You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy Lourdes, City of San Fernando
Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao
10
S.Y. 2022-2023

Pangalan: ____________________________________Taon at Pangkat: ___________


Panuto: Piliin titik ng pinakatamang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

1. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng isip?


A. Ang makaunawa C. Ang makapangatwiran
B. Ang maging matalino D. Ang mahanap ang katotohanan
2. Ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang makaalam, makaunawa, makahusga at
mangatwiran.
A. Isip B. Kaluluwa C. Kilos-loob D. Puso
3. Ano ang taglay ng tao upang maging iba sya sa hayop?
A. Ang tao ay nilika ng Diyos
B. Ang tao ay may taglay na instinct
C. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman sa tama at mali
D. Ang tao ay may kakayahang makisama sa lahat ng nilalang
4. Paano mo maipapakita na may kaalaman ka sa iyong ginagawa?
A. ginagamit mo ang iyong isip
B. ginagamit mo ang iyong panlabas at panloob na pandama
C. ginagamit mo ang iyong isip kaugnay ng panlabas na pandama
D. ginagamit mo ang iyong isip kaugnay sa panlabas at panloob na pandama
5. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng kilos loob?
A. Ang makapili
B. Ang makagusto
C. Ang maging malaya
D. Ang magmahal at maglingkod sa kapwa.
6. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?
A. Walang kakayahang diktahan ng isip ang ikikilos ng isang tao
B. Iniimpluwensyahan ng isip ang malayang pagkilos ng isang tao
C. Walang kaugnayan ang isip at kilos-loob ng isang tao sa kanyang katangian
D. Ang isip ay may sariling tungkulin upang maimpluwensyahan ang katangian ng isang tao
7. Ano ang maaaring dahilan ng tao na piliinniya ang maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. Pagmamalasakit C. Kamalayan sa Sarili
B. Pagmamahal D. Malayang Pagnanais
8. Ang kosensya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
A. Bahala ang tao sa kanyang kilos
B. Makakabuti sa tao na kumilos ng tama
C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
D. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos ng kakayahan ng tao na
mahanap ang katotohanan at pagpapakita ng pagmamahal?
A. Alam mong nagtatrabaho ang iyong magulang para sa iyong ikabubuti
B. Nakikita mo ang sakripisyo ng iyong magulang kung kaya’t pinag-igihan mo ang pag-aaral
C. Hindi ka nakikialam sa kaguluhan ng iyong mga kaibigan dahil ayaw among madamay sa
kanila
D. Sapat na alam mo ang dahilan ng pag-aaway ng iyong kaibigan ngnit ka sa lugar na itama
sila.
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming-uri at papag-aralin ang mga
anak
B. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangangalagaan ang ating
buhay
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan lalo na
tungkol sa Diyos at mabuhay sa Lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos, may puwang ang tao na magkamali dahil sa
pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
11. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang Obra Maestro.
Ano ang nais iparating ng pahayag?
A. Ang tao ay nilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
B. Ang tao ay may piling katangiang tulad ng Diyos na lumikha.
C. Ang tao ay may katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.
D. Ang tao ay wangis ng Diyos batay sa kanyang ugaling ipapamalas.
12. Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?
A. Sumunod sa batas ng paaralan at ng lipunan
B. Kapag may nakikitang mali, agad itong itama
C. Gawin ang nais na tama ngunit isinasaalang alang ang kapakanan ng iba
D. Magpost ng saloobin sa social media upang mapukaw ang makakabasa nito
13. Bakit mahalagang mahubog ang konsensya ng tao?
A. Upang hindi malito sa kung ano ang pipiliin
B. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
C. Upang matiyak na di magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at
masama sa kanyang isip
D. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang
tama ang kaniyang kalayaan
14. Alin sa sumusunod ang kamangmangan na hindi madadaig?
A. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito
B. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa
masama
C. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid at walang
nakakakita sa iyo.
D. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit makalipas ang ilang oras
ipinambili lamang ito ng rugby
15. Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang paggamit ng Kalayaan?
A. Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapwa
B. Wala kang pipiliing oras at lugar lalo na kapag tama ang gagawin mo
C. Maging maingat sa mga gagawin at sasabihin na tama lalo na sa kaibigan
D. Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito
16. Ano ang pakahulugan na ang Kalayaan ay may kaakibat na pananagutan?
A. Nangangahulugan ito ng pagkilos ayon sa dikta ng nakakarami (majority)
B. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan
C. Nangangahulugan ito na mayroon kang kakayahang kumilos nang rasyonal o naayon sa
katuwiran
D. Nangangahulugan ito na ang malayang pagkilos ay pagpapakita ng pagiging
responsableng tao
17. Sa paanong paraan nababawasan ang kapanagutan ng makataong kilos?
A. Sa paaraan kung paano isinagawa ang kilos
B. Kung walang nakakaalam sa kanyang ginawa
C. Nababawasan ang kapanagutan kung ang masamang naging bunga ng kilos ay kayang
baguhin.
D. kung tama ang proseso ng intensyon ng kilos gamit ang katwiran, malayang pagpili at
kilos-loob.
18. Bakit walang aspekto ng pagiging mabuti o masama ang Kilos ng Tao?
A. Dahil ang Kilos ng Tao ay iba-iba
B. Dahil ang Kilos ng Tao ay mahirap husgahan
C. Dahil ang Kilos ng Tao ay pinili at ginusto ng nagsagawa nito
D. Dahil ang kilos ng tao ay di ginagamitan ng isip at kilos-loob at ito’y likas sa tao
19. Si Mother Theresa ng Calcutta ay nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa
mga mahihirap. Ano ang kanyang ipinakitang katangian ng tao bilang persona?
A. May kamalayan sa sarili
B. Umiiral na nagmamahal
C. Pagsasabuhay ng Kalayaan
D. Ginagalang ang dignidad ng kapwa
20. Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?
A. Bigyan sila ng limos o pagkain
B. Ituring silang kakaiba sa lipunan
C. Pakikisamahan sila ng patas at pantay
D. Makiayon sa uri ng kanilang pamumuhay
21. Alin sa mga sumusunod ang kilos na may pagsang-ayon at kaalaman kaya’t mataas ang
pananagutan ng gumawa ng kilos?
A. Kusang loob C. Di-Kusang loob
B. Makataong kilos D. Walang kusang loob
22. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na gawi?
A. Pagsusugal B. Maalimpungatan C. Paglilinis ng ilong D. Pagpasok ng maaga
23. Isang araw habang wala sa bahay ang iyong mga magulang nang pumasok ka kanilang silid at
kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha mo
ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang iyong ginawa. Ano ang
maaring dahilan?
A. Kinuha niya ito nang walang paalam
B. Kinuha niya ito nang wala ang kanyang mga magulang
C. Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kanyang mga magulang
D. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
24. May babaeng nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa.
Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagmamahal sa babae hanggang
sa magkaroon sila ng relasyon. Alin sa mga sumusunod ang prinsipyo na sumasakop sa
sirkumstansya ng kilos sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
B. Ang sirkumstansya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
C. Ang sirkumstansya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
D. Ang sirkumstansya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
25. Ano ang tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin?
A. Kilos B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansya
26. Paano mo maipapakita sa mga taong mababa ang tingin sa sarili na sila ay bukod-tangi dahil
sa dignidad na taglay?
A.Ipamulat sa kanila ang kanilang pagiging bukod-tangi bilang tao
B. Bigyan sila ng pagkakataon na isabuhay ang kanilang Karapatan
C. Tulungan na maiangat ang sarili at ituring na sila ay kapantay ng lahat ng tao
D. Hikayatin sila na makihalubilo sa iba upang maramdaman nila ang kanilang pagiging
bukod-tangi
27. Papauwi na si Beatrix nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kanyang
pera. Sa sobrang nerbiyos ay naibigay rin niya ang perang nasingil mula sa kontribusyon nila
para sa proyekto. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakaapekto sa pasya ni Beatrix?
A. Gawi B. Takot C. Karahasan D. Masidhing damdamin
28. Anong tawag sa likas na tangi na meron ang tao na sinasabing biniyayaan ng talion at
Kalayaan?
A. Kabutihan B. Kasipagan C. Katalinuhan D. Kagandahan
29. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang maidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan sa kanyang pagpili.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon ng mabuting kilos.
30. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang
31. Bakit mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ng Diyos?
A. Kawangis ng Diyos
B. Kamukha ng Diyos
C. Katuwang ng Diyos
D. Kamanlilikha ng Diyos
32. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa?
A. Pagtulong na may hinihintay na kapalit.
B. Pagbibigay ng libreng serbisyo sa panahon na kinakailangan.
C. Pagbibigay donasyon na palaging pino-post sa facebook para-Makita
ng lahat
D. Pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng
Pangangampanya
33. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
A. Upang lumawak ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
C. Upang lumalim ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga
salita.
34. Bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?
A. Sapagkat ito ang dahilan ng panghahamak sa kanila
B. Sapagkat nawawalan sila ng Karapatan dahil sa kahirapan
C. Sapagkat ito ang dahilan kung bakit nawawalan sila ng dignidad
D. Sapagkat ito ang dahilan ng pagiging iba ng mga mahihirap at indigenous group
35. Ano ang tumutukoy sa pagpataw ng puwersa sa tao gaya ng pananakit o pagpapahirap upang
gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kanyang kalooban?
A. Gawi B. Takot C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
36. Napilitan si Miya na magsinungaling upang pagtakpan ang matalik na kaibigan. Naniwala
naman ang mga magulang nito kung kaya’t hindi napagalitan ang kanyang matalik na
kaibigan. Sobrang nagpasalamat ito sa kanya at tinanaw itong malaking utang na loob.
Mayroon bang kapanagutan si Miya sa kanyang kilos?
A. Mayroon, dahil nagsinungaling siya sa nakakatanda sa kanya
B. Wala, dahil napilitan lamang siyang gawin ito para sa kanyang kaibigan.
C. Wala, dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling nakatulong siya sa kanyang kaibigan
D. Mayroon, dahil kahit na siya ay pinilit alam niya pa rin ang kanyang ginawa at hindi niya
pinili kung ano ang tama.
37. Ang bawat tao, may kapansanan man o wala, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at
makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Tama ba ang isinasaad sa pahayag?
A. Tama, dahil parte sila ng lipunan.
B. Tama, dahil ang bawat isa sa atin ay pantay-pantay
C. Mali, dahil limitado lamang ang magagawa ng mga taong may kapansanan.
D. Mali, dahil mga taong walang kapansanan lamang ang tinatanggap at
pinapakinggan sa lipunan
38. May problema sa pamilya ang iyong nobyo. Niyaya ka niyang makipagtalik dahil nais niyang
maramdaman ang iyong pagmamahal at upang maibsan ang lungkot at problema na kaniyang
nararamdaman. Ano ang iyong gagawin?
A. Aawayin siya dahil sa kanyang asal.
B. Papayag dahil nais mong siyang i-comfort
C. Papaliwanagan siya na hindi iyon ang solusyon sa problema.
D. Sasama at papayag sa gusto niya upang maiwasan ang pagtatalo
39. Maysakit ang nanay mo at hindi siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot at
pagkain. Nagugutom na ang maliliit mong kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki ang
inyong sitwasyon. Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng gamot
at pagkain. Bilang isang anak, ano ang iyong gagawin?
A.Papayag na makipagtalik sa lalaking kapitbahay.
B.Pag-iisipan muna ng mabuti ang gagawing aksyon bago makipagtalik
C.Papayagan ang lalaking kapitbahay at sasabihing magbigay muna ng pera.
D.Tatanggihan ang lalaking kapitbahay at sasabihing ang pagtatalik ay
hindi isang solusyon sa problema.
40. Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala kang ito
ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtulong-tulong ang inyong pamilya upang
makapagtapos ka ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang
araw nagyaya siyang pumasok sa hotel upang mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sabi
niya, iiwan ka niya at magpapakamatay siya kung hindi mo siya papayagan. Bilang isang
kasintahan, ano ang iyong gagawin?
A.Maawa at papayagan ang kasintahang lalaki sapagkat mahal na mahal mo ito.
B. Hindi papayagan ang kasintahang lalaki at isusumbong agad ito sa pulis.
C. Papayagan ito ngunit hihingi ng isang kondisyon na bigyan muna ng pera kapalit ng
kanilang gagawin.
D. Hindi papayagan ang kasintahang lalaki sa kagustuhan niya at kakausapin niya ito ng
mahinahon at maayos hanggang maging maayos ang kaniyang desisyon.
II. Sanaysay
Panuto: Sagutin ang tanong sa lima hanggang sampung (5-10) pangungusap batay sa
sitwasyon bilang isang mag-aaral

41-50. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang mapanagutang ng kalayaan na


ipinagkaloob saiyo?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGBUO NG REPLEKSYON

Deskripsyon 10 7 4
Paglalahad Maayos na Kulang ang Hindi malinaw na
naibahagi ang naibahaging kaisipan naibahagi ang
kaisipan at at damdamin ukol sa kaisipan at damdamin
damdamin ukol sa paksa
paksa
Nilalaman Malaman at May kakulangan sa Malabo ang
natumbok ang pagpapakahulugan ng pagpapakahulugan at
pinapaksa paksa hindi naayon sa
paksa
Kaayusan Lohikal at maayos Lohikal ngunit hindi Hindi lohikal at hindi
ang organisasyon ng gaanong organisado organisado ang
nabuong repleksyon ang nabuong repleksyon na nabuo
repleksyon

You might also like