You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna
MAHABANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Name:____________________________________ Date:______________________________
Grade & Section:____________________________ Teacher:___________________________

I. Multiple Choice
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng
isang moral na pagpapasya.
A. Konsiyensiya B. Moralidad C. Pag-iisip D. Puso
2. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____
A. Edna Pinigilan niyang kumain ng matatamis na pagkain dahil bawal ito sa kanya.
B. Julius. Binato niya ang aso matapos siyang biglaang kagatin nito.
C. Kevin. Umalis siya ng bahay kahit na mapanganib pa dahil sa banta ng Covid 19.
D. Nelly. Ipinamalita niya sa kanyang mga kaibigan na ang kapitbahay niya ay magnanakaw.
3. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.
A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
4. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na hindi naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na sa
pagtingin ng tao.
A. Hindi Nagbabago B. Obhektibo C. Pangkalahatan D. Walang Hanggan
5. Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____
A. Isip at kilos-loob C. Pandamdam at emosyon
B. Materyal at ispirituwal D. Panlabas at panloob
6. Maaring sabihin na nawawala ang dignidad ng tao kung siya ay nakagagawa ng kasalanan. Ang pahayag
na ito ay _____
A. Depende B. Di-tiyak C. Mali D. Tama
7. Ito ay salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité.
A. Buhay B. Dangal C. Dignidad D. B at C
8. Dahil ikaw ay may kalayaan, maaari mo ng gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo. Ang pahayag na ito
ay _____
A. Mali. Dapat pa ring magsalita at kumilos nang mapanagutan.
B. Mali. Puwede ring isama rito ang iyong mga naisin at naiisip.
C. Tama,Kaloob ng Diyos na magawa mo ito upang maging masaya.
D. Tama, Kasama ito sa iyong mga karapatan at mga pribilehiyo.
9. Ginagamit ito ng tao upang umunawa ng mga bagay-bagay , sa pamamagitan nito nagkakaroon din ang
tao ng kakayahang maging kritikal at mapanuri.
A. Isip B. Katawan C. Kilos-loob D. Puso
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kilos loob?
A. Hindi sineseryoso ni Andrew ang pagsasagot ng module at kokopya na lang sa kaklase
B. Nangangalap muna ng imprmasyon si Jane bago maniwala sa sinasabi ng iba
C. Nagsisisgarilyo si Bryan dahil sa udyok ng kanyang kabarkada
D. Patuloy pa rin ang pakikipagrelasyon nia Ana kahit pinagbawalan na siya ng kanyang magulang
11. Masasabing ang pag-iisip at pagkilos ay tama kung ito ay ______________________.
I. Makatarungan II. Nakakapagpasaya sa sarili III. Naayon sa batas ng at ng tao
A. I B. I and II C. I and III D. II and III
12. Binigyang –kahulugan ni Sto. Tomas ang _______________ bilang “rational appetency” o makatwirang
pagkagusto.
A. Isip B. Katawan C. Kilos-loob D. Puso
13. Ayon kay _____________ “Ang tao ay likas na mabuti,subalit naging masama sa kamay ng mga tao.
A. Esteban B. Hobbes C. Rosseau D. Sto. Thomas
14. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na umiiral at mananatiling iiral,walang kamatayan dahil ito ay
permanente.
A. Hindi Nagbabago B. Obhektibo C. Pangkalahatan D. Walang Hanggan
15. Tumutukoy sa uri ng konsensya kung saan dahil sa sobrang takot makagawa ng masama ay hindi na
lang kumikilos.
A. Correct Conscience B. Doubtful Consience C. False Consciencce D. Scrupulous Conscience
16. Ayon kay Esteban ang ___________ ay mahuhubog sa pamamagitan pagpapanatili sa matatag na
pananalig sa Diyos at ang pagsisikap na gumawa ng kabutihan at umiwas sa masama.
A. Dignidad B. Kalayaan C. Konsensya D. Puso
17. Ito ang uri ng konsensya kung saan nagpapakita ng kawalang pakialam sa mabuti at masama.
A. Doubtful Consience B. False Consciencce C. Lax Conscience D. Scrupulous Conscience
18. Ang kalayaan ay maituturing na isang karapatan at kaakibat nito ay isang ________________.
A. Karangyaan B. Kasiyahan C. Katamaran D. Responsibilidad
19. Isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 sa Artikulo _____, ang kalayaan bilang bahagi ng kalipunan ng
mga karapatan.
A. Artikulo 2 B. Artikulo 3 C. Artikulo 6 D. Artikulo 10
20. Ayon kay ___________“ Ang kalayaan sa pag-iisip ang simula ng lahat ng Kalayaan.
A. Esteban B. Hobbes C. Sto. Tomas D. Scott
21.Ang sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao,Maliban sa_____ .
A. Paggalang sa pananaw ng iba C. pagpapasya at pagkilos nang mabilis
B. Pagiging magalang sa pananalita D. pagtulong sa nangangailangan
22. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa dignidad ang hindi totoo.
A. Ang dignidad ay hindi nawawala sa sino mang tao
B. Ang lahat ng tao anuman ang katayuaan sa buhay ay may taglay na dignidad
C. Ang mga taong grasa ay walang dignidad
D. Ang tao ay matatawag na pambihira dahil siya ay irreplaceable at unrepeatable
23. May dalawang katotohanan kung bakit ang isang ato ay natatangi. Ito ay ang kakanyahang______ at
kakanyahang _________.
A. Artistic and intelligent C. Leader and unique
B. Beauty and wisdom D. Unrepeatable and irreplaceable
24. Tumutukoy sa uri ng kalayaan na kung saan walang sinuman ang maaring nagdikta sa maaari mong
maramdaman sa isang tao
A. Kalayaan sa damdamin B. Kalayaan sa isip C. Kalayaan sa Kilos D. Kalayaan sa puso
25. Ito ang uri ng konsensya na nakabase lamang ssa sariling paniniwala.
A. Certain Conscience B. Correct Consciece C. False Conscience D. Lax Conscience
Tama o Mali :
Panuto:Basahin ang mga nakalahad. Iguhit ang happy face sa patlang kung ito ay pagpapakita ng

tamang paggamit ng kalayaan. Iguhit ang sad face ekis kung mali.
_____26. Nais sana ni Jana magpost sa FB dahil gigil na siya sa galit sa kanyang katrabaho. Nagnilay
muna siya at hindi na niya itinuloy nang maisip na mali ito.
_____27. Dahil tapos ng mag-aral si Jun ay nagpatugtog na siya nang malakas upang malibang kahit na
natutulog na ang kapatid niya dahil may trabaho pa kinabukasan.
_____28. Nagpabili pa rin si Erwin ng bag kahit walang pera ang nanay.
_____29. Dahil bagay naman at uso, nagsuot si Cherry ng maikling blusa. Kita ang kanyang dibdib at pusod.
_____30. Magkasama si Kakai at Michelle na gumagawa ng assignment , Naiwan ni Kakai na bukas ang
email niya hinayaan niya lang ito bilang respeto sa privacy ni Kakai
tcmd/jrg

Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna


Contact No.: 09171061725
Email Address: donmanuelrivera.307905@deped.gov.ph

You might also like