You are on page 1of 4

Noong nakaraan, natutunan natin kung paano sumiklab ang malaking digmaan sa Europa na lumawak at

lumawak at nang naglaon ay tinawag na “Unang Digmaang Pandaigdig”.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

 Isa itong napakalaking digmaan kung saan lahat ng bansa sa daigdig ay nasangkot. Naganap ito
mga dalawang dekada pa lang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.

 Nag-umpisa ito noong September 1, 1939 at natapos noong September 2, 1945. Kung bibilangin
ay tumagal ito ng anim (6) na taon at isang (1) araw.

 Sa digmaang ito, karamihan sa mga bansa sa mundo kasama na ang pinakamakapangyarihan ay


nahati sa dalawang coalition or alyansang military:
o Ang una ay ang ALLIES na pinangungunahan nina:
Winston Churchill ng Britanya
 Franklin Roosevelt ng Estados Unidos
 Joseph Stalin ng Unyong Sobyet
 Chiang Kai-shek ng Tsina
 Ang pangalawa naman ay ang AXIS na pinangungunahan nina:
 Adolf Hitler ng Alemanya
 Hirohito ng Hapon
 Benito Mussolini ng Italya

 Nasangkot dito ang mahigit sa 100 milyong tao mula sa mahigit na 30 bansa.
 Ang mga pangunahing mga bansa ay nagbuhos ng kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-
industriyal, at syensa para suportahan ang digmaan.
 Tinuturing din itong pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao, dahil nasa 70
hanggang 85 milyong katao ang namatay dito na karamihan ay mga sibilyan mula sa Unyong
Sobyet o USSR at gayundin sa Tsina.
 Kilalang-kilala din ang WWII sa napakaraming masaker, pagpatay ng lahi , malawakang
pambobomba at ang paggamit ng Nuclear na Armas sa digmaan –kaya talagang mahirap
ilarawan ang lawak at saklaw ng digmaang ito.

Ano ba ang nangyari?


Bakit nga ba humantong sa ganito?
Paano ba nagsimula ang digmaang pandaigdig dos?

 Mga bandang 1937, nilayon ng Japan na sakupin ang bansa sa Asya, kaya noong mga panahon
na iyon sila ay nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban sa Tsina. Ito iyong mga mararahas na tensyon
sa bahagi ng Asya, pero hindi ito ang itinuturing na umpisa ng WWII.

 Samantala, sa Europa, noong unang mga buwan ng taong 1939, ang diktador na si Adolf Hitler ay
determinadong sakupin ang Poland.
o Sa mga pagkakakataong iyon, ay may garantiya naman ang Poland na susuportahan sila
ng
o France at Britanya sakaling lusubin nga ito ng Germany o Alemanya.
o Bago niya (hitler) sakupin ang Poland, sinigurado muna niya na hindi makikigulo dito ang
Soviet
o Union. Kaya nagkaroon sila ng lihim na negosasyon na nagresulta sa tinatawag na
GERMAN-SOVIET NONAGGRESSION PACT –pinirmahan ito sa Moscow noong August 23,
1939.
 Sa kasunduang ito, pumayag ang dalawang panig na ang POLAND AY HAHATIIN:
1/3 Germany, 2/3 Soviet Union.
 Dahil sa kasunduang ito, nasigurado ni Adolf Hitler na hindi pipigil sa kanya ang
USSR o ang Britanya man, sa pag-atake niya sa Poland. Kaya iniutos niya na
umpisahan na ang paglusob sa ika-26 ng Agosto –yun nga lang may kasunduan
ng pagtutulungan na nagaganap sa pagitan ng Great Britain at Poland, kaya
ipinagpaliban na muna niya ito. Muli niyang ipinag-utos ang paglusob sa
sumunod na araw noong Agosto 31, 1939.
 Gaya ng utos ni Hitler, sinakop ng Germany ang Poland noong Sept 1 , 1939.
 At bilang pagtugon NAGDECLARA NG DIGMAAN ANG GREAT BRITAIN AT
FRANCE LABAN SA GERMANY noong Sept 3.

AT NAGSIMULA NA NGA ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

 Noong Sept 17, 1939, lumusob din ang Soviet Union upang sakupin ang Poland sa silangang
bahagi nito. At dahil inaatake din ang Poland ng Germany sa Kanlurang bahagi, MABILIS NA
NATALO ANG POLAND.
o Gaya ng naunang kasunduan, naghati ang Germany at USSR sa pag-control sa Poland.
 Sa kabilang panig naman, mainit din ang labanan sa pagitan ng Germany at Great Britain.
o Gamit ang mapaminsalang U-BOAT SUBMARINES, mahigit 100 barkong papuntang
Britania ang napalubog ng Germany sa unang apat na buwan pa lang ng WWII.
 Noong April 9, 1940 sabay na sinakop ng Germany ang NORWAY AT DENMARK. (gigil na gigil sila
sa digmaan)
 Noong May 10, 1940, mabilis na nasakop ang Belgium at Netherlands gamit ang taktika ng mga
German na BLITZKRIEG o ang mala-kidlat na pag-atake.
o Makalipas ang 3 na araw, nagulantang din ang mga sundalong Pranses ng lusubin ng
Germany ang France.
o Habang bumabagsak ang France sa kamay ng Germany, nakipag-alyansa naman si
Benito Mussolini (Italy) kay Adolf Hitler ng Germany noong June 10, 1940.
o At nagdeklara na rin ng pakikidigma ang Italy laban sa France at Great Britain.
 Matapos masakop ang France, itinuon naman ni Hitler ang kanyang pansin sa Britanya.
o Di gaya ng ibang kalaban ng Germany, ang Britanya ay nkahiwalay sa continente ng
Europa sa pamamagitan ng dagat.
o Pinlano ni Hitler na tawiring ang dagat at lusobin ang Britanya. TINAWAG ITONG
OPERATION SEA LION.
 At bilang umpisa ng operasyon na ito, isinagawa niya ang malawakang
pambobomba sa Britanya noong tag-init ng 1940.
 Binomba nila ng London kapag gabi at iba pang mga importanteng mga lugar na
nagresulta sa pagkamatay ng napakaraming sibilyan.
 Pero nang maglaon, NATALO NG ROYAL AIR FORCE NG GREAT BRITAIN ANG
GERMAN AIRFORCE SA TINAGURIANG BATTLE OF BRITAIN.
 Dahil dito, pinagpaliban ni Hitler ang operation sea lion.
o Matinding pinsala ang naidulot sa Britanya ng pambobomba ng Germany. Napakalaking
halaga din ang naubos dahil sa pang depensa.
 Pero dahil sa LEND-LEASE ACT ng Estados Unidos, nabigyan sila ng malaking
tulong para suportahan ang digmaan
 Sa unang mga buwan ng 1941, ang Hungary, Romania at Bulgaria ay SUMAPI na sa AXIS.
o Nasakop na rin ng mga tropang Aleman ang Yugoslavia at Gresya.
o Kasama sa plano niya ang pag-aalis sa mga Hudyo sa lahat ng lugar sa Europa na
nasasakop ng Alemanya .
 Nauwi ito sa pagkamatay ng 4 milyon na Hudyo sa Campong Piitan na nasa
Poland.
 At ang totoo, plano din niyang sakupin ang Soviet Union.
o Kaya noong June 22, 1941, INIUTOS NI HITLER ANG PAGSAKOP SA SOVIET UNION.
Tinawag itong OPERATION BARBAROSSA.
 Dahil sa lakas ng Germany, may mga bahagi agad ng USSR ang nasakop nila.
 Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa pagpigil ng sundalong soviet at
gayundin sa matinding paglamig.
o Sa labas naman ng Europa, tuloy-tuloy din ang pananakop ng mga Hapones sa ilang
bahagi ng Asya.
 Lumilitaw na tanging Estados Unidos lang ang makapipigil ditto, pero noong mga
panahon na iyon, hindi pa sila opisyal na lumalahok sa WWII, hanggang noong
December 7, 1941.
 December 7, 1941, Sorpresang nilusob ng Japan ang Base Militar ng United States sa Pearl
Harbor, Hawaii.
o 360 eroplano ng Japan ang umatake kung saan mahigit 2,300 tropa ng United States ang
namatay.
 Dahil sa pangyayaring ito, OPISYAL NA PUMASOK SA DIGMAAN ANG USA, at
nagdeklara ng pakikidigma laban sa Japan.
 At bilang suporta sa Japan, ang Germany at ibang kasapi ng AXIS ay
nagdeklara rin ng pakikidigma sa USA.
o Malaki na ang saklaw ng nasakop ng Hapones sa Asya, pero pagdating sa MIDWAY,
natalo sila ng Estados Unidos.
o Simula noong August 1942-February 1943, sunod-sunod ang panalo ng mga Amerkano
laban sa Hapones.
 Unti-unti nilang nabawi ang mga isla sa pasipiko na napasailalim sa control ng
mga Hapones.
 Dahil sa mga tagumpay na ito, lumapit sila sa tungohin nilang masakop ang
bansang Japan.
 BALIK TAYO SA EUROPA. Noong 1943, natalo ng Britanya at Estados Unidos ang tropa ng Italya
at Alemanya sa North Africa.
o Sinundan ito ng paglusob nila sa Sicily at Italy kung saan napabagsak nila ang
pamamahala ni Benito Mussolini noong July 1943.
o Tuloy pa rin ang bakbakan sa pagitang ng Soviet at Germany.
o At noong November 1942, naganap ang BATTLE OF STALINGRAD –pinakamatindi at isa
sa pinakamadugong parte ng digmaan.
 Ngunit dahil pa rin sa matinding taglamig at kakulangan sa gamut, sumuko ang
mga sundalong Aleman noong January 31, 1943 –matapos ang higit sa limang
buwang bakbakan.
o Noong June 6, 1944, INUMPISAHAN NG ALLIES ANG MALAWAKANG PAGBAWI SA
EUROPA MULA SA KAMAY NG MGA ALEMAN.
 156,000 na mga sundalong British, Canadian at Amerikano ang dumaong sa
baybayin ng Normandy, France.
 Kaya ibunuhos ni Hitler ang kanyang kapangyarihang military sa
bahaging ito ng continente.
 Dahil dito nakaabante ang mga tropang soviet sa Poland,
Czechoslovakia, Hungary at Romania.
 Ngayon, kailangan harapin ni Hitler ang Britanya at Estados Unidos sa kaliwa
habang linalabanan din niya ang tropang soviet sa kanan.
 Naganap ito mula December 1944 – January 1945.
 Lubusang binomba ng Estados Unidos at Britanya ang Germany noong
February 1945, saka sinundan ng pagpasok ng mga sundalo at iba pang
kasangkapang pangdigma.
 Noong May 8, 1945, pormal na sumuko ang Germany.
 Sa pagkakataong ito, patay na si Hitler.
 Nagpakamatay siya noong April 30, 1945 sa bunker niya sa
Berlin.
 BALIK TAYO SA PASIKPIKO. Matigas pa rin ang mga Hapones.
o Maraming mga Amerkano ang patuloy na namamatay dahil sa digmaan.
 At dahil sa takot na mas maraming buhay pa ang mawawala kapag sinakop ng
Estados Unidos ang bansang Hapon, PUMAYAG SI PRESIDENTE HARRY TRUMAN
NA GUMAMIT NG BAGO AT MAPAMINSALANG ARMAS. ANG BOMBA ATOMIKA
 Ibinagsak ang isa sa Hiroshima at isa pa sa Nagasaki.
 At noon ngang September 2, 1945, PORMAL NA SUMUKO ANG JAPAN
kay US General Douglas McArthur, sakay ng barkong USS Missouri.

AT DITO NAGTAPOS ANG PINAKA-MADUGO AT


PINAKAMAPAMINSALAG DIGMAAN SA KASAYSAYAN NG DAIGDIG

You might also like