You are on page 1of 5

Bintawan National High School

Villaverde, Nueva Vizcaya

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 (DAISY AT DAFFODILS)


Pangalan: ________________________________ Asignatura: Araling Panlipunan 10
Grade Level at Seksyon: _____________________ Inihanda ni: Xyrhyll Jayron P. Espiritu
I. Maramihang Pagpili. Ang mga paksang nakapaloob sa pagsusulit ay hango mula sa mga aralin sa unang markahan.
Basahing mabuti ang mga pahayag at pilin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 1. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
A. kilos-loob B. konsensiya C. pagmamahal D. responsibilidad
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 2. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung
ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
B. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 3. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao,
mahirap magpakatao?”
A. May isip at kilos-loob ang tao.
B. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
C. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
D. May konsensiya ang tao.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 4. Ito ay tumutukoy sa isang kritikal na sandali sa ating buhay. Dumarating tayo sa puntong hindi tayo
sigurado sa kung ano ang gagawin sa sitwasyong kinakaharap.
A. Krisis B. Pasya C. Dagok D. Problema
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 5. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano
ang nais iparating ng kasabihan?
A. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
B. Kamukha ng tao ang Diyos.
C. Kapareho ng tao ang Diyos.
D. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 6. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat
ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 7. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 8. Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay dumaraan sa tatlong yugto. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kasali?
A. tao bilang indibidwal C. tao bilang personalidad
B. tao bilang persona D. tao bilang lipunan
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 9. Ano ang itinutukoy sa talata?
Ang kambal na Oyin at Yesa ay parehong mahilig umawit, at pareho ang uri ng musikang gustonila, pero ibang
mag-isip at tumugon si Oyin kung maharap sila sa parehong sitwasyon. Sa kaniyangpag-iisip, pagpapasiya, at
pagkilos, nagiging bukod-tangi ang bawat tao.

A. madaling maging tao C. A at B


B. mahirap magpakatao D. Wala sa dalawa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 10. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral, maliban sa
A. Ito ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon.
B. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
C. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
D. Ito ay nakasulat sa konstitusyon ng Pilipinas.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ Para sa bilang 11-12.

Nagkaroon ng pagsusulit si Jayson. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi.
Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi
pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.

11. Ano ang pinatunayan ni Jayson sa sitwasyon ito?


A. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
B. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
C. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
D. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 12. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa
sitwasyong ito?
A. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
B. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
C. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.
D. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 13. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 14. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang
subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa
kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Likas na Batas Moral
B. Batas ng Diyos D. Batas Positibo
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 15. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral, maliban sa ________________.
A. Ito ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama o mali sa kasalukuyang pagkakataon.
B. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
C. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
D. Ito ay nakasulat sa konstitusyon ng Pilipinas.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 16. Ang sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral, maliban sa
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
D. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 17. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang
kaniyang kalayaan.
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti ay
masama sa kaniyang isipan.
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
D. Lahat ng nabanggit
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 18. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
D. Kung magsasanib ang tama at mabuti.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 19. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang
negatibong pag-uugali?
A. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
B. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
C. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ Para sa bilang 20 at 21: Suriin ang sitwasyon.

May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay,
ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at
may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din
niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni
Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?

20. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling.
Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto C. Ikatlong yugto
B. Ikalawang yugto D. Ikaapat na yugto
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 21. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
A. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 22. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama.
Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa
mabuti.
D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 23. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang
kaniyang kalayaan
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti ay
masama sa kaniyang isipan
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 24. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
D. Kung magsasanib ang tama at mabuti
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 25. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral?
A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
B. Kailangan ito ng lahat ng tao
C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 26. Ito ay ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang
moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Konsensiya
B. Likas na Batas Moral D. Kultura
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 27. Ito ay ang kamangmangan na kung saan ay mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang
malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o
pagaaral.
A. Kamangmangang madaraig C. Maaaring A o B
B. Kamangmangan na di madaraig D. Wala sa dalawa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 28. Ito ay ang kamangmangan na kung saan ay walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito
ay malampasan.
A. Kamangmangang madaraig C. Maaaring A o B
B. Kamangmangan na di madaraig D. Wala sa dalawa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 29. Likas sa tao ang naisin na magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan. Ngunit hindi
ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng kalikasang ito ay ang tungkulin na bigyan
ngedukasyon ang kaniyang anak. Alin sa mga sumusunod na pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral ang inilalarawan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
C. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
D. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 30. Alin sa mga sumusunod na pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang naglalarawan kung
bakit ang tao ay umiinom ng gamot kapag may sakit, pumupunta sa doktor upang alamin kung ano ang
karamdaman, nagiingat sa mga kilos sa lahat ng pagkakataon, at hindi kinikitil ang sariling buhay?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
D. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 31. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang _____________.
A. Katotohanan B. Kapayapaan C. Yaman D. Katalinuhan
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 32. Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
A. Batas
B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D. Mga batas ng mga may awtoridad
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 33. “Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi
sa pagmamahal at paglilingkod.” Ano ang mensahe nito?
A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
B. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
D. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 34.Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang
malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng
bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 35. Ang kahiligang ito ang nagtutulak sa tao upang magkaroon ng kaalaman at iwasan ang
kamangmangan. Mahalaga ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman, mahahanap ng tao ang
katotohanan. Alin sa mga sumusunod na pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang
inilalarawan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
D. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 36. Hinuhubog natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan. Maipakikita ang
pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod, maliban sa _______________.
A. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos.
B. Magtanong sa magulang kung ano ang mabuti at masama.
C. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting layunin at hindi
mula sa makasariling interes.
D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay.
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 37. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya makabubuti na humingi ng paggabay sa
sumusunod, maliban sa ________________________.
A. mga taong may kalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan
sa proseso ng paghubog ng konsensiya tulad ng mga magulang at nakatatanda
B. sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, at iba pang namumuno
C. sa Diyos gamit ang Kaniyang mga salita at halimbawa
D. tiwala sa sariling kakayahan at talent
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 38. Anong antas ng paghubog ng konsensiya ang nagsisimula sa pagkabata. Dahil hindi pa sapat ang
kaalaman ng isang bata ukol sa tama at mali, mabuti o masama, umaasa lamang siya sa mga paalala,
paggabay, at pagbabawal ng kaniyang magulang.
A. antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon C. antas ng likas na talent
B. antas ng superego D. antas ng human ego
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 39. Habang lumalaki ang isang bata malaki ang bahaging ginagampanan ng isang taong may awtoridad
sa kaniyang mga pasiya at kilos. Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata.
Anong antas ng paghubog ng konsensiya ang inilalarawan nito?
A. antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon C. antas ng likas na talent
B. antas ng superego D. antas ng human ego
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 40. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang
nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad.
A. Isip B. Kilos-loob C. Puso D. Kamay
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 41. Alin sa mga paraan ang magpaunlad ng ugnayan ng tao at Diyos na lubos na mauunawaan
ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kanyang buhay?
a. Panalangin c. Pagsisimba o Pagsamba
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay d. Pagmamahal sa Kapwa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 42. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanilang buhay
b. Upang lumawak ang kanyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 43. Paano nakatutulong ang pagsamba sa pagpapaunlad ng pagmamahal ng tao sa Diyos?
a. Panalangin
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
c. Makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa salita ng Diyos
d. Pagmamahal sa Kapwa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 44. Ang sumusunod ay naglalarawan sa kahalagahan ng Pagsisimba maliban sa:
a. Ito ay isang paraan upang mapalalim ang ugnayan ng Diyos at tao
b. Ito ay isang paraan kung saan lubos na makilala ng tao ang Diyos
c. Ito ay isang paraan na malalaman ng tao ang kanyang mga turo o aral
d. Ito ay isang paraan ng pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 45. Ang kamangmangan ay _____________ kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao
upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap
o pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kapabayaan ng tao.
A. Kamangmangang Madaraig C. Kamangmangang Sadya
B. Kamangmangang Di-madaraig D. Kamangmangang Di-Sadya
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 46. Ito ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng
isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
A. Espiritwalidad B. Pananampalataya C. Konsensya D. Pagpapasya
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 47. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa nabuong hangarin na ang sukdulan na
layunin ay ang maidudulot na kabutihan.
A. Will B. Intellect C. Knowledge D. Actions
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 48. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos c. Nagmamahal at tumulong sa kapwa
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos d. Nagmamahal sa Diyos at kapwa
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 49. Ito ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon sa kinakaharap na sitwasyon. Maaring
tama o mali ang pasya ng isang tao.
A. Pagpapasya B. Konsensya C. Pagpapasya D. Espiritwalidad
Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ 50. Ang sumusunod ay mahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo maliban sa ________.
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kaganapan at likas na pagsunod

You might also like