ESP10 2nd Q

You might also like

You are on page 1of 30

ESP 10

SUMMATIVE TEST
I. Pag-aayos ng numero
1-5. Kilalanin ang tamang hakbang sa paggawa ng pasiya. Isulat ang letrang A
hanggang E ayon sa tamang hakbang ng iba’t-ibang hakbang sa pagpapasiya.
1. Kapag natukoy na ang gagawing pasiya, oras na upang tipunin ang
impormasyong nauugnay sa
pagpipilian.
2. Tukuyin ang mga kahalili (alternative) at timbangin ang mga ito kung
makakatulong ba o hindi.
3. Matapos sundin ang mga hakbang sa paggawa ng pasiya ay suriin nang mabuti
ang napiling pasya.
Nasasagot ba ang mga tanong na ito, nalulutas ba ang problema? Natugunan
ba ang iyong mga
layunin?
4. Tukuyin ang gagawing pasiya.
5. Sa mga nakuhang impormasyon, kilalanin ang mga posibleng pagpipilian.
II. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung ito ay TAMA at M kung ito ay
MALI. Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
6. Kung sino ka ngayon at sa mga susunod na araw ay
nakasalalay sa uri ng kilos na iyong ginagawa at gagawin
pa.
7. Ang iyong isip at kilos-loob, konsensiya at kalayaan ay
ginagamit para lamang sa iyong sarili.
8. Sa paggawa ng pasiya kailangang matutunang palawakin
ang pagpipilian at humingi ng payo
9. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at
kagustuhan.
10. Kumikilos si Rhoda ng hindi kinakailangang
pagsabihan at wala siyang hinihiling na kapalit.
Ang kilos ni Rhoda ay nagpapakita ng pagkukusa
11. Mahuhusgahan mo agad kung mabuti o
masama ang isang bagay sa lahat ng pagkakataon.
12. Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita
tayong pagpapahalaga na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao.
13. Ang tao ay may kakayahang humusga kung
mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa
pagpapahalaga.
14. Obligado ka lamang na gawin ang isang kilos
kung ang hindi paggawa nito ay maaaring
magdulot ng hindi magandang pangyayari.
15. Ang mga pagpapahalaga ang nagbibigay ng
kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
III. Pagpipili
Panuto: Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao
na naging dahilan kung bakit naging mahina ang tauhan sa pagpili ng
mabuting opsiyon. Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Kamangmangan B. Masidhing damdamin C. Takot


D. Karahasan E. Gawi
16. Hindi sinasadyang mayakap ni John si Mara nang malaman niyang
nanalo siya sa patimpalak.
17. Nakasanayan na ni Reyang mag-inat at humikab. Isang araw,
napalakas ang hikab niya sa klase habang nagtuturo ang guro.
A. Kamangmangan B. Masidhing damdamin C. Takot
D. Karahasan E. Gawi
18. Hindi nagsumbong si Jabez sa guro kahit nasaksihan niya
ang pagnanakaw ng kamag-aral dahil siya
ay pinagbantaang bubugbugin kung sasabihin niya ito.
19. Hindi nakapagpasa ng takdang aralin si Luhan dahil wala
ito sa klase nang sabihin ito ng guro.
20. Hinarang si Joash ng mga tambay at sapilitang kinuha ang
kaniyang pera. Sa sobrang nerbyos ay naibigay din niya ang
perang nasingil mula sa kontribusyon nila para sa proyekto.
I. Maramihang Pagpipili
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong.
Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

21. Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao katulad ng


paghinga, pagtibok ng puso at pagkurap ng mata.
A. Di tiyak na kilos
B. Kilos ng tao
C. Makataong kilos
D. Wala sa nabanggit
22.Ito ay mga kilos na isinagawa ng tao
nang may kaalaman, malaya at kusa.
A. Di tiyak na kilos
B. Kilos ng tao
C. Makataong kilos
D. Wala sa nabanggit
23.Ito ay mga kilos na ginagawa ng may
kaalaman at pagsang-ayon. Ang
gumagawa nito ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at
kahihinatnan ng kaniyang kilos.
A. Kusang-loob B. Di kusang-loob
C. Walang kusang loob D. Kapanagutan
24.Sa tatlong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan ni Aristoteles, alin ang
karapat-dapat panagutan?
A. Kusang-loob 2
B. Di kusang-loob
C. Walang kusang loob
D. Kilos ng Tao
25.Ito ay uri ng masidhing damdamin na
nadarama o napupukaw kahit hindi
niloob o sinadya. Umiiral ito bago pa
man gawin ang isang kilos.
A. Takot C. Nauuna (antecedent)
B. Nahuhuli (consequent) D. Tendency
26.Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Kailangan itong isaalang- alang upang
mahusgahan kung mabuti o masama ang
isang kilos.
A. Layunin B. Paraan
C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan
27. Ito ang kasangkapan upang makamit ang
layunin.
A. Layunin
B. Paraan
C. Sirkumstansiya
D. Kahihinatnan
28. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o
kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng
isang kilos.
A. Layunin B. Paraan C.
Sirkumstansiya D. Kahihinatnan
29.Ang mga sumusunod ay mga hakbang
sa moral na pagpapasiya maliban sa:
A. Magkalap ng patunay
B. Umasa at magtiwala sa tulong ng
Diyos
C. Isaisip ang posibilidad
D. Huwag maniwala sa ibang tao
10.Ang mga sumusunod ay mahalaga sa
30.Ang mga sumusunod ay mahalaga sa
paglalapat ng makataong kilos maliban
sa:
A. Pagiging padalos dalos
B. Paghuhusga sa paraan
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Pagpili
31. Nais ni Suho na matulungan ang kaniyang
kamag-aral na pumasa. Ano ang kailangan niyang
gawin?
A. Gawin ang lahat ng proyekto ng kaniyang kamag-
aral
B. Pakopyahin sa pagsusulit ang kaniyang kamag-aral
C. Tulungan ang kamag-aral upang maunawaan ang
mga mahihirap na paksa
D. Sabihin sa mag-aaral na gayahin ang lahat ng
kaniyang ginagawa
32. Si Mang Pepe ay matulungin sa kaniyang mga
kapitbahay. Ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay
galing sa pagbebenta niya ng ipinagbabawal na gamot. Ito
ba ay mabuti o masamang kilos?
A. Mabuti, dahil maganda ang kaniyang layunin.
B. Mabuti, dahil madami ang kaniyang natutulungan
C. Masama, dahil hindi niya sinabi sa kaniyang mga
kapitbahay ang kaniyang hangarin.
D. Masama, dahil mali ang paraan na kaniyang ginamit
upang makatulong sa kapwa
33. Habang naglalakad si Jonah at Joel ay narinig nilang
naguusap ang kanilang kamag-aral tungkol sa isa nilang
kamag-aral na di-umano’y nakikipagrelasyon sa kanilang
guro. Ano ang kanilang dapat gawin?
A. Makinig sa usapan upang alam nila ang isusumbong sa
guro.
B. Makinig sa usapan upang makumpirma ang totoong
pangyayari.
C. Pagsabihan ang mga kamag-aral na hindi tama ang
pagusapan ang ibang tao
D Magkibit-balikat na lamang upang hindi madamay
34. May markahang pagsusulit si Jesie. Siya ay
pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng kaniyang
mga napag-aralan. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamabuting layunin?
A. Upang maging mas mataas siya sa kaniyang
kamag-aral.
B. Upang matuto at makakuha ng mataas na marka
C. Upang maging sikat siya sa klase
D. Upang mapansin ng kaniyang hinahangaang
kamag-aral
35. Magaling sa asignaturang Matematika si Mai.
Siya ay nagtuturo sa kapwa niya kamag-aral na
mahina sa asignaturang Matematika tuwing
hapon bago siya umuwi. Alin ang paraan na
kaniyang ginawa?
A. Siya ay nagturo sa kapwa niya kamag-aral
B. Magaling si Mai sa Matematika
C. Nais niyang tumaas ang marka ng kaniyang mga
kamag-aral
D. Mabait si Mai
36. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng
Layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
B. Ito ay pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag
ng kabutihan o kasamaan ng kilos
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang
kilos-loob
37. Si Lala ay labinlimang taong gulang pa lamang.
Niyaya siya ng kaniyang kasintahan na sila ay magsama
na. Ngunit kahit mahal ni Lala ang kasintahan ay hindi
siya sumama rito. Nagpapakita ba si Lala ng makataong
kilos?
A. Oo, dahil hindi siya pinilit ng kaniyang kasintahan
B. Oo, dahil alam niya ang kaniyang ginagawa at
pinagisipan niya ito ng mabuti
C. Hindi, dahil maaaring napilitan lamang siya
D. Hindi, dahil maaaring magbago ang kaniyang
desisyon
38. Nakita ni Mines na ang kaniyang kamag-aral na
si Sizzy ang kumuha ng cellphone ng kaniyang guro.
Ano ang kaniyang dapat gawin?
A. Manahimik dahil baka madamay pa siya
B. Huwag isumbong si Sizzy dahil baka may dahilan
siya kung bakit niya ito ginawa
C. Hintaying si Sizzy ang umamin sa guro
D. Kausapin si Sizzy at tulungang umamin sa guro.
39.Niyaya si Sharon ng kaniyang kamag-aral na
huwag munang umuwi pagkatapos ng klase dahil
mag-iinuman daw sila. Sumama si Sharon kahit
ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang.
Nagpapakita ba ng makataong kilos si Sharon?
A. Oo, dahil kusa niya itong ginawa
B. Oo, dahil minsan lang naman niya itong ginawa
C. Hindi, dahil hindi niya isinaalang alang ang
kahihinatnan ng kaniyang kilos
D. Hindi matukoy
40. Isang bata ang nahuling nagshoplifting sa isang
tindahan. Ginawa raw niya ito dahil malubha ang
karamdaman ng kaniyang ina. Naisip niyang mabuting
paraan ang pagnanakaw upang makabili ng gamot.
Tama ba ang kaniyang katwiran?
A. Oo, dahil mahalaga ang buhay ng kaniyang ina
B. Oo, dahil maganda ang kaniyang motibo
C. Hindi, dahil sarili lamang ang kaniyang iniisip
D. Hindi, dahil may iba pang alternatibong paraan
upang matulungan niya ang kaniyang ina.
IV. Tukuyin ang uri ng kilos ayon sa pananagutan
sa mga sumusunod na sitwasyon.
A. Kusang-loob B. Di Kusang-loob
C. Walang kusang loob
41. Ang mga mag-aaral ay naghahanda para sa
kanilang pagsusulit.
42. Sapilitang kinuha sa kaniya ang pera kaya
naibigay niya ito.
43. Sumama siya sa kaniyang mga kaibigan at
lumiban sa klase.
IV. Tukuyin ang uri ng kilos ayon sa pananagutan
sa mga sumusunod na sitwasyon.
A. Kusang-loob B. Di Kusang-loob
C. Walang kusang loob
44. May kakaibang ekspresiyon si Rodas sa
kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng
kaniyang mga mata. Minsan ay nagalit ang isang
dalaga sa kaniya sa kaniyang pagkindat. Nagulat
siya dahil hindi niya alam na nabastos niya ang
dalaga.
IV. Tukuyin ang uri ng kilos ayon sa pananagutan
sa mga sumusunod na sitwasyon.
A. Kusang-loob B. Di Kusang-loob
C. Walang kusang loob
45. Pinagbantaan si Pepe na siya ay aalisin sa
trabaho kung hindi niya tutulungan ang isang
kandidato sa eleksiyon sa pamamagitan ng
“dagdag-bawas.” Labag man ito sa kaniyang
kalooban, ginawa niya ito dahil sa pagkatakot na
mawalan ng trabaho.

You might also like