You are on page 1of 3

PALANAS NATIONAL HIGH SCHOOL

Pilar, Sorsogon

LAGUMANG PAGSUSULIT – ESP10

Pangalan: ______________________________ Seksyon: _______________ Iskor:


_______
I. URING PAPILI. Basahin at unawain ang bawat bilang pagkatapos piliin ang tamang
sagot at isulat sa patlang bago ang mga bilang.
______1. Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa wangis niya, kaya naman ang tao ay tinawag
niya na kanyang _____________.
a. obra maestra c. anak ng diyos
b. nilikha d. kawangis niya
______2. Siya nag nagsabi na ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan.
a. Ester Esteban c. Max Scheler
b. Lipio d. Santo Tomas de Aquino
______3. Ito ay isang makatwirang pagkagusto kung saan ang tao ay naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama
a. Isip c. Kalayaan
b. Kilos-loob d. Memorya
______4. Ano ang dalawang uri ng kakayahan ng tao?
a. knowing faculty at ispiritwal na kalikasan
b. appetitive faculty at materyal na kalikasan
c. knowing and appetitive faculty
d. ispiritwal at materyal na kalikasan
______5. Ito ay ang kakayahan ng tao na dahil sa kaniyang panlabas at panloob na pandama
at dahil sa isip kaya't siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran.
a. appetitive faculty c. ispiritwal na kalikasan
b. knowing faculty d. materyal na kalikasan
______6. Ito naman ang kakayahan ng tao na makaramdam o makadama dahil sa mga
emosyon at kilos-loob.
a. appetitive faculty c. ispiritwal na kalikasan
b. knowing faculty d. materyal na kalikasan
______7. Ang kamalayan, memorya, imahinasyon, at instinct ay mga halimbawa ng
____________.
a. appetitive faculty c. panloob na pandama
b. knowing faculty d. panlabas na pandama
______8. Ito ang tawag sa pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag
uunawa.
a. instinct c. memorya
b. imahinasyon d. kamalayan
______9. Ito ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan.
a. instinct c. memorya
b. imahinasyon d. kamalayan
______10. Ito ang kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito.
a. instinct c. memorya
b. imahinasyon d. kamalayan
______11. Ito ang kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran.
a. instinct c. memorya
b. imahinasyon d. kamalayan
______12. Ano ang tatlong kakayahang kapareho ng tao sa hayop?
a. pagiisip, pandama at pagkagusto
b. pandama, paggalaw at pagiisip
c. paggalaw, pandama at pagkagusto
d. pagkagusto, pagiisip at paggalaw
______13. Ito ang kakayahang mag-isip, maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
a. memorya c. imahinasyon
b. instinct d. isip
______14. Ang salitang ito ay nangangahulugan na umiiral na nagmamahal.
a. pagmamahal c. kilos-loob
b. ens amans d. rational appentency
______15. Ito ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba't ibang pagkilos
ng tao.
a. pagmamahal c. kilos-loob
b. ens amans d. rational appentency
______16. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni ___________.
a. Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.
b. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
c. Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.
d. Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.
______17. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa
_________.
a. ito ang pinaka-tamang gawin
b. naayon sa batas ng Diyos at ng tao
c. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
d. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan.
______18. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos
sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya.
a. pag-iisip c. konsiyensiya
b. puso d. moralidad
______19. Ito ay batay sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral para sa kaayusan sa lipunan.
a. Pangangalaga sa buhay.
b. Pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak.
c. Pagiging rasyonal na nilalang sap ag-alam ng katotohanan.
d. Lahat ng nabanggit.
______20. Maipakikita mo ang pagiging mabuting tao kung ___________.
a. susundin ang konsiyensiya
b. magpapasya ayon sat ama
c. susundin ang Likas na Batas Moral
d. lahat ng nabanggit
II. TAMA O MALI
A. Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay
nagpapakita ng tamang gamit ng isip at kilos-loob. Lagyan naman ng ekis (X) kung
mali.

__________1. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto


at kinauukulan bago maniwala sa sinasabi ng iba.
__________2. Umiinom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng
pakikisama at pagmamahal sa bawat isa.
__________3. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng
tulong sa kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na
nangangailangan din sila.
__________4. Patuloy parin ang pagkikita ni Gerlie kay Bhoy tuwing gabi kahit kinausap
na ng mga magulang na itigil na ito.
__________5. Hindi siniseryoso ni Alvin ang pagbabasa ng modyul. Naisip niya na hindi
naman siya magko-kolehiyo at walang halaga ang matuto pa.

B. Basahin ang bawat sitwasyon at magpasya. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay tamang
kilos ng paggamit ng konsiyensiya. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi.
__________1. Ang mali ay mali kahit gaano pa kabuti ang iyong intensiyon o dahilan.
__________2. Okay lang ang paminsan-minsang pagsisinungaling lalo na kung
nakasalalay dito ang inyong pagkakaibigan.
__________3. Hahayaan mo na iba na lang ang magsabi kaysa sayo pa magalit ang
iyong kaibigan.
__________4. Pag-iisipan mong mabuti ang suliranin at pipiliin ang pinaka-tamang
solusyon na ayon sa turo ng Diyos.
__________5. Minsan ka ng nagkamali kaya ginagamit mo na ang iyong tunay na
konsiyensiya upang itama ang mga kasalanan.

C. Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay
nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali.

__________1. Nais sana ni Ara na magpost sa FB dahil gigil na siya sa galit sa


gobyerno. Nagnilay muna siya at hindi na niya itinuloy nang maisip na
mali ito.
__________2. Dahil tapos ng mag-aral si Jun ay nagpatugtog na siya nang malakas
upang malibang kahit na nagbabasa pa ang kapatid na si Ben.
__________3. Nagpabili pa rin si Edwin ng bag kahit walang pera ang nanay.
__________4. Dahil bagay naman at uso, nagsuot si Cherry ng maikling blusa. Kita ang
kanyang dibdib at pusod.
__________5. Naiwan ni Ana na bukas ang email nya. Binuksan ito ni Lisa at binasa.

You might also like