You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 10
S.Y. 2023-2024

PANGALAN_______________________________ANTAS AT PANGKAT ________________ PETSA____________

PANUTO: Basahin at uanawing mabuti ang mga aytem. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa kaya’t may pananagutan sa
pagsasagawa nito.
A.Kilos ng Tao B.Di-kusang loob C. Kusang loob D. Makataong Kilos
2. Ito ay kilos na likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at
kilos-loob.
A.Kilos ng Tao B.Di-kusang loob C. Kusang loob D. Makataong Kilos
3. Ito ay elemento ng makataong kilos kung saan may kamalayan sa kanyang ginagawa sapagkat ito ay
ginamitan ng isip upang lubos itong maunawaan.
A. kaalaman B. kalayaan C. pagkukusa D. talino
4. Ito ay elemento ng makataong kilos kung saan hindi napilitan lamang, walang pwersa na pumigil o
nagtulak upang isagawa ang kilos, gamit ang isip at kilos-loob sa pagpili ng gawaing ito.
A. kaalaman B. kalayaan C. pagkukusa D. pagpapahalagang moral
5. Ito ay elemento ng makataong kilos kung saan ito ay bukal sa kalooban.
A. kaalaman B. kalayaan C. pagkukusa D. talino
6. Anong uri ng kilos ang maituturing na makataong kilos?
A. Mabuting Kilos C. Kilos na Tama at Mabuti
B. Tamang kilos D. Kilos na likas sa tao
7. Ang Makataong Kilos ay likas na niloob at kinusa gamit ang isip kaya may pananagutan sa
kahihinatnan ng kilos.
A. Ang pahayag ay mali B. Ang pahayag at tama C. Di-sang-ayon D. Sang-ayon
8. Ang pagsunod sa mga healthy protocols sa panahon ng pandemya ay sinyales ng pagiging
mapanagutan sa kilos.
A. Ang pahayag ay mali B. Ang pahayag at tama C. Di-sang-ayon D. Sang-ayon
9. Dito makikita o mahuhusgahan kung mabuti o masama ang kilos.
A. kilos B. layunin C. obligasyon D. Paraan
10. Aling kilos ang ipinapakita ng kabataang sumasagot at nagsusumite ng modules ngunit kinikopya
lamang ang Answer Key para may maipasa.
A. Di-kusang loob B. Kusang loob C. Makatataong kilos D. Walang kusang loob
11. Ito ay uri ng kilos ayon sa kapanagutan na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos
ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
A. Di-kusang loob B. Kusang loob C. Makatataong kilos D. Walang kusang loob
12. Dito ay may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinasagawa
bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
A. Di-kusang loob B. Kusang loob C. Makatataong kilos D. Walang kusang loob
13. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi
pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya walang pagkukusa.
A. Di-kusang loob B. Kusang loob C. Makatataong kilos D. Walang kusang loob
14. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
B. Ang pagnanakaw ng kotse D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
15. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa masidhing damdamin?
A. Panliligaw ni crush C. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
B. Pagsugod sa bahay ng kaalitan D.Panlilibre sa barkda dahil sa mataas na marking nakuha
16. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Pagsususgal B. Paglilinis ng ilong
B. Pagpasok nang maaga D. Maalimpungatan sa gabi
17. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
A. Dahil sa kahinaan ng isang tao C. Dahil hindi kayng maapektuhan ang kilos-loob
B. Dahil s amalakas na impluwensiya sa kilos D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
18. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang
barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta
ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaaapekto sa sitwasyong ito?
A. Masidhing damdamin C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Takot
19. Ano ang tawag sa panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin?
A. Kahihinatnan B. Layunin C. Paraan D. Sirkumstansiya
20. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. Damdamin B. Kakayahan C. Kilos D. Sirkumstansiya
21.Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay maghusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob
ay tumutungo sa__.
A. Tumunungo sa isip lamang C. Tumutungo sa puso at kilos
B. Tumutungo sa kilos-loob D. Tumutungo sa layunin at intension ng isip
22. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga kahulugan ng layunin, maliban sa isa:
A. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
B. Ito ay tumutukoy sa panlabas na kilos
C. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
D. Ito ay nakakabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
23. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang
panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
D. Dahil maaaring madaig ang panlabas na kilos ang panloob na kilos
24. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino
A. Sapagkat bahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito ng naaayon sa tamang katwiran
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito at mabuti o masama.
25. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang mga kaibigan niya at sila ay nagsaya humiram ng videoke
at sila ay nagkantahan hanggang umabot ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapitbahay
dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayng prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin mabuti o masama
D. Ang sirkumstansiya ay lumilikha ng mabuti kilos
26. Ayon sa kanya, “may nararapat na obheto ang kilos”.
A. Esteban B. Lipio C. Max Scheler D. Sto. Tomas de Aquino
27. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban
sa___.
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at kaakibat na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C.Ang bawat kilos at dapat pag-isipan bago isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan na sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat
isaalang-alang.
28. Si Gene ay espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamut ang
nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamut na kaniyang ibinibigay ay
may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong
kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Kahihinatnan B. Layunin C. Paraan D. Sirkumstansiya
29. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi
galling sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na
kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko lang nakita.
B. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
C. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kung isulat na sagot sa pagsusulit.
30. Nagkaroon ka ng mahabang pagsusulit sa ESP, hindi ka nakahanda dahil mas inuna mo pa ang
paglalaro ng ML. Oras ng pagsususlit ikaw ay nangopya sa iyong katabi. Ano ang layunin ng ipinakita
mong kilos?
A. Ang pagsususlat ng nalalaman ng iba ay hindi hindi nagpakila ng paggalang.
B. Makasagot sa pagsususlit.
C. Palaging maglaro ng ML dahil pwedi naming mangopya ng kasagutan.
D. Panatilihin ang pangongopya.
31. Si Alma at Glenda ay nagtsitsismisan sa loob ng simbahan. Anong sirkumstansiya ang lalong
nagpasama sa kilos?
A. Sino B. Ano C. Saan D. Kailan
32. Isang batang pulubi ang nagbahagi ng kanyang kinakaing tinapay sa isang matandang pulubi.
Anong sirkumstansiya ang lalong nagpabuti sa kilos?
A. Sino B. Ano C. Saan D. Kailan
33. Si Bren ay nangupit ng 500 piso mula sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera ng nanay
niya. Ang 500 piso ay pambili sana ng gamot ng kanyang kapatid na may sakit. Aling sirkumstasiya
ang lalong nagpasama sa kilos?
A. Sino B. Ano C. Saan D. Kailan
34. Alin sa mga sumusunod na mga batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi ang hindi
kabilang?
A. Kahihinatnan B. Layunin C. Masidhing Damdamin D. Sirkumstasiya
35. Dahil alam mong hindi sapat ang iyong kaalaman sa pasiyang iyong isasagawa, lumapit ka sa Diyos
at tinanong Siya, ano ang kanyang nais at nararapat mong gawin upang makasunod sa Kanyang
kautusan? Saang bahagi ka ng hakbang ng
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
36. Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya na kung saan tinitignan mo ang mga mabuti at
masamang kalalabasan ng iyong pasiya at kilos?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
37. Sa bahabing ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya tumatawag ang tao sa Diyos sa pamamagitan
ng panalangin upang alamin ang pinakamabuti at malaman ang plano Niya?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patuna
B. Intensiyon ng layunin D. Umasa at magtiwala sa Diyos
38. Sinuri ni Belen ang sinasabi ng kanyang konsensiya at personal na nararamdaman tungkol sa
sitwasyon. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi siya sa mga hakbang ng moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Tignan ang kalooban
39. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay C. Upang magkaroon sa sapat na pamantayan
B. Upang masilbing paalala sa mga gagawin D. Upang pagnilayan ang bawat panig
40. Ayon sa kanya may dalawang kategorya na bumubuo sa yugto ng makataong kilos.
A. Alipio Felicidad B. Max Scheler C. Neil Sevilla D. Sto. Tomas de Aquino
41.Habang naglalakad sa mall si Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong
magkaroon ng ganoong sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan kukuha ng pera upang mabili
ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Rose?
A. Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin
B. Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
42. Pinag-isipan ni Rose ang ibat’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera
sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng
kilos si Rose.
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa sa nais makamtan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan
43.Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya na kung saan ang isip ay nag-uutos na gawin ang nais.
A .Bunga B. Paggamit C. Pagpili D. Utos
44. Anong yugto ng makataong kilos kung saan makikita ang resulta ng ginawang pagpili?
A. Bunga B. Nais ng layunin C. Pagpili D. Utos
45.Anong yugto ng makataong kilos na kung saan ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting
paraan?
A. Masusing pagsususri ng paraan C. Pagkaunawa sa layunin
B. Paghuhusga sa nais makamtan D. Praktikal ng paghuhusga sa pinili
46. Ito ang nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kanyang pagpili. Ano ang kailangang maibigay sa tao
upang mapagnilayan ang bawat panig sa isasagawang pagpapasya?
A. malinaw na kaisipan B. malinis na puso C. mga pagpipilian D. sapat na
panahon
47. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de
Aquino?
A. Intensiyon at layunin C. Paghuhusga at pagpili
B. Isip at kilos loob D. Sanhi at bunga
48. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang o posibilidad C.Maghanap ng ibang kaalaman
B. Magkalap ng patunay D. Tignan ang kalooban
49. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin.
A. Isaisip ang o posibilidad B. Magkalap ng patunay C.Maghanap ng ibang kaalaman D.
Magsagawa ng pasiya
50. Ito ay isang proseso na kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba
ng mga bagay-bagay. Ano ito?
A. Mabuting Pagkilos B.Mabuting Pagpapasiya C.Mabuting Pagpili D. Mabuting Pakikinig

“Kilos ay suriin, Mabuti Lagi ang Piliin.”

INIHANDA NINA:
Prima F. Galang/Alma G. Dayrit/Rosalyn Libo/Ma Remedios Pabustan
Tagapagturo ng ESP 10

You might also like