You are on page 1of 3

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 7 (ARALING PANLIPUNAN)

Name: Date: Score:


Subject : ARALING PANLIPUNAN 7
Lesson Title : Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
Learning Competency : Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Reference: LAS No.: 2


Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), Mateo et.al.
KAYAMANAN: Araling Asyano (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Samson et.al.
www.britannica.com/history-of-SoutheastAsia/patterns-of-colonial-age
www.digitalhistory.uh.edu

CONCEPT NOTES:
Noong ika-19 siglo, pinalawak ng maraming bansang Kanluranin ang kanilang pamamahala sa Asya, lalo na sa mga
lugar na hindi maunlad.

Ang hangad para sa mas maraming kolonya ay dahil sa pangangailangan ng Rebolusyong Industriyal para sa hilaw na
kagamitan, tulad ng bulak, asukal, tabako, kape at niyog na gagawing mga yaring produkto ng kanilang mga pabrika.

Ang pakay ng ibang bansang Kanluranin sa Ikalawang Yugto ng kolonisasyon ay turuan ng kabihasnang Kanluranin
ang mga Asyano sa paniniwala na mababa ang kabihasnan ng mga ito.

Sinakop ng England ang India, Burma at Malaya.


Sinakop ng Spain ang Pilipinas.
Sinakop ng Netherlands ang East Indies (Indonesia).
Sinakop ng France ang Vietnam, Cambodia at Laos.

Malakas at makapangyarihan ang mga Kanluranin. Sa panahon ng imperyalismo, maaaring sabihin na lahat ng
kanilang naisin ay kanilang nakukuha. Subalit hindi lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nasakop ng
mga kanluranin. Dumanas ng malubhang paghihirap, kagutuman, pang-aabuso at pagkawala ng karapatan at kalayaan ang
mga Asyano dulot ng ng mga patakaran ng mga kanluraning nakasakop sa kanilang lupain. Ang mga karanasan ng mga Asyano
mula sa pananakop ng mga kanluranin ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang damdaming nasyonalismo.

Nasyonalismo ang nagiing pangunahing reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin.
Ideolohikal ang naging batayan ng nasyonalismo sa China. Nabuo ang dalawang magkasalungat na kilusan: ang demokrasya at
komunismo.

Modernisasyon ang naging pangunahing reaksyon ng mga Haponese. Humiram sila ng impluwensyang Kanluranin at
iniangkop sa kanilang kultura at lipunan.

Relihiyon naman ang naging pangunahing batayan ng nasyonalismo ng mga Indian. Nagresulta ito sa pagkakatatag ng
India na isang estadong Hindu, at ng Pakistan na isang estadong Muslim. Hati ang Timog Silangang Asya, may mga nagpamalas
ng marahas na nasyonalismo na nauwi sa rebolusyon. Mayroon din namang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng
banayad at matahimik na pamamaraan.

Huling nakaranas ng imperyalismo ang Kanlurang Asyasa ilalim ng sistemang mandato. Matahimik na ipinamalas ng
mga taga-Kanlurang Asya ang hangarin nilang lumaya.

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 7 (ARALING PANLIPUNAN)

Name: Date: Score:


Subject : ARALING PANLIPUNAN 7
Lesson Title : Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
Learning Competency : Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Reference: LAS No.: 2


Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), Mateo et.al.
KAYAMANAN: Araling Asyano (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Samson et.al.
www.britannica.com/history-of-SoutheastAsia/patterns-of-colonial-age
www.digitalhistory.uh.edu

EXERCISE:
1. Kilalanin ang mga sumusunod na mga nasyonalista sa Asya. Magsaliksik at isulat ang kanilang kontribusyon sa pagpapalaya
ng kanilang bansa.

A. MOHANDAS GANDHI

B. SUN YAT SEN

C. MAO ZEDONG

2. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakapareho ng konsepto ng imperyalismo at kolonyalismo sa pamamagitan ng Venn Diagram.

3. Gumawa ng poster na nagpapakita ng damdaming nasyonalismo at pagmamahal mo sa bansang Pilipinas.


Gagamitin ang napagkasunduang rubric noong nakaraan. Isagawa ito sa isang short bondpaper.

Content & Development (Nilalaman at mensahe) 50 pts


Organization & Structure (Pagkakaayos) 20 pts
Format (Naaayon sa panuto) 10 pts
Overall presentation (Kabuuang paglalahad) 20 pts
________
100 pts

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 7 (ARALING PANLIPUNAN)

Name: Date: Score:


Subject : ARALING PANLIPUNAN 7
Lesson Title : Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
Learning Competency : Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Reference: LAS No.: 2


Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), Mateo et.al.
KAYAMANAN: Araling Asyano (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Samson et.al.
www.britannica.com/history-of-SoutheastAsia/patterns-of-colonial-age
www.digitalhistory.uh.edu

You might also like