You are on page 1of 4

Ikalawang Panahunang Pagsusulit

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao o act of man?


A. pagbibigay sa pulubi B. pangungupit sa tindahan
C. pangongopya sa klase D. pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat

2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob?


A. pagkurap ng mata B. pagtibok ng puso
C. pagsauli ng sobrang sukli sa tindera D. pagsasalita habang natutulog

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng malayang kilos-loob sa piniling kilos at maging mapanagutan
dito?
A. Si Tony na hindi mapigilang maya’t mayang ilabas ang kaniyang dila.
B. Pinakopya ni Sarah ng takdang aralin ang kaklase sa takot na awayin siya nito.
C. Laging naglilinis ng bahay si Liza upang matulungan sa gawaing bahay ang kaniyang nanay.
D. Napilitang mangupit sa kantina ng paaralan si Roy dahil sa pananakot ng mga kaklaseng mas malalaki sa kaniya.

4. Kung kikilanin ang katuruan ni Aristotle, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. kilos-loob B. Kusang-loob
C. di kusang-loob D. walang kusang-loob

5. Aling kilos ang nagpapakita ng kapanagutan sa kilos na ginawa?


A. paghinga B. pagtibok ng puso
C. maalimpungatan sa gabi D. paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng makataong kilos or human act?
A. kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa
B. ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito
C. kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable
D. kilos na walang aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito

7. Alin ang uri ng kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon?
A. kusang-loob B. di kusang-loob
C. makataong kilos D. Walang kusang-loob

9. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang
mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang
nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang
paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

10. Alin sa mga sumusunod na kilos ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. panliligaw sa crush B. pagsugod sa bahay ng kaalitan
C. pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko D. panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha

11. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kamangmangang walang paraan para maitama at walang
pananagutan sa bahagi ng gumawa?
A. walang kaalaman sa paggamit ng kompyuter
B. pagbibigay ng maling gamot sa kapatid na maysakit
C. paglalakad ng hubad sa kalsada ng wala sa matinong pag-iisip
D. pagbibigay ng limos sa batang kalye ngunit ipinambili lamang niya ito ng rugby

12. Alin sa mga sumusunod ang kilos na dahil sa kamangmangan?


A. pagtawid sa maling tawiran ng isang probinsiyano
B. biglang pagsigaw nang may tumalon na pusa sa harap niya
C. sobrang kagalakan at biglaang pagyakap sa isang kaklaseng babae
D. pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao

13. Alin sa mga sumusunod ang isinagawa dahil sa takot?


A. pagnanakaw ng kotse B. pagtawid sa maling tawiran
C. pananakit dala ng matinding galit D. pagsisinungaling upang hindi mapagalitan ng magulang

14. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan.
ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. kamangmangan B. takot
C. karahasan D. masidhing damdamin

15. Pauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kaniyang pera. Sa sobrang nerbiyos
ay naibigay din niya ang perang gagamitin nila sa proyekto. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit
hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? Dahil _______________.
A. sa kahinaan ng isang tao. B. hindi kayang maapektuhan ang isip
C. sa malakas na impluwensiya sa kilos D. hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

21. Habang naglalakad sa mall si Isabel ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng
ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa
anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?
A. nais ng layunin B. pagkaunawa sa layunin
C. intensiyon ng layunin D. praktikal na paghuhusga sa pagpili

22. Gamit ang halimbawa sa Bilang 21. Pinag-isipan ni Isabel ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos?
Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na
kayang yugto ng kilos si Isabel?
A. intensiyon ng layunin B. pagkaunawa sa layunin
C. paghuhusga sa nais makamtan D. masusing pagsusuri ng paraan

23. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Luis ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang
nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Luis?
A. tingnan ang kalooban B. maghanap ng ibang kaalaman
C. isaisip ang posibilidad D. umasa at magtiwala sa Diyos

24. Niyaya si Tommy ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop.
Hindi kaagad sumagot ng oo si Tommy bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano
ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Tommy?
A. magkalap ng patunay B. isaisip ang mga posibilidad
C. tingnan ang kalooban D. maghanap ng ibang kaalaman

25. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
A. magkalap ng patunay B. maghanap ng ibang kaalaman
C. tingnan ang kalooban D. umasa at magtiwala sa Diyos

26. Kung ikaw ay magsasagawa ng moral na pagpapasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
A. magsagawa ng pasiya B. maghanap ng ibang kaalaman
C. tingnan ang kalooban D. umasa at magtiwala sa Diyos

27. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? Upang _______________.
A. magsilbing gabay sa buhay B. magsilbing paalala sa mga gagawin
C. magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin D. mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

28. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya? Dahil ______________.
A. ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
B. magsisilbing itong gabay niya sa pang-araw-araw na buhay
C. nagdudulot ito sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili
D. makatutulong ito sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
29. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya
MALIBAN SA:
A. nagiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos
B. naisasama ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasiya na kaniyang ginagawa
C. nagiging pabaya at hindi nagiging mapanagutan sa kalalabasan ng pagpapasiya
D. nakatutulong upang maging mapagmahal sa kapwa at maging isang mabuting tao

32. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit mahalaga at kabilang sa mga hakbang sa moral na pagpapasiya ang
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos MALIBAN SA:
A. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti para sa atin.
B. Ito ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon.
C. Binigyan Niya ang tao ng isip at kilos-loob upang maging mabilis ang pagsasagawa niya ng pasiya.
D. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin.

33. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos? Dahil _____________ .
A. hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
B. maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
C. kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
D. kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.

34. Si Sonny ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga
kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa
pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Sonny?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
C. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panloob na kilos, nababalewala pa rin ng panlabas na kilos.

35. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Carlo ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng P300
sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Carlo ng pera ay masama. Nadaragdagan
ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil _________.
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

36. May grupo ng mga babae na nagkukuwentuhan tungkol sa kapitbahay nilang sinasabing marami raw
pinagkakautangan. Hindi man lang maipagtanggol ng babae ang kaniyang sarili ukol dito. Ito ay ginawa nila sa loob
ng simbahan. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kanilang ginawa dahil _________.
A. marami silang nagkukuwentuhan B. maraming nakaririnig sa kanila
C. masama ang pakikipagtsismisan D. ginawa nila ito sa simbahan

37. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila
ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na
dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? Ang sirkumstansiya ay
maaaring ______________ .
A. gawing mabuti ang masama B. lumikha ng mabuti o masamang kilos
C. gawin ang mabuting kilos na masama D. makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama

38. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka napag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng
iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
B. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
C. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.

39. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa
pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot
sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
A. kahihinatnan B. kilos
C. layunin D. sirkumstansiya

40. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? Sapagkat
_____________.
A. nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
B. malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan
C. nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran
D. napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama

You might also like