You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region XIII
DIVISION OF BUTUAN CITY
West Butuan District III
PAREJA INTEGRATED SCHOOL
3rd St. Pareja Subd. Brgy. Bayanihan, Butuan City
School I.D 501552

IKALAWANG MARKAHAN SA ESP 10


ENERO 26-27, 2023

PANGALAN: ____________________________________ BAITANG: _________________ PETSA: __________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang tamang sagot.

_____1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?

a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao

_____2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa
naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?

a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao

_____3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon


b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
_____4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na
bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos?
Bakit?

a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong


b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
_____5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos
_____6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng
mata ay mga halimbawa ng .

a. Kilos ng tao b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Nakasanayang kilos


_____7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero
nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong
kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
_____8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na
grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang
mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob
_____9. Nangopya si Cely sa katabi niya. Nahuli siya ng guro at nagalit sa kanya. Ano ang kanyang dapat gawin?

A. Iiyak at magsumbong sa magulang.


B. Humingi ng paumanhin at mangakong di na ito uulitin.
C. Tawanan lang niya ang guro.
D. Magsumbong si Cely sa punong-guro ng paaralan na pinagalitan siya.
_____10. Nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa

A. Kilos ng tao
B. Makataong kilos
C. Bigat (degree)
D. Paninindigan
_____11. Nasa ilalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa

A. Degree of Willfulness o Voluntariness


B. Ang Kautusang Walang pasubali ni Immanuel Kant
C. Paninindigan
D. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)
_____12. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na
pagpapahalaga?

A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.


B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
_____13. Tinulak ka ng iyong kaklase habang tumatawa ang iba. Galit sila sa iyo. Ano ang gagawin mo?

A. Kakausapin sila ng mahinahon upang malaman ang problema.


B. Lalayo na lang at kimkimin ang galit.
C. Hahanap ng panahon upang makapag-usap.
D. Magsusumbong sa mga barkada.
_____14. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at
Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawin?

A. I-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito.


B. Simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo.
C. Kausapin ang mga kabataan at pagtulong- tulungang alisin ang bara.
D. Hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan.
_____15. Si Peter ay isang traffic enforcer. Sa kanilang lugar siya ay kilala bilang isang matulungin. Ngunit hindi alam ng
kaniyang mga tinutulungan na galing sa pangungutong ang kanyang ibinabahaging tulong. Tama ba ang kilos ni Peter?

a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan.


b. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
c. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinulong.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ng panloob na kilos.
_____16. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?

a. dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos


b. dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
c. dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob ng kilos
d. dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas
_____17. Si Fe ay may minahal na lalaki na nagngangalang Marco na mayroon ng asawa at mga anak. Ngunit sa kabila nito,
ipinagpatuloy pa rin ni Fe angkanyang nararamdaman hanggang sa magkaroon sila ng relasyon ni. Ano kayang prinsipyo ang
sumasakop sa sirkumstansiya ng kilosang makikita sa sitwasyon?

a. hindi maaaring gawing mabuti ang masama


b. maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos
c. maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama
_____18. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.

a. kamangmangan b. masidhing damdamin c. takot d. karahasan


_____19. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at
Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawin?

A. I-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito.


B. Simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo.
C. Kausapin ang mga kabataan at pagtulong- tulungang alisin ang bara.
D. Hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan.
_____20. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

a. makataong damdamin c. makataong pasiya


b. makataong kakayahan d. makataong kilos
_____21. Ano ang moral na kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a. Ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
b. Ang moral na kilos ay ang malayang kilos sapagkat wala itong limitasyon.
c. Ang moral na kilos ay ang di makataong kilos sapagkat saklaw din nito ang mga immoral na bagay.
d. Ang moral na kilos ay umaayon sa parehong masama at mabuti.
_____22. Saan nagmula ang panloob na kilos ?

a. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa utak at pandinig.


b. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob.
c. Ang panloob na kilos ay nagmumula lamang sa konsensiya.
d. Ang panloon na kilos ay nagmumula lamang sa dikta ng damdamin.
_____23. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel na ginagampanan ng kilos-
loob?

a. tumutungo sa layunin ng damdamin


b. tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip
c. tumutungo sa pananaw ng tamang isip
d. tumutungo sa pananaw ng dikta ng puso
____24. Ang sumusunod ay kahulugan ng sirkumstansiya maliban sa ______________.

a. isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan
b. nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos
c. panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
d. nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
_____25. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang hindi kahulugan ng Layunin?

a. Ang Layunin ay pinakatunguhin ng kilos.


b. Ang Layunin ay tumutukoy sa sa panloob na kilos.
c. Ang Layunin ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
d. Ang Layunin ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos
_____26. Isang mahirap na kapitbahay mo ang ooperahan at nangangailangan ng dugo gaya ng “type” mo.

A. Magpakuha ka ng dugo at magpabili ng masarap at mamahaling pagkain.


B. Magpakuha ng dugo sa pinakamababang halaga lang.
C. Magpakuha ka ng dugo ng walang anuman.
D. Pipiliin ang taong tutulungan.
_____27. May isang pasahero ng bus na buntis. Nakatayo siya dahil wala na siyang maupuan.

A. Di mo papansinin .
B. Ibibigay mo sa buntis ang upuan mo.
C. Utusan ang katabi upang tumayo at ibigay ang kanyang upuan sa buntis.
D. Magtulog-tulugan upang hindi mapansin ang buntis.
_____28. Nalaman mong mabaho ang hininga ng isa mong kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

A. Iiwasan ko siya.
B. Ikakalat ang nalaman sa ibang tao.
C. Kakausapin ko siya ng dahan-dahan tungkol sa problema niya.
D. Pagagalitan ko siya dahil hindi ito malinis sa katawan.
_____29. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay halaga sa isang kapwa?

A. Dapat umalis kaagad kung nag-uumpisa nang magsalita ang isang tao.
B. Dapat makinig habang may nagsasalita.
C. Dapat sabayan ng pagtulog ang pakikinig sa nagsasalita.
D. Dapat magsasalita rin kung may nagsasalita.

_____30. Ano ang moral na kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a. Ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
b. Ang moral na kilos ay ang malayang kilos sapagkat wala itong limitasyon.
c. Ang moral na kilos ay ang di makataong kilos sapagkat saklaw din nito ang mga immoral na bagay.
d. Ang moral na kilos ay umaayon sa parehong masama at mabuti.

II. Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag.

Kaalaman kagustuhan kilos pagkukusa pagsang-ayon

Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga (31) ______________________________


sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw.

Dapat nating isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay may kapanagutan. May pananagutan ka sa iyong kilos kung ito ay
isinagawa nang may (32) ___________________ (33) ________________________________ at may (34)
_______________________.

Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng (35)_________________________.


na gawin ang isang kilos.

You might also like