You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X
Sangay ng Camiguin

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
S.Y. 2021-2022

Pangalan: __________________________________________ Iskor: ______________

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Itiman ang bilog sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Umaasa ang kilos-loob sa katotohanan na nalalaman ng isip. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Nakadepende sa isip ang kilos-loob.
B. Ang isip ang gumagawa ng desisyon para sa kilos-loob.
C. Ang kilos-loob ay hindi nagkakamali dahil sa isip.
D. Ang mabuti at masama ay pagpipilian ng isip at kilos-loob.

2. Ginabi ng pag-uwi si Jessan at wala na siyang makain. Nanood kais siya sa paglalaro sa internet ng
kaniyang mga kaibigan. Nagalit siya sa kaniyang Kuya dahil hindi siya tinirhan ng pagkain. Ano ang dapat
gawin ni Jessan?
A. Isipin niya na may kakayahan siya na umuwi agad. B. Sisihin ang sarili niya sa panonood niya ng
laro.
C. Dapat nagpa-text siya ng kaniyang Kuya na kakain na sila. D. Humingi na lang siya ng pagkain sa
kapitbahay.

3. Hindi gustong bumagsak ni Nimfa at masaktan niya ang kaniyang mga magulang. Ito ang dahilan kung
bakit tuwing may pagsusulit, nangongopya siya. Ano ang dapat niyang isipin?
A. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
B. Isipin niya na wala siyang matutuhan nakakapasa man siya sa pagsusulit.
C. Isipin niya na walang katotohanan sa ganitong prinsipyo ng pangongopya.
D. Isipin niya na totoong magiging masaya ang kaniyang magulang nangongopya man siya.

4. Ano ang kailangan ng tao upang makilala ang mga bagay sa labas ng kaniyang isip?
A. Pandamdam B. Kausap C. Impormasyon D. Cellphone

5. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:


A. Mag-alaala B. Pumili at magpasiya C. Mangatuwiran D. Umunawa sa kahulugan ng
buhay

6. Hindi nakapasa ng Performance Task ninyo ang iyong kaklase. Hiniling niya sa iyo na huwag mong na
ring ipasa ang iyong ginawa para dalawa na kayong magpasa kinabukasan. Anong kakayahan ang gagamitin
mo sa sitwasyong ito upang magpasiya, pumili at isakatuparan mo ang pinili tungo sa kabutihan?
A. Kalayaan B. Kilos-loob C. Pangangatuwiran D. Malasakit

7. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng kilos-loob upang ganap na
magamit ito sa pagpili at pasiya ng kilos na mabuti maliban sa:
A. Pagsunod sa ginagawa ng mga matatanda B. Pagsanay sa disiplina sa sarili
C. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya D. Pagkontrol ng mga emosyon
8. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang may buhay sa mundo. Ano ang totoo sa katagang ito?
A. Ang Diyos lang ang bukod tangi sa lahat.
B. Lahat ng nilikha ay may pantay na halaga.
C. Ang tao ay nilikha na may taglay na isip at kilos-loob
D. Tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.

9. Paano mo isasabuhay ang iyong tungkulin sa iyong isip at kilos-loob bilang tao?
A. Ibahagi sa iba na may isp at kilos-loob ka B. Sanayin, linangin at gawing ganap
C. Iasa ito sa desisyon ng mga nakakatanda D. Hayaan ang Diyos/Allah na likhain ito sa iyo

10. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng isip upang ganap na magamit ito
sa pag-unawa sa katotohanan maliban sa:
A. Pagsasaliksik at pagtatanong B. Pagkakaroon ng karanasan sa buhay
C. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali D. Paglutas ng mga problema nang may
katwiran

11. Wala kang Performance Task at nakita mo ang iyong matalik na kaibigan sa klase na kumokopya nito sa
kaniyang katabi. Binulungan ka niyang kumopya ka na rin. Sinasabi sa iyo ng konsiyensiya mo na dapat
maging tapat ka sa mga gawain sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at kokopya ka na rin.
B. Makikinig ka sa iyong konsiyensiya at hindi na gagawa ng Performance Task.
C. Susundin mo ang iyong konsiyensiya at matapat mong gawin ang Performance Task
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang Performane Task at tapat kang mag-aaral.

12. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Alin ang angkop na paliwanag sa pahayag na ito?
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao. B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao.
C. Tama, dahil maging manhid ang konsiyensiya kung palagi nating sinusunod ang hatol nito.
D. Tama, dahil kung patuloy nating baliwalain ang hatol ng ating konsiyensiya hindi na ito makilala sa tama.

13. Sa paanong paraan mo nailalapat ang Likas na Batas Moral?


A. Ipinagagawa sa kaibigan B. Iniisip ko ito C. Sinusunod ang Konsiyensiya D. Nakikinig sa
mga magulang

14. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang hubugin ang konsiyensiya maliban sa
A. Upang darating ang panahon na maging manhid ang konsiyensiya sa pagkilala kung ano ang tama.
B. Upang maiwasan ang paghusga ng kilos batay sa maling prinsipyo.
C. Upang mahusgahan ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.
D. Upang hindi mailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

15. Nauunawaan mo na ang pagsunod sa Likas na Batas Moral ay tunay na nagpapaunlad ng iyong
pagkatao. Paano mo ito isasabuhay?
A. Seguraduhin na may Likas na Batas Moral.
B. Hayaan mo na iiral sa iyo ang Likas na Batas Moral.
C. Sabihin mo sa iba na sundin nila ang Likas na Batas Moral.
D. Bantayan ang iyong kilos at pasiya kung naaayon ba ito sa Likas na Batas Moral.

16. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsiyensiya sa paghusga ng mabuti at
masama?
A. Batas Sibil C. Mga payo ng magulang B. Likas na Batas Moral D. Sampung Utos ng
Diyos
17. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit meron din
malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Anong mabubuo mong
kahulugan sa mga katagang ito?
A. Hindi kailan man pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama.
B. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsiyensiya ang tamang gawin.
C. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam ito ng konsiyensiya niya batay sa Likas na Batas Moral.
D. May Likas na Batas Moral sa puso at isip ng tao pero dahil malaya siya, maaari pa rin niyang piliin ang
masama.

18. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?


A. Ito ay batas na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
B. Ito ang konsiyensiya na naghuhusga kung tama at mali ang pasiya at kilos.
C. Ito ay batas sibil upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsiyensiya na kilalanin ang mabuti at masama.

19. Ano ang magandang epekto sa iyo kung gagamitin mong batayan ng iyong konsiyensiya ang Likas na
Batas Moral? A. Matutukoy ng konsiyensiya ang mabuti o masama na gabay sa mga pasiya at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga problema na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon tayo ng mga kaalaman sa hangarin natin sa buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali.

20. Ang konsiyensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Ang konsiyensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
C. Ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
D. Ang konsiyensiya ang kumikilala sa tama at mali

21. Paano unawain ang pagbibigay ng magulang ng pagkakataon sa anak na sumubok, pumili at magpasiya
para sa sarili?
A. Upang hindi magrerebelde ang anak
B. Upang matuto ang anak mula pagkakamali at hindi na uulit
C. Upang hindi niya sisihin ang kaniyang magulang kung siya ay mapahamak
D. Upang sumunod ang anak mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit ng magulang

22. Ano ang nararapat na target sa paggamit ng kalayaan?


A. Pagkakarong ng mga kaibigan B. Paggawa ng kabutihan C. Pag-asenso sa buhay D. Papili
ng kilos

23. Kailangan ng tao na maging handa sa pagharap sa anomang kahihinatnan ng kanyang pasiya. Ano ang
angkop na pananaw nito?
A. Ang kahihinatnan ng pasya ay hindi na mababago pa.
B. Ang kalayaan ng tao ay may kakambal na tungkulin at pananagutan sa pagpili ng kilos.
C. Ang kasamaan ay normal lang naman sa tao at hindi naman talaga niya ito kayang iwasan.
D.Walang nakaaalam ng kahihinatnan ng iyong pinipiling kilos at hindi ka mananagot dito.

24. May kalayaan ang tao na gawin ang anomang magpapaligaya sa kanya. Sang-ayon ka ba sa pahayag na
ito?
A. Opo, dahil kayang gawin ng tao ang lahat nang kanyang gusto.
B. Opo, dahil may malayang kilos-loob ang tao na gawin ang gusto niya.
C. Hindi po, dahil maaaring ang ibang tao ang magtakda ng kaniyang gagawin.
D. Hindi po, dahil ang tunay na kalayaan ng tao ay ang paggawa ng kabutihan.
25. Si Ana ay hindi binibigyan ng rest day o araw ng pamamahinga kahit sa araw ng Linggo ng
pinatratrabahuan niyang tindahan. Anong uri ng kalayaan ang nawala kay Ana sa sitwasiyong ito?
A. Kalayaang pumili B. Panloob na kalayaan C. Kalayaang makilahok D. Panlabas na
kalayaan

26. Alin ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan?


A. Prinsipyo ng Likas na Batas Moral B. Pangarap ng tao sa buhay niya
C. Kakayahan ng taong kumilos D. Payo ng mga magulang

27. Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A. Nagsisisi ang tao dahil sa kalayaan. B. Ang kasamaan ay kakambal ng mabuti.
C. Ang tao ay may tungkuling harapin ang tukso. D. Tungkulin ng taong umiwas sa masama at gawin ang
mabuti.

28. Ano laging kaakibat ng paggamit ng tao ng kanyang kaloob na kalayaan?


A. Pandama B. Pananagutan C. Pamamaraan D. Pakikipag-ugnayan

29. Bakit may limitasyon ang kalayaan ng tao?


A. Dahil hindi malaya ang tao sa pagpili o pagpapasiya
B. Dahil hindi maaaring ang tao lamang ang magtakda ng kanyang kalayaan
C. Dahil hindi saklaw ng kalayaan ng tao ang magiging kahihinatnan ng kanyang kilos
D. Dahil hindi maaaring mag-iisa ang tao na mag-isip at gumawa ng anomang bagay o kilos.

30. Naglalaro ka ng gadget kaysa pag-aralan ang iyong mga leksyon kahit alam mong bababa ang iyong
marka ng dahil dito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pakiusapan mo ang iyong guro na di ibaba ang iyong marka.
B. Magpatulong ka sa iyong mga kaibigan na di bababa ang iyong marka
C. Kontrolin mo ang sarili sa paglalaro ng gadget na dahilan sa pagbaba ng iyong marka.
D. Siguraduhin mo na hindi malaman ng iyong mga magulang ang pagbaba ng iyong marka.

31. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?


A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

32. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?


A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng
Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan ayong magsikap at magpunyagi
para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating
mga pangangailangang materyal at ispiritwal.

33. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito
nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa
lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng
lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao.
34. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.

35. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?


A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao.

36. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

37. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

38. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang
pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.

39. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda
na.
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang
tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

40. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
D. Wala sa nabanggit

You might also like