You are on page 1of 4

PERIODICAL TEST in EsP 10(Quarter 2)

S.Y.2022-2023
Name:_______________________________Year&Section:___________________Score:___________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang titik ng inyong sagot bago ang bawat bilang o
numero.
1. Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Hindi natin hangad ang masamang bunga ng
ating pinipiling kilos o gawa, kung kaya dapat na maging maingat sa mgapagpapasiya. May napulot kang
celfon sa paaralan at alam mo ang may-ari, ano ang dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Isauli ko sa may-ari ang celfon.
B.Hindi ko isauli dahil wala akong celfon.
C.Ipagbili ko sa aking kaibigan ang celfon para magkaroon ako ng pera.
D.Malaking tulong ito sa akin dahil wala akong magamit na celfon para sa online class
at hihingi nalang ako ng tawad sa Panginoon sa aking nagawa.
2. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos – loob?
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon C. Tumulong sa kilos ng isang tao
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
3. Ayon kay Aristoteles, ang apat na elemento sa proseso ng pagkilos ay paglalayon, pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at .
A. Paggawa ng paraan C. Pagsasakilos ng paraan
B. Paghanap ng paraan D. Paggamit na paraan
4. Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay . Ito ay maisasakatuparan lamang kung ang hindi
pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari.
A. Mali B. Tama C. Obligado D.Mabuti
5. Ayon kay Aristoteles, ang ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ito ay nakasalalay sa
intensiyon kung bakit ginawa ito.
A. Pananagutan B.Kilos C. Intensiyon D.Kabutihan
6. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na
mapanagutan.
A. Paglalayon
B. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan
D. Pagsasakilos ng paraan.
7. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na biglang
humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob
8. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
A. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
B. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
C. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya
D. Lahat ng nabanggit sa itaas
9. Ang kilos ng tao(acts of man) ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang HINDI totoo tungkol sa kilos ng tao?
A. Ito ay likas sa tao.
B. Ito ay ginamitan ng isip at kilos-loob
C. Ito ay hindi ginamitan ng isip at kilos-loob.
D. Ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
10. Nasampal ni Nyra si Kobe dahil sa palagiang pagkindat ni Kobe sa kanya. Sa imbestigasyon na isinagawa
ng guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Kobe ang palagiang pagkindat ng kanyang mga mata.
May kapanagutan ba si Kobe sa kanyang kilos?
A. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
B. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang sa
pagsang-ayon
C. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na gawin
iyon dahil iyon ay kanyang manerismo
D. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay Nyra
11. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
12.Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
13. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang
guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapa
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Jeno
14.Alin sa mga salik na nag gawa ng isang taong itinuturing na wala sa matinong pag-iisip.
A. Masidhing damdamin C. Takot
B. Kamangmangan D. Karahasan
15. Alin sa mga salik na karapat dapat pananagutan
A.Gawi B. Masidhing damdamin C. Karahasan D. Takot
16. Binigyan ka nang sagot sa pasulit nang yong ka klase at kinupya mo na hindi mo man lang tinugma sa mga
tanong. Anong salik apektado ang iyong kilos?
A. Takot B. Gawi C. Kamangmangan D. Karahasan
17. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa
dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Walang kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Kusang-loob D. Kilos-loob
18. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang
buhay o sa mga mahal niya sa buhay?
A. Kamangmangan C. Masidhing Damdamin
B. Karahasan D. Takot
19. Alin sa mga sumusunod ang gawain na paulit-ulit na ginagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw?
A. Karahasan B. Gawi C. Masidhing Damdamin D. Takot
20. Alin sa sumusunod ang walang panangutan dahil sa kamangmangan?
A. Pananahimik sa isang krimen na iyong nasaksihan
B. Pagkakaroon ng bagsak sa mga asignatura dahil sa pagiging working student.
C. Pagbasag ng salamin ng sasakyan ng isang taong wala sa matinong pag-iisip.
D. Pagtawid sa kalsada kung saan ipinagbabawal ang pagtawid ng isang taong baguhan pa lamang
nakarating sa siyudad.
21. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob C. Paghuhusga at Pagpili
B. Intensiyon at Layunin D. Sanhi at Bunga
22. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
23. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
24. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang posibilidad
B. Magkalap ng patunay D. Maghanap ng ibang kaalaman
25. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Umasa at magtiwala sa Diyos
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Tingnan ang kalooban
26. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong
pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay C. Tingnan ang kalooban
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
27. Ilan lahat ang yugto ng makataong kilos?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13
28. Sa anong kategorya nabuo ang mga yugto ng makataong kilos?
A. Isip at kilos-loob C. kilos-loob at paghuhusga
B . Intensiyon at layunin D. dignidad at layunin
29. Anong kategorya ang napalooban ng pagkaunawa ng isip?
A. Kilos-loob B. isip C. layunin D. Kalayaan
30. Anong hakbang ng moral na pagpapasya ang may mga halimbawa na tanong bilang gabay para sa
mabuting pagpapasya?
A. Magkalap ng patunay C. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad D. Magsagawa ng pasya
31. May babae na nagustuhan at minahal si Jake ngunit ang babaeng ito ay may asawa. Ngunit sa kabila nito
ay ipinagpatuloy pa rin niya nag kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng
relasyon.Ano kaya ang prinsipyo na sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
32. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Dahilan C. Kahihinatnan
B. Paraan D. Sirkumstansiya
33. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
A. ano B. paano C. saan D. Sino
34. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Martin. Simula sa araw nang siya ay manalo,ginampanan niya nang
lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya mg
kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
D. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
35. Si Leslie ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang
nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibibigay ay may
magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito.Alin sa mga salik na nag- uugnay sa makataong kilos ang
ipinakita ni Leslie?
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan
36. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galling sa
kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama,dahil hindi ko naman hiningi ang sagot,kusa ko naman itong nakita.
B. Mali,dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pasulit.
D. Mali,kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa
pagsusulit.
37. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Justine ay pumasok siya sa kanilang silid at
kumuha ng 500 piso sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Justine ng pera ay
masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil ________________ .
A. Kinuha niya ito nang walang paalam
B. Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
38. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. Pasiya B. Kilos C. Kakayahan D. Damdamin
39. Si Anton ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng
kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan,na ang itinutulong niyasa
mga ito ay galling sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba
o mali ang kilos ni Anton?
A. Tama,dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali,dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Tama,dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
D. Mali,dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos,nababalewala pa rin ang
panloob na kilos.
40. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos- loob?
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip
C. Tumulong sa kilos ng isang tao
D. Gumagabay sa pagsasagawa ng kilos

You might also like