You are on page 1of 2

Pangalan: ______________________________ Pangkat: _______________________

Guro:_____________ Petsa: __________________________

PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
2. Sagutin ang mga tanong ng may katalinuhan.
3. Isulat ng maayos ang bawat sagot.
4. Huwag magbura.

I.Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________ 1.May kakayahan ang isip na magnilay o magmuni-muni kaya naman nauunawaan nito ang kanyang dapat
maunawaan. Ito ay ayon kay:
A. Agapay B. Aristotle C. Dr. Manuel Dy D. Sto. Tomas de Aquino

_________ 2. Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at maging produktibong mamamayan.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang magpakasal D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

_________ 3. Ang __ o pagkilos ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay ayon sa nais ng ating isipan.
A. Loob B. Isip C. Kilos D. Utak

_________ 4. Nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang particular na bagay na umiiral (mag-
abstraksiyon). Sa anong sitwasyon sa baba makikita ito?
A. Nangungutang si Miriam sa kaniyang mga kaibigan upang may pambili ng mamahaling sapatos.
B. Tinatanggal ni Irene ang kanyang face mask kahit nasa labas siya ng bahay ngayong panahon ng pandemya.
C. Sinusunod ni Cesar ang 3Rs sa pag-aayos ng kanilang basura sa loob ng tahanan.
D. Like ng like si Jessica sa lahat ng post ng kanyang mga kaibigan sa social media kahit taliwas ito sa gusto niya.

_________ 5. Tinawag ng Panginoon na ang tao’y kaniyang “__________”.


A. Kabutihan B. Mukha C. Obra Maestra D. Anak

_________ 6. Bawat tao ay malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang
pagkatao
A. Karapatan sa buhay B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.
C. Karapatang magpakasal D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

_________ 7. Ano ang pinakatunguhin ng loob?


A. kabutihan B. kapayapaan C. katotohanan D. pagmamahal

_________ 8. Kasama sa karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa
panganib.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang magpakasal D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

_________ 9. Ang tao ay _______ sa tuwing siya ay nagsasagot ng mga bagay o hindi naman kaya ay sa kanyang
pakikipagtalastasan sa kapwa.
A. Mag-iisip B. Nag-iisip C. Mahalaga D.Manghuhula
_________ 10. Paano ginamit ni Kondring ang kanyang isip at loob sa pagpapasya sa sumusunod na sitwasyon? Isang taxi
driver si Mang Kondring. Isang araw, may nakaiwan ng bag na naglalaman ng malaking halaga sa likurang bahagi ng
kanyang sasakyan. Hindi niya ito pinag-interesan kahit nasa ospital ang kaniyang bunsong anak. Ibinalik niya sa may-ari
ang bag.
A. Natuklasan ni Mang Kondring na galling sa masama ang pera kaya hindi niya kinuha.
B. Magagalit nag asawa niya kapag nalaman na ibinalik niya ang bag sa may-ari.
C. Mas lalong nanaig sa kanya ang pagiging ama kaya kinuha niya ang bag.
D. Naunawaan ni Mang Kondring na masama ang kumuha ng pag-aari ng iba.

_________ 11. Ang kalikasan ng tao na maakit sa mabuti at lumayo sa tama ay ang:
A. isip B. Kalayaan C. loob D. konsensya

_________ 12. Ito ang pinakamataas na antas ng Karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang Karapatan kung sakaling
ito ay malalagay sa panganib.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang magpakasal D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_________ 13. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.
C. Karapatang magpakasal D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

_________ 14. Sa anatomiya ng tao, ang _____ ay matatagpuan sa ating ulo. Ito ang akapagbibigay sa atin ng
kakayahang mag-isip at gawin ang isang bagay.
A. Loob B. Isip C. Kilos D. Utak

_________ 15. Ang tao ay may karapatan sa disenteng hanapbuhay upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

II. Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod ay katangian o kakayahan ng tao at ng hayop. Maaaring maging dalawa
ang sagot.

KAKAYAHAN/KATANGIAN TAO HAYO


P
1. Kakayahang mag-isip, pumili at gumusto
2. Magkaroon ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pandama
3. Magtakda ng kilos nang wasto at katotohanan
4. May kakayahang gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang nais
5. Magprotekta sa sarili na dikta ng kaniyang mga pangangailangan
6. Hindi buo ang katangian nang ipanganak
7. Kakayahang gumusto na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon
8. Gumawa ng malayang pagpili
9. Makaunawa at humusga
10. Kumilos at gumalaw

III. Piliin ang letra sa loob ng kahon at isulat sa tabi ng numero ang tamang kasagutan batay sa ideyang ipinahahayag.
A. Karapatan bilang kapangyarihang Moral B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay D. Tungkulin bilang Obligasyong Moral
E. Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan

__________1. Paggawang moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain at nakasalalay ang malayang
kilos-loob ng tao.
__________2. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat sundin ang pamantayang moral.
__________3. Ang gawaing moral na ito ay hawakan, pakinabangan at angkinin o pwersahang angkinin ang mga bagay
na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
__________4. Kailangan ng tao ng mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.
__________5. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

You might also like