You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
DIVISION OF CITY SCHOOLS
Marciano del Rosario Memorial National High School
Pamaldan, Cabanatuan City

PRE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME:
LRN:
Grade & Section:

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


DIRECTION:
Piliin ang pinakaangkop na sagot.

*Click the blue box before the number of each question and select the letter of your answer from the
drop down list

. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra
1.
maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?

A. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.

B. Kamukha ng tao ang Diyos.

C. Kapareho ng tao ang Diyos.

D. Ang tao ay nilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

2. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at


A.
pagpapasiya.
Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang
B.
nauunawaan.

C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay.

D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.


3. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.

A. isip

B. kilos-loob

C. pagkatao

D. damdamin

Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat
na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

4. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?

A. ang tao ay may kamalayan sa sarili.

B. malaya ang taong pumili o hindi pumili.

C. may kakayahan ang taong mangatwiran.

D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

5. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng
A.
kailangan niyang gawin.

magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
B.
nito sa tamang direksiyon.
kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang
C.
pagkakasakit.
hindi maaaring pantayan ng hayop ang kak kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
D. natatangi.

6. 6. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?

Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang
A.
tama ang kaniyang kalayaan.
Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at
B.
masama sa kaniyang isip.

C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.

D. Lahat ng nabanggit

7. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?

A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.

B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.

C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.

D. Kung magsasanib ang tama at mabuti.

8. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?

Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa


A.
paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.

B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa.

Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pagisipan ng maayos ang mga
C.
pasiyang kailangang gawin.
Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan
D.
ng kilos.

9. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya?

A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao

B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan

C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama

D. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao.


10. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya?
a. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
A.

B. b. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap.

C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan

Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.


D.

Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay. Aling salik ng pagpa


11. -pasya ang makakatulong sa atin para maiwasan ang lubhang pagsisisi sa bandang huli?

A. a. Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharapin

B. Sitwasyon ng paaralan

C. Mga payo o gabay ng ating mga magulang

D. Pagkakataong makapag-aral sa lungsod

Bago pumasok si Pilar sa paaralan bilang grade 10, matiyaga niyang sinusuri ang
12. pagkakasunud-sunod ng kanyang mga asignatura. Ito rin ang ginamitniyang batayan sa
paggawa ng kanyang takdang aralin para wala siyang makaligtaan. Aling salik ang lalong
nakatulong sa kanyang pagpapasya?
A. Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.

B. Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.

C. Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.

D.
Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.

13. Pagkapili ni Pedro ng mga kinakailangan sa paglalakbay, napahinto at sinusuri ang


13. bawat bagay na dadalhin niya sa paglalakbay. Tinimbang at nagtanong kung sapat ang
kanyang dadalhin. Aling kilos ang isinasagawa ni Pedro?

A. Pagsusuri ng bigat ng dadalhin


B. Pagtimbang gamit ang timbangan

C. Pagninilay-nilay

D. Lahat ng nabanggit

14. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?

A. Magpasa ng batas sa kongreso.

B. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media.

C. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.

D. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyu.

Lahat na naibigay ay mabuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay na kalayaan maliban sa


15.
isa.

A. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng pamilya at sa pamayanan.

B. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at pagbibigat tulong sa kapwa tao.

C. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa kapwa.

Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa mga isyu na nararasan sa


D.
ating komunidad.

Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil dito
16.
nagsisimula. Ang pangungusap ay:

Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng


A.
tao.
Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa karapatan at
B.
dignidad ng lahat ng tao.

C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.

Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang
D.
katungkulan sa pamahalaan.
17. . Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?

A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.

B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.

C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.

Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o


D.
makakasama sa ibang tao.

18. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.

C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.

Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at


D.
pagpapahalaga.

Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang
19. mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng
pagkakataon?

A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat

B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.

C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito

Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito
D.
ay magdadala ng isang maling bunga.

Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil
20.
sa karahasan?

A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos


B. Dahil sa kahinaan ng isang tao

C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip

D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

21. 21. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

A. pasya

B. kilos

C. kakayahan

D. damdamin

. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal
siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan,
22.
na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa
kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
A. b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

C. c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.

D. d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos

Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang
23. umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi.
Tama ba o mali na kopyahin mo ito?

A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.

B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.

C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.

D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.
24. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?

A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.

B. . Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman

C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.

D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan

Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang
25. pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:

A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.

B. Hindi ito katangap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin.

C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na marka.

D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay

Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang


26.
nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?

A. . Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.

B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.

C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod

D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.

27. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.


B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.


C.

D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

28. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?

A. Tingnan ang kalooban

B. Magkalap ng patunay

C. Isaisip ang posibilidad

D. Maghanap ng ibang kaalaman

29. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?

Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.


A.

B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


30.

Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
A.
pagkatao.
Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
B.
matitirhan.
Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang
C.
kaniyang mga kakayahan.
Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang
D.
sinilangan.
Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
31. maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

A. Paggalang at pagmamahal

B. Katotohanan at pananampalataya

C. Katahimikan at kapayapaan

D. Katarungan at pagkakaisa

32. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?

A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.

B. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.

C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.

D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.

33. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?

A. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.

B. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.

Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit,
C.
kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.

D. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na


34.
kaniyang ginagawa?

Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa


A.
kaniya.
Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay
B.
mapag-iwanan ng pag-unlad at panahon.
Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan
C.
ang pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran
Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth
D.
balling.

35. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?

A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.

B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.

C. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

D. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.

Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong


36. posisyon sa kanila ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang
pangungusap na ito ay:

A. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.

Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at
B.
magmahal
Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos.
C.

. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang
D.
katotohanan sa kaniyang paligid.

“May tamang oras ng lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal.
37. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip
(halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang mahalagang diwa ng
isinasaad ng pahayag?

Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang
A.
buhay.

B. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.

C. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal.


Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang
D.
pinagdaraanan.

38. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa layuning:

A. Magkaroon ng anak at magkaisa

B. . Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.

C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.

D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

39. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?

A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.

B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.

C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.

D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay

40. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?

A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.

B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay

C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito

Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa


D.
bawat isa.

Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag
tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang
41. pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak.
Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila
kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na
ito?
A. . Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na.

B. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.

C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.

Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na
D.
makipagtalik.

42. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?

Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang


A.
katawan.
Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na
B.
nilang magtatag ng pamilya.
Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni
C.
Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel.

Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang
D. nakahubad

Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing


43. ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong
patunay na ito’y natural na masama?

A. Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari

B. Sapagkat inililihis ang katotohanan.

C. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya

D. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali.

Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang kalimutan ang


madilim niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang karanasang ito sa kompanyang
44.
kaniyang pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago
ang katotohanan?

A. Mayroon, dahil siya ay responsable rito

B. Mayroon, dahil may alam siya rito

C. Mayroon, dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kaniya

D. Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago


Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw na ng
45. pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na rin.” Paano pinanindigan ng
whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa katotohanan?

A. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya.

B. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya

C. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan.

D. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya

Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may


katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat
46.
at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag
sa lahat ng pagkakataon?
A. Dahil ito ang katotohanan.

B. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.

C. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang

D. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya
sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang
47.
katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin,
ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao?

A. Kaligayahan at karangyaan

B. Kapayapaan at kaligtasan

C. Kaligtasan at katiwasayan

D. Katahimikan at kasiguruhan

Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga


48. magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na
nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?

A. Prinsipyo ng Confidentiality
B. Prinsipyo ng Intellectuality

C. Prinsipyo ng Intellectual Honesty

D. Prinsipyo ng Katapatan

Matagal nang napapansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa
ng proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), dahil dito, nais niya
49.
itong kausapin upang mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag
dito. Tama ba ang kaniyang gagawing desisyon?

A. Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.

B. Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase

C. Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha.

D. Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa.

Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may


katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat
50.
at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag
sa lahat ng pagkakataon?

A. Dahil ito ang katotohanan.

B. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.

C. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.

D. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat

CLICK HERE TO VIEW YOUR SCORE

Prepared by:

MYRAFLOR R. MENDOZA
SUMMARY OF ANSWERS

TO GOD BE THE HIGHEST GLORY!

Original Idea by: JAYSON P.


GAMROT
Created by: JUANITO E. VALDEZ

Click the link below to watch the video on how to use this OFFLINE
ASSESSMENT TOOL.

https://www.youtube.com/watch?v=nzZdQayu43I&t=381s
SUMMARY RESULT OF PRE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

10

NAME:
LRN:
GRADE & SECTION:

SCORE OBTAINED:

TOTAL NO. OF ITEMS: 50


SCORE PERCENTAGE:
REMARKS:
Checked and recorded by:

MYRAFLOR R. MENDOZA
1
Enter password to view
your score.

CLICK HERE TO
RETURN TO PRE TEST

You might also like