You are on page 1of 4

LAGUMANG PAGSUSULIT SA IKALAWANG MARKAHAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANGALAN: PETSA:
BAITANG AT SEKSYON: ISKOR:

Test I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bawat numero.

____1. Ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga,
patibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab
at iba pa. Ito ay tumutukoy sa uri ng kilos ng tao na;
a. Kilos-loob
b. Makataong kilos
c. Kilos ng tao
d. Sinadyang kilos

____2. Alin sa mga sumusunod ang kilos na nagpapahiwatig ng takot?

a. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
b. Ang pagnanakaw ng kotse.
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
d. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.

____3. Masipag, matalino at magaling sa sining si Allie. Sa asignaturang Arts ay hindi siya
nagpapahuli tuwing may pangkatang gawain. Maraming beses na ring nanalo si Allie sa
mga drawing contest, slogan contest at logo making contest. Dahil ditto, naging paborito siya
ng kaniyang guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa mga magaganda niyang ginagawa.
May pananagutan ba si Allie kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin
ng kaniyang mga guro?
a. Oo, dahil siya lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

____4. Alin sa mga sumusunod na ito ang hindi maituturing na gawi?

a. Paliligo araw-araw
b. Pagpasok ng maaga
c. Pagsusugal
d. Maalimpungatan sa gabi

____5. Ito ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, malaya at kusa.
Karaniwan itong tinatawag na kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat ginawa ito ng
tao sa panaho na siya ay responsable.
a. Kilos-loob
b. Makataong kilos
c. Responsableng kilos
d. Sinadyang kilos

____6. Ito ay uri ng kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang sa pagsang-ayon.
a. Kusang-loob
b. Di kusang-loob
c. Kilos-loob
d. Walang kusang-loob

____7. Ito ay uri ng kilos na may kaalaman at pagsang-ayon.

a. Kusang-loob
b. Di kusang-loob
c. Kilos-loob
d. Walang kusang-loob

____8. Ito ay pananaw na itinataguyod ni Immanuel Kant, isang alemang pilosopo na

naglalayong ipakita ang tunay na batayan ng mabuting kilos.
a. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)
b. Ang Pagnanais: Kilos ng Damdamin
c. Ang Kautusang Walang Pasubali ( Categorical Imperative)
d. Ang Pagpapahalaga Bilang Batayan ng Panghuhusga

____9. Ito ay kilos na walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na
ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
a. Kusang-loob
b. Di kusang-loob
c. Kilos-loob
d. Walang kusang-loob

____10. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

a. pasya
b. makataong kilos
c. kagustuhan
d. damdamin

____11. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ang payahag ang
tumutukoy sa;
a. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)
b. Ang Pagnanais: Kilos ng Damdamin
c. Ang Kautusang Walang Pasubali ( Categorical Imperative)
d. Ang Pagpapahalaga Bilang Batayan ng Panghuhusga

____12. Ito ay tumutukoy sa panlabas na kilos na ginagawang kasangkapan o paraan ng

isang tao upang makamit ang kanyang layunin.
a. Layunin
b. Sirkumstansiya
c. Kilos
d. Kahihinatnan

____13. Alin sa mga sumusunod ang dapat unang isaalang-alang na gawing hakbang sa
moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang possibilidad
d. Maghanap ng iba pang kaalaman

____14. Kung ikaw magsasagawa ng pasya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang possibilidad
d. Magsagawa ng pasiya

____15. Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat isaalang-alang sa pagpapasiya,

maliban sa;
I. Magkalap ng patunay
II. Isaisip ang posibilidad
III. Maghanap ng ibang kaalaman
IV. Magpasya ng pabigla-bigla
V. Magsagawa ng pasiya

a. II, III, IV, V b. III, IV, V, I c. IV, V, I, II d. V, I, II, III

Test II- Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay wasto o mali.
Isulat ang titik ng T kung it ay tama at titik M kung ito naman ay mali.

____1. Ang mabuting pagpapasiya ang isang proseso kung saan malinaw na nakikilalal o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
____2. Hindi dapat isinasaalang-alang ang mga mabubuting pakikisama o kapakanan ng
iba sa bawat kilos ng tao.
____3. Sa bawat makataong kilos, ang sinasadyang kilos ang tumutungo sa isang layunin.
____4. Mahalagang tiyakin na ang bawat kilos natin ay hindi lamang para sa ating sarili
bagkus para sa lahat.
____5. Hindi nakakaapekto sa mga elemento ng makataong kilos ang papel ng isip.
____6. Ang pagkatuwa ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
____7. Ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao ay
halimbawa ng gawi.
____8. Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.
____9. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating
pagpapasiya.
____10. Sa pagsasagawa ng kilos ng kilos gaano man ito kalaki o kaliit, kailangang pag-
isipang mabuti.

Test II. Enumerasyon

Ibigay ang apat (4) Salik na Nakakaapekto sa Resulta ng Kilos

1.
2.
3.
4.

Ibigay ang iba’t ibang Salik na nakakaapekto sa Makataong Kilos

5.
6.
7.
8
9.

Gumawa ng isang hashtag patungkol sa kung ano inyong kasalukuyan nararamdaman.

(Hal. #I’msoblessed)
10.
Test IV. Panuto: Basahin, unawain at ipaliwanag ang kasabihan ayon sa pansariling
pang-unawa. (20pts)

(Composed of 100 words)

“Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin”

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

You might also like