You are on page 1of 2

Pangalan______________________________ Section:______________ Iskor:___________

ESP 10: Modyul 6 at 8-Mahabang Pagsusulit (Take home Exam)

1. Alin sa mga sumusunod na mga batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi ang hindi kabilang?.
A.Kahihinatnan B. Layunin C. Masidhing Damdamin D. Sirkumstansiya

2. Dahil alam mong hindi sapat ang iyong kaalaman sa pasiyang iyong isasagawa, lumapit ka sa Diyos at tinanong Siya,
ano ang kanyang nais at nararapat mong gawin upang makasunod sa Kanyang kautusan? Saang bahagi ka ng hakbang?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos

3. Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya na kung saan tinitignan mo ang mga mabuti at masamang
kalalabasan ng iyong pasiya at kilos?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos

4. Sa bahabing ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya tumatawag ang tao sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin
upang alamin ang pinakamabuti at malaman ang plano Niya?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patuna
B. Intensiyon ng layunin D. Umasa at magtiwala sa Diyos

5. Sinuri ni Belen ang sinasabi ng kanyang konsensiya at personal na nararamdaman tungkol sa sitwasyon. Sa iyong
palagay, nasaan kayang bahagi siya sa mga hakbang ng moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Tignan ang kalooban

6. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


A. Upang magsilbing gabay sa buhay C. Upang magkaroon sa sapat na pamantayan
B. Upang masilbing paalala sa mga gagawin D. Upang pagnilayan ang bawat panig

7. Ayon sa kanya may dalawang kategorya na bumubuo sa yugto ng makataong kilos.


A. Alipio Felicidad B. Max Scheler C. Neil Sevilla D. Sto. Tomas de Aquino

8.Habang naglalakad sa mall si Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong
sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong
kilos si Rose?
A. Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin
B. Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

9. Pinag-isipan ni Rose ang ibat’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang
magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Rose.
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa sa nais makamtan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan

10.Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya na kung saan ang isip ay nag-uutos na gawin ang nais.
A .Bunga B. Paggamit C. Pagpili D. Utos

11. Anong yugto ng makataong kilos kung saan makikita ang resulta ng ginawang pagpili?
A. Bunga B. Nais ng layunin C. Pagpili D. Utos

12. Anong yugto ng makataong kilos na kung saan ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan?
A. Masusing pagsususri ng paraan C. Pagkaunawa sa layunin
B. Paghuhusga sa nais makamtan D. Praktikal ng paghuhusga sa pinili

13. Ito ang nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kanyang pagpili. Ano ang kailangang maibigay sa tao upang
mapagnilayan ang bawat panig sa isasagawang pagpapasya?
A. malinaw na kaisipan B. malinis na puso C. mga pagpipilian D. sapat na panahon

14. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Intensiyon at layunin C. Paghuhusga at pagpili
B. Isip at kilos loob D. Sanhi at bunga
15. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang o posibilidad C.Maghanap ng ibang kaalaman
B. Magkalap ng patunay D. Tignan ang kalooban
16. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A . Sirkumstansiya B. Damdamin C. Kakayahan D. Kilos

17 .Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay maghusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob ay tumutungo
sa__.
A. Tumutungo sa kilos-loob C. Tumutungo sa layunin at intension ng isip
B. Tumunungo sa isip lamang D. Tumutungo sa puso at kilos

18. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga kahulugan ng layunin, maliban sa isa:
A. Ito ay tumutukoy sa panlabas na kilos
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
D. Ito ay nakakabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

19. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?


A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
D. Dahil maaaring madaig ang panlabas na kilos ang panloob na kilos

20. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito ng naaayon sa tamang katwiran
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito at mabuti o masama.

21. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang mga kaibigan niya at sila ay nagsaya humiram ng videoke at sila ay
nagkantahan hanggang umabot ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapitbahay dahil sa ingay na dulot nito.
Ano kayng prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin mabuti o masama
D. Ang sirkumstansiya ay lumilikha ng mabuti kilos

22. Ayon sa kanya, “may nararapat na obheto ang kilos”.


A. Esteban B. Lipio C. Max Scheler D. Sto. Tomas de Aquino

23. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa___.
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at kaakibat na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C.Ang bawat kilos at dapat pag-isipan bago isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan na sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.

24. Si Gene ay espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamut ang nararapat sa
pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamut na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa
mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Kahihinatnan B. Layunin C. Paraan D. Sirkumstansiya

25. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galling sa
kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko lang nakita.
B. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
C. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kung isulat na sagot sa pagsusulit.

You might also like