kitang malaman ang
mga sumusunod:
1. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari kaugnay ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal.
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga pangyayaring ito sa lipunan.
3. Napapahalagahan ang kontribusyon ng mga siyentista at pilosopo sa panahong
ito hanggang sa kasalukuyan.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong panahon naganap ang mga sumusunod na
pangyayari. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Rebolusyong Industriyal
B. Rebolusyong Siyentipiko
C. Enlightenment
1. Paglitaw ng mga lungsod na sentro ng industriya at komersiyo. _______
2. Nakabuo ang mga kolonista ng mga dokumento tungo sa kalayaan. _____
3. Nakatutulong ang pag-unlad ng telekomunikasyon sa mabilis na pagdadala ng
mga produkto sa iba’t ibang lugar. ______
4. Nakilala ang pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng
katuwiran, kaalaman at edukasyon. ______
5. Ipinaliwanag ng mga siyentipiko na ang mga bagay sa mundo ay dumadaan sa
isang proseso. _______
6. Mas napadali ang paglilimbag ng mga aklat dahil sa mga makinarya. ______

8- AP- Qrt 3- Week 4


2
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
7. Binibigyang –diin sa panahong ito ang paggamit ng pangangatwiran sa pagbuo
ng isang pamahalaan. ______
8. Masusing proseso ng pangangalap ng impormasyon ang ginamit na nagsimula
sa katanungan at obserbasyon. ______
9. Tinanggihan ng mga pinuno ang merkantilismo at pinaboran ang laissez faire.
______
10. Lumawak ang kaalaman ng mga siyentipiko tungo sa bagong medisina. _______

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga konseptong tinutukoy sa bawat bilang.
Bilugan ang iyong sagot.

C M C S C O M P A S S L D A

A I N P I P A I S E E J R S

N G O I N O L L S P A I N E

A E M C I R A I B U W A T C

D M A G E L L A N R Y P I I

A L O I L T Y P W O I A N P

S L P N A U S I E S S N A S

P A S D C G I N D I A E T G

______1. Ginamit na pampalasa sa pagkain upang mapreserba ang mga karne sa


panahon ng pananakop.
______2. Bansa sa Timog Asya na sinakop ng mga Portuges sa pamumuno ni Vasco da
Gama.
______3. Nakarating siya sa Pilipinas nang lakbayin niya ang rutang pakanluran
patungong Silangan.
______4. Ginamit ng mga manlalayag upang malaman ang tamang direksiyon habang
naglalakbay.
______ 5. Bansang nagpadala ng ekspedisyon upang manakop ng mga lupain.

PAKSA 1: DAHILAN, KAGANAPAN AT EPEKTO NG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO,


ENLIGHTENMENT AT INDUSTRIYAL

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ang mahabang panahon ng digmaan,


pananakop at kaguluhang ekonomiko ay nagwakas. Ang pagbabagong ito ang
nagsilbing hudyat upang magsimula ang bagong panahon ng pagtuklas, pag-aaral at
pagkamulat sa mga pangyayari sa lipunan na nagbigay-daan sa maraming pagbabago
sa larangan ng medisina, paglilimbag, transportasyon, at telekomunikasyon. Kahanga-
hanga at maipagmamalaki ang mga ambag ng mga pilosopo, siyentipiko at mga
imbentor. Napakalaking ambag ito sa katalinuhan at kagalingan ng mga sinaunang tao
na nagsilbi na ring pamana nila sa ating makabagong panahon sa iba’t-ibang larangan
at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit
araw-araw ay maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan.

8- AP- Qrt 3- Week 4


3
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong
pananaw at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng simbahan sa
pamumuhay at kaisipan ng tao ay nabawasan at humina dahil sa mga bagong tuklas
na kaalaman na pinatunayan ng “bagong agham”.

DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO

Iwasto ang mga Nicolaus Copernicus-sumulat -nilitis si Galileo ng


sinaunang kaisipan ng aklat na “On the Revolutions inquisition (pagpaparusa
na pinaniniwalaan of Heavenly Spheres” noong sa tumutuligsa sa
1543.
ng simbahan mula simbahan) at
-Ayon sa kanya, heliocentric
sa teorya ni ang pagkakaayos ng daigdig habambuhay na
Ptolemy. kung saan ang araw ay pagkakabilanggo.
iniikutan ng mga planeta
-Ayon sa kanya, ang kasama ang mundo.
kalawakan ay -Isinulat ni Galileo Galilei sa
nakaayos sa paraang kanyang “Dialogue Concerning
geocentric (ang mga the Two Chief World Systems”
planeta, araw at mga ang paghahambing sa dalawang
bituin ay umiinog sa teorya. Sinang-ayunan niya ang
teorya ni Copernicus.
mundo).

Pagbibigay-sigla sa Iginiit ni Francis Bacon sa -Tinawag itong Scientific


bagong agham. kanyang aklat na “Novum Method o masusing
Organum” ang paggamit ng proseso ng pangangalap
inductive method. ng kaisipan mula sa :
1.katanungan
-Sa paraang ito, kinakailangan 2.obserbasyon
ang pagsusuri sa mga tiyak na 3.pagbuo ng haypotesis
bagay upang makabuo ng isang 4.eksperimento
pangkalahatang paliwanag 5.paglikom ng datos
mula sa impluwensiya nina 6.pagsusuri
Copernicus at Galileo. 7.konklusyon.

Isinulat ni Rene Descartes sa -pag-unlad ng iba pang


kaniyang aklat na “Discourse sangay ng agham:
on Method” ang paggamit ng 1. decimal at simbolo ng
deductive method sa pag-aaral +, -, x at =.
ng siyensiya mula sa 2. teleskopyo
pangkalahatang prinsipyo at 3. air pump
logical reasoning. 4. steam engine
5. Thermometer
6. Compass
-ang pag-unlad ng
kaalaman sa medisina ay
nakatulong upang
mapabuti ang kalidad ng
pamumuhay.
-nasugpo ang mga
karamdaman at napagbuti
ang kaalaman sa
anatomiya.

8- AP- Qrt 3- Week 4


4
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT (KALIWANAGAN)
Ito ay bunga ng makaagham na epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspekto ng
buhay upang mapaunlad ang larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon,
at edukasyon.
DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO
Pagnanais ng mga Europeo Kilusang intelektuwal- -ang kanilang mga ambag
na umahon mula sa samahan ng mga pilosopo na ang nagsilbing pundasyon ng
mahabang panahon ng naglalayong gamitin ang mga modernong ideya
kawalan ng katuwiran at agham sa pagsagot sa tungkol sa pamahalaan,
pamamayani ng pamahiin at suliraning ekonomikal, edukasyon, demokrasya at
bulag na paniniwala. politikal at maging kultural. sining.
-sinuri nila ang
kapangyarihan at relihiyon
at tinuligsa ang kawalan ng
katarungan sa lipunan.
Makabagong ideyang Natural Law- ginamit ni -kinailangan na pumasok ng
pampolitika Thomas Hobbes ang tao sa kasunduan sa
ideyang ito upang isulong pamahalaan.
ang paniniwala na ang
absolutong monarkiya ang -kailangang protektahan at
pinakamahusay na uri ng pangalagaan ng pinuno ang
pamahalaan. kanyang mga nasasakupan.
-Sa kanyang aklat na
“Leviathan” inilarawan niya
ang isang lipunan na walang
pinuno at may magulong
lipunan.

Pagpapahayag ng bagong Sa lathalaing “Two Treatises -naging basehan ng mga


pananaw of Government” ni John Amerikano ang ideyang ito
Locke, ipinahayag niya na na lumaya sa pamumuno ng
maaaring sumira ang tao sa Great Britain.
kanyang kasunduan sa
pinuno kung ang
pamahalaan ay di na kayang
pangalagaan at ibigay ang
kaniyang mga natural na
karapatan.

Baron de Montesquieu
naniniwala sa ideya ng
paghahati ng kapangyarihan
ng pamahalaan sa tatlong
sangay: a.lehislatura
(tagapagbuo ng batas)
b. ehekutibo (nagpapatupad
ng batas) c. hukuman
(tagahatol)

Pangangailangan sa Laissez Faire- uri ng Pagsuporta ng mga


regulasyon ng gobyerno sa pagnenegosyo na di physiocrat para mabigyang-
kalakalan makikialam ang gobyerno. proteksiyon ang mga lokal na
produkto.

8- AP- Qrt 3- Week 4


5
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Ang mga kaisipan na isinulong sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ang


naging daan sa pagtuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya. Ito ay
isinilang sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system), pag-unlad ng
komunikasyon at transportasyon.

DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO


Pagbabago sa larangan Pagkakaroon ng maraming -naging mabilis ang
ng industriya ng tela. imbensiyon: proseso ng produksiyon.
-Cotton gin- naimbento ni Eli -paglaki ng kita at pag-
Whitney upang ihiwalay ang buto unlad ng pamumuhay.
at iba pang material sa bulak na
-pagtaas ng antas ng
ginagawang tela.
pamumuhay ng mga tao
-Spinning jenny- ito ay
naimbento ni James Hargreaves, sa pag-imbento ng mga
isang makinaryang nagpabilis ng makinarya.
paglalagay ng sinulid sa bukilya. -pagsasamantala ng mga
-Spinning frame o water frame- kapitalista.
gawa ni Richard Awkright. -patuloy na pagyaman ng
Ginamitan niya ng tubig ang mga kapitalista.
spinning jenny upang lalong
pabilisin ang paggawa ng tela.
Mabago ang lumang Steam engine- naimbento nina -paglipat ng mga tao mula
sistema ng Thomas Newcomen at James sa kabundukan patungo
produksiyon, Watt na naging daan upang sa mga lungsod.
transportasyon, at madagdagan ang suplay ng
-paglitaw ng mga lungsod
komunikasyon. enerhiya na magpapatakbo ng
na sentro ng industriya.
industriya.
-pagsilang ng sistemang
-Open- field system-
pinagsasama-sama ang maliliit na pabrika.
lupain sa isang komunidad upang
mas mapadali ang pagsubok ng
bagong paraan ng pagtatanim.
-Elektrisidad-ipinakilala ni
Thomas Alva Edison na siyang
malaking tulong upang
maliwanagan ang buong
komunidad at mapatakbo ang iba
pang makabagong kagamitan.
-Steamboat- ginamit ni Robert
Fulton na siyang nagbigay-daan
sa pag-unlad ng pagbabarko.
-Steam locomotive- daang-bakal
na ginawa nina John McAdam at
Thomas Telsford na nagbigay-
daan sa pag-unlad ng daang-bakal
o railroad.
-Telepono-imbensiyon ni
Alexander Grahambell sa
komunikasyon.

8- AP- Qrt 3- Week 4


6
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER

Gawain A: LAKBAY-INDUSTRIYAL
Magsakay sa tren ng sampung (10) kagamitan na naimbento sa panahon ng
Rebolusyong Industriyal upang maumpisahan na ang ating paglalakbay.

Gawain B: SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Kumalap ng mga impormasyon hinggil sa tanong na “Paano kumakalat ang COVID-


19 sa ating komunidad?”. Gamitin ang Scientific Method sa proseso ng pagbuo ng
iyong sagot.

RUBRIK SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS

Angkop ang paksa at mayaman sa impormasyon. 5

Mahusay na naipaliwanag ang nilalaman base sa 10


Scientific Method.

Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon. 5

KABUUANG PUNTOS 20 puntos

Gawain C: ISIP-HAMUNIN: PAGLIWANAGIN

Paghambingin ang kalagayan/pokus ng mga imbensiyon noon at sa kasalukuyan.

Noon Ngayon

8- AP- Qrt 3- Week 4


7
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER

REBOLUSYONG
SIYENTIPIKO
-instrumento sa
pagkakaroon ng
panibagong
REBOLUSYONG pananaw at
INDUSTRIYAL- paniniwala dahil ENLIGHTENMENT-
Ito ay isinilang sa sa bagong agham Ito ay bunga ng
pagkakaroon ng makaagham na
sistemang pabrika epekto ng
(factory system), rebolusyon sa iba’t
pag-unlad ng ibang aspekto ng
komunikasyon at buhay.
transportasyon.

.
Three, two, one Graphic Organizer:

Punan ng tamang impormasyon ang grapikong pantulong at ipaliwanag ang iyong


sagot.

a. Ano ang tatlong bagay na natuklasan mo tungkol sa aralin kaugnay sa


Rebolusyong Industriyal?
b. Magbigay ng dalawang bagay na pumukaw sa inyong pansin sa aralin
tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko.
c. Ano ang isang bagay na hindi mo malilimutan tungkol sa ating aralin
kaugnay ng Enlightenment?

8- AP- Qrt 3- Week 4


8
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER

Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong panahon naganap ang mga sumusunod na
pangyayari. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Rebolusyong Industriyal B. Rebolusyong Siyentipiko C.Enlightenment

1. Paglitaw ng mga lungsod na sentro ng industriya at komersiyo. _______


2. Nakabuo ang mga kolonista ng mga dokumento tungo sa kalayaan. _____
3. Nakakatulong ang pag-unlad ng telekomunikasyon sa mabilis na pagdadala ng
mga produkto sa iba’t ibang lugar. ____
4. Nakilala ang pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng
katuwiran, kaalaman at edukasyon. ______
5. Ipinaliwanag ng mga siyentipiko na ang mga bagay sa mundo ay dumadaan sa
isang proseso. _______
6. Mas napadali ang paglilimbag ng mga aklat at babasahin dahil sa mga
makinarya. ______
7. Binibigyang –diin sa panahong ito ang paggamit ng pangangatwiran sa pagbuo
ng isang pamahalan. ______
8. Masusing proseso ng pangangalap ng impormasyon ang ginamit na nagsimula
sa katanungan at obserbasyon. ______
9. Tinanggihan ng mga pinuno ang merkantilismo at pinaboran ang laissez faire.
______
10. Lumawak ang kaalaman ng mga siyentipiko tungo sa bagong medisina. _______

1. Magbigay ng 3 mahahalagang kaisipan/ kagamitan na naiambag ng mga


Europeo sa kasaysayan na sa tingin mo ay patuloy na ginagamit hanggang sa
kasalukuyan sa sumusunod na panahon:
a. Rebolusyong Siyentipiko
b. Enlightenment
c. Rebolusyong Industriyal

2. Bakit mahalaga na unahin ng mga pinuno ng pamahalaan ang kapakanan ng


mga mamamayan kaysa sa kanilang sarili lalo sa panahon ng pandemya?

3. Bilang isang Pilipino na bumibili ng produkto, mahalaga ba na makialam ang


pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan? Bakit?

4. Paano makakatulong sa iyo ang mga imbensiyong nalikha noong panahon ng


Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal?

5. Sa paanong paraan mo ito mapangangalagaan?

8- AP- Qrt 3- Week 4


9
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
SAGUTANG PAPEL- QUARTER 3- WEEK 4
PANGALAN: _________________________________________________________________

PANGKAT: ______________ GURO: _____________________________________________

PAUNANG PAGSUSULIT:
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
BALIK-TANAW:
1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN:
Gawain A: LAKBAY-INDUSTRIYAL
Magsakay sa tren ng sampung (10) kagamitan na naimbento sa panahon ng
Rebolusyong Industriyal upang maumpisahan na ang ating paglalakbay.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain B: SIYENTIPIKONG PAGSUSURI

Kumalap ng mga impormasyon hinggil sa tanong na “Paano kumakalat ang COVID-


19 sa ating komunidad?”. Gamitin ang Scientific Method sa proseso ng pagbuo ng
iyong sagot.

Gawain C: ISIP-HAMUNIN: PAGLIWANAGIN

Paghambingin ang kalagayan/pokus ng mga imbensiyon noon at sa kasalukuyan.

NUON KASALUKUYAN/ NGAYON

8- AP- Qrt 3- Week 4


10
ARALING PANLIPUNAN 8- IKATLONG KWARTER
PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Three, two, one Graphic Organizer:

Punan ng tamang impormasyon ang grapikong pantulong at ipaliwanag ang iyong


sagot.

a. Ano ang tatlong bagay na natuklasan mo tungkol sa aralin kaugnay sa


Rebolusyong Industriyal?
b. Magbigay ng dalawang bagay na pumukaw sa inyong pansin sa aralin
tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko.
c. Ano ang isang bagay na hindi mo malilimutan tungkol sa ating aralin
kaugnay ng Enlightenment?

PANGHULING PAGSUSULIT:
Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong panahon naganap ang mga sumusunod na
pangyayari. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

1. Magbigay ng 3 mahahalagang kaisipan/ kagamitan na naiambag ng mga


Europeo sa kasaysayan na sa tingin mo ay patuloy na ginagamit hanggang sa
kasalukuyan sa sumusunod na panahon:
A. Rebolusyong Siyentipiko
B. Enlightenment
C. Rebolusyong Industriyal

2. Bakit mahalaga na unahin ng mga pinuno ng pamahalaan ang kapakanan ng


mga mamamayan kaysa sa kanilang sarili lalo sa panahon ng pandemya?

3. Bilang isang Pilipino na bumibili ng produkto, mahalaga ba na makialam ang


pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan? Bakit?

4. Paano makakatulong sa iyo ang mga imbensiyong nalikha noong panahon ng


Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal?

5. Sa paanong paraan mo ito mapangangalagaan?

8- AP- Qrt 3- Week 4

You might also like