You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Leyte, Leyte
School ID: 303390

_________________________________________________________________________________

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EsP 10


SY 2023 - 2024

NAME: _______________________Date: _______Grade Level &Section: _____________


I. PANUTO: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang letra ng
tamang sagot.
1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang
mag-aaral na biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong
nagtuturo ang guro?
a. Kusang-loob b. Walang kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob
2. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama
kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;
a. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
b. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
c. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
d. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama
3. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos?
a. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi
isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
b. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang
pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
c. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman
kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
d. Lahat ng nabanggit sa itaas
4. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
a. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
b. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
c. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya
d. Lahat ng nabanggit sa itaas
5. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa imbestigasyon na
isinagawa ng guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Noel ang palagiang pagkindat ng
kanyang mga mata. May kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?
a. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
b. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang sa pagsang-ayon
c. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na gawin iyon dahil
iyon ay kanyang manerismo
d. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay Martha.
6. Alin sa mga sumusunod ang kilos dahil sa takot?
a. Ang pagliban sa klase at naglaro ng computer games
b. Ang pagsisinungaling sa bagsak na marka sa paaralan
c. Ang pagbigay ng lahat ng koleksiyon mo bilang Treasurer ng klase, sa isang holdaper
d. Ang pagsagawa ng self quarantine laban sa COVID 19

7. Alin sa sumusunod and tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos
dahil sa karahasan?
a. Kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan upang labanan ang karahasan
b. Kung napilitan lang ang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang
kilos- loob at pagkukusa
c. A at B
d. Wala sa nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod ang gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw?
a. Takot b. Gawi c. Karahasan d. Masidhing damdamin
9. Alin sa mga sumusunod ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Pagbibigay ng regalo sa napupusuan
b. Pagsugod sa nakaalitan ng iyong nakakabatang kapatid
c. Pagsuntok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
d. Panlilibre sa mga kaibigan dahil pagiging honor student
10. Alin sa sumusunod ang walang pananagutan dahil sa kamangmangan?
a. Pagtawid sa kalsada kung saan ipinagbabawal ang pagtawid, ng isang taong baguhan pa
lamang nakarating sa siyudad.
b. Pagbasag sa salamin ng sasakyan ng isang taong wala sa matinong pag-iisip.
c. Pagkakaroon ng bagsak sa mga asignatura dahil sa pagiging working student.
d. Pananahimik sa isang krimen na iyong nasaksihan.
11. Ilan lahat ang yugto ng makataong kilos?
a. 10 b. 11 c. 12 d. 13
12. Sa anong kategorya nabuo ang mga yugto ng makataong kilos?
a. Isip at kilos-loob c. kilos-loob at paghuhusga
b. Intensiyon at layunin d. dignidad at layunin
13. Anong kategorya ang napalooban ng pagkaunawa ng isip?
a. Kilos-loob b. isip c. layunin d. kalayaan
14. Ilang yugto mayroon ang kilos-loob na kategorya?
a. 4 b. 5 c. 7 d. 6
15. Anong yugto na ang ibig sabihin ay resulta ng pagpili ng isang tao?
a.Layunin b. paghuhusga c. bunga d. paraan
16. Sinong manunulat ang may akda ng mga yugto ng makataong kilos?
a. Santo Tomas de Aquino c. Aristotele
b. Immanuel Kant d. Agapay
17. Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala ng isang tao ang mga pagkakaiba ng mga bagay-
bagay.
a. Paraan ng pagpili c. Makataong kiloS
b. Mabuting pagpapasya d. Layunin
18. Sino ang nagsabi na simula ng magka isip ang tao hanggang sa kamatayan niya ay nagsasagawa
na siya ng pagpapasiya sa araw-araw?
a. Immanuel Kant c. Fr. Neil Sevilla
b. Aristoteles d. Santo Tomas
19. Sa paggawa ng moral na pagpapasiya, ilan lahat ang hakbang na pagbabatayan nito?
a. Lima b. apat c. anim d. pito
20. Anong hakbang ng moral na pagpapasya ang may mga halimbawa na tanong bilang gabay para
sa mabuting pagpapasya?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad d. Magsagawa ng pasya
21. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa mga hakbang ng moral na pagpapasya?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad d. Pagpili
22. Niyaya si Jay ng kanyang kaklase na huwag pumasok at pumunta sa computer shop. Hindi kaagad
siya sumagot ng oo bagkus ito ay kaniyang pinag-iisipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang
magiging epekto nito kung sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Jay?
a. Isaisip ang posibilidad c. Tingnan ang kalooban
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Magkalap ng patunay
23. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binigyang halaga mo kung ang
iyong pasiya makapagpapasiya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na
pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Umasa at magtiwala sa Diyos
24. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Joy ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang kaniyang
sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang
bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Joy?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. b at c
25. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng makataong kilos?
a. Pagiging tsismosa c. Pagkurap ng mata
b. Pangongopya sa katabi d. Lahat ng nabanggit
26. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?
Ipaliwanag.
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
27. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng
kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga
nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy? At bakit?
a.Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b.Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
28. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? At bakit?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa
kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
29. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit
sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa
magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita sa sitwasyon? Bakit kaya?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
30. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan
niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? At bakit?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong
masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
II. Pagpapaliwanag: Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na tanong (5 puntos).
1. Ano para sa iyo ang kaibahan ng Layunin at Paraan ng makataong kilos?
2. Ano-ano ang mga yugto ng makataong kilos ayon kay Santo Tomas de Aquino?
3. Paano nakakababawas o nakadaragdag sa kondisyon o kalagayan ng kilos ang
sirkumstansya?

Prepared by:
PEARL DANIELLE LOUISE O. DIAZ
Teacher III

Noted:

NELSON M. PAYOT, Dev. Ed.D


Principal II

You might also like