You are on page 1of 28

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan

Grade VIII: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

GRADES Tagapagturo: ROLIN LESTER Baitang/Antas: Grade 8


K1-12 M. AGUILAR & AGRIE R. Asignatura: KASAYSAYAN NG DAIGDIG
BATUL Markahan: Ikaapat na Markahan
I. LAYUNIN
A. Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag- ugnayan
Pamantayang at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang
Nilalaman kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
B. Pamantayan Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at
sa Pagganap bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.
C. Pamantayan Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangayayaring naganap at bunga ng Ikalawang
sa Pagkatuto Digmaang Pandaigdig.
AP8AKD-IVb-2
D. Kasanayan Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto/
Mga a. Nasusuri ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
tiyak na b. Nakagagawa ng iba’t ibang malikhaing presentasyon na may kaugnayan
layunin sa mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
c. Naisasabuhay ang kahalagahan ng kapayapaan at mabuting pakikipag-
ugnayan sa pang –araw araw na pamumuhay.
II. A. Paksa: ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
NILALAMAN : Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Kagamitan: mga larawan, Laptop, Projector, kartolina, pentel pen, manila paper,
cardboard, box at iba pang pantulong na biswal
C.
1.) Sanggunian: Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig (LM)
2.) Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig (TM)
Kagamitang Panturo

A. Sangunian Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig


1. Mga pahina
sa TG, pahina 446
gabay ng guro
2.Mga pahina
sa kagamitang LM, pahina 470-472
pangmag-aaral
3. Mga pahina Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 470-472
sa teksbuk
4. Karagdagang https://www.slideshare.net/MaryGraceAmbrocio/ikalawang-digmaang-pandaigdig-
kagamitan 105103770
mula sa portal https://www.slideshare.net/eliasjoy/ikalawang-digmaang-pandaigdig-85365964
learning
resource

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw Panalangin
na gawain Tumayo ang lahat para sa ating panalangin
(2 minutes) na pangungunahan ni Herna.
(Tatayo ang lahat at
Mananalangin na pangungunahan ni
Herna.)
Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po sir.
Pagpuna sa Paligid
Bago maupo ang lahat, pulutin muna ang
mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan at
lamesa at itapon ito sa tamang basurahan.
(susunod ang mga mag-aaral)
Maaari na kayong maupo.
(umupo ang mga mag-aaral)
Pagtala ng Liban
Klas, tingnan ninyo ang inyong mga katabi,
mayroon bang liban sa ating klase?
Wala po sir.
Magaling klas! Kung ganon ako’y natutuwa
sapagkat kayo ay naririto at walang liban sa
klase.

Pagkuha ng Takdang Aralin


Meron ba akong ibinigay na takdang
aralin sa inyo?
Meron po sir.
Kung gayon, maari na itong ipasa sa taong
nasa inyong harapan.
(susunod ang mga mag-aaral)
Umupo ng maayos at panatilihin ang
pagsusuot ng facemask at ihanda ang inyong
mga sarili para sa ating mga gawain ngayong
araw
Handa na ba ang lahat?
Opo sir.
A. Balik-aral sa Gawain 1: HULARAWAN
nakaraang Ngayong araw bago tayo dumako sa ating
aralin bagong paksang tatalakayin, ay atin munang
balikan ang ating nakaraang talakayin.
(5 minutes) Tingnan natin kung naalala pa ninyo ito.
Sa pamamagitan ng isang gawain na aking
pinamagatang:

“ HULARAWAN ’’

Ngunit bago yan, Basahin mo nga ang


panuto, Jenevie?
(binasa ni Jenevie ang panuto)
Panuto: Suriin ng mabuti ang mga
larawan
Naunawaan ba ang ating panuto, klas?
Opo sir.
Kung gayon, klas. Tatawag ako ng apat na
mag-aaral na maswerte kong mabubunot sa
ating mahiwagang kahon.
Para sa ating unang larawan ang maswerteng
pangalan na aking nabunot ay si Realyn.
Realyn, ano ang iyong kasagutan?
Sir, ang nasa larawan po ay
nagpapakita ng nasyonalismo po!

Magaling! Para sa pangalawang larawan ang


maswerteng pangalan na aking nabunot ay si
Jessa.
Jessa, ano ang iyong kasagutan?
Sir, ang nasa larawan po ay
Imperyalismo po sir!

Mahusay! Para naman ikatlong larawan ang


maswerteng pangalan na aking nabunot ay si
Cheren.
Cheren, ano ang iyong kasagutan? Sir, ang nasa larawan po ay
Militarismo po sir.

Tumpak! Para naman sa ikaapat na larawan


ang maswerteng kong pangalan na aking
nabunot ay si Vanessa.

Vanessa ano ang iyong kasagutan?


Sir, pagbuo po ng Alyansa!
Mahusay! Mayroon pa ba kayong mga
katanungan o nais linawin sa ating nakaraang
talakayan?
Wala na po sir.
B. Paghahabi Gawain 2: LITRATO KO, HULAAN MO
sa mga
layunin Kung wala na, magkakaroon ulit tayong isang
gawain at ito ay aking pinamagatang:
(5 minutes)
“LITRATO KO, HULAAN MO”
Ngunit bago yan, Pakibasa nga ang ating
panuto, Noime?
(binasa ni Noime ang panuto)

Panuto: Suriin at sagutan ang


ipinapahiwatig ng mga larawan.
Nauunawaan ba ang ating panuto, klas?
Opo sir
Kung gayon, ipapangkat ko kayo sa lima.
Kung inyong mapapansin, base sa kulay ng
inyong name tag, ang magkakaparehong
kulay ang siyang magkakagrupo.

Para naman sa inyong batayan, naririto nag


pamantayan natin para sa pagmamarka.
Basahin lamang ito ng may katamtamang
lakas ng boses, Resty.
(binasa ni Resty ang pamantayan)
Pamantayan sa pagmamarka
Kooperasyon ng bawat
10
pangkat

Natapos sa takdang oras 5

Kabuoang puntos 15

Nauunawaan ba klas?
Opo sir
Ngayon maaari nang magsama-sama ang
magkakaparehong kulay ng name tag upang
malaman ninyo kung sino ang inyong mga
kagrupo. Dito ang unang pangkat, ikalawang
pangkat, ikatlong pangkat at ikaapat na
pangkat. Gawin ito ng tahimik.
Maaari na kayong magsimula at bibigyan ko
lamang kayo ng dalawang minuto sa gawaing
ito.
(magsisimula na ang bawat pangkat
sa kanilang gawain)

Unang- pangkat

Hel ang

pangalawang- pangkat

hon t
Ikatlong - pangkat

I
Ikaapat- pangkat

Mahalan Hal

Ikalimang- pangkat

Okey klas, mayroon na lamang kayong


natitirang isang minuto para tapusin ang
inyong gawain.
(pagkatapos ng gawain)
Tapos na ang takdang oras! Batay sa ating
pangkatang gawain, ano ang salitang inyong
nabuo, sa unang pangkat?
Sir ang nabuo po ng aming pangkat
ay salitang ANG MGA po.
Mahusay! Anong salita naman ang nabuo ng
ikalawang pangkat?
Sir ang nabuo po ng aming pangkat ay
Tama! Sa ikatlong pangkat naman, ano ang ang salitang DAHILAN po.
inyong nabuo?
Sir ang nabuo po ng aming pangkat ay
Magaling! Sa ikaapat na pangkat naman, ano ang salitang IKALAWANG po
ang salitang inyong nabuo?
Sir ang nabuo po ng aming pangkat ay
Mahusay! Sa ikalimang pangkat naman, ano ang salitang DIGMAAN po
ang salitang inyong nabuo?
Sir, ang nabuo po ng aming pangkat
Tumpak! Bigyan nyo ang inyong mga sarili ay ang salitang PANDAIGDIG po.
ng “ Ang galing-galing clap’’
(pumalakpak ng ang galing-galing
Mahusay klas! Batay sa mga salitang ito, clap ang mga mag-aaral)
patungkol kaya saan ang paksang tatalakayin
natin ngayong araw, Jason?
Sir, sa tingin ko po ang paksang ating
tatalakayin natin ngayong araw ay
patungkol sa mga Dahilan ng
Tumpak! Ang tatalakayin natin ngayong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
araw ay patungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na kung saan ay bibigyan pansin
natin ang mga dahilan o sanhi nito.

Pero bago natin alamin ang mga dahilan ng


ikalawang digmaang pandaigdig, naririto
muna ang mga layunin na dapat nating
maisakatuparan ngayong araw. Basahin mo
nga, Marjorie.

ANG MGA DAHILAN NG


IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
(Binasa ni Marjorie ang layunin)
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. a. Nasusuri ang mga dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
b. Nakagagawa ng iba’t ibang
malikhaing presentasyon na may
kaugnayan sa mga dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
at
c. Naisasabuhay ang
kahalagahan ng kapayapaan at
mabuting pakikipag-ugnayan sa
pang- araw araw na pamumuhay.
Naunawaan ba ang ating layunin?
Opo sir
Kung gayon, kapag narinig niyo ang salitang
digmaan pandaigdig, ano ang pumapasok sa
inyong isipan?

(bumunot ang guro sa magic box)

Cheren? Ito po ang pagkakaroon ng giyera na


kinalalahokan ng maraming karatig
bansa na mayroong ipinaglalaban.
Ano pa, Myrna?
Isang madugong labanan po na
naganap noon sa pagitan ng mga
bansa na siyang tumatak sa kaisipan
ng lahat ng tao.
Mahusay! Ang mga paunang kaalaman na
mayroon kayo ay madadagdagan sa
pagpapatuloy ng ating talakayan.

Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng


pagkakataong bumuo ng mga katanungan na
nagsisimula sa salitang bakit, ano at paano?

Sige nga, Herna? Sir bakit po nagkaroon ng ikalawang


digmaan pandaigdig?
Magandang katanungan, ano pa? Cheren? Sir, ano-ano po ang mga dahilan ng
pagsiklab ng ikalawang digmaaang
pandaigdig?
Magandang katanungan din.
Kung kayo ay may mga katanungan klas, ako
din ay may inihandang mahalagang tanong!
(babasahin ni Neca ang mahalagang
Basahin mo nga, Neca.
katanungan)

“Mahahalagang katanungan”
Bakit mahalagang pag aralan
ang mga dahilan ng Ikalawang
digmaang Pandaigdig?
Naunawaan ba klas?
Opo sir
Ang ating mga katanungan ay masasagot
natin sa pagpapatuloy ng ating talakayin.
C. Pag- uugnay Gawain 3: PIKTUR-SURI
ng mga
halimbawa Sa ating pagpapatuloy klas, mayroon akong
sa bagong inihandang gawain na tatawagin nating:
aralin
“PIKTUR-SURI”

(10 minutes) Mayroon akong ihihandang mga larawan.


Para sa ating panuto, basahin mo nga,
Annaliza.
(binasa ni Annaliza ang panuto)
Panuto: Suriin at unawaing mabuti
ang iba’t- ibang mga larawan na
makikita sa laptop
Naunawaan ba klas ang panuto?
Opo sir
Kung gayon, mayroon akong inihandang
pamprosesong tanong. Basahin mo nga,
Neca.
(binasa ni Neca ang pamprosesong
tanong)
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa mga
larawan?
2. .Sa tingin niyo, bakit ito ang naging
dahilan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Para sa unang larawan, ano ang iyong ideya
patungkol dito?

UNANG LARAWAN
Ano ang iyong kasagutan, Myrna?
Sir para po sa akin ito ay nagpapakita
ng nasyonalismo
Mahusay! Mayroon pa bang karagdagan?
Sige nga, Herna.
Sir, nasa larawan po ay nagpapakita
po ng pagmamahal sa sariling bayan.
Sa tingin niyo, bakit isa ito sa naging dahilan
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Ano ang iyong kasagutan, Angielyn?


Sir, sa tingin ko po dahil sa
pagmamahal sa bayan handa tayong
makipaglaban sa magtatangkang
sumakop sa ating bansa.
Tumpak! Ngayon naman klas para sa ating
pangalawang larawan, ano ang inyong
nakikita o ideya patungkol dito?

IKALAWANG LARAWAN
Sino ang gustong sumubok? Sige nga, Risa?
Sir, para po sa akin ang ipinakikita po
sa larawan ay ang pagkakampihan ng
mga bansa na magkakaparehong
ideolohiya laban sa magkakampi ring
bansa.
Tama! Mayroon pa bang karagdagang ideya
patungkol dito? Ruwil.
Sir nagpapakita din po ito ng
pagpapalawak ng kapangyarihan at
pananakop.
Magaling! Sa tingin niyo, bakit isa ito sa
naging dahilan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Sige nga, Hiziel.
Sir, sa tingin ko po kaya isa ito sa
naging dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kasi bilang
isang individual hindi tayo papaya na
kamkamin o agawin ng ibang bansa
ang yaman ng ating sariling bansa.
Mahusay! At para naman sa ikatlong larawan,
ano ang iyong nakikita o ideya patungkol
dito?

IKATLONG LARAWAN
Ano ang iyong kasagutan, Resty?
Sir nagpapakita po ng pagkakaiba- iba
ng mga ideolohiya.
Magaling! Sa tingin ninyo, bakit ito ang
naging dahilan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Ano ang iyong kasagutan, Daryen?
Sir sa tingin ko po dahil sa
pagkakaibang paniniwala o ideolohiya
ay hindi magkakasundo ay dalawang
panig kung kaya’t isa ito sa
pinagmumulan ng kaguluhan o giyera.
Tama! At para naman sa ikaapat na larawan,
ano sa tingin ninyo ang sinisimbolo nito?
IKAAPAT NA LARAWAN

Judalyn, ano ang iyong kasagutan? Sir, sa tingin ko po ang ipinapakita sa


larawan ay ang pang- aagaw ng
teritoryo ng iba.
Mahusay! Mayroon pa bang karagdagan?
Sige nga, Vanessa?
Sir, ipinapakita sa larawan ang pag-
aangkin o pag-aagaw sa ari –arian ng
iba.
Sa tingin niyo, bakit isa ito sa naging dahilan
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sige nga, Von Philip? Dahil sa pang- aagaw o pag – aangkin
ng mga ari-arian ng ibang bansa
nagkakaroon ng isang alitan na
maging umpisa ng isang madugong
labanan.
Magaling! At para naman sa ikalimang at
huling larawan, ano sa tingin ninyo ang
pinapakita nito?

IKALIMANG LARAWAN
Ano ang iyong kasagutan, Cheren?
Sir, pinapakita po sa larawan ang
paglabag sa kontrata.
Magaling! Ano kaya ang mangyayari kapag
hindi nasunod ang pinagkasunduan?
Sir, sa palagay ko po kapag hindi
sinunod ng kabilang panig ang
pinagkasunduan ay maaaring
magkaroon ng away sa pagitan ng
dalawang panig.
Sa tingin niyo, bakit isa ito sa naging dahilan
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sige nga, Alvin?
Dahil sa hindi pagsunod sa kasunduan
nagkakaroon ng isang alitan na kung
saan magkakaroon ng isang
madugong labanan.
Mahusay! Lahat ng inyong mga binigay na
ideya ay tama.

Para sa pagpapalawak ng kaalaman, ang mga


larawang inyong sinuri ay nagpapakita ng
dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin


mo nga ng may katamtamang lakas ng boses,
Kimberly?

Mga pangyayari na naging


dahilan ng Ikalawang
Digmaan Pandaigdig.
1. Nasyonalismo
2. Pagkakampihan /Alyansa
3. Pagkakaiba ng ideolohiya
4. Pang-aagaw
5. Paglabag sa kasunduan
Naunawaan na ba klas?
Opo sir.
D. Pagtatalakay Gawain 4: WEB FACTS
ng bagong Kung naunawaan na, magkakaroon ulit tayo
konsepto at ng isa pang gawain na pinamagatang:
paglalahad
ng bagong
kasanayan “ Web facts ”
#1 Ang pangkat ninyo kanina ay siya parin ang
pangkat ninyo ngayon, ngunit bago iyan,
(10 minutes) basahin mo nga ang panuto, Mariel?
PANUTO: Punan ng impormasyon
ang web facts upang masuri ang
naging Dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Naunawaan ba ang ating panuto klas?
Opo sir.
Kung gayon, maaari na kayong magsimula.
(sumunod ang mga mag-aaral)

MGA DAHILAN NG
IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG

Okey klas, mayroon na lamang kayong isang


minuto para tapusin ang inyong gawain.
Tapos na ang takdang oras. Maaari niyo nang
idikit sa pisara ang inyong mga ginawa.

Ngayon tunghayan natin ang maikling


presentasyon ng unang pangkat na
pangungunahan ng kanilang representante.
(ididikit ng mga mag-aaral ang
ginawa sa pisara)

NASYONALISMO
 Tumutukoy sa masidhing
pagmamahal ng sariling bansa.

Halimbawa:
1. Pag gamit ng maayos at may
pagmamahal sa wikang kinagisnan at
wikang nakasanayan.

 2. Pagtangkilik sa mga produkto ng


bansa.
 3. Pagmamahal at pagsasabuhay ng
mga kultura at mga tradisyon.
 4. Paggalang sa watawat na
sumisimbolo sa bansa at maayos na
pag-awit ng pambansang-awit.
 5. Pagsunod sa mga batas at patakaran
na dapat sundin at isabuhay.
Mahusay! Bigyan natin ng sampung palakpak
ang unang pangkat. (magpapalakpak ng sampung beses
ang mga magaaral)
Ngayon naman para sa ating pamprosesong
tanong, basahin at sagutan mo nga, Jason?
Pamprosesong tanong:
Bakit naging dahilan ang
Nasyonalismo sa pagkakaroon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Sir, dahil po sa masidling


pagmamahal sa bayan kaya ang
paggamit ng maayos at may
pagmamahal sa wikang kinagisnan at
wikang nakasanayan.
Kayo ba klas, may mga importanteng tao o
bagay din ba kayong pinapahalagahan na
ayaw niyong makuha o saktan ng iba?
Sige nga, Risa Mae ibahagi mo ang iyong
kasagutan.
Sir yung mga mahal ko po sa buhay.
Okey, may mga pagkakataon talaga sa buhay
natin na handa tayong makipaglaban para sa
mga taong minamahal natin dahil sa ating
pagmamahal sa kanila.
Ngayon naman tunghayan natin ang maikling
presentasyon ng ikalawang pangkat sa
pangungunahan ng kanilang representante.
(magpapakita ng presentasyon ang
ikalawang pangkat)

PAGKAKAMPIHAN/ALYANSA
 Tumutukoy sa isang uri ng
kasunduan na mayroon ang isang
tao, bansa, o ano pa man. Ito ay
may layuning panatilihin ang
kapayapaan sa bawat miyembro
na kasapi nito at tulungan sa abot
ng makakaya isa't isa. Ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng suporta
ng isang kakampi o kasapi nito
tungkol sa isa pang kasapi nito.
Halimbawa:
Ang triple Entente at ang triple
alliance. Binubuo ng Germany,
Austria-Hungary at Italya, ang triple
Entente. Sa ilalim ng alyansa, nangako
ang bawat kasapi na magtulungan
sakaling may magtangkang
sumalakay sa kanilang bansa. Nais din
ng alyansa na pantayan ang lakas ng
triple alliance. Samantala, suimali ang
Germany sa grupo dahil nais
mapigilan ang impluwensiya ng
Russia sa Balkan.-

Magaling! Bigyan natin ang ikalawang


pangkat ng “ Aling Donesias Clap” (susunod ang mga mag-aaral)

Basahin at sagutan mo nga ang katanungan,


Edell? Pamprosesong tanong:
Bakit naging dahilan ang
pagkakampihan/Alyansa ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Sir, dahil po sa pagkakampihan ng


bawat bansa Ito ay may layuning
panatilihin ang kapayapaan sa bawat
miyembro na kasapi nito at tulungan
sa abot ng makakaya ng isa't isa.

Magaling! May pagkakampihan bang


nagaganap sa inyong barangay o sa paaralan?
Sige nga, Marjorie ibahagi mo ang iyong
kasagutan.
Opo sir.
Tama! Ngayon naman ay dadako tayo sa
maikling presentasyon ng ikatlong pangkat.
(magpapakita ng presentasyon ang
ikatlong pangkat)

PAGKAKAIBA NG
IDEOLOHIYA

Ito ay sistema ng mga ediya na


naglalayong maipaliwanag ang
daigdig at mga pagbabago dito.
Maituturing din itong pamantayan at
gabay ng mga pinuno kung paano nila
pamamahalaan ang kanilang
nasasakupan.
1. Konserbatismo. Ito ay
ideolohiyang may malaking
pagpapahalaga sa mga tradisyon at
kaugalian ng mga nakaraang
henerasyon kaysa sa mga bagong
sistema.
2. Kapitalismo. Ito ay tumutukoy sa
sistemang pang-ekonomiya.
3. Demokrasya. Ang kapangyarihan
ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga
tao.
4. Sosyalismo. Nakabatay sa
patakarang pang-ekonomiya kung
saan ang pamamalakad ay nasa kamay
ng isang grupo ng tao lamang.
5. Komunismo. Ito ang sistemang
naghahangad ng pakakapantay-
pantay, walang antas at pag-uuri sa
mga tao sa lipunan.
6. Pasismo. Isang paniniwala na ang
kinabukasan ng mga tao ay nakabatay
lamang sa tunguhin ng estado.
7. Peminismo. Isang ideolohiyang
nagsusulong sa taglay na kakayahan
ng mga kababaihan na tulad sa mga
kalalakihan.

Magaling! At dahil dyan bigyan natin ang


ikatlong pangkat ng wow clap!
(susunod ang mga mag-aaral)
Basahin at sagutin mo nga ang katanungan,
Myrna?
Pamprosesong tanong:
Bakit naging dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ang pag
kakaiba ng Ideohiya?
Sir, dahil po sa pagkakaiba iba ng mga
ideolohiya ay nagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan ang bawat bansa
kung kaya’t ito rin ang nag udyok
Tama! Sa palagay niyo mahalaga ang upang magkaroon ng kaguluhan.
ideohiya? Bakit? Ruwil.
Opo sir, dahil ang ideolohiya ay
sumasalamin sa kultura at kasaysayan
Magaling! ng ating bansa
Para naman sa ikaapat na pangkat, tunghayan
natin ang kanilang presentasyon na
pangungunahan ng kanilang representante.
(magpapakita ng presentasyon ang
ikaapat na pangkat)

PAG-AAGAW
 Tumutukoy ito sa mga bansang
nag aagawan sa mga teritoryo
Halimbawa:
Ang agawan sa teritoryo ay nagaganap
kapag isang grupo ang nagbabalak
angkinin ang isang parte ng teritoryo
ng isa pang panig. Katulad na lamang
ang pag-aangkin ngayon ng Tsina sa
mga isla na nasa loob ng soberanya ng
Pilipinas.

Na-aapekto ang relasyong diplomasya


ng dalawang panig. Lalong-lalo pag-
dating sa kalakalan. Pati na rin sa
panig ng militar ng dalawa sapagkat,
hindi lamang ito piraso ng tinapay ang
pinapag-awayan nila, kundi, isang
piraso ng lupain na may halaga sa
dalawa.
Mahusay! Bigyan natin ang ikaapat na
pangkat ng Cola-cola clap!
(susunod ang mga mag-aaral)
Para sa ating katanungan, basahin at sagutan
mo nga? Annaliza.
Pamprosesong tanong:
Bakit naging dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ang pang-
aagaw?

Sir, dahil po sa pag-aagawan ng bawat


bansa nagkakaroon ng isang hindi
pagkakasundo na kong saan maging
simula ng alitan at magiging isang
madugong labanan.
Mahusay! At para naman sa huling pangkat
ating tunghayan ang kanilang presentasyon
na pangungunahan ng kanilang
representante.
(magpapakita ng presentasyon ang
ikalimang pangkat)

PAGLABAG NG KASUNDUAN
 Ito ay tumutukoy sa pagbali sa
kasunduan o breach of contract ay
isang hindi katanggap – tanggap
na gawain sa alinmang institusyon
at isang malinaw na paglabag sa
ating saligang batas.
Halimbawa:
Ang paglabag sa kontrata ay kapag
sinira ng isang partido ang mga
tuntunin ng isang kasunduan sa
pagitan ng dalawa o higit pang
partido. Kabilang dito ang kapag ang
isang obligasyon na nakasaad sa
kontrata ay hindi nakumpleto sa
takdang oras—huli ka sa pagbabayad
ng upa, o kapag hindi ito natupad sa
lahat—iniiwan ng nangungupahan
ang kanilang apartment dahil sa anim
na buwang back rent.

Mahusay! Bigyan natin ang ikalimang


pangkat ng Barangay clap! (sumunod ang mga mag-aaral)
Para sa ating katanungan, basahin at sagutan
mo nga? Ramil. Pamprosesong tanong:
Bakit naging dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ang paglabag
sa kasunduan?

Sir, nagwakas ang unang digmaang


pandaigdig, sa pamamagitan ng
kasunduan sa VERSAILLES kung
kaya’t ang paglabag sa kasunduang ito
ay isa sa mga dahilan ng ikalawang
digmaan pandaigdig sapagkat
nilalayon ng kasunduan sa Versailles
na mapanatili ang kapayapaan ngunit
ito ay nilabag kung kaya’t ito ay
naging mitsa pa ng isang panibagong
digmaan.
Magaling ang iyong kasagutan!

Naunawaan na ba klas?
Opo sir.
E. Pagtatalakay Gawain 5: TALENT SHOW
ng bagong
konsepto at Ngayon klas, upang lubos nating
paglalahad maunawaan, ang mga dahilan ng ikalawang
ng bagong digmaang pandaigdig magkakaroon tayo ng
kasanayan pangkatang gawain at ito ay aking
#2 pinamagatang.

TALENT SHOW

Para naman sa inyong batayan, narito ang


pamantayan natin para sa pagmamarka.
Basahin lamang ito ng may katamtamang
lakas ng boses, Judalyn.

PAMANTAYAN SA PAGMARKA
Lahat May iilang Kakaunti
ay hindi ang
Kooperasyon tumulo tumulong tumulong
ng

Ayon Malapit sa Malayo sa


sa paksa ang paksa ang
paksa ipinakitan ipinakitan g
ang g presentsy presentasyon
Kaugnayan sa ipinaki on
Paksa tang
presen
tasyo
n

Natap Natapos sa Hindi


os takdang natapos sa
bago oras takdang oras
Natapos sa ang
itinakda ng oras itinakd
ang
oras

Kabuoang
30 25 20
puntos

Sino sa inyo ang nakakakilala sa kanya? Itaas


ang kamay.
(itataas ng mga mag-aaral ang
kanilang kamay)
At dahil kilala niyo siya. Mayroong siyang
ipinadalang mensahe.
Si Pangulong Marcos at nais niyang
makipagtulungan kayo upang magtagumpay
ang kanyang mga plano.
Basahin mo nga ang kanyang mensahe,
Romeo.

“Mga mag- aaral sa araw na ito


ay bibigyan ko kayo ng isang
task para subukin ang inyong
galing. Pero bago kayo
magsimula narito ang
pagbabatayan ko ng
pagbibigay ng puntos sa inyong
gawain. Bibigyan ko lamang
kayo ng 5 minuto sa
paghahanda”.

-Pangulong Marcos

Naunawaan ba klas?
Opo sir.
Hahatiin ko ang klase sa limang pangkat.
Kailangan ko ng isang representante sa bawat
grupo upang kunin dito sa harap ang inyong
mga gawain na ipadala ni Pangulong Marcos.

Maaari na kayong magsimula


(kukunin ng mga representante ang
kanilang gawain)
Okay klas! Mayroon na lamang kayong isang
minuto para tapusin ang paghahanda sa
inyong presentasyon. (nagsimula ang bawat grupo sa
kanilang gawain)

UNANG PANGKAT
Magpamalas ng isang
malikhaing pagguhit na
naglalarawan ng
nasyonalismo

IKALAWANG
PANGKAT
Magpamalas ng isang
malikhaing talkshow na
naglalarawan sa
pagkakampihan/alyansa.
IKATLONG PANGKAT
Magpamalas ng isang
malikhaing tula na
nagpapakita ng pagkakaiba
ng ideohiya.

IKAAPAT NA
PANGKAT
Magpamalas ng isang
malikhaing dula- dulaan na
nagpapakita ng pang-
aagaw.

IKALIMANG
PANGKAT
Magpamalas ng isang
malikhaing pagbabalita na
nagpapakita ng paglabag sa
kasunduan.

(pagkatapos ng takdang oras)


Handa na ba ang bawat pangkat para sa
kanilang presentasyon?
Handa na po sir.
Ngayon ay tunghayan na natin ang
inihandang presentasyon ng unang pangkat.
(pagpapakita ng presentasyon ng
unang pangkat)
Bigyan ng sampung palakpak at sampung
padyak ang unang pangkat.
(isasagawa ng mga mag-aaral)
Patungkol saan ang pinakitang presentasyon
ng unang pangkat? Sige nga, Eden Grace.
Sir, patungkol po sa nasyonalismo
Tama! Ngayon naman klas ay dadako na tayo
sa inihandang presentasyong ng ikalawang
pangkat.
(pagpapakita ng presentasyon ng
ikalawang pangkat)
Bigyan natin ng barangay clap ang ikalawang
pangkat.
(isasagawa ng mga mag-aaral)
Patungkol saan naman ang pinakitang
presentasyon ng ikalawang pangkat? Ano ang
iyong kasagutan, Angelo.
Sir, patungkol po sa
pagkakampihan/alyansa
Mahusay! Ngayon naman tunghayan na natin
ang inihandang presentasyon ng ikatlong
pangkat.
(pagpapakita ng presentasyon ng
ikatlong pangkat)
Bigyan naman natin ng coca-cola clap ang
ikatlong pangkat.
(isasagawa ng mga mag-aaral)
Patungkol saan naman ang pinakitang
presentasyon ng ikatlong pangkat? Sige nga,
Christine.
Patungkol po ito sa pagkakaiba ng
ideolohiya sir.
Mahusay! Ngayon naman tunghayan natin
ang inihandang presentasyon ng ikaapat na
pangkat. (pagpapakita ng presentasyon ng
ikaapat ng pangkat)

Bigyan natin ng wow clap ang ikaapat na


pangkat. (isasagawa ng mga mag-aaral)
Patungkol saan naman ang pinakitang
presentasyon ng ikaapat ng pangkat? Sige
nga, Resty.
Patungkol po ito sa pang-aagaw.
Magaling! Ngayon naman ay dadako na tayo
sa presentasyon ng ikalimang pangkat.
(pagpapakita ng presentasyon ng
ikalimang pangkat)
Bigyan naman ng onyok clap ang ikalimang
pangkat.

Ngayon ay dadako tayo sa pagbibigay ng (isasagawa ng mga mag-aaral)


puntos sa bawat pangkat.
UNANG PANGKAT 30
IKALAWANG PANGKAT 30
IKATLONG PANGKAT 30
IKAAPAT NA PANGKAT 30
IKALIMANG PANGKAT 30
Ako ay natutuwa sapagkat aktibo kayong
makilahok sa ating pangkatang gawain.
Nararapat lamang na bigyan niyo ang inyong
mga sarili ng aling donesia clap
(susunod ang mga mag-aaral)
Mayroon pa ba kayong mga katangunan o
nais linawin, klas?
Wala na po sir.
Naunawaan na ba klas?
Opo sir.

F. Paglinang sa Gawain 6: QUESTION AND ANSWER


kabihasaan
(tungo sa Kung wala na, dadako na tayo sa ating
formative susunod na gawain at ito ay aking
assessment) pinamagatang:

“QUESTION AND ANSWER”

Para sa inyong kaalaman klas, mayroon


akong inihandang mga pamprosesong tanong
dito.

Para sa unang katanungan, basahin at sagutan


mo nga, Herna?
1. Batay sa inyong natapos
na gawain, bakit naging
dahilan ng ikalawang
digmaang pandaigdig
ang nasyonalismo?

Sir naging dahilan ang nasyonalismo


sa pagkaroon ng ikalawang digmaang
pandaigdig dahil nagkaroon na nang
tunggalian sa pagitan ng bawat bansa
dahil sa masidling pagmamahal sa
bayan para apihin o masakop ng ibang
karatig bansa.

Tama! Sino na nga ang ating pambansang


bayani klas? Sir, si Dr. Jose P. Rizal po.

Mahusay! Ano na ang ginawa ni Dr. Jose


Rizal na nagpapakita ng pagiging
nasyonalismo? Sir pagbuwis po ng kanyang buhay sa
pamamagitan ng pagsulat ng Noli Me
Tangere at El Filibutsterismo.
Magaling! Bilang isang mamamayang
Pilipino, paano mo maipapakita ang pagiging
nasyonalismo? Sir maipapakita ko po ito sa
pamamagitan ng pagtangkilik ng
sariling atin at huwag magpapa
impluwensya sa kultura ng ibang
bansa.
Mahusay! Para naman sa karagdagang
impormasyon, Pakibasa mo nga, Daryen?
(babasahin ni Daryen ang
karagdagang impormasyon)

NASYONALISMO
Ito ay tumutukoy sa mga bansang
masidhi ang paniniwalang
karapatan nilang pangalagaan
ang mga kalahi nila kahit na sa
ilalim ng kapangyarihan ng
ibang bansa.
Para sa ikalawang pamprosesong tanong,
basahin at sagutan mo nga, Myrna?
2. Batay sa inyong natapos
na gawain, bakit naging
dahilan ng ikalawang
digmaang pandaigdig
ang pagkakampihan o
pag aalyansa ng mga
bansa?

Sir naging dahilan ang pag aalyansa sa


pagkaroon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig dahil nagkaroon ng
hidwaan ang magkabilang grupo ng
Mahusay! Ngunit sa tingin nyo ano naman mga bansa.
ang mga mabubuting dulot ng
pagkakampihan o pag-aalyasan sa ating
bansa? Edell.
Sir, dahil sa pagkakampihan mas
napapalakas nila ang kanilang hukbo
upang protektahan ang kanilang
Magaling! At para naman sa pagpapalawak nasasakupan.
ng kaalaman patungkol sa pagkakampihan o
alyansa. Narito ang karagdagang
impormasyon. Basahin mo nga, Angielyn?

PAGKAKAMPIHAN O
ALYANSA
Ito ay tumutukoy sa isa o higit
pang kalipunan o kasunduan ng
mga bansa o patido at
sumusuporta ito sa isang
programa, pananaw at
paniniwala at ang pagkakaroon
ng alyansa sa bansa ito ay dahil
sila ay may parehong ideolohiya
at prinsipyo.

Para sa ikatlong pamprosesong tanong,


basahin at sagutin mo nga, Jessa?
3. Bakit isa ang
pagkakaiba ng
ideolohiya sa naging
dahilan ng ikalawang
digmaang pandaigdig?

Sir, dahil po sa pagkakaiba ng


ideolohiya hindi nagkakasundo-sundo
ang bawat bansa kaya nagkaroon ng
Tama! Ano naman ang kahalagahan na ikalawang digmaang pandaigdig.
magkaroon ng pagkakaiba ng ideohiya, Sige
nga, Sunshine?
Sir, mahalaga po na magkaroon ng
pagkakaiba ng ideolohiya upang
maging balance ang ating bansa.
Ngayon klas, para sa pagpapalalim ng
salitang pagkakaiba ng ideolohiya, naririto
ang karagdagang kahulugan. Pakibasa nga,
Mariel?
PAGKAKAIBA NG IDEOLOHIYA
Tumutukoy ito sa pamantayan at
gabay ng mga pinuno kung paano nila
pamahalaan ang kanilang
nasasakupan.
Ngayon naman klas ay dadako tayo sa ika-
apat na pamprosesong tanong. Basahin at
sagutan mo nga, Judalyn?

4. Bakit isa ang pang- aagaw


sa naging dahilan ng
ikalawang digmaang
pandaigdig?

Sir, dahil po sa pag-aagaw ng ibang


bansa sa teritoryo ng ibang bansa
nagkakaroon ng isang alitan na
Tama! Kaya mahalaga na ating protekta ang
nahahantong sa madugong labanan.
ating teritoryo sa ibang bansa. At para sa
karagdagang kaalaman patungkol sa pag-
aagaw, naririto ang karagdagang
impormasyon. Basahin mo nga, Elena?
PANG-AAGAW
Ito ay tumutukoy sa pag-aagaw ng
isang bansa sa teritoryo ng isang
pang bansa.
Ngayon naman klas ay dadako tayo sa ika –
limang pamprosesong tanong. Basahin at
sagutan mo nga, Marialie?

5. Bakit naging dahilan ng


ikalawang digmaang
pandaigdig ang paglabag
sa kasunduan?

Tama! Bakit nga ba mahalaga na magkaroon


ng isang kasunduan sa bawat bansa? Cheren.
Sir, dahil po sa paglabag ng isang
bansa sa kanilang kasunduan o
nagpagusapan nagkaroon ng isang
hindi pagkakaunawaan kaya
Mahusay! Para sa karagdagang kaalaman nagkaroon ng isang digmaan.
patungkol sa paglabag sa kasunduan, naririto
ang karagdagang impormasyon. Basahin mo
nga, Angelo?
Mahalaga po na magkaroon ng isang
kasunduan ang bawat bansa upang
maprotekta ang ating bansa.

PAGLABAG SA KASUNDUAN

Ito ay tumutukoy sa pagbali sa


Naunawaan at malinaw na ba sa inyo klas ang kasunduan o breach of contract ay
mga dahilan ng Ikalawang Digmaang isang hindi katanggap – tanggap na
Pandaigdig? gawain sa alinmang institusyon at
isang malinaw na paglabag sa
Mahusay klas! Akoý natutuwa na inyong ating saligang batas.
naibigay ang inyong mga ideya patungkol sa
mga katanungang aking inihanda.

Para naman sa ating mahalagang katanungan,


basahin at sagutan mo, Lanie?
Opo sir

Mahalagang katanungan
Bakit mahalagang pag-aralan
ang mga dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
Mahalaga po itong pag-aralan upang
Magandang kasagutan! Ano pa Christine? ating maunawaang mabuti ang mga
naging Dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Sir, para po akin ay mahalaga po tong


pag-aralan sapagkat magbibigay ideya
po to sa atin upang lubos po nating
Mahusay ang inyong mga kasagutan klas, maunawaan kong ano ano ang naging
lagi ninyong tandaan na ang pag-aaral nito ay mga dahilan kong bakit nagkaroon ng
magbibigay sa atin ng malalim na Ikalawang digmaan.
pagkaunawa.

Naunawaan ba klas?
Opo sir.
G. Paglapat ng Gawain 7:
aralin sa Kung naunawaan na, magkakaroon ulit tayo
pang- araw- ng isang gawain at ito ay pinamagatang.
araw na
Gawain. SHARE YOUR KNOWLEDGE

(5 minutes) Kung naunawaan na, may hinanda akong


isang gawain na pinamagatan nating:

SHARE YOUR KNOWLEDGE

Ngayon klas, patungkol saan na nga ating


tinalakay, Jenevie? Sir, patungkol po ito sa mga dahilan
ng Ikalawang digmaan
Mahusay! Ngayon klas, bakit mahalagang
malaman natin ang mga naging dahilan ng
ikalawang digmaang pandaigdig? Hiziel?
Sir kailangan po nating alamin ang
mga naging dahilan ng ikalawang
digmaang pandaigdig upang malaman
po natin ito at malaman din natin kung
paano natin ito maiiwasan sa
kasalukuyang panahon.
Ano pa ang iyong karagdagan, Angelo?
Sir mahalaga pong malaman natin ang
mga dahilan ng ikalawang digmaang
pandaigdig sapagkat ito po ay isang
mahalagang kaganapan na mayroon
din mahahalagang epekto na ating
napapakinabangan sa kasalukuyan.
Magaling! Ngayon klas, Sa paanong paraan
naman kaya natin ito maiiwasan?
Sir maiiwasan ang mga digmaan sa
bawat bansa dahil mahalaga na
magkaroon ng malinaw na
nasasakupan o hangganan ng teritoryo
o nasasakupan ang bawat bansa.
Mahalaga na magkaroon ng
paggalang ang bawat bansa sa isa’t isa
upang maiwasan ang alitan.
Ano pa ang iyong karagdagan, Ramil?
Sir maiiwasan ang digmaan kong ang
bawat bansa ay magkakaroon ng
malawak na pagkaka-unawaan at
pagkakaibigan upang maiwasan ang
iba’t ibang uri ng sigalot na maaaring
mauwi sa digmaan. Ang pagbuo ng
koneksyon o pakikipag-kaibigan sa
ibang teritoryo ay mahalaga upang
maipamalas ang pagkaka-unawa sa
isa’t isa.
Mahusay! Ngayon klas, bilang isang
mamamayang Pilipino, paano mo
mapapanatili ang kapayaan sa kapwa mo
Pilipino? Resty.
Maging mabuting halimbawa sa iyong
mga kapatid at kapwa mo, ibahagi ang
mabubuting kaalaman at katangiang
mayroon ka.
Ano pa ang iyong karagdagan, Ruwil?
Tutulong ako sa aking kapwa, lalo na
sa mga nangangailangan. At kung ako
man ay magkakamali, hihingi ako ng
kapatawaran sa aking kapwa at sa
aking komunidad.
Mahusay ang inyong mga kasagutan klas.
Talaga ngang naunawaan niyo ang ating
paksa ngayong araw.

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?


Wala na po sir.
H. Paglalahat Gawain 8:
ng aralin Tingnan ko nga. Ano na nga ang mga naging
dahilan nmg ikalawang digmaang
(3 minutes) pandaigdig?
Ano ang iyong kasagutan? Myrna.
Sir, nasyonalismo,
pagkakampihan/alyansa, pagkakaiba
ng ideolohiya, pang-aagaw, paglabag
sa kasunduan.
Mahusay! Ano na nga kapag sinabing
nasyonalismo, Annaliza?
Sir, ito po ay masidhing pagmamahal
sa bayan.
Tumpak! Ano na nga ulit ang
pagkakampihan/alyansa? Ano ang iyong
kasagutan, Herna? Sir, isang uri ng kasunduan na
mayroon ang isang tao, bansa, o ano
pa man.

Mahusay! Ano naman kapag sinabing


pagkakaiba ng ideolohiya, Daryen? Sir, isang sistema ng mga ideya na
naglalayong maipaliwanag ang
daigdig at mga pagbabago dito.

Magaling! Ano na nga kapag sinabing pang- Sir, tumutukoy po ito sa mga bansang
aagaw, Risa? nagaagawan sa mga teritoryo.
Tama! At para sa huli ano na nga ang Sir, tumutukoy poi to sa pagbali ng
paglabag sa kasunduan, Jason? kasunduan o nagpag-usapan.

Mahusay! Nasagot ba ang inyong mga Opo sir.


katanungan at ang ating mahalagang
katanungan?
Sir, patungkol po sa mga dahilan ng
Patungkol saan nga ang paksang ating ikalawang digmaang pandaigdig.
tinalakay ngayong hapon?
Wala na po sir.

Mahusay! May mga katanungan pa ba kayo


klas?
(susunod ang mga mag-aaral)
Kung wala na, kumuha na sangkapat na
bahagi ng papel para sa ating pagsusulit.
(pagbasa ng panuto)

Basahin mo nga ang panuto, Realyn?


I. Pagtataya ng Panuto: Piliin ang titik ng tamang
aralin sagot at isulat ito sa sagutang papel.
(5 minutes) 1. Ang mga sumusunod na
pagpipilian ay ang mga dahilan
ng ikalawang digmaang
pandaigdig, maliban sa
a. Pagkakasundo ng bawat
bansa
b. Pagkakaiba ng ideolohiya
c. Pagkakampihan o pag
aalyansa
d. Pag-aagaw
2. Alin sa mga sumusunod na
pagpipilian ang mga dahilan ng
ikalawang digmaang pandaigdig
I. Nasyonalismo
II. Pagkakampihan o alyansa
III. Pagkakaiba ng ideolohiya
IV. Pag- aagaw
V. Paglabag sa kasunduan
a. I,III, IV
b. I, II, III, IV, V
c. II, III, IV, V
d. , II, III, IV
3. Alin sa mga sumusunod ang na
sitwasyon na nagpapakita ng mga
naging dahilan ng ikalawang
digmaang pandaigdig, maliban sa
a. Malayang nagbigay nbg
saloobin si mang J at
nagpakita ng kanyang suporta
para sa kanyang
nagugustuhang kandidato sa
pagka-alkande
b. Lalong pinalalakas ni
Pangulong D ang mga
kagamitang armas para sa
hukbong sandatahan ng ating
sariling bansang Pilipinas.
c. Nakikipag-unahan sa pagbili
ng mga pribadong lupa at
mga negosyo ang pamilya
nila Ginoong M para
palawakin ang kanilang ari-
arian
d. Tinatangkilik ng kabataang si
L ang mga lokal na produkto
na yari sa Abaca na binebenta
sa pamilihang bayan sa
kanilang lugar.
4. Hanggang ngayon patuloy pa
ring pinag-uusapan ang agawan
sa teritoryo ng bansang China at
Pilipinas sa West Philippine Sea.
Bilang isang pangulo ng bansa,
paano mo mapapahalagahan ang
magandang ugnayan dito upang
maiwasan ang digmaan sa
kasalukuyang panahon?
a. Papalakasin ko ang hukbong
military at mga armas ng ating
bansa
b. Papanatilihin ko ang
magandang
pakikipagkomunikasyon sa
pangulo ng bansang China
c. Makikipagkaibigan ako sa
bansang China at tutuparin ko
ang aming mga kasunduan
d. Makikilahok ako sa mga
pagpupulong sa bansang China
para sa pandaigdigang
kapayapaan

5. Alin sa mga sumusunod ang


HINDI nagpapakita ng
pagpapahalaga ng magandang
pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa upang maiwasan ang
alitan?
a. Si Pangulong M na patuloy na
nakikipag-usap sa ibang bansa
upang mapanatili ang
kapayapaan

J. Takdang Gawain 9: Takdang-Aralin


Aralin at
Remediation Ngayon klas, ilabas ang inyong mga
(2 minutes) kwaderno at bolpen para sa ating takdang-
aralin
(Susunod ang mga mag-aaral)

Panuto: Isulat sa isang buong papel


ang inyong kasagutan.

Bilang isang mag-aaral, ano sa iyong


palagay ang mga dapat gawin upang
maiwasan ang mga dahilan ng mga di
pagkakasundo sa pang araw- araw na
Tapos na bang kopyahin ang takdang aralin? pamumuhay?

Opo sir.
Ngayon klas, iligpit na ang inyong mga
gamit. Tingnan ang ilalim ng inyong mga
mesa at upuan, pulutin ang mga nakikitang
kalat.
Tumayo ng tuwid. Paalam sa inyong lahat.

Paalam na rin po, Ma’am.

(Lalabas ng tahimik at dahan dahan


ang mga mag-aaral)

Inihanda ni: Rolin Lester M. Aguilar


Argie R. Batul

You might also like