You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning Modality

Paaralan Linga National High School Baitang Baitang 7


LESSON Guro Sumer Anne V. Talabis Asignatura ARALING
EXEMPLAR PANLIPUNAN
Petsa Oct. 5 - Oct. 7, 2020 Markahan Unang Markahan Week
Oct. 12-Oct. 14, 2020 7-8
Oras 1:00 -1:40 PM Blg. ng Araw 6 /R4A PIVOT BOW

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.
B. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan at kaugnayan ng
katangian ng populasyon sa pag-unlad ng bansa.

II. NILALAMAN Aralin 3:Pangkat Etnolingguwistiko


Aralin 4: Yamang Tao ng Asya

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa MELC AP G_7_ Q_1_ pp._179__, PIVOT BOW R4QUBE pp.
Gabay ng Guro _179__, Curriculum Guide: p. _47__
b. Mga Pahina sa ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Kagamitang Pangmag- Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, pp. 55-95
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d.Karagdagang
Learning Resources Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain Sagutang papel, kwaderno, modyul, portfolio, mga larawan
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Paunang Pagsusulit
(Introduction) Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may
magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
a. Populasyon
b. Pangkat- Etnolingguwistiko
c. Etniko
d. Katutubo
2. Ito ang pangunahing ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang
kapwa. sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin.
a. Etnisidad
b. Kultura
c. Wika
d. Panirahan
3. Tumutukoy ito sa dami ng tao sa isang lugar/bansa.
a. Population Growth Rate
b. Populasyon
c. Pangkat Etnolingguwistiko
d. Migrasyon
4. Bahagdan ng tao sa isang particular na bansa na may kakayahang bumasa at
sumulat .
a. Unemployment rate
b. Life Expectancy
c. Gross Domestic Product
d. Literacy rate
5. Ito ang tawag sa kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
a. Gross Domestic Product
b. Population Growth rate
c. Literacy rate
d. Unemployment rate
(Motivation)
Kabilang Ka Ba?
Napag-isipan mo na ba kung saang lalawigan o rehiyon sa Pilipinas
nagmula ang iyong pamilya? Ano ang wikang iyong ginamit? Ikaw ba ay
Tagalog, Ilokano, o Bicolano? Tunghayan mo ang pag-uusap ng dalawang
bata. At sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang paksang piag-uusapan ng 2 bata?
2. Ano ang mga pangkat etnolingguwistiko sa Pilipinas na nabanggit sa
usapan?
3. Bukod sa nabanggit, ano pa ang mga pangkat etnolingguwistiko sa
bansa?
4. Kabilang ka ba sa isa sa mga pangkat etnolingguwistiko sa Pilipinas?
5. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa pangkat etnolingguwistiko sa
Pilipinas batay sa pag-uusap ng dalawang bata?
6. Paano nakatutulong ang iba-iba’t pangkat etnolingguwistiko sa pagbuo
ng at pag-unlad ng kabihasnang Pilipino? Patunayan.

Balitaan
 Ang mag-aaral ay magtatala ng balita mula sa kanilang
mapapanood sa telebisyon, mapapakinggan sa radyo o mababasa
sa pahayagan na may kinalaman sa paksang tatalakayin at
kanilang ipapaliwanag ang kanilang opinyon at saloobin tungkol
dito. Ito ay kanilang isusulat sa kanilang kwaderno at ipapasa sa
guro sa itinakdang araw.

Balik-aral
Batay sa nakraang paksang pinag-aralan, magbigay ng ilan sa mga
suliraning pangkapaligiran sa Asya.
1.

2.

3.

4.

5.

B. Pagpapaunlad Gawain 1: Bigyang-Kahulugan Mo!


(Development)
Panuto: Basahin ang teksto tungkol sa Pangkat Etnolingguwistiko sa
Asya na makikita sa modyul ng Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pahina 57-58. Batay sa iyong binasa, ano ang iyong sariling pakahulugan
sa salitang Etnolinggwistiko. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Etnolingguwistiko
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 2: Alamin Natin!


Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa modyul ng Asya: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba, pahina 60-65. Sagutin ang sumusunod na
pamprosesong mga tanong at isulat ang sagot sa kwaderno. Maaari ring
magsaliksik upang maragdagan pa ang inyong impormasyon.

(*Paalala: Ipasa ang iyong sagot na nasa kwaderno sa itinakdang araw ng guro.)

Pamprosesong Mga Tanong


1. Batay sa iyong binasang teksto, paano mo ilalarawan ang iba pang
pangkat etnolinggwistiko sa Asya? Gawin mong batayan ang pisikal na
anyo, pananamit, paraan ng pamumuhay at wika?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. May iisa bang pagkakakilanlan ang mga pangkat etnolingguwistiko sa
Asya? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Anong mahalagang aspeto ng kultura ang nagbibigkis sa mga Asyano?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. May kaugnayan ba ang heograpiya sa uri ng pamumuhay ng pangkat
etnolinggwistiko sa Asya? Pangatwiranan.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5.Paano nakatulong ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pag- unlad
ng kabihasnang Asyano?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________

Gawain 3: Suriin ang Datos!


Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong galing sa pagsusuri ng datos
ng populasyon ng mga bansa sa Asya na nakatala sa kalakip na
talahanayan. Maari kang humingi ng tulong sa iyong mga kasama sa bahay
o kapwa mag-aaral upang magawa ito ng tama at maayos.

Panuto (para sa Task Card No. 1-5): Suriin ang mga datos ukol sa
populasyon mula sa talahanayan na makikita sa modyul ng Asya:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 74-75 upang maging gabay sa
pagsasagot ng mga tanong sa bawat Task Card (No.1-5) .Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno at ipasa sa guro sa itinakdang araw.

Task Card No. 1: Populasyon at Population Growth Rate


1. Ano ang sampung bansa sa Asya na may pinakamalaking populasyon?Saang
rehiyon sa Asya ito kabilang?
2. Bakit sinasabi na malaking suliranin ang patuloy na paglaki ng populasyon?

Task Card No. 2: Gulang ng Populasyon, Kasarian at Life Expectancy


3. Anong mga bansa ang may batang populasyon? Matandang populasyon?
4. Anong mga bansa sa Asya ang may pinakamataas na life expectancy? Bakit
kailangang mabatid ang life expectancy sa isang bansa?
5. Nakakaapekto ba ang kasarian sa pag-unlad ng isang bansa?Pangatwiranan.

Task Card No. 3: Literacy Rate


6. Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate? Bakit mataas ang
literacy rate ng mga bansang ito?
7. May kaugnayan ba ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang bansa? Bakit?

Task Card No. 4: Migrasyon o Pandarayuhan


8. Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na antas ng pandarayuhan?
Mababang antas ng pandarayuhan?
9. Paano nakaaapekto sa isang lugar/ bansa ang pandarayuhan?

Task Card No. 5:Hanapbuhay at Kaunlaran


10. Anong mga bansa ang may mataas na GDP? Ang may mababang GDP?
11. May kinalaman ba ang populasyon sa kalagayang pangkabuhayan nito?
12.Anong mga bansa ang may mataas na unemployment rate? Mababang
unemployment rate?
13. Paano nakakaapekto sa isang bansa ang mataas na unemployment rate nito?

(*Paalala: Ipasa ang iyong sagot na nasa kwaderno sa itinakdang araw ng guro.)

B. Pakikipagpalihan Pagyamanin!
(Engagement)
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan at kaugnayan ng
katangian ng populasyon (kasarian, gulang literacy, unemployment at iba
pa) sa pag-unlad ng bansa at ng kabihasnang Asyano. Isulat ito sa
sagutang papel.

Panuto: Magsagawa ng pakikipanayam sa iyong mga kapitbahay, kamag-


anak o kaibigan patungkol sa bilang ng kanilang pamilya. Batay sa
kanilang opinyon at saloobin, nakaaapekto ba ang pagkakaroon ng maliit o
malaking pamilya. Pangatwiranan.

C. Paglalapat Isaisip
(Assimilation) Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, basahin mo ang kaugnay na
pangungusap sa ibaba at punan ang patlang ng tamang konsepto upang
maging kumpleto ang kahulugan nito at upang matukoy ang iyong
natutunan mula sa aralin. Gawin mo ito sa iyong kwaderno.

Ang aking natutunan mula sa araling ito ay_________________


____________________________________________________________
_________________________________________________________
Mahalaga ang araling ito dahil ____________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Gagamitin ko ang aking natutunan sa pamamagitan ng ____
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Marami rami na rin ang iyong tinuklas at sinuring datos. Sa
pagkakataong ito, upang malaman ang lawak ng iyong natutunan at
naunawaan tungkol sa kahalagahan ng yamang tao sa pagbuo at pag-
unland ng kabihasnang Asyano. Simulan mong gawin ang gawaing ito.
 Ang yamang tao ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang
yaman ng ating bansa. Magsaliksik o kumuha ng mga larawan ng
halimbawa ng yamang tao, mga mamamayan na may angking
kasanayan, kakayahan at lakas upang makagawa ng ibat-ibang
mga bagay ng mga produkto at serbisyong tutugon sa mga
pangangailangan natin. Pagkatapos ay ilagay ito sa inyong
portfolio.

V. PAGNINILAY Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang kwaderno, journal o


portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na ______________________________.
Nabatid ko na __________________________________.

Inihanda ni:
SUMER ANNE V. TALABIS
Teacher I
Iwinasto ni
GAUDENCIO M. DIMAANO, EdD
SHS-Master Teacher II

You might also like