You are on page 1of 3

PANUTO:

Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang letra nito sa sagutang papel.

1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhang nagsasabi ng ating katangian.


A. Pasya C. Damdamin
B. Kilos D. Kakayahan
2. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat
panagutan?
A. Walang kusang- loob C. Kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Kilos ng tao
3. Napipilitan si Mang Johny sa kalakarang “dagdag timbang” sa kanyang
panindang isda dahil ito ay karaniwang gawain ng lahat ng tindero sa kanilang
palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
A. Walang kusang- loob C. Kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Kilos ng tao
4. Nagtanong sa botika si John ng “Atorvastatin”, gamot ito ng kanyang Ama sa
sakit sa puso. Dahil baguhan palang ang pharmacist sa kanyang stocks sumagot
na lang ito ng “wala pang stock ng gamot”, kahit na mayroon naman pala. Anong
salik ang naka apekto sa sitwayon?
A. karahasan C. takot
B. kamangmangan D. gawi
5. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng takot?
A. Agad na gumanti sa Jasmin sa pananabunot ng kanyan kamag-aral.
B. “Napasigaw si Michelle sa pagdapo ng ipis sa kanyang balikat”.
C. “Kinimkim ni Gorge ang galit niya kay Juanita”.
D. wala sa nabanggit.
6. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na
uri ng kilos?
A. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa
kilos
B. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
C. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi
isinagawa
D. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng
kilos
7. Kinasanayan na ng pamilya ni Elvis ang pamimigay ng munting handog sa mga
pulubi tuwing Pasko. Anong salik ang naka apekto sa sitwayon?
A. kilos C. invincible
B. vincible D. Gawi
8. Ito ay isang proseso na kung saan ay malinaw na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
A. Mabuting pagpapasya C. Mapanagutang kilos
B. Moral na kilos D. Proseso ng pagpapahalaga
9. Mabuting kilos ang palaging pagtulong sa kapuwa pero kailan ito nagiging
masama?
A. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
B. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
C. kung ang nilalayon ng tumulong ay para lang sa kanyang sariling
kabutihan
D. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng
tulong
10. Bago gumawa ng pasya ang mga magulang ni Jerry kung saang paaralan nila
papapasukin ang kanilang anak para senior high school inalam muna nila ang
academic performance ng nito.Anong hakbang sa moral na pagpapasya ang
kanilang ginawa?
A. Tignan ang kalooban. C. Isaisip ang posibilidad.
B. Magsagawa ng pasya. D. Magkalap ng patunay.
11. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng
pasiya?
A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting
kilos.
12. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang
taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob
13. Tama ba ang pahayag na “ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa
ng mabuting kilos, ito ay dapat niyang isinasakatuparan anoman ang sitwasyon”.
A. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
B. Oo, dahil ito nagpapakita ng pagiging makatwirang nilalang na
nagsasakatuparan ng pagmamahal ng Diyos
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang
hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.
14. Si Em ay isang vlogger. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi ang kanyang
karaniwang content. Kaya kilala siya at mahal na mahal siya ng kanyang mga
followers ngunit lingid sa kanilang kaalaman malaki ang kanyang kinikita sa mga
ito. Tama ba o mali ang kilos ni Em?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
C. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang
panloob na kilos.
PANUTO: Sa mga sumusunod na aytem 20 hangang 23, unawain kung saang
yugto ng makataong kilos si Arvin.

15. Habang namamasyal sa mall si arvin ay nakita niya ang cellphone na matagal na
niyang ninanais. Kaya naman sandali siyang nag-isip kung saan siya kukuha ng pera
upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Arvin?
A. Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin
B. Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
16. Pinag-isipan ni Arvin ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang cellphone?
Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng
pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Arvin?
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa paraan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan
17. Naunawaan ni Arvin na sasapat ang kanyang ipon at ang ibinigay na pera ng
kanyang magulang bilang regalo sa kanyang kaarawan sa ni nanais niyang
cellphone. Anong yugto ng kilos na kaya si Arvin?
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa paraan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan
18. Sa puntong ito sigurado na si Arvin sa kanyang gagawin kaya naman binili na
niya ang cellphone. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Arvin?
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa paraan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Bunga
19. Bunga ito ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A pasiya C. kakayahan
B. kilos D. damdamin
20. Ayon kay ____________, may pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa
ng makataong kilos.
A. Sto. Tomas de Aquino C. Louis de Poissy
B. Aristoteles D. Socrates
21. Kung madaliang pagpapasya ang isasagawa ng isang tao, hindi niya
pananagutan ang kanyang kilos. Ang pangungusap ay;
A. mali, dahil normal lang ang pagkakamali
B. mali, dahil nabiyayaan ang tao ng sapat na kagalingan upang
magpasiya
C. tama, sapagkat nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito.
D. lahat ng nabanggit
22. Tama ba o mali na mangopya si Robert sa kanilang pagsusulit dahil ginabi siya
ng pag-uwi mula sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan?
A. Tama, dahil ang layunin ni Robert ay ang makapasa sa pagsusulit
B. Tama, dahil normal lang na mangopya ang mga mag-aaral
C. Mali, hindi ito dapat na kopyahin ni Elsa nang walang paalam.
D. Mali, dapat tanggapin ni Robert ang magiging kahihinatnan ng kanyan
kilos at matuto sa aral na dulot nito
23. Ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino ang moral na kilos ay ang makataong
kilos
A. Dahil nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. . .
B. Dahil nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran
C. Dahil malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan
D. Dahil napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o
masama
24. Sa mga sumusunod ano ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos
na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon
ang kilos-loob.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan
ng isang kilos.
D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang
25. Ano ang hindi kahulugan ng Layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan
ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
26. Ito ay bunga ng isinagawa nating kilos na may dahilan, batayan, at may kaakibat
na pananagutan.
A. paraan C. kahihinatnan
B. layunin D. sirkumstansiya
27. Simula ng maging leader si Mang Mar ng kanilang Home Owner Association wala
na siyang ninais kundi ang kaayusan ng kanilang lugar. Anong batayan ng
kabutihan o kasamaan ng kilos ang tinutukoy sa nakasalungguhit
A. layunin C. Sirkumstansiya
B. paraan D. kahihinatnan
28. Masipag mag-aaral si Zen. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng
kaniyang galing. Dahil dito, matataas ang kanyang mga marka sa lahat ng
kanyang asignatura. Anong batayan ng kabutihan o kasamaan ng kilos ang
tinutukoy sa nakasalungguhit
A. layunin C. Sirkumstansiya
B. paraan D. kahihinatnan
29. May pinuntahan ang nanay at tatay ni Luis kaya sinamantala niya ito at pumasok
sa kanilang silid at kumuha ng ₱500. Ang ginawa ni Luis ay masama
nadaragdagan pa ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil?
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
30. Alam ni Freddie na masama ang magpakopya ng sagot sa pagsusulit pero
pinakopya pa rin niya ang kanyang kaibigan na si Ariel. Dahil sa pagpapakopya
niya nakapasa si Ariel sa asignatura. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng
mabuti o masama.
C. And kabutihan at masamang kilos ay nalilikha ng sirkumstansiya.

D.Ang kabutihan sa sirkumstansiya ay nakadepende sa pananaw ng tao.

You might also like