You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAMPAGA HIGH SCHOOL
SAN VICENTE, APALIT, PAMPANGA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


PT 2023-2024

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at itiman ito nang
maayos sa sagutang papel.

1. Ito ang pinakatangi na nilikha ng Diyos.


A. Isip B. Hayop C. Kaluluwa D. Tao
2. Ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang makaalam, makaunawa, makahusga at mangatwiran.
A. Isip B. Kaluluwa C. Kilos-loob D. Puso
3. Ito ay inilarawan ni Santo Tomas bilang makatuwirang pagkagusto sapagkat kusa itong naaakit na mabuti at
lumalayo sa masama.
A. Isip B. Kaluluwa C. Kilos-loob D. Puso
4. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng isip?
A. Ang makaunawa C. Ang makapangatwiran
B. Ang maging matalino D. Ang mahanap ang katotohanan
5. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng kilos-loob?
A. Ang makapili C. Ang maging malaya
B. Ang makagusto D. Ang magmahal at maglingkod sa kapwa
6. Ayon kay Scheler ang pagmamahal ang pinakapangunahing kilos at ito ay naipapakita sa pamamagitan ng:
A. Awa sa kapwa C. Paglilingkod sa kapwa
B. Pagsamba sa Diyos D. Pagmamahal sa sarili
7. Kapag natutuklasan mo ang _________ lalong naliliwanagan, lumalawak at umuunlad ang iyong kaalaman.
A. Isip B. Katotohanan C. Liwanag D. Pagmamahal
8. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan ang dapat makita ng mag-aaral na kagaya mo sa kasalukuyang
panahon?
A. Mahalaga ang edukasyon, dapat papasok na at iingatan na lamang ang sarili.
B. Mahalaga ang pag-aaral pero hindi ka maaring matuto kung hindi papasok sa paaralan kaharap ang
guro.
C. Mahalaga ang edukasyon pero mas mahalaga ang kalusugan kaya di muna papasok kahit mahuli sa
pag
-aaral.
D. Mahalaga ang edukasyon at mahalaga rin ang panahon kaya dapat maging bukas sa bagong paraan ng
pag -aaral kasabay ng pag -iingat sa sarili.
9. Paano nakakatulong ang pagtuklas ng kaalaman sa pagbuo ng pagkatao? Kapag nagamit ito upang …
A. Maging mayaman. C. Matupad ang kanyang pangarap sa buhay
B. Maging makapangyarihan. D. Makapaglingkod sa kapwa at makibahagi sa lipunan.
10. Ang mga sumusunod ay wastong gamit ng isip MALIBAN sa
A. Matuklasan ang katotohanan
B. Pagkilos bunga ng mapanagutang pagpapasya
C. Pagsusuri sa mga dahilan at epekto ng pasya at kilos

Sampaga High School


Sitio Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga
sampagahs@gmail.com/r3pamp.306919@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAMPAGA HIGH SCHOOL
SAN VICENTE, APALIT, PAMPANGA
D. Paghahanap ng totoong layunin ng buhay.

11. Tinutukoy nito na dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga
at nangangatuwiran.
A. Pangkaalamang pakultad C. Panlabas na pandama
B. Panloob na pandama D. Panloob at panlabas na pandama
12. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ito ay ang
paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa.
A. Pangkaalamang pakultad C. Panlabas na pandama
B. Panloob na pandama D. Panloob at panlabas na pandama
Para sa bilang 13-16: Tukuyin kung anong panloob na pandama ang isinasaad sa bawat kahulugan. Isulat ang:
A kung Kamalayan;
B kung Memorya;
C.kung Imahinasyon, at
D Instinct.
13. Ito ang kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
14. Ito ang kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
15. Ito ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
16. Ito ang kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
17. Ito ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali.
A. Kaalaman B. Katotohanan C. Katuwiran D. Konsensya
18. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
19. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
B. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya
nang tama ang kaniyang kalayaan
C. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti ay
masama
sa kaniyang isipan
D. Lahat ng nabanggit
Para sa bilang 20-23: Pagsunud-sunurin ang apat na yugto ng konsensya.
A. Alamin at naisin ang mabuti
B. Pagsusuri ng sarili / Pagninilay
C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
D. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
Para sa bilang 24 at 25: Suriin ang sitwasyon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Sampaga High School


Sitio Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga
sampagahs@gmail.com/r3pamp.306919@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAMPAGA HIGH SCHOOL
SAN VICENTE, APALIT, PAMPANGA
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay,
ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at
may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din
niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya
ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?
24. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling.
Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto C. Ikatlong yugto
B. Ikalawang yugto D. Ikaapat na yugto
25. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
A. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
26. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay
masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?
A. Unang yugto C. Ikatlong yugto
B. Ikalawang yugto D. Ikaapat na yugto
27. Ang pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama, at
kahandaan na mas piliin ang mabuti ay mapanagutang gamit ng ___________.
A. Isip B. Kamay C. Kilos-loob D. Puso
28. Ang pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa
sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad ay mapanagutang gamit ng ___________.
A. Isip B. Kamay C. Kilos-loob D. Puso
29. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano
ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ng mga ito
30. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
31. Ayon kay Johann, ang tunay na kalayaan ay ang makita ang _________ at mailagay sila bago ang sarili.
A. Kaibigan B. Kapwa C. Magulang D. Sarili
32. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang
gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
B. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
33. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Miguel ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.

Sampaga High School


Sitio Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga
sampagahs@gmail.com/r3pamp.306919@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAMPAGA HIGH SCHOOL
SAN VICENTE, APALIT, PAMPANGA
B. Inamin ni Jena ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Franz kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

34. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang
negatibong pag-uugali?
A. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.
B. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
C. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
D. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
35. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang kalayaan bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
C. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
D. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng
buhay.
Para sa bilang 36-38: Isulat ang titik A kung ang pahayag ay tama at B kung ito ay mali.
36. Bagamat ikaw ay responsable sa iyong ginawa, hindi ito nangangahulugan na ang kilos mo ay
mapanagutang kilos.
37. Ang tao ay karaniwang pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi niya mabigyan ng
mapangangatwiranang dahilan.
38. Ang kalayaan ay ang kawalan ng pagbibigay ng dahilan kung bakit kailangan mong gawin ang iyong kilos
ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon.
39. Anong aspeto ng kalayaan ang nagpapahiwatig na binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng
hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais?
A. Accountability C. Kalayaan mula sa (freedom to from)
B. Responsibility D. Kalayaan para sa (freedom for)
40. Ang fundamental option ng pagmamahal ayon kay Johann ay isang ____________ na kalayaan.
A. Pananagutan B. Panlabas C. Panloob D. Pasya
41. Ang malayang pagpili ay tinatawag ding _____________ na tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng
taong makabubuti sa kaniya.
A. Bottom freedom C. Up freedom
B. Horizontal freedom D. Vertical freedom
42. Ito ay salitang Latin na pinagmulan ng salitang dignidad na nangangahulugang pagiging karapat – dapat ng
tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Digna B. Dignas C. Dignitas D. Dignito
43. Sa kanya nagmula ang dignidad ng tao.
A. Ama B. Diyos C. Ina D. Kaibigan
44. Ang mga sumusunod ay pinagbabatayan ng dignidad MALIBAN sa.
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang – alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Huwag pakialaman ang buhay ng kapwa ng hindi makagambala.

Sampaga High School


Sitio Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga
sampagahs@gmail.com/r3pamp.306919@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAMPAGA HIGH SCHOOL
SAN VICENTE, APALIT, PAMPANGA
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

45. Paano mo maiingatan ang pagkatao at antas ng pamumuhay ng isang batang lansangan o naglilimos sa
lansangan?
A. Huwag silang bibigyan dahil namimihasa sila.
B. Bigyan ng kaunting barya para may pambili ng pagkain.
C. Isuplong sila sa kinauukulan dahil bawal ang ginagawa nila.
D. Kausapin at kunin ang loob pagkatapos ay hikayatin na umuwi sa kanila o manatili sa
isang home care sa tulong ng DSWD.
46. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
47. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagpapahalaga at paggalang sa kapwa MALIBAN sa
A. Paglilingkod sa kapwa.
B. Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa.
C. Tumutulong para mag-viral sa social media at mapuri.
D. Paggamit sa katalinuhan at kagalingan upang tulungan ang nangangailangan.
48. Paano mo maiaangat ang pagkatao at antas ng pamumuhay ng isang Aeta?
A. Regular na tulungan sa kanyang pangangailangan.
B. Turuan siyang magdasal at umasa sa biyaya ng Diyos.
C. Hikayatin siyang mag – aral upang matuto at makahanap ng magandang trabaho.
D. Ilapit siya sa DSWD upang maisama sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
49. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad?
A. Ginagamit ang talino upang maisahan ang kapwa.
B. Ginagamit ang kakayahan upang manlamang ng kapwa.
C. Paggamit sa katalinuhan at kagalingan upang tulungan ang nangangailangan.
D. Lahat ng nabanggit
50. Ang pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao ay maisasabuhay kung
A. Igalang ang iyong kapwa kagaya ng paggalang niya sa iyo.
B. Tulungan ang iyong kapwa kagaya ng pagtulong niya sa iyo.
C. Gabayan mo ang iyong kapwa kagaya ng paggabay nya sa iyo.
D. Mahalin ang kapwa kagaya ng magmamahal mo sa iyong sarili.

Sampaga High School


Sitio Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga
sampagahs@gmail.com/r3pamp.306919@deped.gov.ph

You might also like