You are on page 1of 5

Agusan National High School

Butuan City
Edukasyon sa Pagpapakatao-10
2nd
Quarter SUMMATIVE TEST-1
SY 2020-2021

Pangalan: _______________________Pangkat:_______ Petsa:__________Guro: _________________

I. Panuto: Basahin at unawain mga konsepto sa loob ng kahon. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Piliin ang tamang sagot at TITIK lamang ang isulat. Isulat sa isang buong papel.

1.
Dalawang Uri ng Kilos ng Tao

Ang kilos ng tao (acts of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa
tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob, kaya ang kilos na ito ay walang kaalaman, hindi malaya at walang pagkukusa.

Makataong kilos (human act), ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman,
malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at
kilos-loob.Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t
isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsible, alam niya ang kaniyang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos


upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act).

Bakit may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa ng makataong kilos?


A. Ang makataong kilos ay isinasagawa ng may kaalaman at kalayaan.
B. Ang makataong kilos ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan.
C. Ang makataong kilos ay kusang nagaganap sa tao.
D. Wala sa mga nabanggit.

2. Kailan masasabi na ang kilos ay may pananagutan?


A. Kung ang gawa ay isang biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao.
B. Kung ang gawa ay ginamitan ng isip at kilos loob.
C. Kung ang gawa ay sinadya at kinusang gawin na walang pagpipilit.
D. Lahat ng sagot maliban sa titik A.

3. Paano nakikita ang isang makataong kilos ng tao sa panahon ng pandemya na siya ay sumusunod sa
mga direktiba ng gobyerno?
A. Mayroong facemask pero nakababa ito kapag nakikipag-usap sa publiko.
B.Naka suot ng face mask and face shield subalit walang social distancing.
C.Ginagawa ang lahat para makasunod sa health protocols sa palagiang pag-suot ng face mask, face
shield at mayroon ding social distancing.
D. Wala sa nabanggit.

4. Bilang isang mag-aaral ano ang pinakawastong gawin kapag nakakita ka ng isang matanda na
tumatawid sa isang delikadong kalsada na walang kasama?
A. Papanoorin mo siya kung paano siya tumawid.
B. Pagsasabihan mo na huwag tumawid baka siya ay mabangga.
C.Tutulungan mo na makatawid sa pamamagitan ng pag-alalay.
D. Iwasan mo nalang para makarating ka agad sa iyong pupuntahan.

5. Ikaw ay nakasakay sa isang sasakyang pang-publiko at halos lahat ay naka upo nang biglang huminto
ang sasakyan at sumakay ang isang taong may kapansanan. Ano ang gagawin mo ayon sa dikta ng
tamang pag-iisip?
A. Patuloy ka sa pag -upo at iisipin mo na pareho lang kayong nagbayad.
B. Huwag na lamang pansinin dahil malayo pa ang iyong biyahe.
C. Ibibigay mo ang iyong upuan at mag titiyaga ka nalang tumayo dahil wala ka naman
kapansanan.
D. Wala sa nabangit.

6. Bakit may pananagutan ang tao sa kilos na kanyang ginawa?


A. May kaalaman sa kilos na ginawa
B. Malayang pinili ang kilos na ginawa
C. May pagkukusa sa kilos na ginawa
D. Lahat ng nabanggit

7. Alin sa mga sumusunod ang may pagkukusa sa makataong kilos?


A. Pinulot ni Lina ang mga nagkalat na papel sa loob ng classroom.
B. Itinapon lamang ni Ryan ang balat ng kendi sa gilid ng daan.
C. Naghahanda ng almusal si Nanay Tinding para sa mga anak.
D. Lahat ng nabanggit.

8. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng hindi mapanagutang kilos?


A. Pagplano ng paghihiganti.
B. Paghikab ng malakas.
C. Biglang pag-ubo habang may kausap.
D. Hindi pagtulong sa matanda sa pagtawid sa kalye.

9. Habang nasa klase ay inantok si Jacob dahil sa ininom niyang gamot para sa sipon. Maya-maya ay
nakatulog siya at nadisturbo ang klase dahil nagsitinginan ang mga kaklase sa kanya. Siya ba ay
dapat managot sa pagkakadisturbo ng buong klase?
A. Oo, dahil hindi niya pinili ang gamot na hindi nagdudulot ng pagka-antok.
B. Oo,dahil mas nararapat na nagpahinga nalang siya sa bahay upang maiwasang mahawa ang
iba.
C. Hindi, dahil ito ay kilos ng tao
D. Wala sa nabanggit

10. Ang isang pulis na galing sa duty ay umuwi ng bahay upang mananghalian, dahil sa dami ng nakain
siya ay sandaling nakatulog. Habang tulog bigla siyang naalimpungatan dahil sa narinig na mga
kaluskos kaya hindi sinasadyang naiputok niya ang kanyang baril. May pananagutan ba ang
nasabing pulis?
A. Oo, dahil hindi niya itinabi ang kanyang baril
B. Oo, dahil hindi siya nag-iingat
C. Hindi, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa
D. Wala sa nabanggit

11. Sa kabila ng pagtutol ng mga naninirahan malapit sa Agusan River, iniutos ng Brgy Kapitan ang
paglipat ng mga residente sa Baan Riverside resettlement area bago paman dumating ang
napakalakas na bagyong Yolanda. Anong kilos ang ipinapakita dito?
A. Kilos ng tao C. Kilos ng Diyos
B. Makataong kilos D. Pag-uugali ng tao

12. Ang paghikab nang malakas na hindi tinatakpan ang bibig ay isang___?
A. Kilos ng tao C. Ugali ng tao
B. Makataong kilos D. Kilos ng Diyos

13. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang matandang pasahero na inatake sa puso.
A. Kilos ng tao C. Ugali ng tao
B. Makataong kilos D. Kilos ng Diyos

14. Ang pagkurap ng mata at paghinga ay anong uri ng kilos?


A. Kilos ng tao C. Ugali ng tao
B. Makataong kilos D. Kilos ng Diyos

15. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong ng bagong taon kaya
panatag ang iyong loob na walang masasaktan ng biglang may sumabog na paputok sa tapat ng
inyong bahay kaya ikaw ay napasigaw nang malakas dahil sa pagkagulat. Ang pagkagulat ay kilos
na?
A. Makataong kilos C. Kilos na sadya
B. Kilos ng tao D. Ugali o gawi

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto sa loob ng kahon. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Piliin ang tamang sagot at TITIK lamang ang isulat.

Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)


 Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang
mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay
ginagawa nang may pag-unawa at pagpili dahil may kapanagutan.
 Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob,
di kusang-loob, at walang kusang-loob.
16 . Bumisita si Kristoper sa bahay ng kanyang kaibigan. Nadatnan niya ito na may kausap at narinig niya
na nagpaplano sila na nakawan ang matandang may-ari ng tindahan. Niyaya siya na sumama ngunit
tumanggi siya at sinabihan sila na masama ang kanilang binabalak. Anong kilos ang ipinakita ni
Kristoper?
A. kusang loob C. makataong kilos
B. di-kusang loob D. walang kusang loob

17. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
A. kusang loob B. di-kusang loob C. makataong kilos D. walang kusang loob

18. Ang makataong kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
A. makataong kilos B. kilos ng tao C. kusang loob D. di-kusang loob

19. Bakit hindi mapanagutang kilos ang kilos na “walang kusang-loob”?


A. Sapagkat dito ang tao ay walang kaalaman sa ginawa kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos na
ginawa.
B. Dahil ang tao ay walang alam sa pagkilos kaya’t walang pagkukusa sa kilos na ginawa.
C. Sapagkat mayroong pagkukulang sa proseso ng pagkilos
D. Titik A at B.

20. May tatlong magkaibigan na nakakita ng isang krimen na panghahablot ng kuwentas nang sila ay
namasyal. Ang panghahablot ng kuwentas ay isang makataong kilos na ___?
A. kusang loob B. di-kusang loob C. makataong kilos D. walang kusang loob

21. Si Loreto ay inanyayahan ng barkada na magpunta sa comedy bar dahil bagong sahod ngayon.
Tumanggi siya sa imbitasyon dahil maaga pa ang pasok bukas at may report sa trabaho kinabukasan na
dapat tapusin. Ang kilos ba ni Loreto ay isang mapanagutang kilos?
A. Oo, dahil ito ay nagpapakita ng presensiya ng isip at kilos-loob.
B. Hindi, dahil hindi niya pinagbigyan ang paanyaya ng barkada kahit sa sandaling kaligayahan.
C. Hindi matutukoy ang sanhi ng kilos.
D. Wala sa nabanggit.

22. Ikaw ay isang barangay official at member ng COMELEC. Noong araw ng botohan para sa SK
Eleksyon sinalubong ka ng inyong COMELEC chairman at binulungan ka na tulungan mo siya sa isang
kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-bawas”. Alam mo ilegal ito at labag sa iyong moral na tungkulin
ngunit sa kabila nito ay ginawa mo pa rin ang hiling ng chairman dahil baka matanggal ka bilang miyembro
kung hindi ka susunod. Ito ay anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan?
A. May kusang-loob dahil may alam ka at pagsang-ayon sa kilos.
B. Di-kusang loob dahil ito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
C. Walang kusang loob dahil ikaw ay walang alam at walang pagsang-ayon.
D. Makataong kilos dahil ginamitan ng isip, kilos-loob at kalayaan ng kilos.

23. Ano ang dapat mong gawin upang maging wasto ang likas na kilos ng tao tulad ng paghikab na hindi
mapipigilan?
A. Wala akong magagawa dahil isang pisyolohikal ito na kilos ng tao.
B. Magtakip ng bibig kapag humikab lalo na kapag nasa karamihan.
C. Tumakbo palabas o palayo sa mga tao kapag humihikab.
D. Lahat ng nabanggit.
24. Suriin kung alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng mabuti at mapanagutang kilos.
A. Tinutulungan ni Rudy ang kapitbahay na maghakot ng mga puwede pang maisalbang gamit
mula sa sunog ngunit palihim niya itong ninanakaw.
B. Inililibre ni Rosanna ng snacks si Lucia tuwing hapon upang makuha ang loob nito sa darating
na botohan sa SK eleksyon.
C. Sinisikap ni Ronnie na sagutan ang module sa abot ng kanyang makakaya.
D. Wala sa nabanggit.

25. Natapos mo na ang iyong modyul sa EsP ng tawagan ka ng iyong kaibigan at nagsabing magpunta
sa kanila at dalhin ang iyong modyul dahil nais niyang kumopya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko susundin ang gusto ng aking kaibigan dahil alam kong mali at lalo ko lamang siyang
tinuturuan maging tamad at laging umaasa sa iba.
B. Susundin ko ang kanyang gusto sapagkat iyon ang aming sumpaan, ang walang iwanan kahit
ano man ang mangyari.
C. Walang siguradong sagot o paraan sa sitwasyon na ito.
D. Wala sa nabanggit
26. Anong hakbang ang maaari mong gawin upang hindi magtanim ng sama ng loob ang iyong
kaibigan dahil sa hindi mo pagpakopya?
A. Papakopyhin na lamang ang kaibigan.
B. Ipapaliwanag sa kaibigan ang iyong dahilan sa hindi pagpakopya.
C. Tatawagan ang kaibigan at ibibigay ang sagot.
D. Humanap ng ibang kaibigan.

27. Naglalakad ka sa pasilyo ng paaralan ng marinig mo ang kwentuhan mula sa umpukan at nahikayat
ka sa usapan tungkol sa kaklase ninyong maagang nag-asawa kaya lumapit ka at nakihalubilo sa
kanila.
A. Ang kilos mo ay hindi mapapatunayan dahil hindi mo alam ang pinagmulan nito, nakisali ka
lamang sa umpukan.
B. Ikaw ay may pananagutan sapagkat kusa kang lumapit at nakihalubilo sa kanila noong nalaman
mo ang paksa ng kwentuhan.
C. Kulang ang kapanagutan sa kilos na ginawa mo sapagkat nais mo lamang makinig sa
kwentuhan.
D. Walang tamang sagot.

28. Ano ang mabuting hakbang na gagawin sa sitwasyong #27 upang ang kilos ay hindi mapanagutan.
A. Isusumbong ko sa taong kina-uukulan ang ginagawa nila upang matigil sila sa tsismisan.
B. Sisigaw ako ng malakas upang magulat silang lahat at magkalasan sa grupo.
C. Isasara ko ang pinto ng classroom upang walang ng iba pang makapasok at makilahok sa
kwentuhan.
D. Ang simpleng kilos ng pagkarinig ay kilos ng tao at hindi sinadya kaya hindi na ako lalapit upang
alamin ang buong detalye at makihalubilo sa usapan.

29. Bakit kailangan na maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos?
A. Sapagkat ang kilos ng tao ay maaaring maging isyung moral o etikal.
B. Sapagkat ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa.
C. Sapagkat ang kilos na ito ay ginagawa nang may pagpipili o kalayaan sa pagpasya.
D. Wala sa nabanggit.

30. Kinabukasan na ang takdang araw ng inyong class report subalit nagkasakit ang inyong lider kaya
hindi siya makakapasok sa klase. Nasa kanya ang inyong visual aid na gagamitin sa pag-uulat. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Hindi rin ako papasok sa klase upang hindi mapagalitan ng guro.
B. Sasabihin sa guro na absent ang lider at nasa kanya ang visual aid.
C. Kakausapin ang grupo at gagawa uli ng visual aid upang mayroong magamit sa pag-uulat at
nang hindi maantala ang daloy ng talakayan.
D. Iaasa sa iba dahil hindi naman sa akin na-assign ang paggawa ng visual aid.

Prepared by: Reviewed by:


CHI-A T. SUMANOY, SST-III DELIA L. ROYO, SST-III
EsP 10 Subject Chairman EsP-10 Subject Specialist

Noted by: APPROVED:


AMELITA M. AQUINO, SSHT-V RUEL T. GABOR, PhD.
Department Head Principal IV

ANSWER KEY

1. A

2. D

3. C

4. C

5. C
6. D

7. D

8. C

9. A

10. A

11. B

12. B

13. B

14. A

15. B

16. A

17. D

18. C

19. D

20. A

21. A

22. B

23. B

24. C

25. A

26. B

27. B

28. D

29. A

30. C

You might also like