You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay ng Camarines Sur
Paaralang Mataas ng Godofredo Reyes Sr.
Godofredo Reyes Sr., Ragay Camarines Sur

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot


1. Ang ______________ ay nangangahulugan ng pagiging karapat-dapat ng tao sa paggalang at
pagpapahalaga mula sa kanyang kapwa.
a. Kalayaan b. Konsensya c. Dignidad d. Karapatan
2. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
3. Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang _________________ay ang katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kanyang kilos tungo kanyang maaaring hantungan at ang paraan ng pagkamit
nito.
a. Kalayaan b. Konsensya c. Dignidad d. Karapatan
4. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat
ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo b. Unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago
5. Taglay ito ng tao na nagpapatunay na siya ay nilikhang kawangis ng Diyos.
a. Emosyon b. Katawan c. Isip d. Isip at Kilos-loob
6. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan, ito rin ang hangganan ng kalayaan? a. Isip
b. konsensya c. Likas na batas moral d. dignidad
7. Ang ________________ ay pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
a. Kalayaan b. Konsensya c. Dignidad d. Karapatan
8. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
d. Lahat ng nabanggit.
9. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
10. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan, ito ay nagmula sa mismong
katotohanan –Ang Diyos. Nangangahulugan na ang Likas batas moral ay:
a. Obhektibo b. Unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago

II. Panuto isulat kung tama o mali.


1. Ang prinsipyo ng Likas na batas moral ay gawin ang mabuti iwasan ang masama
2. Ang tao ay mapanagutan sa paggamit ng kalayaan kung naisasaalang-alang niya ang kabutihang pansarili
at hindi ang kabutihang panlahat.
3. Tunay may kalayaan ang tao kung ang kanyang pagkilos ay sumasalungat sa likas na batas moral.
4. Ang tunay na kalayaan ay kalayaang gawin ang anumang naisin.
5. Ayon kay Max Scheler ang kaugnayan ng kalayaan sa likas na batas moral ay tulad ng kaugnayan ng
dalampasigan sa baybay dagat.
6. Ang dalawang uri ng panlabas na kalayaan ay kalayaang gumusto at kalayaang tumukoy.
7. Hindi ka mapanagutan sa paggamit ng kalayaan kung handa kang harapin ang anumang ng iyong
pagpapasya.
8. Ang isip ay ginagamit sa pagpili o pagpapasya, ang kilos-loob ay para makaunawa.
9. Ayon kay Sto Tomas ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos at pinagkalooban ng isip at kalayaan Ang
kalayaan ay ang tungkuling gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
10. Ang kalayaan ay ang tungkuling gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
III. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa patlang ng bawat pangungusap.

Isip Katotohanan panlabas dignus tao obra maestra


Layunin kilos-loob wangis tungkulin pagmamahal
karapat- dapat kabutihan likas na batas moral Immanuel Kant

1. Sa lahat ng nilikhang may buhay bukod-tangi ang _____________.


2. Ang tao ay nilikha na may kakayahang higit pa sa ibang nilalalng ; kaya tinatawag ang tao bilang
_________________ ng Diyos.
3. Ang ________ ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatwiran.
4. Ang _____________ ay ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasya at isakatuparan ang napili.
5. Ang tunguhin ng isip ay___________
6. Ang tunguhin ng kilos-loob ay___________.
7. Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang _______________ Lumikha siya ng isang babae at lalaki.
8. Mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsensiya ang _________________.
9. Ang kalayaang_ _____________________ ay ang kalayaan upang isakatuparan ng ninanais ng kilos
loob.
10. Ang kalayaan ay may kaakibat na ______________________.
11. Ayon kay ______________ ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang.
12. Ayon kay Dr. Manuel Dy ang pinakapangunahing kilos ng tao ay ang _______________.
13. Ang salitang telos ay mula sa griyegong salita na ibig sabihin ay ____________.
14. -15 Ang dignidad ay mula sa salitang latin na ______________ ibig sabihin ay ______________.

Panuto: Isa-isahin ang hinihinging impormasyon


1. Ang salitang latin ng konsensiya ay ______________ ang ibig sabihin sa wikang Ingles ___________
__________ at sa Filipino ay __________ _____________.
2. Ano ang apat na katangian ng Likas na batas moral.
3. Ano ang tatlong uri ng konsensiya sa larangan ng panahon.
4. Ano ang dalawang uri ng kalayaan?
5. Ano ang dalawang paraan ng pangangalaga sa dignidad

You might also like