You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
(Una at Ikalawang Linggo)
Mga Dahilan, Mahahalagang
Pangyayaring Naganap at Bunga
ng Unang Digmaang Pandaigdig

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang


pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig
(AP8AKD-Iva-1, AP8AKD-IVb-2, AP8AKD-IVc-3)

Inihanda ni:
MARJORIE C. NAVARRO
Guro I
Lanao National High School
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring
Naganap at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marjorie C. Navarro
Editor: Maricel T. Pascua
Tagasuri: Maricel T. Pascua
Milagros Sandra G. Malvar
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Michael George C. Acupido

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
(Una at Ikalawang Linggo)
Mga Dahilan, Mahahalagang
Pangyayaring Naganap at Bunga
ng Unang Digmaang Pandaigdig
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Layunin nitong


tulungan ka sa iyong pag-aaral. Tinatalakay nito ang mga dahilan, mahahalagang
pangyayari at bunga ng Unang Digmaan Pandaigdig.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos


upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa Unang Digmaang Pandaigdig na
nahahati sa mga sumusunod na paksa:

 Paksa 1: Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig


 Paksa 2: Mga Mahahalagang Panyayari na Naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig
 Paksa 3: Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

 Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga


ng Unang Digmaang Pandaigdig

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

 naipapaliwanag ang mga dahilan ng pag-uumpisa ng Unang Digmaang


Pandaigdig;
 natutukoy ang mga mahahalagang panyayari na naganap noong Unang
Digmaan; at
 natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat aytem. Isulat ang letra sa
inyong sagutang papel.
1. Kailan opisyal na nag-umpisa ang Unang Digmaang Pandaigidg?
a. Hunyo, 1914
b. Agosto, 1914
c. Disyembre, 1918
d. Hunyo, 1918

2. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat sa pag-uumpisa ng


Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson
b. Pagpatay kay Adolf Hitler
c. Pagpaslang sa Archduke ng Austria na si Francis Ferdinand
d. Pagwawakas ng mga imperyo na itinatag sa Europe

3. Ano-anong mga bansa ang bumubuo sa alyansang Triple Entente?


a. France, Russia, Italy
b. Germany, Italy, Russia
c. Austria, Germany, Britain
d. Britain, France, Russia

4. Ang pagpapanatili ng malaki at malakas na sandatahan ay kabilang sa


_________.
a. Alyansa
b. Nasyonalismo
c. Militarismo
d. Imperyalismo

5. Ang digmaang panghimpapawid ay naganap sa pagitan ng German at Allied


airmen sa ______________.
a. Western Front
b. Eastern Front
c. Italian Front
d. Balkan Front

6. Anong kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Treaty of Tordesillas
b. Treaty of Versailles
c. Treaty of Waterloo
d. Treay of Westphalia

2
7. Ito ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa bayan na siyang naging isang
sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Imperyalismo
b. Nasyonalismo
c. Militarismo
d. Alyansa

8. Ang sumusunod ay naging resulta ng labanan, maliban sa isa. Ano ito?


a. Paghihiwalay ng Austria at Hungary
b. Pagkakaroon ng bigong kasunduan
c. Pagkawasak ng mga ari-arian at pagkitil sa buhay ng tao
d. Pagkakaroon ng lubos na kapayapaan sa daigdig

9. Ano-anong mga bansa ang kabilang sa digmaan sa Kanluran (Western Front)?


a. France vs. Italy
b. France vs. Germany
c. Russia vs. Germany
d. Russia vs. France

10. Magkano ang tinatayang nagastos sa Unang Digmaang Pandaigdig?


a. 200 bilyong dolyar
b. 100 bilyong dolyar
c. 300 bilyong dolyar
d. walang nagastos sa digmaan

3
Aralin
Mga Sanhi ng Unang
1 Digmaang Pandaigdig

Kumusta? Ang pag-aaralan natin


ngayon ay tungkol sa mga dahilan ng
pagsiklab nang Unang Digmaang
Pandaigdig. Ipinapakita dito ang iba’t-
ibang salik ng pagsibol ng Unang
Digmaan.
Handa ka na ba? Halina`t matuto!

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na aralin, balikan muna natin ang iyong mga
natutunan sa mga nakaraang modyul.

Gawain 1: I-BALITA Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Pagkatapos, ilahad ang iyong
sagot sa pamamagitan ng paggawa ng isang video. Gawing batayan ang
sumusunod na pamatayan sa ibaba.

Paano nakaapekto ang Rebolusyong Industriyal sa buhay ng mga tao sa


Europe?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4
Rubrik sa Paggawa ng Video

Batayan Puntos (20)


Nilalaman/Paglalahad ng Kaisipan 5
Organisasyon/Pagkakaugnay ng Pangungusap 5
Paggamit ng angkop na salita sa pagpapahayag ng opinion 5
Kabuuang Impact ng Video 5

Tuklasin

Gawain 2: Photo-Suri
Panuto: Tukuyin ang ipinapakita sa bawat larawan. Gamitin ang sumusunod na
ginulong letra bilang hint o clue sa pagsagot.

1.
N A A G M D I

Sagot:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https% 3A% 2F% 2Ftl.madskillsvocabulary.com% 2Fguerra-dos-sete-


anos&psig=AOvVaw1eUym8b4CCg7kjwZNgg_HN&ust=1619528948910000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCODC09L_m_ACFQAAAAAdAAA
AABAD

2. L A A Y A N S

Sagot:

https://web.facebook.com/AlyansaNgMasa/photos/1420753674809061

5
3.
M L I I T I R A S OM

Sagot:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https% 3A% 2F% 2Fculturapolitica2018.wordpress.com% 2F2018% 2F10% 2F30% 2Fo-pensamento-autoritario-e-o-


militarismo% 2F&psig=AOvVaw0tfE1gbytwOhRd0z9MM8E3&ust=1619529098700000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCKiTmd-
CnPACFQAAAAAdAAAAABAJ

4. I O E A I R Y L S M
MP

Sagot:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https% 3A% 2F% 2Fwww.youtube.com% 2Fwatch%3Fv% 3DmcDMsOWYzEw&psig=AOvVaw1-


VJyFN8PyS2OI3d1HqbCp&ust=1619533371399000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCOjY35WOnPACFQAAAAAdAAAAABAD

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang ipinapakita ng bawat larawan?


2. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa
pandaigdigang digmaan?
3. Batay sa mga larawan, ano-ano ang sanhi ng pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig?

6
Suriin

Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig


Ang siglong sinundan ng 1914 ay isang panahon kung saan may mga
maliliit na digmaan. Ang unang teribleng digmaan na kinakasangkutan ng buong
mundo at nagbunga ng maraming kamatayan at pinsala ay ang Unang Digmaang
Pandaigdig (1914-18).

1. Nasyonalismo. Ito ang hangarin ng isang lipi na maging isang malayang


bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal
sa bansa.
Halimbawa:
 Ang mga German Jingoist ay naniwalang sila ang superior na lahi.
 Ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na
nasa ilalim ng Austria.
 Ang pakikialam ng Russia sa Balkan dahil sa relihiyon na Greek
Orthodox at pananalita na tulad ng mga Russian.
 Gustong maangkin ng Russia ang Constantinople upang magkaroon
ng daungang ligtas sa yelo.
 Nais angkinin ng Italy ang Trent at Tristen a sakop ng Austria.
 Nais ng France na maibalik ang Alsace-Lorraine mula sa Germany.

2. Militarismo. Isang makapangyarihang army at isang dakilang navy ay


kinakailangan upang suportahan ang Nasyonalismo at Imperyalismo.
Halimbawa:
 Ang mga kapayarihang European ay nagsimulang magkarera sa
armament na kinapalooban ng mga sumusunod:
o Sapilitang training pangmilitar ng mga matitipunong
kalalakihan
o Pagpapanatili ng malaki at malakas na army
o Pagtatatag ng malalakas na navy
o Pagdadagdag ng badyet ng military
 Tahasang hinamon ng Germany sa pamamagitang ng malakas na
fleet ang England na tinaguriang ―Mistress of the Seas.‖

3. Imperyalismo. Ang patakaran ng pagpapalawak ng pambansang


kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop at pagpapaunlad ng
ekonomiya.
Halimbawa:
 Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa East Africa
sapgakat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo.
 Tinangkang hadlangan ng Germany ang pagtatag ng French
Protectorate sa Morocco.
 Nabahala ang England sa pagtatag ng Berlin-Baghdad Railway
sapagkat panganib ito sa kanyang lifeline patungong India.

7
 Pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan kung saan
salungat ang Serbia at Russia.
 Naging kalaban ng Germany ang Great Britain at Japan sa pagsakop
sa China.
 Hindi nasiyahan ang Germany at Italy sa pagkakahati ng Africa.

4. Pagbuo ng mga Alyansa. Ang pagpapaligsahan ng mga bansa ay nauwi sa


pagbuo ng dalawang magkaribal na alyansa – Triple Alliance (1882) at Triple
Entente (1907).
 Ang Triple Alliance ay binubuo ng Germany, Austria at Italy.
 Ang Triple Entente ay binubuo ng Britain, France at Russia.
 Anomang digmaan sa pagitan ng dalawang alyansa ay nadadamay
ang hindi lamang sa Europe kundi sa buong mundo dahil sa kanilang
mga kaibagan na mula sa ibang bansa sa iba’t-ibang panig ng
daigdig.
 Halimbawa: Ang Turkey ay may utang na loob sa Germany dahil sa
ekonomiya at military.
 Ang Japan ay nakaalyado sa Britain dahil sa kasunduan ng
pakakaibigan at komersyo.

Aralin Mga Mahahalagang


2 Pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig
Ang dagling sanhi ng pagsiklab ng digmaan ay ang pagkakapatay ni Gavrilo
Princip kay Archduke Francis Ferdinand na tagapagmana sa trono ng Austrian sa
Sarajevo, Bosnia noong Hunyo 28, 1914.

1. Ang Digmaan sa Kanluran (Westen Front)


Winalang-bahala ng mga Germans ang pagiging neutral ng Belgium at
sinalakay ito, inisip na makukuha ito sa loob ng ilang araw. Sa inspirasyon ni
Haring Albert I, ang mga Belgians ay nanlaban at pinatigil ang paglusob ng
German sa Liege.

 First Battle of Marne (Setyembre 1-10, 1914) sa pangunguna ni


General Joffre; Germans vs. Belgians
 Second Battle of Ypres (Abril 22-Mayo 25, 1915) gumamit ng
nakalalasong gas; Germans vs. British at Canadians
 Battle of Somme (Hulyo 1-Nobyembre 18, 1916)gumamit ng
tangke; British vs. Germans
 Battle of Verdun (Pebrero 21-Disyembre 18, 1916) hinirang ni
Heneral Henri Philippe Petain (bayani ng Verdun) sa paglusob
ng German

8
2. Ang Digmaan sa Silangan (Eastern Front)
Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand
Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit nang dumating ang
saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Russia sa Digmaan ng Tannenberg.

 Battle of Tannerberg (Agosto 26-30, 1914) Germany vs. Russia


 Nagtagumpay ang Russia sa Austria Galicia subalit
pinahirapan ng mga German sa Poland.
 Ang pagbagsak ng Russian Army ay naging sanhi ng pagguho
ng Romanov Dynasty noong March, 1917 at pagsikat ng
Komunismo.
 Upang makaiwas sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa
ilalim ng pahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng
paglagda sa Treaty of Breast Livotsk.
 Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central
Powers.

3. Ang Digmaan sa Balkan (Balkan Front)


Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.

 Sumapi ang Bulgaria sa Central Powers noong Oktubre, 1915.


 Noong1916, karamihan sa estado ng Balkan ay napasailalim
sa Central Powers.
 Ang Italy ay tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral.
 Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang
Russia sa pag-angkin sa kanyang bansa sa Dardanelles.

4. Ang Digmaan sa Italy (Italian Front)


Upang makuha ang rehiyon ng Austria na Italiano ang salita, umanib
ang Italy sa Allies noong Mayo, 1915.

 Battle of Caporetto (1917) Italy vs. Austria


 Battle of Vittorio Veneto (Oktubre 30, 1918)

5. Ang Digmaan sa Karagatan


 Nagkasubukan ang hukbong pandagat ng Germany at Great
Britain
 Napalayas agad ng makapangyarihang British Navy ang
German sa karagatan.
 Ang mabibilis na mga cruisers ng German na tinawag na
raiders at submarinong tinawag na U-boats, ay nagdulot ng
malaking pinsala sa barkong Allied.
 Ang Lusitania, pinakabantog na British Liner, na may lulang
1200 na tao, 124 na Amerikano ay namatay dahil sa pinalubog
ito ng German torpedoes malapit sa baybaying Irish noong
Mayo 7, 1917

9
 Ang paglubog ng Lusitania ay nagpagalit sa mga Amerikano,
kaya pumasok ito sa digmaan laban sa Germany noong Abril 6,
1917.
 Ang Battle of Jutland (Mayo 31, 1916) ay ang pinakamabigat
na labanan sa dagat ng Unang Digmaang Pandaigdig sa North
Sea.

6. Pagpasok ng Amerika sa Digmaan


Noong Abril 6, 1917, nagdeklara ng digmaan ang Amerika sa
Germany.

 Ang American Expeditionary Force sa ilalim ni General John


Pershing ay ipinadal sa France
 Bawat buwan, hinakot nag bawat Amerikano sa Europe, kaya
sa pagtatapos ng digmaan, higit sa 2, 500,000 sundalong
Amerikano ang nakadaong sa France.

Aralin
Mga Bunga ng Unang
3 Digmaang Pandaigdig

Bilang unang pandaigdigang alitan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ay


nagdulot ng malalaking pagbabago sa daigdig. Ilan sa mga resulta ay ang
sumusunod:
1. Ang digmaan ay nagdulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Ang
kabuuang halaga ng digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar.
2. Nagdulot ito ng hinagpis at lungkot sa milyon-milyong mga nakaligtas,
kabilang ang mga naulila ng digmaan at mga nabalo.
3. Pinatigil nito ang pandaigdigang ekonomiya dahil sa pinsala sa agrikultura,
industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
4. Nagdala ito ng pagbagsak ng apat na imperyo ng daigdig—German empire,
Austro-Hungarian Empire, Russian Empire at Ottoman Empire (Turkey)
5. Sumilang ang mga bagong republika sa Europe—Weimar Republic
(Germany), Asutria, Hungary, Turkey, Czechoslovakia, Poland, Finland,
Estonia Latvia at Lithuania.
6. Hindi ito nakapagdulot ng lubos na kapayapaan sa daigdig. Ang malupit na
tadhana ng Versailles Treaty ay nagpagalit sa Germany.

Kaya ang digmaan ay naghasik ng binhi ng isa pang alitang pandaigdig.

10
Sagutin:

1. Paano naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo at


Militarismo?
2. Ano-anong mga bansa ang nagtagumpay sa labanan?
3. Nakatulong kaya ito sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan?

Pagyamanin

Gawain 3: I-TALAsaHANAYAN
Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan ng mga mahahalagang
impormasyon na hinihingi mula sa iyong nakalap sa nabasang teksto.

Mga Sanhi Ng Digmaan Mga Pangyayaring Mga Resulta Ng


Naganap Sa Digmaan Digmaan

11
Gawain 4: Laban o Bawi!
Panuto: Ilahad ang iyong kaisipan kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga
Amerikano. Makikilahok ka din ba sa digmaan nang dahil sa pagkamatay ng iyong
mga kasamahan o iiwas ka? Kung oo, bakit ka lalahok sa digmaan? Kung hindi,
bakit hindi ka lalahok? Ano ang iyong gagawin?

Isaisip

Mga Dapat Tandaan sa Modyul na Ito

 Ang mga sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay MAIN.


(Militarisasyon, Alyansa, Imperyalismo, Nasyonalismo)
 Ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ang nagpasiklab ng
digmaan na tagapagmana sa trono ng Austrian sa Sarajevo, Bosnia noong
Hunyo 28, 1914.
 Ang mga naging resulta ng digmaan ay nagdulot ng pagbabagong politikal sa
buong daigdig at pag-igting ng makabagong digmaan.
 Ang mga mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaan ay naging leksyon sa
mga kasalukuyang lider ang dulot ng isang digmaan.
 Hindi naging matagumpay ang Treaty of Versailles sa pagwakas ng digmaan
sapagkat sobra ang naging pagpapataw ng parusa sa Germany.

Isagawa

Gawain 5: ISASABATAS KO!


Panuto: Gumawa ka ng tatlong bookmark at sa loob nito sagutin ang
katanungan.

12
Kung ikaw ang gagawa ng kasunduan upang maiwasan ang digmaan, magbigay ng
tatlong mahahalagang batas na iyong ipapatupad.
Maging malikhain sa paggawa ng pangalan ng iyong batas at bigyan ng maiksing
deskripsyon ang mga ito.
Gawing batayan ang sumusunod na pamantayan:
Rubrik Para sa Paggawa ng Bookmark
Batayan Puntos (20)
Nilalaman/Paglalahad ng Kaisipan 5
Organisasyon/Pagkakaugnay ng Pangungusap 5
Pagkamalikhain 5
Kabuuang Impact 5

Tayahin

Panuto: Unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang pinaka-


angkop na sagot sa bawat aytem. Isulat ang letra sa inyong sagutang papel.

1. Anong kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Treaty of Tordesillas
b. Treaty of Versailles
c. Treaty of Waterloo
d. Treay of Westphalia

2. Ito ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa bayan na siyang naging


isang sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Imperyalism
b. Nasyonalismo
c. Militarismo
d. Alyansa

3. Ang sumusunod ay naging resulta ng labanan, maliban sa isa. Ano ito?


a. Paghihiwalay ng Austria at Hungary
b. Pagkakaroon ng bigong kasunduan
c. Pagkawasak ng mga ari-arian at pagkitil sa buhay ng tao
d. Pagkakaroon ng lubos na kapayapaan sa daigdig

4. Ano-anong mga bansa ang kabilang sa digmaan sa Kanluran (Western


Front)?

13
a. France vs. Italy
b. France vs. Germany
c. Russia vs. Germany
d. Russia vs. France

5. Magkano ang tinatayang nagastos sa Unang Digmaang Pandaigdig?


a. 200 bilyong dolyar
b. 100 bilyong dolyar
c. 300 bilyong dolyar
d. walang nagastos sa digmaan

6. Kailan opisyal na nag-umpisa ang Unang Digmaang Pandaigidg?


a. Hunyo, 1914
b. Agosto, 1914
c. Disyembre, 1918
d. Hunyo, 1918

7. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat sa pag-uumpisa ng


Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson
b. Pagpatay kay Adolf Hitler
c. Pagpaslang sa Archduke ng Austria na si Francis Ferdinand
d. Pagwawakas ng mga imperyo na itinatag sa Europe

8. Ano-anong mga bansa ang bumubuo sa alyansang Triple Entente?


a. France, Russia, Italy
b. Germany, Italy, Russia
c. Austria, Germany, Britain
d. Britain, France, Russia

9. Ang pagpapanatili ng malaki at malakas na sandatahan ay kabilang sa


___________.
a. Alyansa
b. Nasyonalismo
c. Militarismo
d. Imperyalismo

10. Ang digmaang panghimpapawid ay naganap sa pagitan ng German at Allied


airmen sa ______________.
a. Western Front
b. Eastern Front
c. Italian Front
d. Balkan Front

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang maikling tula na naglalahad ng epekto ng digmaan.


Gawing batayan ang sumusunod na pamantayan.

Batayan Puntos (20)


Nilalaman/Paglalahad ng Kaisipan 5
Organisasyon/Pagkakaugnay ng Pangungusap 5
Paggamit ng angkop na salita sa pagpapahayag ng opinion 5
Kaayusan ng Kaisipan 5

Susi sa Pagwawasto

10.A
10. B 9. C
9. C 8. D
8. D 7. B
7. C 6. B
6. A IMPERYALISMO 4.
MILITARISMO 3. 5. B
5. A 4. C
4. C ALYANSA 2.
DIGMAAN 1. 3. D
3. D 2. C
2. B Gawain 2 1. A
1. B
Tayahin Balikan Subukin

15
Sanggunian

Zaide, G. & Zaide S. (2002). Kasaysayan ng Daigdig. Ikalimang Edisyon. All-


Nations Publishing Co., Inc. pp 318-333, pp 360-366

Blando R.C. et.al., (2014) Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng


Mag-aaral. Unang Edisyon. Wibal Group Inc. pp. 457-460, pp484-486

"K To 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan". 2016.


https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes". Pasig City: Department of Education Central
Office, 2020.

https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

16

You might also like