You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Gov. A. QuibranzaProv’I Gov’t Compound
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte

MODULE 5 2ND QUARTER


ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pangalan: __________________________________Baitang: ____________ Iskor :______


I. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin ang
pinakaangkop na sagot sa bawat tanong. BILUGAN ang napiling titik.

1. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsiyensiya sa paghusga ng mabuti at


masama?
A. Batas Sibil B. Mga payo ng magulang
C. Likas na Batas Moral D. Sampung Utos ng Diyos

2. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit mayroon
din malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Anong mabubuo
mong kahulugan sa mga katagang ito?
A. Hindi kailan man pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama.
B. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsiyensiya ang tamang gawin.
C. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam ito ng konsiyensiya niya batay sa Likas na Batas
Moral.
D. May Likas na Batas Moral sa puso at isip ng tao pero dahil malaya siya, maaari pa rin niyang
piliin ang masama.

3. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?


A. Ito ay batas na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
B. Ito ang konsiyensiya na naghuhusga kung tama at mali ang pasiya at kilos.
C. Ito ay batas sibil upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsiyensiya na kilalanin ang mabuti at masama.

4. Ano ang magandang epekto sa iyo kung gagamitin mong batayan ng iyong konsiyensiya ang Likas na
Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsiyensiya ang mabuti o masama na gabay sa mga pasiya at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga problema na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon tayo ng mga kaalaman sa hangarin natin sa buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali.

5. Ang konsiyensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na
ito?
A. Ang konsiyensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
C. Ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
D. Ang konsiyensiya ang kumikilala sa tama at mali.
6. Wala kang Performance Task at nakita mo ang iyong matalik na kaibigan sa klase na kumokopya nito
sa kaniyang katabi. Binulungan ka niyang kumopya ka na rin.
Sinasabi sa iyo ng konsiyensiya mo na dapat maging tapat ka sa mga gawain sa paaralan. Ano ang
iyong dapat gawin?
A. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at kokopya ka na rin.
B. Makikinig ka sa iyong konsiyensiya at hindi na gagawa ng Performance Task.
C. Susundin mo ang iyong konsiyensiya at matapat mong gawin ang Performance Task
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang Performane Task at tapat kang mag-aaral.
7. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Alin ang angkop na paliwanag sa pahayag na ito?
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao.
C. Tama, dahil maging manhid ang konsiyensiya kung palagi nating sinusunod ang hatol nito.
D. Tama, dahil kung patuloy nating balewalain ang hatol ng ating konsiyensiya hindi na ito
makilala sa tama.

8. Sa paanong paraan mo nailalapat ang Likas na Batas Moral?


A. Ipinagagawa sa kaibigan B. Iniisip ko ito
C. Sinusunod ang Konsiyensiya D. Nakikinig sa mga magulang

9. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang hubugin ang konsiyensya maliban sa
A. Upang darating ang panahon na maging manhid ang konsiyensiya sa pagkilala kung ano ang
tama.
B. Upang maiwasan ang paghusga ng kilos batay sa maling prinsipyo.
C. Upang mahusgahan ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.
D. Upang hindi mailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

10. Nauunawaan mo na ang pagsunod sa Likas na Batas Moral ay tunay na nagpapaunlad ng iyong
pagkatao. Paano mo ito isasabuhay?
A. Seguraduhin na may Likas na Batas Moral.
B. Hayaan mo na iiral sa iyo ang Likas na Batas Moral.
C. Sabihin mo sa iba na sundin nila ang Likas na Batas Moral.
D. Bantayan ang iyong kilos at pasya kung naaayon ba ito sa Likas na Batas Moral.

11. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsiyensiya sa paghusga ng


mabuti at masama?
A. Batas Sibil C. Mga payo ng magulang
B. Likas na Batas Moral D. Sampung Utos ng Diyos
12. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit meron
din malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Anong mabubuo
mong kahulugan sa mga katagang ito?
A. Hindi kailan man pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama.
B. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsiyensiya ang tamang gawin.
C. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam ito ng konsiyensiya niya batay sa Likas na Batas Moral.
D. May Likas na Batas Moral sa puso at isip ng tao pero dahil malaya siya, maaari pa rin niyang piliin
ang masama.

13. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?


A. Ito ay batas na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
B. Ito ang konsiyensiya na naghuhusga kung tama at mali ang pasiya at kilos.
C. Ito ay batas sibil upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsiyensiya na kilalanin ang mabuti at masama.

14. Ano ang magandang epekto sa iyo kung gagamitin mong batayan ng iyong konsiyensiya ang Likas na
Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsiyensiya ang mabuti o masama na gabay sa mga pasiya at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga problema na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon tayo ng mga kaalaman sa hangarin natin sa buhay. D. Malalaman ng kilos-loob ang
kaibahan ng tama sa mali.

15. Ang konsiyensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na
ito?
A. Ang konsiyensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
C. Ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal. D. Ang konsiyensiya ang kumikilala sa tama at
mali.

You might also like