You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V-Bikol
TANGGAPANG PANSANGAY NG MGA PAARALAN
SANGAY NG LUNGSOD LIGAO
BACONG NATIONAL HIGH SCHOOL
BACONG, LIGAO CITY

IKALAWANG PAMANAHONANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


TP 2023-2024

Pangalan: ______________________________ Seksiyon: _________________ Petsa:____________ Iskor: ______

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong
sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang nakakapagbukod tangi sa tao sa ibang nilalang?


A. Isip
B. Kilos-loob
C. Pakiramdam
D. A at B

2. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng isip?


A. Gumawa ng mabuti at iwasan ang masama
B. Kalagayan ng pagiging mabuti
C. Unawain ang buod at gamit ng isang bagay
D. Kumikilala sa mga bagay sa labas ng isip

3. Anong kakayahan mayroon ang tao kung kaya’t nagagawa niya na bumuo ng mga konsepto?
A. Magtanong
B. Mag-isip
C. Magbasa
D. Magsulat

4. Alin sa mga sumusunod ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama at mali?


A. Konsensya
B. Karunungan
C. Kasamaan
D. Isipan

5. Tatawid na kayo ng iyong kaklase pauwi sa inyong bahay. Imbis na mag overpass, sabi ng
iyong
kaklase na mag jaywalking nalang kayo tutal malaya kayong gawin ang gusto nyo. Susundin
mo
ba sya?
A. Oo, dahil malaya akong gawin ang gusto ko.
B. Hindi, dahil inaabuso lang namin ang aming kalayaan kapag tumawid.
C. Hindi ko siya susundin dahil ayoko pang umuwi.
D. Oo, para mas mabilis kameng makauwi.

6. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa
pagdedesisyon
kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
B. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
C. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito

7. Kung ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran, ano naman ang sa kilos-loob?
A. kapangyarihang magnilay, humusga at umunawa.
B. kapangyarihang magsuri at mag-alaala
C. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng wastong paggamit ng kilos-loob?


A. Upang pumasa sa pagsusulit, pinili ni Jacob na mag-aral kaysa sa maglaro.
B. Gumamit ng kodego si Ana para makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.
C. Mas pinili ni Monique na mamasyal sa mall noong Linggo kaysa magreview.
D. Nangopya si Jayson sa kanyang katabi para may maisagot sa pagsusulit.

9. Ano ang tungkulin ng tao bilang nilalang na biniyayaan ng isip at kilos-loob?


A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap

10. Ano ang tawag sa maliit na bahagi ng katawan na bumabalot buong pagkatao ng tao,
nakararamdam ng lahat ng emosyon at kung saan hinuhubog ang personalidad?
A. Kamay o katawan
B. Isip
C. Puso
D. Kilos

11. Alin sa mga sangkap ng tao may kakayahang isakatuparan ang kanyang mga ideya at
damdamin sa konkretong paraan sa pamamagitan ng pagkilos?
A. Kamay o katawan
B. Isip
C. Puso
D. Kilos

12. Ano ang tunguhin ng isip?


A. katotohanan
B. kabutihan
C. kamalian
D. maling landas

13. Ano ang tunguhin ng kilos-loob?


A. kabutihan
B. kaalaman
C. katotohanan
D. karunungan

14. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng


pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit at panunumbat nito.
Nang
ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan. Ano ang nakalimutan ni
Rolando
sa pagkakataong ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa
sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin
ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaring magtakda ng kilos para sa
kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit.

15. Alin sa mga sumusunod amg tumutukoy sa kakayahan na isip na kumilala ng mabuti at
iwasan ang masama?
A. Isip
B. Kilos – loob
C. Kalayaan
D. Konsiyensiya

16. Alin ang hindi maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Pagkaligaw ng tao sa maling landas.

17. Sobra ang sukli na natanggap ni Angela nang bumili siya ng pagkain sa isang restaurant.
Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin
niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Angela?
A. Tamang konsiyensiya
B. Maling konsiyensiya
C. Purong konsiyensiya
D. Makatwirang konsiyensiya

18. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay pangkalahatang katotohanan na
may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?
A. Obhektibo
B. walang hanggan
C. Unibersal
D. di nagbabago

Para sa bilang 19 at 20: Suriin ang sitwasyon.

May suliranin sa pera ang pamilya ni Cristina. Isang araw, may dumating na kolektor sa
kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Cristina ng kaniyang ina
na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng
kanyang ina. Sa kanilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling.

19. Alam ni Cristina na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang
magsinungaling. Aling yugto ng konsensya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto
B. Ikalawang yugto
C. Ikatlong yugto
D. Ikaapat na yugto

20. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Cristina batay sa hatol ng kaniyang konsensya?
A. Iutos sa ksambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.

21. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay
kailangan
C. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid
dahil
sa patuloy na pagsasanay
D. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging
manhid na ito sa pagkilala ng tama.

22. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?


A. Mapalalaganap ang kabutihan
B. Higit na lalala ang krimen at kaguluhan
C. Maaabot ng tao ang kanyang ambisyon
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

23. Anong katangian ng Likas na Batas-Moral kung saan ito ay nakapangyayari sa lahat ng lahi,
kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon?
A. Obhektibo
B. Walang hanggan
C. Unibersal
D. Di nagbabago

24. Alin sa mga sumusunod na katangian ng konsiyensiya ang nagsasaad ng maling pahayag?
A. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o
hindi ginawa.
B. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang magiging bunga ng kanyang
mga kilos.
C. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng Likas na Batas-Moral?
A. Obhektibo
B. Walang hanggan
C. Unibersal
D. Nagbabago

26. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binibigyan ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang
gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya't nalilito siya.

27. Kung ikaw ay naguguluhan sa pagpapasya at nagkakaroon ng alinlangan sa bulong ng iyong


konsensya, alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin?
A. Lumapit sa taong iyong mapagkakatiwalaan.
B. Ipagpaliban muna ang napiling pasya.
C. Isipin ang magiging kalalabasan ng pasya.
D. Hingin ang gabay ng Diyos.

28. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil
mas
nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa
kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ano ang
mahihinuha natin sa sitwasyong ito?
A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ng tama ay nakabatay sa benepisyong
nakukuha sa isang bagay.
B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay nagiging makatarungan.
C. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong ng malaki
sa marami.
D. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

29. Paano naipamamalas ang mapanagutang kalayaan?


A. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kilos ayon sa kabutihan.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kilos na labag sa iyong kalooban.
C. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga maling gawain.
D. Sa pamamagitan ng paggawa ng sariling kagustuhan kahit negatibo ang magiging
kahihinatnan.

30. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalayaan upang isakatuparan ang gawaing
ninanais
ng kilos-loob?
A. Panlabas na Kalayaan
B. Panloob na Kalayaan
C. Pandamdam
D. Kilos - loob

31. Alin sa mga sumusunod ang uri ng kalayaan na may kalayaang magnais o hindi magnais?
A. Maling Kalayaan
B. Panloob na Kalayaan
C. Panlabas na Kalayaan
D. Tamang Kalayaan

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi ka malayang piliin?


A. Pagtatakda ng kilos na nais mong gawin.
B. Pumunta sa lugar na gusto mong puntahan.
C. Magpakalulong sa bisyo.
D. Piliin ang kahihinatnan ng gagawing kilos.

33. Tinanghali ka ng gising, dahil sa pagmamadali sa pagpasok sa paaralan natabig mo ang


paboritong flower vase ng nanay mo at nabasag. Ano ang una among gagawin?
A. Hahayaan na lang muna ang vase na nabasag dahil mahuhuli kana sa pagpasok.
B. Pupuntahan ang iyong nanay at sasabihin ang nangyari.
C. Dadakutin ang nabasag na vase at itatapon sa basurahan.
D. Sasabihin sa nanay mo na dakutin ang vase na nabasag mo dahil mahuhuli kana sa
klase.

34. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ito ba ay tama o mali, at bakit?
A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
B. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin
sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
C. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng
tao.
D. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabutihan ang kalayaan kung malayang
magagawa
ng tao ang mabuti at masama.

35. Inutusan ka nang iyong nanay na magwalis sa iyong kwarto, nagsabi naman ang iyong kuya
na huwag mo nang sundin si nanay dahil ikaw ay malaya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko susundin ang utos ni nanay dahil naglalaro ako.
B. Susunod ako kay nanay na may kasamang dabog habang nagwawalis.
C. Susunod ako kay nanay, dahil malaya akong mamili ng tamang desisyon.
D. Susundin ko ang sinabi ni Kuya.

36. Niyaya kang manigarilyo ng iyong klase at sabi niya ay malaya kang gawin ang iyong mga
gusto ngunit alam mo rin na mali ang mag bisyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Maninigarlyo ako dahil malaya akong gawin ang gusto ko.
B. Gagawin ko ang gusto ko kahit mali pa ito dahil malaya ako.
C. Hindi ako maninigarilyo dahil alam kong ito ay mali.
D. Maninigarilyo padin ako kahit mali ang mag bisyo.

37. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin.
Dahil
dito ano ang palaging kakambal ng kalayaan?
A. Masamang kilos
B. Pananagutan
C. Pag-aalinlangan
D. Problema

38. Lumaki si Gelo sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip ay
nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa
tukso
na gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga
mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti.
Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni Gelo?
A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa
pagkilala sa mabuti at masama.

39. Ano ang kahalagahan ng kalayaan sa ating buhay?


A. Pagkakaroon ng malayang pagpapasya.
B. Makakapagpahayag ng ating saloobin.
C. Mapasaya ang ating sarili
D. Lahat ng nabanggit.

40. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa tunay na konsepto ng kalayaan?
A. Ang kalayaan ay kakayahan na gawin anoman ang iyong naisin.
B. Walang hanggang ang kalayaan ng tao.
C. Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti.
D. Ang kalayaan ay kawalan ng humahadlang.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Pamanahonang Pagsusulit
Susi sa Pagwawasto

1. D 26. B
2. C 27. B
3. B 28. D
4. A 29. A
5. B 30. A
6. A 31. B
7. C 32. D
8. A 33. B
9. A 34. B
10. C 35. C
11. A 36. C
12. A 37. B
13. A 38. D
14. C 39. D
15. D 40. C
16. D
17. A
18. A
19. A
20. B
21. D
22. A
23. C
24. B
25. D

You might also like