You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKALAWANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan:___________________________________________ Petsa:_______________
Baitang at Seksyon: __________________________________ Iskor: _______________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang-loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao

2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil
katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon
sa kapanagutan?
a. Walang kusang-loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao

3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?


a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon.
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito.
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya.

4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro


mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may
kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at
kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa ng kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos

6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng _____________.
a. Kilos ng tao c. Kusang-loob
b. Di kusang-loob d. Nakasanayang kilos

7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil
hindi niya pag-aari pero nagbabakasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag.
Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari


c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabakasakaling makilala ang may-ari ng bag

8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kanyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura.
Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga
magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang
proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang
matuwa ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang
kusang-loob

9. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _________ niya ay nakatuon at
kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip c. Kilos-loob
b. Kalayaan d. Dignidad

10. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay
dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan
nito ay magdadala ng isang maling bunga.

11. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?


a. Ang pagnanakaw ng kotse.
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

12. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
b. Dahil sa kahinaan ng isang tao
c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

13. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush.
b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.

14. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?


a. Paglilinis ng ilong c. Pagsusugal
b. Pagpasok nang maaga d. Maalimpungatan sa gabi

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

15. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit
walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil
maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang
nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot c. Karahasan
b. Kamangmangan d. Masidhing damdamin

16. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas
de Aquino?
a. Isip at Kilos-loob c. Paghuhusga at Pagpili
b. Intensiyon at Layunin d. Sanhi at Bunga

17. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguraduhan sa kaniyang pagpili.

18. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gawain.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

19. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban c. Isaisip ang posibilidad
b. Magkalap ng patunay d. Maghanap ng ibang kaalaman

20. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad c. Umasa at magtiwala sa Diyos
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Tingnan ang kalooban

21. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. Pasiya c. Kakayahan
b. Makataong kilos d. Damdamin

22. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de
Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin ng pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

23. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya
ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga
nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

24. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng
kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
c. Tumulong sa kilos ng isang tao.
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

25. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?


a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay
nakaaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

26. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ay pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

27. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid
at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni
Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil
______________.
a. Kinuha niya ito nang walang paalam.
b. Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang.
c. Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang.
d. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng respeto.

28. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa.
Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa
magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos
ang makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng Mabuti o masamang kilos.

29. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram
sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang
kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
d. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.

30. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo,
ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong
sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at
bagong masamang hangarin sa masamang kilos.

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.


d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI
ayon sa paliwanag ng mga salik na nakakaapekto sa kahihinatnan ng kilos at pasiya. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

___________31. Si Anna ay laging maagang gumigising para mag-ehersisyo at gawin ang mga gawaing
bahay. Ang paulit-ulit na pagsasagawa nito ni Anna ay maituturing na gawi.

___________32. Nawalan ng trabaho ang tatay ni Brooke sa panahon ng pandemia. Dahil dito,
nakaramdam siya ng takot na baka matigil ang kaniyang pag-aaral. Ang takot ay nagdudulot ng
pagkabagabag ng isip.

___________33. May kakayahan ang bawat tao na makita ang mga kahihinatnan ng kanilang mga kilos
at pasiya kung kaya’t nag-iingat sila sa lahat ng kanilang ginagawa.

___________34. Ayon sa teorya ni David Kolb sa pamamagitan ng pagmamasid, ang isang tao ay
nagkakaroon ng pagkakataon na matutunan ang isang kilos, ito ay maaaring makataong kilos o
masamang kilos.

___________35. Ang masidhing damdamin ng isang tao ay maaaring magdulot ng kilos na hindi
sinasadya.

___________36. Nakita mo ang isang pasahero sa jeep na “binu-bully” ang kaniyang katabi, ang
pangyayaring ito ay isang halimbawa ng karahasan at hindi ito mabuting tularan.

___________37. Dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman, ang tao ay nakakagawa ng maling desisyon,
ngunit maaari niya itong itama.

___________38. Ayon sa Teorya ni Albert Bandura ang pagninilay ay likas sa bawat tao. Ang bawat tao
ay may kakayahang sumailalim o magnilay sa kanilang kilos at mga pasiya sa buhay.

___________39. May mga maling kilos at desisyon ang tao na hindi maaaring mabigyan ng solusyon.

___________40. Mahalagang pag-isipan ng tao ang kaniyang mga kilos at pasiya upang maiwasan ang
pagsisisi sa kahihinatnan.

III. Panuto: (41-50) Basahin ang sitwasyon sa ibaba at lagyan ng bilang ang mga kahon ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito (1-12). Ang bilang 1 at 9 ay ibinigay ng halimbawa.

Sitwasyon: Niyaya ng barkada si Pepito sa kanilang jamming. Gustong-gusto niya na pumunta kaya
lang, ang araw na ito ay may pasok sa paaralan. Batid rin ni Pepito na magkakaroon ng dalawang
pagsusulit sa magkaibang asignatura sa araw na ito. Sa pagsasagawa ni Pepito ng pasiya at kilos, ano
dapat ang pagkakasunod-sunod na kaniyang gagawin?

Pagkaunawa sa layunin 41. Masusing pagsusuri 42. Bunga


ng paraan
___1___ ______
______
45. Paggamit
43. Intensiyon ng layunin
44. Nais ng layunin
______ ______
______

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

46. Praktikal na Utos 47. Paghuhusga sa nais


paghuhusga sa pinili makamtan
___9___
______ ______
49. Pagpili
48. Paghuhusga50.saPangkaisipang
______
paraankakayahan ng layunin

______ ______

Susi sa Pagwawasto:

1. C 11. D 21. B 31. TAMA 41. 5

2. C 12. D 22. C 32. TAMA 42. 12

3. A 13. B 23. D 33. TAMA 43. 4

4. C 14. D 24. B 34. TAMA 44. 2

5. A 15. B 25. B 35. TAMA 45. 10

6. A 16. A 26. C 36. TAMA 46. 7

7. B 17. C 27. D 37. TAMA 47. 3

8. A 18. D 28. B 38. TAMA 48. 6

9. A 19. A 29. D 39. MALI 49. 8

10. A 20. C 30. C 40. TAMA 50. 11

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JERCY ANN M. CASTILLO CHERYL F. FABREGAS


Guro I
Punongguro I

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559

You might also like