You are on page 1of 27

ARALING PANLIPUNAN

Mga Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong


Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
LEARNING OBJECTIVE (MELCS)
• Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
Handa kana bang malaman
ang mga naganap sa
rebolusyong siyentipiko?
LARAWAN KO,
SURIIN MO!
Suriin ang larawan.
Sa iyong palagay ano
ang naging tulong nito sa
pagpapapalaganap ng
bagong ideyang
siyentipiko at pag-iisip ng
mga tao.
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
• Ang Rebolusyong Siyentipiko ay
ang nagpabago sa buhay ng
tao sa mundo.
• Nagkaroon ng maraming
pagbabago ng dumating ang
rebolusyong ito.
• Maraming mga gawain ang
napabilis dahil sa rebolusyong
ito.
• Gayunpaman, nabawasan ang
pananampalataya dahil sa
naganap na pagbabago.
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
• Ang Renaissance, Repormasyon
at mga eksplorasyon ng mga
Europeong manlalakbay ang
naging mga salik sa pag-usbong
ng Rebolusyong Siyentipiko.
• Ang mga sumusunod ang mga
naging mahahalagang
katauhan at kanilang mga
kontribusyon sa panahong ito:
NICHOLAS COPERNICUS
• Nicholas Copernicus – isang
astronomer na mula sa Poland
na nakilala sa kanyang
heliocentric view sa kalawakan o
paniniwalang hindi daigdig ang
sentro ng kalawakan kundi ang
araw at ang daigdig ay umiikot
sa paligid nito.
GALILEO GALILEI
• Galileo Galilei – nakaimbento ng
teleskopyo na ginamit niya sa
pag-aaral ng kalawakan.
TYCHO BRAHE
• Tycho Brahe – isang Danish na
siyentesta, pinatunayan niyang
ang kometa ay ay hindi lamang
penomenong atmosperiko,
bagkus, ang kometa ay
representasyon ay ng
pagbabago sa kalawakan.
JOHANNES KEPLER
• Johannes Kepler – isang German
na naglathala ng akda ni Brahe,
natuklasan niyang ang
paggalaw isang planeta sa orbit
ay bumibilis habang lumalapit ito
sa araw.
ISAAC NEWTON
• Isaac Newton – isang English
Mathematician, natuklasan niya
ang law of gravity bilang
paliwanag sa paggalaw ng
planeta.
RENE DESCARTES
• Rene Descartes – isang pilosopo
at mathematician na French.
Ipinaliwanag niya ang mga
suliranin sa agham at pilosopiya
gamit ang pamamaraang
matematikal.
• Tanyag sa kanyang linyang,
“Cogito, ergo sum” (“I think,
therefore I am.”). Naniniwala siya
na ang katuwiran ang susi sa
pagkakamit ng kaalaman.
ANG PANAHON NG
• Lubhang namangha ang mga ENLIGHTENMENT
pilosopong Europeo noong 1700, sa
mga nagaganap na pagtuklas sa
larangan ng agham.
• Naniniwala silang ang rason ay
maaring daanan upang matuklasan
ang mga batas sa siyensiya na
bumabalot sa buhay ng tao.
• At kapag natutuhan ang batas na ito,
ayon sa mga pilosopo, ay maaring
gamitin ng tao upang mapabuti ang
lipunan.
• Ngayon atin namang puntahan at
alamin ang naganap sa rebolusyong
enlightenment.
ANG PANAHON NG
ENLIGHTENMENT
• Sa Panahon ng Enlightenment,
nagtangka ang mga philosopher
na maipaliwanag ang kalikasan
nito.
• Mula rito, hangad nilang
makabuo ng mga ideyal na
pamamaraan sa pamumuno,
edukasyon, demokrasya, at iba
pang suliraning panlipunan.
• Ito ang mga sumusunod na
pilosopo:
THOMAS HOBBES
• Thomas Hobbes – sinabi niyang
ang tao ay likas na makasarili
kung kaya palagi niyang
katunggali ang kapwa tao.
JEAN JACQUES ROSSEAU AT JOHN LOCKE

• Jean Jacques Rosseau at John


Locke - kapwa naniniwala na
ang pamahalaan ay naitatag
mula sa pahintulot ng mga
mamamayan.
MARY WOLLSTONECRAFT
• Mary Wollstonecraft – ang
tumalakay sa karapatan ng
kababaihan sa kanyang “A
Vindication of the Rights of
Women (1792).”
• Sa akdang ito, sinabi niyang
dapat magkaroon ang
kababaihan ng karapatang
bumoto at magkaroon ng
posisyon sa pamahalaan.
ANG PANAHON NG
ENLIGHTENMENT
• Makikita ang pamana ng • Ang kabuluhan ng
Enlightenment sa sining, sa Rebolusyong Siyentipiko at
katauhan halimbawa ng Enlightenment ay makikita
mga kompositor ng sa pagpapalagay ng tao
Panahong Klasikal tulad ng kanyang kapalaran sa
nina Beethoven, Mozart, at kanyang mga kamay sa
Haydn. pamamagitan ng paggamit
ng katuwiran.
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
• Ang mga kaisipan na isinulong sa Panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko ay nagging daan din sa pagtuklas at pag-
imbento ng makabagong makinarya.
• Ang mga makabagong makinarya ay nagpabilis at
nagparami ng produksiyon sa Amerika at Europa.
• Ang Rebolusyong Industriyal ay isinilang na naging daan sa
pagkakaroon ng sistemang pabrika o factory system, pag-
unlad ng komunikasyon, at transportasyon.
• Ilan sa mga nakilalang imbentor sa panahong ito ang mga
sumusunod:
GEORGE WASHINGTON CARVER
• George Washington Carver -
Itinaguyod ang siyentipikong
pamamaraan ng agrikultura –
Tinuruan ang mga magsasaka
ng Crop Rotation - Gumagamit
sila ng pataba, bumubungkal sila
ng malalim na tudling, at
gumagamit ng siyentipikong
pamamaraan ng agrikuktura.
THOMAS NEWCOMEN
• Thomas Newcomen -
Nakaimbento ng isang steam
engine na pinaaandar ng
artificial pump (1700) Pinagbuti
naman ni James Watt ang steam
engine ni Newcomen (1763).
ROBERT FULTON
• Robert Fulton - amerikanong
imbentor nakabuo ng isang
steamboat (Clemont) higit na
malalaking gulong na
sumasagwan at pinaaandar ng
steam engine ginamit ito bilang
transportasyon sa mga ilog at
sapa Ginamit narin ito ng mga
kalakal sa ibayong dagat.
ALESSANDRO VOLTA
• Alessandro Volta - italyanong
propesor na nakaimbento ng
bagong baterya na kayang
tumustus ng sapat na
elektrisidad.
ANDRE AMPERE
• Andre Ampere - isang pranses
na nagpanukala ng mga
prinsipyo na nagsasaad sa
epekto ng magneto sa electric
current.
ALEXANDER GRAHAM BELL
• Alexander Graham Bell - isang
propesor sa Boston na
nakatuklas sa telepono (1876).
PAGSASANAY
• Anu-anong mga kaganapan na naging dahilan sa pagsisimula ng
Rebolusyong Siyentipiko?
• Ipaliwanag ang Teoryang Heliocentric.
• Isa-isahin ang mga mahahalagang pamana ng Panahon ng
Enlightenment sa kasalukuyan?
• Paano nabago ng Rebolusyong Industriyal ang pamumuhay ng tao?
• Ilarawan ang mga mabuting naidulot ng pagkakaroon ng “bagong
siyensya” o panahon ng katuwiran?

You might also like