You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII - CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CANICO P. IRIBERRI NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, CANTILAN, SURIGAO DEL SUR

UNIT TEST IN ESP 10


Panuto: Basahin at unawaing maigi ang mga katanungan sa bawat bilang. I-shade
ang titik na nagtataglay ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip C. makaunawa
B. maghusga D. mangatwiran
Para sa bilang 2 at 3
Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes ay naging
maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

2. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
3. Ano ang mensaheng iyong nabuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi
B. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang
pagkakasakit
C. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng
kailangan niyang gawin
D. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksyon
4. Ayon sa kanya, ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto?
A. De Torre C. Fr. Roque Ferriols
B. Mannuel Dy D. Santo Tomas de Aquino
5. Ito ay panloob na pandama na may kakayahang kilalanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan?
A. Memorya C. Kamalayan
B. Instinct D. Imahinasyon
6. Ano ang kakayahan ng isip ng layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan?
A. Mag-isip C. Makaunawa
B. Maghusga D. Mangatwiran
7. Ano ang itinuring na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Batas Positibo B. Batas ng Diyos C. Likas na Batas MoralD. Sampung Utos ng Diyos
8. Bakit kaya maraming tao ang gumagawa ng masama?
A. higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
B. kahit alam nang tao ang mabuti, pinipili pa rin ang masama
C. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
D. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umusbong na bagong kultura
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CANICO P. IRIBERRI NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, CANTILAN, SURIGAO DEL SUR

9. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kamangmangang di madaraig?


A. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
B. pagpapainom ng gamut sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
C. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
D. pagbili ng inaalok na cellphone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
10. Paano mapalakas at maging makapangyarihan ang konsensiya?
A. kung magsasanib ang tama at mabuti
B. kung magiging kaisa ng konsensiya ang likas na batas moral
C. kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
D. kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
11. Ang konsensiya ay itinuturing na __________.
A. tinig ng anghel C. tinig ng magulang
B. tinig ng Diyos D. tinig ng sarili
12. Ito ay unang elemento ng konsensiya upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o
masama.
A. Paghahatol C. Pagkilos
B. Pag-iisip D. Pagninilay
13. “Ang klayan ay paggawa ng mga gawaing nararapat upang makamit ang pinakamataas at
pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao, ito ay ayon kay;
a. Walker c. Sto. Thomas Aquinas
b. E.Esteban d. Sto. Thomas de Aquino
14. Pinakamataas na uri ng nilalang ang tao dahil sa kakayahang umalam, mag-isip at magnilay na
tumuukoy sa;
a. Walang kalayaan c.Kalayaan
b. Isip d. Kalayaan ng Isip
15. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi
ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
16. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa
pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
a. Dahil ang tao ay malayang kilos-loob
b. Maylikas na batas moral na gumagabay sa kaniya
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
17. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talent at
kakayahan sa biiyaya ng Diyos sa ilang mga tao.
c. Makilala natin ang pagkakaiba natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang
maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag- unlad ng ating pagkatao
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CANICO P. IRIBERRI NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, CANTILAN, SURIGAO DEL SUR

d. Maunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang material at ispiritwal.
18. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad biilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
19. Bakit ginawang magkaiba ng Diyos ang lahat ng tao sa mundo?
a. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at
kakayahan sa biyaya ng Diyos sa ilang mga tao.
b. Maunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
c. Makilala natin ang pagkakaiba natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang
maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao
d. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pag paaubaya
20. Paano mo masisiguro na napahalagahan at naigagalang mo ang iyong kapwa?
a. Kung kilalanin ko siya bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan lamang.
b. Kung igagalang ko siya bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan.
c. Wala sa A and B
d. A and B
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CANICO P. IRIBERRI NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, CANTILAN, SURIGAO DEL SUR

UNIT TEST IN ESP 10


ANSWER KEY

1. B
2. D
3. C
4. C
5. A
6. C
7. C
8. C
9. C
10. B
11. A
12. A
13. B
14. B
15. D
16. D
17. D
18. C
19. B
20. A

You might also like