Professional Documents
Culture Documents
Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC
Gawaing Pampagkatuto
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
I. Panimula
Subalit higit sa pagmamahal natin sa mga taong malapit sa atin, may mas dakilang
pagmamahal pa na ating dapat taglayin at isabuhay. Ito ay ang pagmamahal na ating dapat iukol
sa Diyos.
Sinasabing ang Diyos ay Pag-ibig kaya nararapat lang na ating taglayin ang pagmamahal sa
Diyos bilang isa sa sentro ng ating buhay. Subalit paano nga ba natin maipapakita ang pagmamahal
sa Diyos ? Ano-ano ang mga kaparaanan na maaari nating gawin upang maipakita ang
pagmamahal sa Diyos ?
IV. Pagtalakay
Ang tao ay natatanging nilikha sapagkat hindi lamang siya nilalang na pinagkalooban ng isip
at kilos-loob subalit nagtataglay rin siya ng kakayahang makaramdam at ipadama ito. Ang
pagmamahal ang pinakamahalaga at pinakamagandang ekspresiyon na kayang ipakita at
iparamdam ng tao sa kanyang kapuwa.
Sinasabing ang tao ang pinakamagandang nilikha ng Diyos dahil hindi lamang nilikha ang tao
batay sa “wangis ng Diyos” ngunit nilikha Niya tayo buhat sa kanyang pag-ibig. Kaya marapat lamang
na magkaroon tayo ng pagmamahal sa Diyos sapagakat kung hindi sa kanyang pag-ibig ay wala
tayo sa mundong ito.
Subalit paano nga ba natin maipapakita ang pagmamahal sa Diyos? Ang pagmamahal ay
espirituwal at upang ito ay maipakita o maipadama kailangan natin itong lapatan ng paggawa. Ito
ang dahilan kung bakit ang tao ay pinagkalooban ng isip, talino at kilos-loob na kanyang magagamit
upang maisakatuparan ang kaniyang misyon sa buhay – ang paglingkuran at mahalin ang Diyos.
Paano naman maisasagawa ang pagmamahal sa Diyos? Upang ito ay maisakatuparan
kinakailangan ng tao ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay siyang pananalig sa Diyos at
nagpapataas ng espirituwalidad ng tao. Ang mataas ng espirituwalidad sa pamamagitan ng
pananampalataya ang nagpapatibay ng ugnayan sa Diyos. Kung matibay ang kaugnayan ng tao sa
Diyos tunay ngang naipapakita niya ang pagmamahal sa Dakilang Lumikha.
Upang mapatibay ng isang tao ang kaniyang pananampalataya at maipakita ang
pagmamahal sa Diyos narito ang ilang kaparaanan na maaaring gawin:
• Panalangin – ito ang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos. Sa pananalangin, napupuri at
napasasalamatan ng tao ang Diyos sa lahat ng kabutihan na kaniyang natanggap. Sa
pananalangin rin nahihingi ng tao sa Diyos ang kaniyang mga pangangailangan sa buhay.
• Pagninilay – ito ay paglalaan ng tao ng panahon sa sarili upang isipin ang mga bagay na
kanyang nagawa sa mga nakalipas na panahon. Dito nababatid ng tao kung ang kanyang
buhay ay nasa landas pa ng katwiran o papalayo na sa Diyos at dahil dito nakagagawa siya
ng hakbang upang ituwid ang kaniyang landas ng pamumuhay.
• Pagmamahal sa Kapuwa – hindi masasabi ng tao na minamahal niya ang Diyos kung hindi
naman niya marunong mahalin ang kaniyang kapuwa. Paano mo mamahalin ang Diyos na
hindi mo nakikita kung ang taong nakakasalamuha mo araw-araw ay hindi mo minamahal?
Bilang paglalahat, mahalaga na mahubog sa tao ang pagmamahal sa Diyos. Ito ay sapagkat
Siya ang lumikha sa atin at may-ari ng ating buhay. Sa araw-araw Siya ang nag-iingat sa atin at
naglalayo sa mga panganib. Kaya marapat lamang na Siya ay ating mahalin sa pamamagitan ng
pagpapalago ng ating espirituwalidad at pananampalataya upang mapatatag ang ating ugnayan
sa Diyos.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang salitang TAMA kung wasto
ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi wasto.
________1. Ang tao ay nilikha dahil sa pag-ibig ng Diyos.
________2. Ang pagmamahal sa kapuwa ay pagpapakita ng pagmamahal
sa Diyos.
________3. Hindi kailangan ng paggawa upang maipakita ang pagmamahal
sa Diyos.
_______4. Madaling maipakita ang pagmamahal sapagkat ito ay nasa
anyong espirituwal.
________5. Marapat lang na mahalin ang Diyos sapagkat sa Kaniya nangga-
galing ang ating buhay.
1. Diyos
2. Pagmamahal
3. Pananampalataya
4. Espirituwal
5. Tao
VI. Pagsusulit
1. Ang tao ay natatanging nilikha dahil bukod sa ginawa siya sa “wangis ng Diyos” siya ay
__________.
a. pinagkalooban ng isip at kilos-loob
b. siya ang pinakamagandang nilikha ng Diyos
c. binigay sa kaniya ang mundo upang pamahalaan
d. mayroon siyang kakayahang lumikha ng mga bagay
2. Mahalaga na matuto ang isang tao na manalangin sapagkat __________.
a. tungkulin niya na gawin ito
b. paraan ito ng pakikipag-usap ng tao sa Diyos
c. kahiya-hiya kapag hindi siya marunong manalangin
d. aalisin siya sa relihiyong kinabibilangan kapag hindi siya natuto
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbibigay papuri sa Diyos?
a. pag-aaral ng Salita ng Diyos
b. pagmamahal sa Kapuwa
c. pagsamba
d. pagninilay
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya?
a. pagpapakita ito ng pagmamahal sa kapuwa
b. natatangi ito sa tao bilang nilikha ng Diyos
c. nagpapatatag ito ng ugnayan sa Diyos
d. kailangan ito upang mabuhay ang tao
5. Bakit mahalaga na maipakita natin ang pagmamahal sa Diyos?
a. siya ang nagliligtas at palaging nag-iingat sa atin
b. siya ang may-ari ng ating buhay
c. siya ang lumikha sa atin
d. lahat ng nabanggit
VII. Pangwakas
Panuto: Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na talahanayan) na
nagpapakita ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos para sa susunod na isang linggo.
a. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos.
b. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa.
c. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagbigay
ng payo o komento sa iyong ginawa. Anyayahan sila na ito ay lagdaan.
LUNES
MARTES
MIYEKULES
HUWEBES
BIYERNES
SABADO
LINGGO
I. Panimula
IV. Pagtalakay
Narinig mo na ba ang kasabihang “no man is an island”. Alam mo ba ang kahulugan nito? Ang
katagang ito ay nangangahulugang walang tao sa mundo ang mabubuhay ng mag-isa. Kailangan
ng tao ang makakasama upang siya ay manatiling buhay. Kaya napakahalaga sa isang tao na
magkaroon siyang mabuting pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa-tao. Upang ito ay mangyari
kailangang magpakita ang isa tao ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang kapuwa.
Ang tao ay isang panlipunang nilalang, ibig sabihin kinakailangan at nararapat niyang
mamuhay kasama ang kapuwa-tao niya upang siya ay umunlad. Ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan at pagmamahal sa kapuwa ay isang mahalagang bagay. Sa paglalakbay ng tao sa mundo,
dalawang bagay ang kailangan niyang tandaan, una, ang paglalakbay kasama ang Diyos, at
pangalawa, ang paglalakbay kasama ang kapuwa.
“Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa kautusan?” Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang
pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.’’
(Mateo. 22:36-40).
Mula sa bersong ito ating masasabi na napakahalaga na magkaroon ang tao ng
pagmamahal sa kaniyang kapuwa sapagkat ito ay pagpapatunay ng pagmamahal ng tao sa Diyos.
Madali sa isang tao na mahalin ang kaniyang sarili sapagkat tayo ang direktang nakikinabang sa
anumang mabuting bagay na ating ginawa para sa ating kapakanan. Subalit dahil sa sobrang
pagmamahal sa sarili nalilimutan ng iba na magmahal sa kanilang kapuwa at ang namamayani ay
ang pagiging makasarili.
Paano ba natin maipapakita ang pagmamahal sa ating kapuwa? May dalawang simpleng
paraan upang ito ay magawa. Una, magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa. Ito ay
maipapakita sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap at pakikitungo sa iyong kapuwa. At
pangalawa, ang pagbabahagi ng iyong sarili sa kapuwa. Ito ay tumutukoy sa pagbabahagi o
paglalaan ng iyong oras, kakayahan, at tinatangkilik sa iyong kapuwa lalo na sa panahong siya ay
nangangailangan nito nang walang hinihinging kapalit.
Ayon kay C.S. Lewis, mayroong Apat na Uri ng Pagmamahal sa Kapuwa:
• Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring
sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
• Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan
sila ay magkakaugnay.
• Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng
kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na
nais ng isang tao.
• Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang
kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at
pagkakasala ng tao dahil ang tao ay mahalaga sa Kaniya.
Ang pagmamahal sa kapuwa ay mahalaga sapagkat kailangan ng tao ang kaniyang kapuwa
upang manatiling buhay at umunlad. Ang pagmamahal sa kapuwa ay katunayan ng pagmamahal
natin sa Diyos, hindi masasabi ng isang tao na minamahal niya ang Diyos kung hindi niya alam ibigin
ang kaniyang kapwa. Gaya ng nakasulat sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay
hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?”
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang salitang TAMA kung wasto
ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi wasto.
A. 2. Panuto. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag ng hindi bababa sa limang pangugusap. (5
puntos)
“Until people learn to love others more than they love to hate others, not much will change in this
world”
---Rob Liano
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VI. Pagsusulit
Panuto. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Tawag sa uri ng pagmamahal sa kapuwa na nakasentro sa pakikipagkaibigan.
a. Affection b. Agape
c. Philia d. Eros
2. Ito ay pagmamahal sa kapuwa na walang hinihinging kapalit.
a. Affection b. Agape
c. Philia d. Eros
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa?
a. pagpapakopya sa iyong kaklase na hindi alam ang sagot sa pagsusulit
b. pagtulong sa iyong kaibigan na gantihan ang kaniyang nakaaway
c. pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad
d. pagtulong sa iyong kapuwa nang may hinihinging kapalit
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakasimpleng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa?
a. palagiang pagbibigay ng donasyong pagkain, damit, at salapi sa mga charity groups
upang ipamahagi sa nangangailangan.
b. pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng maayos na
pakikipagusap at pakikitungo.
c. pagbibigay ng mamahaling regalo sa iyong kaibigan sa tuwing sumasapit ang kaniyang
kaarawan
d. pagbo-bolontaryo at pagtulong sa mga rescue operations sa inyong lugar tuwing may
kalamidad.
5. Bakit mahalaga na magkaroon nang mabuting ugnayan sa kapuwa?
a. kailangan ng tao ang kaniyang kapuwa upang mabuhay
b. ang pagmamahal sa kapuwa ay pag-ibig sa Diyos
c. ito ay nakakatulong upang ang tao ay umunlad
d. lahat ng nabanggit
VII. Pangwakas
Panuto: Sumulat ng bukas na liham na nagpapahayag ng pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, at sa
kapuwa. Isulat ang liham sa malinis na papel.
I. Panimula
Mula nang ipanganak ang tao, isa na sa naging prayoridad niya ang pangangalaga at
pagpapanatili ng kaniyang buhay. Sa paglalakbay ng tao sa mundo, isa sa dahilan ng kaniyang
pagsisikap upang mapaunlad ang sarili ay para matustusan ang kaniyang mga pangangailangan sa
buhay.
Ang buhay ng tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos at pagpapasiya. Ang Diyos ang nagbigay
sa tao ng buhay kaya marapat lamang na ito ay pahalagahan ng tao at gawin ang mga bagay na
tama at mabuti. Subalit may mga pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na
maglalagay ng panganib sa kaniyang buhay. Ito ay nagreresulta sa paglabag sa paggalang sa
buhay.
Sa gawaing pampagkatuto na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng paggalang sa buhay at
iisa-isahin ang mga isyu ng paglabag sa paggalang sa buhay.
• Pagpapatiwakal o Suicide – ito ay paraan ng pagkitil ng sariling buhay ng isang tao. Maraming
dahilan na ibinigay kung bakit pinipili o ginugusto ng isang tao na wakasan ang kaniyang buhay
sa mundo. Una, dahil sa depresiyon na kanilang nararanasan dahil sa mga kabiguan o mga
pagsubok na sa tingin nila ay hindi nila kayang malampasan. At pangalawa, nawawalan sila ng
pag-asa sa buhay at itinuturing ang sarili na isang kabiguan. Sa mga pagkakataong ito na may
napapansin tayo na taong malapit sa atin na dumadaan sa ganitong kalagayan, mainam na
atin silang kausapin at samahan. Ang pagpapakita at pagpaparamdam na hindi sila nag-iisa at
may susuporta sa kanila ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang ganitong mga
pangyayari ng pagpapatiwakal ng isang tao.
Ang buhay ay mahalaga, kung paanong minamahal natin ang ating kapuwa nararapat lamang
na mahalin din natin ang ating sariling buhay. Kailangang nating isa-isip na tayo ay nilikha batay sa
wangis ng Diyos at ang ating buhay ay nagmula sa Kaniya. Kaya marapat lamang na ang buhay na
ating taglay ay igalang at pahalagahan.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. Panuto. Hanapin sa “word hunt” ang mga salitang isinasaad ng bawat bilang batay sa paksang
pinag-aralan. Isulat ang sagot sa patlang.
A. 2. Panuto. Pangatwiranan ang pahayag ng hindi bababa sa limang pangungusap. (10 puntos)
Sang-ayon ka ba sa katuwiran ng ilan na “You Only Live Once” kaya ginagawa na nila ang mga
bagay na gusto nilang gawin mabuti man ito o masama? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
RUBRIK SA GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nilalaman (Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakalahad) 5
Presentasyon (Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga
3
ideya)
Wastong Baybay at Bantas (Tama ang pagkakabaybay at paggamit ng mga
2
bantas)
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
VI. Pagsusulit
Panuto. Bilugan ang titik ng pinaka angkop na sagot.
1. Isa sa uri ng Euthanasia kung saan itinitigil ang pagbibigay ng gamot o medical na serbisyo
gaya ng pagpapahinto ng makina na siyang nagpapanatili na lamang na buhay ang isang
tao.
a. active euthanasia
b. passive euthanasia
c. proactive euthanasia
d. reactive euthanasia
2. Sinasabing pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ang nalululong sa paggamit
ng ipinagbabawal na gamot.
a. Impluwensiya ng pamilya
b. Drug Education
c. Peer Pressure
d. Depresiyon
3. Batay sa pag-aaral, sila ang mas nanganganib na magkasakit dahil sa nalalanghap na usok
mula sa naninigarilyo.
a. Firsthand smoker
b. Secondhand smoker
c. Thirdhand smoker
d. Fourth-hand smoker
4. Ang mga sumusunod ay kaparaanan na maaaring gawin upang ilayo ang isang tao na gawin
pagpapatiwakal o suicide maliban sa:
a. Pakikipag-usap
b. Pagpapatibay at pagbibigay suporta
c. Pagpaparamdam na hindi sila nag-iisa
d. Pagsasabi ng negatibong bagay tungkol sa suicide
5. Ang mga sumusunod ay kaparaanan ng pangangalaga sa buhay maliban sa:
a. Pag-eehersisyo
b. Tamang oras ng pagtulong sa gabi
c. Pagkonsumo ng masustansiyang pagkain
d. Paggamit ng gadgets hanggang madaling araw
VII. Pangwakas
Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart gumawa ng repleksiyon sa mga konseptong napag-aralan sa paksa na
paggalang sa buhay. (10 puntos)
RUBRIK SA GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nilalaman (Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakalahad) 5
Presentasyon (Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga
3
ideya)
Wastong Baybay at Bantas (Tama ang pagkakabaybay at paggamit ng mga
2
bantas)
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
I. Panimula
“Live life to the fullest” madalas nating naririnig ang katagang ito. “Maikli lamang ang buhay
kaya gamitin natin ito sa mga bagay na makakapagpasaya sa atin”. Ito ang madalas na argumento
ng mga tao upang bigyang katuwiran ang kanilang mga gawain. Bagamat ang tao ay malaya na
gawin ang mga bagay na gusto niya, subalit ang mga ito ay may limitasyon.
May mga pagkakataon na dahil sa kagustuhan ng isang tao na gamitin ang kaniyang buhay
sa mga bagay na sa tingin niya ay makakapagpasaya sa kaniya nalilimutan na niya na igalang ang
buhay. Natalakay sa nakaraan ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. Ang mga ito ay itinuturing
na imoral at isyung panlipunan kaya kailangang iwasan ang mga ganitong gawain. Ang buhay ay
biyayang bigay sa atin ng Diyos. Ito ay Sagrado at Banal kaya nararapat lang na ito ay ating ingatan
at igalang.
Sa gawaing pampagkatuto na ito, tatalakayin kung bakit nga ba kailangang ingatan at
igalang ang buhay ng tao at ano-ano ang mga posisyon na inilalahad ukol sa paggalang at
pagpapahalaga sa buhay.
IV. Pagtalakay
Ang buhay ay isang regalo na mula sa Diyos. Dahil ito ay naggaling sa Diyos, ang tao ay dapat
ituring ang buhay bilang Banal at Sagrado kaya ito ay kailangang ingatan at igalang. Maliban sa
buhay, ang tao ay binigyan ng Diyos ng isip at kilos-loob upang malaya niyang piliin ang mga bagay
na makabubuti at makatutulong sa kaniya upang mapadali at mapabuti ang kaniyang buhay. Subalit
sa paglipas ng panahon at sa pagbabago ng uri ng pamumuhay ng tao, unti-unti ring nagkaroon ng
pagbabago ang pagtingin ng tao sa kaniyang buhay. Hindi na ito kinilala bilang banal at sagrado.
Nawalan ang tao ng paggalang sa buhay na naging sanhi ng paglaganap ng imoralidad at pag-
abuso sa buhay.
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang iba’t-ibang uri ng paglabag sa paggalang sa buhay ng tao.
Ang mga ito ay tinukoy bilang mga isyu na may kinalaman sa moral at isyung panlipunan sapagkat
ang pagsasagawa ng mga ito ay may epekto hindi lamang sa buhay ng taong gumagawa nito subalit
sa lipunan na kaniyang kinabibilangan. Ang mga isyu ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot,
alkoholismo at paninigarilyo, aborsiyon, euthanasia at pagpapatiwakal ang ilan lamang sa mga isyu ng
paglabag sa paggalang sa buhay.
Ang isyu ng aborsiyon ang isa sa mga pangunahing isyung may kinalaman sa paggalang sa
buhay. Ito ay isyung hindi lamang lumalabag sa moralidad at panlipunan kundi maging sa isyu ng
paglabag sa dignidad ng tao. May dalawang magkaibang posisyon na inilatag patungkol sa
pagbabawal at pagpapahintulot ng aborsyon: ang Pro-life at Pro-choice.
Pro-life. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na:
a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ito ay
nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay, na tuwirang
nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo.
b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina (halimbawa, hindi niya ginawa
ang tamang pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi nilalayong
pagbubuntis), dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito.
c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng
mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis.
d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay
maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.
e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag. Ang pagkitil sa
buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung
wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi wasto.
1. Buhay
2. Aborsiyon
3. Pro-life
4. Pro-choice
5. Dignidad ng tao
VI. Pagsusulit
Panuto. Bilugan ang titik ng pinaka angkop na sagot.
1. Sila ay pabor sa pagpapatupad o pagsasagawa ng aborsiyon gamit ang medikal na proseso.
a. pro-life
b. pro-choice
c. pro-creative
d. pro-creation
2. Sila ay naniniwala na ang fetus sa sinapupunan ng ina ay maituturing nang buhay na tao kaya
hindi ito maaaring ipalaglag o patayin.
a. pro-life
b. pro-choice
c. pro-creative
d. pro-creation
3. Ang mga sumusunod ay posisyon ng mga Pro-choice pagdating sa aborsiyon maliban sa:
a. ang aborsiyon ay isang ligtas na pamamaraan
b. maraming relihiyon ang kumokondena sa aborsiyon
c. ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao
d. ang batang ipinanganak bunga ng pang-aabuso sa ina ay nagsisilbing
tagapagpaalala sa masamang karanasan niya
4. Alin sa mga sumusnod na posisyon ang HINDI sinosoportahan ng mga Pro-life na may
kaugnayan sa aborsiyon
a. maraming relihiyon ang ipinagbabawal ang aborsiyon.
b. ang sanggol ay itinuturing ng tao sa oras ng paglilihi ng ina
c. ang bawat sanggol o bata ay may mahusay na potensiyal, kung ito ay ipalalaglag
inaalisan siya ng karapatang ipakita ang kaniyang kakayahan
d. kung ipagpatuloy ng ina ang pagbubuntis at pinili niya na iwan ang bata sa bahay
ampunan hindi kakayanin ng kapasidad nito ang mga batang dadalhin sa kanila.
5. Ang mga sumusunod ay mga kondisyon na kailangang isaalang-alang sa pagsasakilos ng
Prinsipyo ng Double Effect maliban sa:
a. ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti
b. ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang
pamamaraan
c. ang masamang epekto ay dapat na direktang nilayon ngunit bunga lamang ng
naunang kilos na may layuning mabuti
d. kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging
katanggap-tanggap ang masamang epekto
VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. (10 puntos bawat aytem)
RUBRIK SA GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nilalaman (Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakalahad) 5
Presentasyon (Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga
3
ideya)
Wastong Baybay at Bantas (Tama ang pagkakabaybay at paggamit ng mga
2
bantas)
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
I. Panimula
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung
wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi wasto.
VI. Pagsusulit
Panuto. Bilugan ang titik ng pinaka angkop na sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na depinisyon ng pagmamahal sa bayan?
a. tinatawag ding Patriyotismo
b. responsibilidad ng bawat mamamayan
c. pagkilala at pagsasabuhay ng mga simbolo ng pagkakakilanlan ng bansa
d. pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng adhikain sa ikauunlad ng bansa
2. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
a. pagtangkilik sa produktong banyaga
b. kahandaang ibuwis ang buhay para sa bayan
c. pagiging isang mabuting mamamayan ng bansa
d. pagsasabuhay ng mga kultura at tradisyon ng sariling bansa
3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang kultura at tradisyon ng mga Pilipino?
a. Filipino Time
b. colonial mentality
c. pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”
d. magarbong paghahanda sa tuwing may selebrasyon
4. Paano nawawala ang pagmamahal sa bayan ng isang mamamayan?
a. alam at isinasabuhay ang kultura at tradisyon
b. mas tinatangkilik ang mga produkto ng ibang bansa
c. kinikilala at iniingatan ang natatanging sining ng bansa
d. ginagalang ang mga simbolo ng pagkakakilanlan ng bayan
5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bayan?
a. Sining at Musika
b. Kultura at Tradisyon
c. Paniniwala at Relihiyon
d. Lahat ng nabanggit
VII. Pangwakas
Panuto: Sumulat ng liham para sa Inang Bayan/Bansa na naglalahad ng mga pangyayaring
nagaganap sa kasalukuyan na may kinalaman sa pagtataguyod ng pagmamahal sa bayan.
I. Panimula
IV. Pagtalakay
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga na maisakatuparan ng bawat isang mamamayan
sa lipunan. Ito ay ating reponsibilidad at tungkulin sa ating bansa. Ang pagpapakita ng pagmamahal
sa bayan ay tanda ng ating paggalang at pagrespeto sa ating sarili, sa ating kapuwa at sa ating
pagkakakilanlan. Ang mataas na antas ng pagmamahal sa bayan ay nakapagpataas ng moralidad
at dignidad bilang Pilipino.
Subalit may mga pagkakataon na nawawala ang pagmamahal sa bayan ng isang
mamamayan. Sa nakaraang aralin, ipinaliwanag sa inyo na ang pagbibigay importantansya sa
dayuhang kultura at sining ay malaki ang epekto sa pagkawala ng pagmamahal sa bayan ng
marami. Ngunit maliban dito, ang mas nakababahala ay hindi lamang ang pagkawala ng
pagmamahal sa bayan ang nalilimutan ng iilan kundi sinasadya ng iba na balewalain o hindi isabuhay
ang pagmamahal sa bayan. Ang mga ganitong gawain ang nagreresulta sa mga paglabag sa
pagmamahal sa Bayan.
Narito ang ilan sa mga gawain na nagpapakita ng paglabag sa pagmamahal sa Bayan na
umiiral sa lipunan:
• Hindi Pangangalaga sa Kapaligiran at Kalikasan – ang pagpapanatili ng kalinisan at
pangangalaga sa kalikasan ay may magandang idudulot sa ating lipunan at ito ang isa sa
pinakasimpleng paraan na maaaring gawin ng isang mamamayan upang ipakita ang
pagmamahal sa bayan. Subalit marami ang nakakalimot sa simpleng bagay na ito. Dahil sa
kapabayaan sa pagsisinop ng basura at hindi pagtatapon sa tamang lugar unti-unting
dumudumi ang kapaligiran. Ang walang habas na pagputol ng puno sa mga kabundukan na
hindi naman pinapalitan ay may masamang epekto sa ating kalikasan. Ito ay maaaring
magresulta ng mga sakuna at paglaganap ng sakit.
• Hindi Pagpapahalaga sa Sariling Kultura at Tradisyon – ang ating bansa ay mayaman sa iba’t-
ibang kultura at tradisyon. Subalit maraming mga kabataan sa kasalukuyan ang hindi pamilyar
sa mga ito. Ang simpleng pagmamano at paggamit ng “po” at “opo” sa mga nakatatandang
miyembro ng pamilya ay bihira nang makita sa mga kabataan ngayon. Ang ating mga
Pambansang Sagisag na simbolo ng ating pagka-Pilipino ay tila nakalimutan na rin ng mga ito
dahil sa pagkahumaling sa paggamit ng gadgets at panonood ng mga banyagang palabas.
• Hindi pagtangkilik sa Produktong Lokal – kagaya ng paglimot sa mga sining at kultura ng ating
bayan, tila hindi pinapansin ng ilan sa atin ang mga produktong “Tatak Pinoy”. Kung tatanungin
mo sila, lalo na ang mga kabataan ang isasagot lang nila ay dahil ayaw nila o dahil ang
paniniwala nila kapag gawa “lang” dito sa atin ay “lokal” o “madaling masira” at hindi
kagandahan . Ito ay mali! Sapagkat kung ikukumpara ito sa gawa ng ibang bansa ay hindi
nagkakalayo ang kalidad o mas higit pa ang produktong sariling atin. Sa kabila nito, marami pa
rin ang mas pinipili ang mga “imported” na produkto na galing sa ibang bansa. Ito ang
tinatawag na “colonial mentality” at unti-uting pumapatay sa pagmamahal sa bayan ng
marami.
• Paglabag sa Batas na Pinaiiral ng Pamahalaan – ang hindi pagsunod sa mga batas at
alituntunin ng pamahalaan o ng mga sangay nito mapa-pribado o publiko man ay paglabag
sa pagmamahal sa bayan. Ito ay sapagkat ang pamahalaan o gobyerno ang kumakatawan
sa isang bansa at bilang mamamayan nito kailangan mong sundin at igalang ang mga batas
na ipinatutupad ng pamahalaan dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
Bilang isang kabataan hindi marapat na makita sa inyo ang mga gawaing ito ng paglabag sa
pagmamahal sa Bayan. Sa halip ay isabuhay ninyo ang mga gawain na nagtataguyod ng
pagkakaisa, pagtutulungan, respeto, at pagmamahal sa bayan.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1. Panuto. Sagutan ang mga sumusunod. (10 puntos bawat aytem)
1. Bilang isang kabataan paano mo gagamitin ang sariling kultura at tradisyon upang mapaunlad ang
pagmamahal sa bayan?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
RUBRIK SA GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nilalaman (Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakalahad) 5
Presentasyon (Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga
3
ideya)
Wastong Baybay at Bantas (Tama ang pagkakabaybay at paggamit ng mga
2
bantas)
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
A. 2. Panuto. Ayusin ang jumbled letters upang matukoy ang konseptong nais ipahayag ng bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_________________1. Tawag sa mga produktong galing sa ibang bansa na mas tinatangkilik ng marami
kaysa lokal na produkto. (TODIPREM)
_________________2. Pang-aabuso sa karapatan at dignidad ng kapuwa na nagaganap sa mga social
media sites. (MEYRCIRBEC)
_________________3. Kaisipan ng mga Pilipino na mas mahusay ang produktong galing ng ibang bansa
kaysa sariling produkto. (LICOLANO YETIMNALT)
_________________4. Ang pagkahumaling dito ng mga kabataan ang isa sa sinsabing dahilan kung bakit
unti-unting nawawala ang pagmamahal sa bayan. (DETGAGS)
_________________5. Tawag sa hindi tamang pagpuputol ng puno sa mga kagubatan na nagiging sanhi
ng mga isyung pangkapaligiran. (GILELAL NOGLIGG)
B. 2. Panuto. Kumpletuhin ang tsart na nagsasaad ng mga kaparaanan kung paano maiiwasan ang
paglabag sa pagmamahal sa bayan.
Paglabag sa pagmamahal Paraan upang maiwasan Implikasyon /Resulta/
sa Bayan Kahalagahan
Hindi Pangangalaga sa
Kapaligiran at Kalikasan
Hindi Pagpapahalaga sa
Sariling Kultura at Tradisyon
Hindi pagtangkilik sa
Produktong Lokal
Paglabag sa Batas na
Pinaiiral ng Pamalahaan
Hindi Pagmamahal o
Kawalan ng Simpatiya sa
Kapuwa
RUBRIK SA GAWAIN
ISKOR
Pamantayan
Nilalaman (Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakalahad) 5
Presentasyon (Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga
3
ideya)
Wastong Baybay at Bantas (Tama ang pagkakabaybay at paggamit ng mga
2
bantas)
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
I. Panimula
IV. Pagtalakay
Ang pagmamahal sa Bayan ay isang tungkulin at responsibilidad na nakaugat sa ating
pagkamamamayan. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkaunawa natin sa mga kultura, tradisyon,
sining at paniniwala na umiiral sa ating lipunan kundi sa kung paano natin ito isasabuhay na
nagbibigay karangalan sa ating bansa.
Maipapakita rin ang pagmamahal sa bayan kung paano natin pakisamahan at tratuhin ang
ating kapuwa. Ang paggalang sa kanilang karapatan at dignidad ay isa sa palatandaan nito. Ang
pagiging tapat at patas sa lahat ng bagay na ating gagawin at ang pag-iwas sa paggawa ng mga
kilos na makasarili at mapang-lamang ay patunay ng pagmamahal sa bayan.
Sa 1987 Constitution, nakasaad sa Panimula (Preamble) nito ang mga pagpapahalagang
dapat gawin ng isang Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa Bayan.
• Pagpapahalaga sa Buhay – isang moral na obligasyon ang pagprotekta at pagpapanatili ng
buhay. Responsibilidad ng bawat isa na protektahan ang buhay dahil patunay ito ng
pagrespeto sa dignidad ng tao.
• Katotohanan- nakapaloob dito ang pagkakaroon at pagprotekta sa integridad at
paghahanap o pagtuklas ng kaalaman para sa ikauunlad ng lipunan.
• Pagmamahal at Pagmamalasakit sa Kapuwa – responsibilidad ng bawat isa ang magtulungan
at mahalin ang kapuwa. Ito ay ang pagtulong sa kapuwa ng walang hinihintay na kapalit.
• Pananampalataya – ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos ay hindi dapat naiwawaglit ng
bawat isa sa atin.
• Paggalang – ito ay maipamamalas sa pamamagitan ng pagrespeto at pagprotekta sa
dignidad ng tao.
• Katarungan – pagsisiguro na ang paggalang sa karapatan ay naibibigay sa isang tao nang
walang pagmamalabis o pandaraya.
• Kapayapaan – ito ay indikasiyon ng kabutihang panlahat na kakikitaan ng katahimikan,
kapanatagan at kawalang kaguluhan.
• Kaayusan – pagiging organisado ng ideya, salita at kilos upang mapabuti ang ugnayan sa
kapuwa, at pagiging disiplinado.
• Pagkalinga sa Pamilya at Salinlahi – pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya na siyang
pangunahing institusyon at pundasyon ng lipunan. Ito ang nagsisiguro ng pagpapatuloy ng
nakagisnang kultura, tradisyon at paniniwala ng lipunan.
• Kasipagan – kakayahang tapusin ng may kahusayan ang isang gawain ng may kasipagan at
ginagamitan ng talento at kakayahan.
• Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran – responsibilidad ng bawat isa na protektahan ang
kalikasan at kapaligiran sa anumang uri ng pagkasira at pang-aabuso.
• Pagkakaisa – pagtutulungan ng bawat mamamayan upang maabot ang layuning pag-unlad
ng lipunan.
• Kabayanihan – sinasagot ang katanungang: “Ano ang magagawa ko para sa Bayan at
Kapuwa?”
• Kalayaan – kakayahang gumawa at kumilos sa sariling pasiya ng hindi lumalabag sa batas na
pinaiiral.
• Pagsunod sa Batas – pagkilala, pakikibahagi at pagsasabuhay ng mga ipinasang batas upang
maipakita ang pagiging makataong lipunan.
• Pagsusulong ng Kabutihang Panlahat – sama-samang pagkilos sa layuning hindi lamang sa
ikabubuti ng sarili kundi para sa lahat.
Ayon kay Alex Lacson may mga simpleng bagay na maaari mong gawin bilang mamamayan
upang makatulong sa bansa:
• Mag-aral nang Mabuti – ang isang taong nakapag-aral ay malaki ang maitutulong sa pag-
unlad ng bansa dahil maaari niyang ilapat ang kaniyang napag-aralan upang solusyunan ang
mga suliraning panlipunan.
• Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga – pagsusulong ng kultura ng pagiging maagap
(culture of punctuality).
• Pumila nang Maayos – isa sa paraan ng pagpapakita ng disiplina lalo na sa mga pampublikong
lugar.
• Awitin ang Pambansang Awit nang may Paggalang at Dignidad – pinakasimpleng paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa Bayan ay isagawa nang maayos at buong puso ang pag-
awit ng Pambansang Awit.
• Maging Totoo at Tapat, Huwag Mangopya at Magpakopya – ang pag-iwas na mangopya at
pagpakopya ay pagsasabuhay ng katapatan.
• Magtipid ng Tubig, Magtanim ng Puno at Huwag Magtapon ng Basura kahit saan – ang
responsableng paggamit ng mga likas na yaman at pinagkukunang-yaman at ang pagsiguro
ng pangangalaga nito ang susi sa pagresolba sa mga isyung pangkapaligiran sa ating bansa.
• Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong – ang mga bisyo at aktibidad na masama
ang epekto sa katawan at kalusugan ay dapat iwasang gawin.
• Bumili ng Produktong Sariling Atin at Huwag Peke o Smuggled – ang pagtangkilik sa sariling
produkto ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa ating kapuwa Pilipino kundi sa pag-unlad
ng ekonomiya ng bansa.
• Kung Pwede nang Bumoto, Isagawa ito ng Tama – ang pagpili ng tamang pinuno ay dapat
gawin, hindi dapat ipagbili ang boto o ipagpalit sa pabor.
• Alagaan at Igalang ang Nakatatanda – ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa
nakatatanda at pangangalaga sa kanila ay responsibilidad natin na dapat isagawa bilang
mamamayan.
• Isama sa Panalangin ang Bansa at ang kapuwa Mamamayan – ang paghingi ng patnubay sa
Diyos at pananamapalataya sa Kaniya ng nagkakaisang mamamayan ay malaki ang
maitutulong sa pagpapabuti at pag-unlad ng bayan.
Kung ang mga kilos na ito ay ating maisabuhay bilang isang responsableng mamamayan,
ating napatutunayan na tayo ay kaisa sa pag-unlad ng bansa at sa pagmamahal sa bayan.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
Pulis/Sundalo
Medical Forntliners
Olympic Athletes
A. 2. Panuto. Punan ang patlang upang mabuo ang nais ipahayag ng bawat pangungusap.
1. Ang isang taong ____________________ ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bansa dahil
maaari niyang ilapat ang kaniyang napag-aralan upang solusyunan ang mga suliraning
panlipunan.
2. Ang paggamit ng ____________________ at ____________________ sa pakikipag-usap sa nakatatanda at
pangangalaga sa kanila ay responsibilidad natin na dapat isagawa bilang mamamayan.
3. Ang pagpili ng tamang pinuno ay dapat gawin, hindi dapat ipagbili ang ____________________ o
ipagpalit sa pabor.
4. Nakasaad sa Panimula o ____________________ ng 1987 Constitution ang mga pagpapahalagang
dapat gawin ng isang Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa Bayan.
5. Ang pinakasimpleng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Bayan ay isagawa ng maayos at
buong puso ang pag-awit ng ____________________.
6. Sa ____________________ nakapaloob ang pagkakaroon at pagprotekta sa integridad at
paghahanap o pagtuklas ng kaalaman para sa ikauunlad ng lipunan.
7. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa ating kapuwa
Pilipino kundi sa pag-unlad ng ____________________ ng bansa.
8. Ang paghingi ng patnubay sa ____________________ ay malaki ang maitutulong sa pagpapabuti at
pag-unlad ng bayan.
9. Ang pag-iwas na mangopya at pagpakopya ay pagsasabuhay ng ____________________.
10. Ang ____________________ ay kakayahang gumawa at kumilos sa sariling pasiya ng hindi lumalabag
sa batas na pinaiiral.
Pagkamalikhain 10
Kalinisan 5
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK (ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain
VI. Pagsusulit
Panuto. Bilugan ang titik ng pinaka angkop na sagot.
1. Tumutukoy sa pakikibahagi at pagkilala sa mga ipinasang batas para protektahan ang
arapatan ng mga mamamayan.
a. pagkalinga sa pamilya at salinlahi
b. pagsunod sa batas
c. kapayapaan
d. batas moral
2. Ito ay kakayahang tapusin ng may kahusayan ang isang gawain na ginagamitan ng talento at
kakayahan.
a. kasipagan
b. katarungan
c. katotohanan
d. kapayapaan
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagpapahalagang dapat isabuhay ng
mga Pilipino?
a. katarungan
b. kapayaraan
c. pagkamakasarili
d. pagiging magalang
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
a. pagbili at pagbebenta ng boto
b. pangongopya at pagpapakopya
c. pagtatanim ng puno at pagsinop sa kapaligiran
d. pagtangkilik ng mga peke at smuggled na produkto
5. Pagtutulungan ng bawat mamamayan upang maabot ang layuning pag-unlad ng lipunan.
a. pagmamahal at pagmamalasakit sa Kapuwa
b. pagpapahalaga sa buhay
c. pagkakaisa
d. paggalang
VII. Pangwakas
Panuto: Maghanap ng isang post sa social media (Facebook, Twitter, Instagram, etc.) ng isang sikat na
Pilipinong personalidad na nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa bayan. Gumawa ng reaction
paper sa kaniyang naging post. Gawing batayan sa reaction paper ang mga gabay na tanong:
a. Sa anong aspekto ng pagmamahal sa bayan ang nasabing post?
b. Paano ito nakatulong sa pag-unlad ng pagmamahal sa bayan?
c. Naganyak ba ang iyong damdamin sa pagmamahal sa bayan ng makita mo ang naging
post? Bakit/Bakit hindi?
VIII. Sanggunian
Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang (Modyul para sa
mga Mag-aaral). Batay sa K-12 Curriculum
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education – Region III Division of Mabalacat. Gawaing Pampagkatuto. Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Ikatlong Markahan.
Grupo ng Tagapaglinang