You are on page 1of 2

CARIGARA NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL

CARIGARA, LEYTE

Unang Markahang Pagsusulit sa EsP 10

Pangalan: Taon at Seksyon:


Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Hindi ipinagkaloob sa pagkasilang ng tao ang lahat ng mga ________ nagpapabukod sa kaniya, unti-unti natin ito
nililikha habang tayo ay nagkakaedad.
a. Katangian b. Karangalan c. karapatan d. Kasaysayan
2. Ang pagkalikha ng pagka sino ng tao ay dumaraan sa tatlong yugto , alin ang hindi kasapi dito?
a. Bilang indibidwal b. Bilang persona c. Bilang personalidad d. Bilang kaluluwa
3. Ito ay yugto ng pagka sino ng tao na buuin natin sa habang buhay bilang nilalang na hindi pa tapos.
a. Bilang indibidwal b. Bilang persona c. Bilang personalidad d. Bilang kaluluwa
4. Yugto ng pagka sino kung saan proseso ito ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.
a. Bilang indibidwal b. Bilang persona c. Bilang personalidad d. Bilang kaluluwa
5. Sa yugtong ito ng pagkasino ng tao nakakamit ng tao ang kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo
ng kaniyang pagkasino.
a. Bilang indibidwal b. Bilang persona c. Bilang personalidad d. Bilang kaluluwa
6. Dahil sa kakayahang nating ito, napaunlad natin an ating kamalayan sa sarili.
a. Pag-iisip b. Pagsasalita c. Pagtratrabaho d. Pag-aaral
7. Ang taong may kamalayan sa kaniyang sarili ay may pagtatanggap sa kaniyang mga ________ na magagamit niya sa
kaniyang pakikibahagi sa mundo.
a. Kasiraan b. Talento c. Kahinaan d. Katamaran
8. Ito ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang mga bagay na may halaga. Tunguhin rin ito ng lahat ng
mabuting kilos.
a. Pagkmuhi b. Pagmamahal c. Pagkakaisa d. Pagbibigayan
9. Siya ay isang madre mula sa Calcutta, India, tinulungan niya ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at
ang mga may sakit.
a. Mother Teresa b. Mother Regina c. Mother Ignacia d. Mother Escolastica
10. It ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa.
a. Pagiging matatag b. Kamalayan sa sarili c. Pagmamalasakit d. Pagkamalikhain
11. Ang tao ay nilikha ay ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang ______.
a. Doble kara b. Obra maestra c. Obladi oblada d. Kaera x Cruz
12. Ito ang nagsisilbing batayan ng paghuhusga ng tama o mali.
a. Kaluluwa b. Konsensiya c. Katalinuhan d. Kakayahan
13. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo sa tao at nag uutos sa mga moral na pagpapasiya.
a. Kaluluwa b. Konsensiya c. Katalinuhan d. Kakayahan
14. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling
katuwiran.
a. Kaluluwa b. Konsensiya c. Katalinuhan d. Kakayahan
15. Ito ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan at mgkadunong.
a. Katanyagan b. Kamalasan c. Kahirapan d. Kamangmangan
16. Ito ay ibinigay ng Diyos sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
a. Likas na batas moral b. Likas na katalinuhan c. Likas na kayamanan d. Likas na katauhan
17. Hindi ito nagbabago, hindi ito nakikisabay sa panahon o nakabatay sa pangangailangan ng sitwasyon.
a. Likas na batas moral b. Likas na katalinuhan c. Likas na kayamanan d. Likas na katauhan
18. Ang katangian ng kilos loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaraing hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito.
a. Kalaaan b. Katalinuhan c. Kamangmangan d. Kamalayan
19. Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Ito ay
aspekto ng kalayaang _____.
a. Kalayaan para sa b. Kalayaan mula sa c. A at B d. Wala sa nabanggit
20. Aspekto ng kalayaan, binibigyang katuturan nito ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit
ng kaniyang ninnanais.
a. Kalayaan para sa b. Kalayaan mula sa c. A at B d. Wala sa nabanggit
Test II: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay totoo, MALI naman kung hindi ito
totoo.
21. Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.
22. Ang tao ay nilalang na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo.
23. Ang isip ay mayroong nang taglay na kaalaman o ideya mula pa lang sa kapanganakan ng tao.
24. Ang isip ay may kakayahang magnilay o mag muni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
25. Kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at pagpapasya sapagkat may
kakabit itong moral na tungkulin.
26. Ang pagmamahal ay maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa na siyang pinagmumulan ng tunay na
kaligayahan na hinahanap ng tao sa sarili.
27. Walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi sa pag tutulungan lamang para sa kabutihan ng
sarili o ng isang tao lamang.
28. Ipinanganak ang taong TAPOS, dahil kawangis siya ng Diyos na may isip at kulang sa kilos loob.
29. Laging tama ang hatol ng konsensiya at hindi ito kalianman magkakamali.
30. Kailanang gumawa tayo ng mga pasya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi.

Punan ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Konsensiya Makabubuti
Katotohanan Nagtatagal
Pagpapahalaga Isip
Kalayaan mula sa Pagtutulungan
Kinabukasan Memorya

31. Ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan ay _____.
32. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang _____ at mabuhay sa lipunan.
33. Hindi dapat ganap na iatang sa balikat ng mga guro sa paaralan ang paghubog sa mga bata sa______.
34. Karaniwang binibigyang katuturan ang _____ bilang kaawalan ng hadlang sa laban ng tao sa pagkamt ng kaniyang
ninanais.
35. Ang malayang pagpili (free choice) ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong _______ sa kaniya.
36. Walang anumang bagay sa buhay na ito ang _______ maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao.
37. Walang mas mabuting paraan upang makipag ugnayan sa iba kundi sa ________ lamang.
38. Ibinigay ng ______ ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
39. Ang hayop ay walang pinaghahandaang _______ sapagkat sa kapanganakan pa lamang, tukoy na kung ano siya sa
paglaki.
40. Ang panloob na pandama ng pagkakaroon mo ng kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas o karanasan ay
________.

Inihanda ni

LEA D. ALFARO Checked by:


Guro
ANGELICA B. ESCANILLAS Noted by:
Department Head
ROLAND A. ALJIBE
Principal III

You might also like