You are on page 1of 2

ALMACEN-TORREVILLAS NATIONAL HIGH SCHOOL

Lamintak Sur, Medellin, Cebu


JUNIOR HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHAN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANGALAN: ________________________________________________Grade & Cluster: ________________PETSA: __________


PASULIT I – MARAMING PAGPIPILIAN. Panuto: Piliin ang titik ng pinakaakmang sagot at bilugan ito.
1. Kahit na may COVID-19 Pandemic may nagawang pasiya at kahalili (alternative) si Mang Jose upang maibigay niya ang
pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na may kakayahan si Mang Jose na?
A. Magpasiya C. Harapin ang pandemya
B. Mapanagutang kilos D. Maging matatag ang kalooban
2. Hindi na ginawa ni Brooke ang kaniyang takdang aralin at wala siyang balak na gawin ito. Ito ay isang halimbawa ng?
A. Walang kusang-loob B. Boluntaryo C. Kusang-loob D. Katamaran
3. Ito ay isang damdamin na sapilitan na nagdudulot ng panganib o banta dahil dito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa
pisyolohikal at mga pagbabago sap ag-uugali.
A. Karahasan B. Takot C. Gawi D. Masidhing damdamin
4. Si Ana ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na nangangailangan ng pinansyal na tulong. Ito ay isang
halimbawa ng?
A. Kusang-loob B. Di kusang-loob C. Walang kusang-loob D. Boluntaryo
5. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang kamalayan sa mga nakakapinsalang epekto nito. Ito ay
tinutukoy ang tungko sa?
A. Kamangmangan B. Karahasan C. Takot D. Masidhing damdamin
6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay
mga halimbawa ng __________________.
A. Kilos ng tao B. Di kusang-loob C. Kusang-loob D. Nakasanayang kilos
7. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Kusang-loob B. Di kusang-loob C. Walang kusang-loob D. Kilos ng tao
8. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
B. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
C. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
D. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon
9. Ang tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Kusang-loob B. Kilos ng tao C. Walang kusang-loob C. Di kusang-loob
10. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang dagdag timbang pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa
naman ito ng lahat ng nagtitindaa sa palengke. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan?
A. Di kusang-loob B. Walang kusang-loob C. Kusang-loob D. Kilos ng tao
11. Buong husay na ginawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kanyang asignatura. Alam niyang mataas na grado
ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
A. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginawa niya.
B. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto.
C. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang
mga magulang.
D. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loon na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob.
12. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
A. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa.
B. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos.
C. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsasagawa sa kilos.
D. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos.
13. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera . Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali
siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
A. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari.
B. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari.
C. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera.
D. Nagbabakasakaing makilala ang may-ari ng bag.
14. Ito ay mga kilos ng tao na isinasagawang may kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa (voluntarily).
A. Makataong kilos B. Kilos loob C. Isip D. Kilos ng Tao
15. Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kanyang kalikasan bilang tao.
A. Makataong kilos B. Kilos loob C. Isip D. Kilos ng Tao
PASULIT II – PANUTO: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag.

kaalaman kagustuhan kilos pagkukusa pagsang-ayon

Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga (16) ________________________________


sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw.
Dapat isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay may kapanagutan. May pananagutan ka sa
iyong kilos kung ito ay isinigawa nang may (17) __________________________ (18) _____________________
at may (19) _________________________.
Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng
(20) __________________________ na gawin ang isang kilos.
PASULIT III – PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
____________21. Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagpapakita ng karahasan ay ang mababang pagbibigay ng halaga
sa sarili, pang-aabuso at pagpapabaya.
____________22. Sa paggawa ng pasiya kailangang matutunang palawakin ang pagpipilian at humingi ng payo.

____________23. Kumikilos si Jared ng hindi kinakailangang pagsabihan at wala siya hinihiling na kapalit. Ang kilos ni Jared ay
nagpapakita ng pagkukusa.
____________24. Ang bawat tao ay may kakayahang mapagtagumpayang harapin ang karahasan.

____________25. Ang bawat tao ay may kakayahang gumawa ng isang malinaw na pasiya sa buhay.

PASULIT IV – PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon na nakasaad at tukuying ang mga kilos na dapat panagutan.
Isulat ang iyong sagot sa isang yellow pad o intermediate paper.
SITWASYON:
Dahil sa pandemya, nagkaroon ng agarang pagsususpende ng klase na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na pasusulit ay hindi na
natuloy at ang mga grado ay na compute sa pamamagitan ng bagong transmutable table na ibinigay ng central office.
Pagkatapos mag compute ang guro nakita niya na si Armando ay bumagsak sa Science. Sinabihan ng guro si Armando na
magkaroon siya ng karagdagang gawain para siya ay pumasa. Binigyan siya ng guro ng 5 modyul sa science at sinabihan na
gagawin niya ito ng dalawang linggo. Ngunit, dahil sa tinulungan niya ang kanyang magulang sa harden hindi natapos ni
Armando ang dalawang modyul kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan niya ito sa kanyang barkada na si Jerome. Bilang
kabayaran sa pagsagot ni Jerome sa dalawang modyul binigyan niya ito ng pera.
TANONG:
1. Ano ang makataong kilos na ginawa ni Armando? (5pts.)
2. Mayroon bang pagkukusa si Armando na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, bakit? (5pts.)
3. Nararapat ba ang ginawa ni Armando? Bakit? (5pts.)
4. Mayroon bang dapat panagutan si Armando sa kanyang ginawa? Ipaliwanag (5pts.)
5. Mayroon bang dapat panagutan si Jerome sa kanyang ginawa? Ipaliwanag (5pts.)
RUBRIKS para sa pagbibigay ng puntos.
PUNTOS PAMANTAYAN KATANGIAN NG PALIWANAG
5 Napakahusay Malinaw at maayos ang pagkakasulat ng ideya at daloy ng paliwanag. Nagpapakita ng
maliwanag na kamalayan sa tanong.
4 Mahusay Maayos ang pagkakasulat at daloy ng paliwanag. May sapat na kamalayan sa tanong.
3 Katamtamang husay Katamtamang husay ang daloy ng paliwanag.

“Being entirely honest with oneself is a good exercise.” – Sigmund Freud


GOD BLESS!!!
Inihanda ni:
MAILENE L. YAP
Guro

You might also like