You are on page 1of 2

ANAHAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Anahawan, Bato ,Leyte

IKATLONG MARKAHANG PASULIT SA EsP 10

Pangalan :__________________________Grado-Pangkat :____________ Petsa:_________ Iskor_____

I. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto : Piliin ang tamang sagot . Isulat ang mga sagot sa mga patlang bago ang bilang. Malalaking titik lamang ang
gamitin sa pagsulat ng inyong mga sagot.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang “ ina ‘’ ng mga birtud ?


A. Prudentia B. Katarungan C. Kahinahunan D. Katapangan
_____2. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan ?
A. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis C. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
B. Si Abby na ayaw maglakad sa madilim na kalye D. Si Marie na nahihiyang mag -ulat sa harap ng klase
_____3. ‘’Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga .Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan’’.
Ang pahayag na ito ay :
A. Tama , dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng napakaraming mayroon siya.
B. Tama , dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
C. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit walang kasama.
D. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kanya.
_____4. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng katarungan bilang birtud ?
A. Isang guro na pumapasok nang maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase.
B. Isang mag-aaral na itinuturing ang pag-aaral na huli sa kanyang mga prayoridad sa buhay.
C. Isang ama na ibinibigay ang kaniyang buong lakas at oras upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
D. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos ang gawain bago umuwi ng bahay.
_____5. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng isang tao , ano ang kanyang pamantayan sa kaniyang mga kilos ?
A. Kumikilos ng malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
B. Ginagamit ang talino at tamang katuwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon.
C. Mahinahon sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin.
D. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kaniyang kapuwa.
_____6. Paano napatitingkad ng maingat na paghuhusga ang kabutihan ng tao.?
A. Kapag maingat ang paghuhusga sa mga pamimilian ,nakagagawa ang tao ng mabuti at tamang pagpapasiya na nagdidikta
ng makataong kilos.
B. Kung maingat ang tao sa paghuhusga ng kaniyang kapuwa,naiiwasan ang pagbibintang at maling pagpaparatang.
C. Kung may maingat na paghuhusga ,napangangalagaan ang reputasyon nating lahat lalo na sa mga may kasalanan.
D. Kung maingat ang paghuhusga magkakaroon ng katarungan, kalayaan ,at kapayapaan sa sangkatauhan.
_____7. ‘’ Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga ‘’.Ano ang kahulugan ng pahayang na ito ?
A. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasiya na makasasama sa ating sarili.
B. Ang maingat na paghuhsga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasya na mangangalaga sa kapakanan ng tao.
C. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat na pagpapasya.
D. Nagiging ganap ang pagpapakatao kapag hindi nanghuhusga ng kapuwa kahit may matibay na katibayan.
_____8. Paano inilarawan ni Bernard Haring , ang maingat na paghuhusga ?
A. Wings of Love B. Eyes of Love C.Pledge of Love D. Puppy Love
_____9. Ang maingat na paghuhusga ay tinatawag na ‘’ karunungang praktikal ‘’na ang ibig sabihin ay isinasagawang karunungan.
Kaninong akda ito ?
A. Pieper B. Keenan C. Aristotle D. Isaacs
_____10.Bakit tinatawag na ‘’ina ng mga birtud ‘’ ang prudentia ?
A. Dahil mas mataas ang halaga nito sa ibang birtud .
B. Ito ang sagot sa pagpili sa dalawang dulo ng pagpipilian .
C. Hindi kailangan ang ibang birtud sa pagbuo ng mabuting pasiya.
D. Nailalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili.
_____11. Mga naghahatakang puwersa sa buhay na kailangang tugunan.
A. Hamon B. Tungkulin C. Problema D. Takot
_____12. Babala ng ating utak na ingatan ang sarili .
A. Problema B. Hamon C. Takot D. Lahat ng nabanggit
_____13. Pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
A. Takot B. Hamon C. Karuwagan D. Kahinahunan
_____14. Alin sa mga sumusunod ang nagiging dahilan kung bakit marami ang nalalagay sa peligro sa panahon ng kalamidad ?
A. May saloobin na ‘’ bahala na ‘’
B. May saloobin na ‘’ hindi iyon mangyayari sa amin ‘’.
C. May ginagawang paghahanda ngunit hindi angkop.
D. Lahat ng nabanggit
_____15. Ano ang angkop gawin kung nagtawag na ng paglikas dahil sa maaaring pagtaas ng baha ?
A. Matakot B. Tumugon C. Maduwag D. Bahala na !
_____16. Ang tawag sa paglalapat ng mga kakailanganin ng labas at ng maibibigay ng loob .
A. Kahinahunan B. Hamon C. Takot D. Pag-aangkop
_____17. Ang tawag sa saloobin na ayon sa angkop.
A. Kahinahunan B. Pag-aangkop C. Karuwagan D. Lahat ng nabanggit
_____18. Ang paggawa ng hindi ayon sa angkop ay nagbubunga ng _________________.
A. Takot B. Problema C. Pagkasira D. Kalamidad
_____19. Alin sa mga sumusunod ang maaaring masira kapag gumagawa ang tao ng hakbang na hindi angkop ?
A. Sarili B. Kapuwa C. Kapaligiran D. Lahat ng nabanggit
_____20. Ang salitang bisaya na ‘’ Magtarung gyud ka ‘’ ay nangangahulugang ___________?
A. Umayos B. Magmatino C. Magpakabuti D. Lahat ng nabanggit
_____21. Ang katapangan , kahinahunan , at katarungan ay mga ________________.
A. Kilos B. Birtud C. Tungkulin D. Lahat ng nabanggit
_____22. Ang kilos ng pag-aangkop sa pamimili ay tinatawag na ___________________-.
A. Prudentia B. Foresight C. Birtud D. Makatarungan
_____23. Iniaangkop ang natutuhan ng isip sa mga pang -araw-araw na gawain.
A. Karunungang Praktikal B. Isinasagawang karunungan C. Practical wisdom D. Lahat ng nabanggit
_____24. Paninimbang sa mga nakalatag na kondisyon ng sitwasyon at pag -aangkop ng mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito.
A. Kilos ng pamimili B. Maingat na paghuhusga C. Karunungang praktikal D. Pag -aangkop
_____25. Ano ang kahulugan ng ‘’pater ‘’na pinagmulan ng salitang patriyotismo ?
A. Katatagan B. Kabayanihan C. Pinagbasehan D. Pinagmulan
_____26. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan ?
A. Pagiging tapat sa sarili , sa kapuwa ,sa gawain ,at sa lahat ng pagkakataon
B. Pag -awit ng pambansang awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap na makamit ang mga panagarap para guminhawa ang sariling pamilya.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin sa bansa.
_____27. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.
A. Kahihinatnan B. Sirkumstansiya C. Paraan D. Layunin
_____28. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang humahalimbawa sa sirkumstansiyang ‘SAAN’?
A. Nagnakaw si Kris sa kapitbahay na nasunugan
B. Ginahasa ni Ador ang kaniyang bunsong anak.
C. Nakipagtalik si Bornok sa loob mismo ng simbahan.
D. Lahat ng nabanggit
_____29. Ang mga sumusunod ay mga sirkumstansiya maliban sa ____________.
A. Sino B. Ano C. Saan D. Magkano
_____30. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Emmanuel Kant ?
A. Ang mabuting bunga ng kilos
B. Ang layunin ng isang mabuting tao
C. Ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
D. Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos.
_____31. Ayon kay Max Scheler , alin sa mga sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay ,gawi , at kilos ?
A. Isip B. Damdamin C. Kilos-loob D. Saloobin
_____32. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin ?
A. Ang pagbibigay ng regalo tuwing pasko
B. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit
C. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan
D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
_____33. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag -aral ?
A. Ang pad-aaral ay sagot sa kahirapan
B. Ang pag-aaral ay para sa nagnanais yumaman
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas ng katotohanan.
D. Ang pag -aaral ay para sa mga matatalino lamang.
_____34. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigang panlahat ang pangongopya ?
A. Hindi ito patas sa mga nag -aaral ng mabuti
B. Hindi ito katanggap-tangap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral , pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay
_____35. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos . Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan karin nila
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag ng tungkulin
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama .
_____36. ‘’ Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin.’’ Ang pahayag na ito ay pananaw ni __________________?
A. Confucius B. Max Scheler C. Immanuel Kant D. Sto. Tomas de Aquino
_____37. Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon ?
A. Paninindigan B. Hilig C. Kautusan
D. Batas
_____38. Isang pantas na nagtaguyod sa ‘’Gintong Aral ‘’
A. Sto. Tomas de Aquino B. Immanuel Kant C. Confucius D. Max Scheler
_____39. Dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino .
A. Isip at kilos -loob C. Paghuhusga at pagpili
B. Intensiyon at layunin D. Sanhi at bunga
_____40. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasya ang tao ?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay
B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pamimili GOOD LUCK & GOD BLESS !!!
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

You might also like