You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
HOLY FAMILY ACADEMY OF ZAMBALES INC.
Agpalo St. Brgy. Rizal San Marcelino, Zambales

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
S.Y. 2023-2024

Pangalan: _________________________ Petsa: ___________________________


Seksyon: __________________________ Iskor: ___________________________

I. MARAMING PAGPIPILIAN
MGA PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Ang isipan (intellect) at may tunguhing alamin ang ________________.


A. Tama B. Mabuti
C. Mali D.Katotohanan
2. Nilalayon ng kilos-loob ang _______________________________.
A. katotohanan B. kabutihan
C. moralidad D. tamang pagpapasya
3. Ang kilos-loob ay nakadepende sa isip.Ang pahayag na ito ay __________.
A. tama, dahil ang kilos-loob ay walang kakayahang alamin ang tama sa mali.
B. tama, ang isip ay ang may kakayahang maghusga nang mabuti.
C. mali, malaya ang kilos-loob hindi nito kailangan ang isipan.
D.mali, may sariling kakayahan ang kilos-loob upang alamin ang katotohanan.
4. Ito ang tinatawag na blind faculty.
A. Isipan B. Kabutihan
C. Kilos-Loob D. Moralidad
5. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin kung ikaw ay naguguluhan sa iyong
pagpapasya dahil sa pagtutunggali ng isip at kalooban MALIBAN sa isa:
A. Kumonsulta sa mga aklat na “Self-Help”.
B. Magdesisyon nang may tiwala sa sarili.
C. Kumonsulta sa mga magulang, guro, kapatid o nakatatanda.
D. Magdesisyon ayon sa iyong emosyon.
6. Dahil sa katangiang ito ay itinuturing na pinakamataas na nilalang ang tao.
A. Kakayahang gumawa ng mga bagay.
B. Kakayahang magpasya at kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay.
C. Kaalamang kumilos para sa kanyang ikabubuhay.
D. Kaalamang tunguhin ang Mabuti.
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi gawaing nagsasanay sa isip (intellect)?
A. Pag-alam sa katotohanan.
B. Pag-unawa sa pangkalahatang katotohanan (universal truth).
C. Bumuo ng pasya batay sa ganap na pamantayang moral.
D. Piliin ang higit na Mabuti.
8. Ito ang siyang may kakayahang pumili kung ano ang partikular na mabuti, ang
maghusga ng mga bagay, at sitwasyon.
A. Isip B. Kilos-Loob
C. Kamalayan D. Konsensiya
9. Dahil sa takbo ng teknolohiya, maalking hamon ang pag-alam sa katotohanan. Kaya
ito mahalaga upang mapaunlad ng tao ang kakayahang magpasya at gumawa ng tama.
A. Kaalaman B. Karunungan
C. Kritikal Na Pag-Iisip D. Kakayahang Magnilay
10. Bakit may mga taong gumagawa pa rin ng kamalian sa buhay?
A. May pagtutunggali sa pagitan ng isip at kilos-loob na nakakaapekto sa kanyang
tunguhing kilos.
B. May mga salik na nakakaapekto sa katalinuhan ng tao sa pagpapasya.
C. Sadyang matigas ang ulo ng tao kung kaya mas pinipili niya ang gumawa
ng masama.
D. Likas na mabuti ang tao subalit naiimpluwensiyahan siya ng mga kaibigan na
piliin ang maling landas.
11. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos.
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
12. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taongpangalagaan ang
ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin
ang mga anak.
C. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan,
lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil
sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
13. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang
magamit niya nang tama ang kaniyang Kalayaan.
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at
mali; ng mabuti ay masama sa kaniyang isipan.
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng
Pagkakataon.
D. Lahat ng nabanggit
14. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
D. Kung magsasanib ang tama at mabuti.
Para sa bilang 5 at 6: Suriin ang sitwasyon.
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa
kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina
na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng
ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano
kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasya.

15. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang
magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto B. Ikalawang yugto
C.Ikatlong yugto D. Ikaapat na yugto
16. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya? A.
Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
17. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo
ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng
tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagangmahubog ito
upang kumiling sa mabuti.
D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
18. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa
rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may
mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na
batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos B. Likas na Batas Moral
C. Batas ng Diyos D. Batas Positibo
19. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng
kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya
maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
20. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig o invincible ignorance?
A. pagbili sa nakaw na cellphone ng kapitbahay sa murang halaga.
B. pagbibigay ng limos.
C. pagpapainom ng maling gamot upang maibsan ang sakit.
D. pagtawid sa maling tawiran.
21. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas
moral ang batayan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak.
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
D. Wala sa nabanggit
22. Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang
buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan
nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak.
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
D. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
23. Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan
tayong mamili kung ano ang dapat gawin.
A. Problema
B. Krisis
C. Pagsubok
D. Kahinaan
24. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao.
B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao.
C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian.
D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman.
25. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, Ito ang mabuti, ang dapat
mong gawin, Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin. Anong yugto ng konsensiya ang
kinapapalooban nito?
A. Alamin at naisin ang mabuti.
B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos.
D. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay.
26. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral
ang batayan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak.
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
D. Wala sa nabanggit
27. Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang
buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan
nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak.
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
D. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
28. Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan
tayong mamili kung ano ang dapat gawin.
A. Problema C. Pagsubok
B. Krisis D. Kahinaan

29. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?


A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao.
B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao.
C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian.
D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman.
30. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat
mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya
ang kinapapalooban nito?
A. Alamin at naisin ang mabuti.
B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos.
D. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay.
31. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral?
A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
B. Kailangan ito ng lahat ng tao.
C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
32. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit
na ________________________.
A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa.
B. Batayan ng kabutihan ng mga gawain.
C. Personal na pamantayang moral ng tao.
D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
33. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral?
A. Kalayaan ng tao C. Kahusayan ng tao
B. Kabutihan ng tao D. Kaayusan ng tao
34. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang
panahon.
A. Likas na Batas Moral
B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral
C. Kalayaan
D. Isip, puso at kamay
35. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang __________.
A. Katotohanan C. Yaman
B. Kapayapaan D. Katalinuhan
36. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao.
B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan.
C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama.
D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.
37. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa.
A. Kilos-Loob C. Mga batas
B. Konsensiya D. May awtoridad
38. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa
paghubog ng konsensiya?
A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw.
B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan.
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
39. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?
A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya.
B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral.
C. Dahil nakasanayan na nating manalangin.
D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos.
40. Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay
kumiling sa mabuti.
A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C. Talikuran ang mga pagkakamali
D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay

Prepared by: CHRISTOPHER L. DAYAP


Subject Teacher

Checked by: Romeo L. Gordo Jr.


Academic School Vice President

Checked by: Vic Noel Arcala


Academic Coordinator

Approved by: ALLEN B. CABADING


Principal

You might also like