You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
STA. CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
Lipay, Sta. Cruz, Zambales
School ID: 307114
307114@deped.gov.ph

MASTERY TEST IN ESP 10


(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 1
Pangalan:_____________________________________ Grade/Section:_______________ Iskor:_____

Panuto: Tukuyin kung anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa


kapaligiran ang naipakita sa sumusunod na pangungusap. Gamitin ang mga isyung nasa loob ng kahon
bilang gabay sa pagsagot. Letra lamang ang iyong isusulat sa sagutang papel.

A. Maling pagtapon ng B. Polusyon ng Tubig C. Malabis at


basura mapanirang
pangingisda
D. Quarrying E. Ilegal na pagputol ng F. Polusyon ng Lupa
puno
G. Pagko-convert ng H. Global warming at I. Polusyon ng Hangin
lupang sakahan climate change
J. Pagkakaubos ng K. Ilegal na pagmimina L. Komersiyalismo at
natatanging species ng Urbanisasyon
hayop at halaman sa
kagubatan
M. Korapsyon N. Kickback O. Pakikipagsabwatan
P. Nepotismo Q. Bribery / Panunuhol

____1. Ang kanal sa Brgy. Sabangan ay nagbara dahil sa dahon at basurang nakakalat sa daan.
____2. Labintatlong minero ang nasawi sa loob ng minahan dahil mahigit na sa kapasidad ng bundok ang
kanilang nabutasan.
____3. Ang mga minero ay inatasang magmina ng higit sa 2,000 na kilo ng Iron, 10,000 kilo ng Copper,
5,000 kilo ng Aluminum at 1,000 kilo ng Gold dahil sa labis na demand para sa bagong iPhone 12.
____4. Dumadalas ang pagdating ng mga bagyo at irregular na pagbabago sa ating atmospera.
____5. Ang isang pangulo ay pumipili ng mga sekretarya ng bawat ahensiya dahil kamag-anak niya ang
mga ito.
____6. Nagbigay ng pera ang isang mayamang negosyante sa pulis kapalit ng pagsira ng ebidensya.
____7. Dahil sa Red Tide, maraming yamang-dagat ang natatagpuang patay sa tabing dagat.
____8. Makikita na 95% ng mga coral reef ng Pilipinas ay nasira.
____9. Tuwing tag-init, makikita na nabibiyak ang lupain sa kalsada.
____10. 10,894 ang namatay noong 2018 dahil sa Lung Cancer. Nakukuha ang Lung Cancer sa malabisang
paninigarilyo.
____11. Dahil kulang na ang sakahan ng bigas sa PIlipinas, napagpasyahan na tayo ay mag-iimport mula
sa ibang bansa.
____12. Nagkasundo ang Judge at ang prosecutor sa isang presyo upang maipanalo ang isang kaso.
____13. Nagpatong ang doctor ng tatlong daang piso kada SINOVAC vaccine na kaniyang ibubulsa.
____14. Napipilitang mag-migrate ang iba’t ibang uri ng hayop dahil sa sobrang daming basura sa isang
lugar.
____15. Ito ay ilegal na pondong ibinibigay sa isang opisyal kapalit ng ibang transaksyon.

1|Page
MASTERY TEST IN ESP 10
(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga awitin sa ibaba na may kaugnayan sa kapangyarihan at
kalikasan. Kung may internet, maari itong pakinggan sa YouTube. Sagutin ang mga tanong
upang masuri ang konteksto, nilalaman, at mensahe. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Kalikasan at Pag-ibig
Crystal Kayte Valdez
https://youtu.be/8Gn6_p63Noo
Ihip ng hangin sa akin sa akin dumarampi
Huni ng ibon na parang ako ay inaawitan may kapayapaan
Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin
Tanging dalangin wag sanang maglaho ang lahat ng ito

O kay sarap pagmasdan mga puno’t mga halaman


Mga bulaklak at makulay na kapaligiran
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan

Kalikasan, kayamanan
Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig

O kay bigat sa dibdib tao ay nagpabaya


Ang ganda nitong mundo unti-unting nabubura, nawawala
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan

Kalikasan, kayamanan
Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang

Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin


Tanging dalangin wag sanang maglaho
Sa silong ng langit ang obra ng Diyos na kanyang iniwan

Kalikasan, kayamanan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang

1. Para kanino nilikha o binuo angawitin?


2. Ano kaya ang dahilan bakit binuo ng kompositor ang awiting ito?
3. Anong linya sa awitin ang kumurot sa iyong puso sa pagiging isang
mamamayang Pilipino? Bakit?
4. Anong linya sa awitin ang nagpapakita ng problema na kinakaharap natin sa nakaraan
hanggang ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Bilang isang kabataang Pilipino, ano- anong hakbang ang kaya mong gawin upang
masolusyunan ang problemang napukaw sa awitin na isinulat mo sa bilang 4?
6. Magbigay ng isang pangungusap na adbokasiya ukol sa nabasang awitin o
napakinggan.

2|Page
MASTERY TEST IN ESP 10
(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 2

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng mga sumusunod.


_______1. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat sa
kalikasan na may kaakibat na pananagutan.
_______2. Lahat ng bagay sa mundo ay magkakaugnay.
_______3. Ang Sampung Utos para sa kapaligiran ay listahan ng mga dapat at hindi dapat
gawin sa pangangalaga sa kalikasan.
_______4. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na
may pagkakapantay-pantay.
_______5. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa kanyang wangis na tagapagdomina ng lahat ng
kanyang nilikha.
_______6. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay para sa modernisasyon at pag-unlad nito.
_______7. Binubuhay tayo ng kapaligiran.
_______8. Ang kalikasan ay isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
_______9. Makakamit ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung may paninindigan sa
tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
______10. Ang likas na yaman sa mundo ay hindi nauubos at walang hangganan.

MASTERY TEST IN ESP 10


(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 2
Panuto: Bilang pagpapakita ng ugnayan mo sa kalikasan, gumawa ng adbokasiya sa tamang paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran. Maging malikhain sa presentasyon. Maaari rin itong i-
send sa messenger o i-post sa facebook. Pumili ng isa sa sumusunod na pamamaraan:
1. Tula
2. Awit
3. Spoken Word Poetry
4. Technology Entertainment Design (TED) Talk
Rubrics para sa Adbokasiya
KRAYTIRYA 20 15 10
Komprehensibo Gumamit ng simple May 2-3 salita na May 4-5 o higit pang
ang ginawa ngunit malinaw na hindi maunawaan salita na hindi
mga salita. Maiksi ang tunay na maunawaan. Hindi
ngunit sapat. kahulugan. malinaw ang
Masyadong mahaba mensahe o
at maligoy. nilalaman
Tugma at malinaw Lahat ng isinulat ay May 1-2 isinulat na May 3 at higit pang
ang nilalaman sa tugma, malinaw at hindi tugma at may sinulat na hindi
paksa naipahayag ang kaunting kulang sa tugma, Hindi
damdamin paglalahad ng malinaw ang isinulat
damdamin
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang
pagkamalikhain pagkamalikhain sa pagkamalikhain pagkamalikhain sa
kabuuan ng ngunit hindi presentasyon
presentasyon at gaanong
tunay na nakapupukaw
nakapupukaw ng ng pansin.
pansin ang kabuuan
nito.
Kabuuan na puntos: 60

3|Page
MASTERY TEST IN ESP 10
(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa patlang ang tamang sago.
____1. Alin sa sumusunod na isyu ang HINDI kabilang sa mga isyung may kaugnayan sa sekswalidad?
a. Pagpapatiwakal b. Prostitusyon c. Pakikipagtalik bago ikasal d. Pornograpiya
____2. Si Lira ay 10 taong gulang. Palagi siyang binibigyan ng laruan at pagkain ng kanilang
matandang kapitbahay na may gulang na 55. Ginagawa ito ng matanda dahil sa lihim na
pagnanasa nito sa bata. Dahil nagpapakita ng motibo ng pagkagusto kay Lira, ang matanda ay
maituturing na ____________.
a. Exhibitionist b. Pedophile c. Sugar daddy d. Mapagkawanggawa
____3. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil sila ay tunay na nagmamahalan.
b. Mali, dahil wala pa sa hustong gulang.
c. Tama, dahil may kalayaan at karapatan silang maipahayag ang kanilang nararamdaman sa
bawat isa.
d. Mali, dahil bata pa sila at hindi pa kasal.
____4. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera. Ang
pahayag ay:
a. Tama, dahil ito ay easy money.
b. Mali, dahil maaari naming ibenta ang sarili kahit hindi matindi ang pangangailangan.
c. Tama, dahil ito na lamang ang tanging paraan upang kumita ng malaking halaga.
d. Mali, dahil nakapagpapababa ito ng dignidad at ang pakikipagtalik ay gampanin lamang ng
mag-asawa.
____5. Ang pansekswal na kakayahang kaloob ng Diyos ay tumutugon sa mga layuning ___.
a. magkaroon ng anak at pagkabuklod ng mag-asawa
b. makadama ng kasiyahan at magkaanak
c. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
d. maging independent at magkaroon ng sariling pamilya
____6. Ang mga sumusunod ay epekto ng pagkahumaling sa pornograpiya MALIBAN sa ________
a. nakapag-iiba ng asal ng tao
b. nagdudulot ng pang-aabuso sa sarili
c. nagpapakita ng pagrespeto tungo sa pakikipag-kapuwa
d. nagkakaroon ng hindi malusog na pakikipag-ugnayan sa asawa
____7. Ano ang marapat gawin ng kabataang tulad mo upang maging mabunga at mabuti ang
iyong pagpapasya at makaiwas sa pagkasangkot sa mga isyung moral tungkol sa sekswalidad?
a. Gawing pribado at sarilinin ang pinagdadaanan.
b. Kumunsulta lamang sa kasintahan dahil siya lamang ang makakaintindi na iyong pinagdadaanan.
c. Piliin lagi ang may mas mababang pagpapahalaga upang hindi magsisi sa gagawing
pagpapasya.
d. Maging bukas sa dinaranas na krisis at paligiran ang sarili ng mga mapagkakatiwalaang tao tulad
ng pamilya at kaibigan
____8. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa ___
a. Pre-marital sex c. Prostitusyon b. Pornograpiya d. Sexual abuse
____9. Masama bang maituturing na mali ang pagkasangkot ng tao sa prostitusyon?
a. Oo, dahil ito ay ilegal na gawain.
b. Hindi, dahil malayang pinili ito ng tao.
c. Hindi, dahil dito madaling kumita ng pera.
d. Oo, dahil ang katawan ng tao ay itinuturing na templo ng Banal na Espiritu marapat lang na ito ay
ituring na sagrado.

4|Page
____10. May problema sa pamilya ang iyong nobyo. Niyaya ka niyang makipagtalik dahil nais niyang
maramdaman ang iyong pagmamahal at upang maibsan ang lungkot at problema na kaniyang
nararamdaman. Ano ang iyong gagawin?
a. Aawayin siya dahil sa kanyang asal.
b. Papayag dahil nais mo siyang i-comfort.
c. Paliliwanagan siya na hindi iyon ang solusyon sa problema
d. Sasama at papayag sa gusto niya baka makipaghiwalay ito sa iyo

MASTERY TEST IN ESP 10


(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 3
Responsableng Kabataan Ako
Panuto:
1. Sa unang kolum ay nakasulat ang mga paniniwala o sitwasyon.
2. Sa ikalawang kolum ay ibigay ang iyong sariling interpretasyon o pananaw sa mga paniniwala o
sitwasyon.
3. Sa ikatlong kolum ay isulat kung paano mo ito maisasabuhay.

Ako ay isang mapanagutang kabataan kung kaya’t:

Mga Paniniwala Ang aking Interpretasyon Paraan ng Pagsasabuhay

1. Ang tao ay nilikha ng


Diyos ayon sa Kaniyang
wangis at tulad.

2. Ang aking katawan ay


templo ng Banal na
Espiritu at hindi isang
laruan.

3. Malaki ang aking


pananagutan sa aking
sarili.

4. Malaya ako sa
anomang gawain dahil
ako ang magpapasya sa
aking sarili.

5. Hindi ko sisirain ang


mabuting pagtingin sa
akin ng aking mga
magulang at ng ibang tao.

5|Page
Kraytirya 5 puntos 3 puntos walang puntos
Nagbigay ng sariling Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Hindi nakapagbigay ng
interpretasyon o malinaw na interpretasyon sa mga sariling interpretasyon
pananaw interpretasyon ng mga paniniwala o sitwasyon
paniniwala o sitwasyon
Naglahad ng paraan Nakapaglahad ng isang Nakapaglahad isang Hindi nakapagbigay ng
upang maisabuhay ang konkreto o isang paraan upang paraan upang
panaw makatotohanan na maisabuhay ang maisabuhay ang
paraan upang pananaw pananaw
maisabuhay ang
pananaw

MASTERY TEST IN ESP 10


(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 4
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad tungkol sa sekswalidad ng pahayag at MALI kung
hindi. Isulat sa patlang ang kasagutan.

_______1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti, malaya, at may kamalayan.


_______2. Nararapat na gamitin ng tao sa masama ang kaniyang kakayahang sekswal kabilang na ang
kaniyang katawan.
_______3. Ang tao ay may isip na magbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto at pumili
nang malaya.
_______4. Ang taong nahaharap sa maling paggamit ng kaniyang sekswalidad ay nagpapakita ng
paggalang sa kanyang dignidad at kapuwa.
_______5. Ang babae at lalaking pinagbuklod ng kasal lamang ang may layuning mapag-isa at
magkaroon ng anak.
_______6. Lahat ng tao ay may dignidad anoman ang kaniyang gulang, anyo, at antas ng kalinangan.
_______7. Ang tao ay malayang gamitin ang kaniyang sekswalidad nang may pananagutan at naaayon sa
mabuti.
_______8. Ang pagkakaroon ng dignidad ang nagbibigay sa tao ng karapatang umunlad nang hindi
nakasasakit ng iba.
_______9. Kung nais ng taong igalang siya ng kaniyang kapuwa, kailangang matuto rin siyang igalang
ang kaniyang sarili at kapuwa.
_______10. Ang sekswalidad ang nagdadala sa taong makamit at madama ang tunay na pagmamahal.

MASTERY TEST IN ESP 10


(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 4

Sagisag ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad

Panuto: Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa


aralin? Ipakita ito sa pamamagitan ng isang sagisag o simbolo.
Bumuo ng sariling sagisag na nagpapakita ng iyong pagkatuto
mula sa aralin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

6|Page
MASTERY TEST IN ESP 10
(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 5

I. Basahin at suriin ang dalawang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang LETRA ng tamang sagot sa sagutang
papel. Gamiting batayan ang nasa kahon.
A. Kung ang dalawang pahayag ay parehong tama (√, √)
B. Kung ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali (√, X)
C. Kung ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama (X, √)
D. Kung ang dalawang pahayag ay parehong mali (X, X)
_______1. A. Ikinuwento ng guro sa ibang tao ang lihim na ipinagtapat ng kaniyang estudyante.
B. Ipinakita ng guro sa ibang magulang ang report card ng isang mag-aaral na walang paalam.
_______2. A. Pagiging tapat sa salita ng miyembro ng isang organisasyon
B. Ang lahat ng usapan sa isang grupo o organisasyon ay kailangang maging pribado lalo na
kung ito ay para sa kapakanan ng bawat miyembro.
_______3. A. Pandaraya sa pagsusulit
B. Pagsasabi ng totoo sa magulang tungkol sa bagsak na marka
_______4. A. Paggamit ng pribadong dokumento nang may paalam ng gumawa
B. Pagsisiwalat ng katotohanan sa krimen na nasaksihan
_______5. A. Panonood ng pelikula sa mga sinehan
B. Pagbili ng mga piratang DVD
Hanap-Salita
Panuto: Hanapin ang mga salita o pahayag na binibigyang-kahulugan sa ibaba ng mga Halu Letra
na patungkol sa paksang tinalakay. Isulat din ang nahanap na sagot sa patlang bago ang bilang.
A G J E O M I D B E L K P A J
E N T R U S T E D S E C R E T
H I N G N C F D B P D N P D U
G L T P P R K U V L T A E J M
K A T O T O H A N A N T R O N
U G J O K T K H R G Q U N F E
M N A O B T B G I I Z R I F D
P U N X C U K D Z A A A C I I
H N O L E O X M R R P L I C A
D I U J K R S H V I U S O I B
G S A C S P Y E N S O E U O C
A I E Z D K D A L M T C S U L
I S D L I H I M B I E R L S U
W G E M A X R H M Z E E I L A
O A M Z H B C N I C T T E I O
E P R O M I S E D S E C R E T
_________________1. Ito ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo.
_________________2. Ito ang mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.
_________________3. Nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes
o kapakanan ng iba
_________________4. Ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral.
_________________5. Ito ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan.
_________________6. Ito ay ang uri ng kasinungalingan kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang. Ipinahahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
_________________7. Naging lihim bago nabunyag ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay
_________________8. Isang paglabag sa Intellectual Honesty. Ito ay maituturing na pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo.
_________________9. Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o ‘di kaya ay

7|Page
paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na
kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan.
_________________10. Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako
pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.

MASTERY TEST IN ESP 10


(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 5
Panuto: Ipaliwanag kung papaano mo maipakikita ang paggalang sa katotohanan kung ikaw ay
mahaharap sa mga sitwasyon na nasa kahon. 10 puntos bawat isa.

Sitwasyon: Ano ang iyong gagawin?


Si Jenny ay matalik mong
kaibigan. Nalaman mong
iginagawa niya ng mga
proyekto at takdang-aralin ang
ilan sa iyong kamag-aral kapalit
ay pera upang maipandagdag
sa baon niya araw-araw.

Sitwasyon: Ano ang iyong gagawin?


Nais mong magkaroon ng
sapatos kagaya ng sa kaklase
mo. Nang tingnan mo ang
presyo nito ay nasa limang libo.
Nalaman mong may
nagbebenta ng replika nito sa
mas murang halaga.

Sitwasyon: Ano ang iyong gagawin


Ikaw ang inatasan ng iyong
guro upang maging lider ng
iyong grupo. Upang makapasa
lahat kayo ay inako mo lahat
ang trabaho ng hindi
nalalaman ng iyong guro.

8|Page
MASTERY TEST IN ESP 10
(Written Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 6

A. Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba kung may kinalaman ang mga ito sa gampanin ng
social media sa usapin ng katotohanan. Isulat ang tsek (✓) kung ito ay nagpapahayag ng may
kinalaman sa gampanin ng social media at isulat naman ang ekis (✕) kung ito ay hindi nagpapahayag.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
____1. Matagal nang hinahanap ni Kyla ang kaniyang ina. Sinubukan niyang i-ipost ito sa kaniyang
facebook account. Doon siya nanawagan ng tulong upang hanapin ang kaniyang ina.
____2. Nahuli si Khalil sa klase. Idinahilan niya na inutusan siya ng kaniyang ina kaya siya nahuli sa
pagpasok kahit hindi naman ito totoo.
____3. Pinagbintangan ang mga barangay official na nagnakaw ng SAP dahil hindi lahat ng taga-
barangay ay nabigyan.
____4. Si Erika ay siyam na taong gulang na bata na gumawa ng mga social media
account kahit na ang kinakailangang edad ay 13 taong gulang pa lamang.
____5. Naiinis at galit na galit si Abby sa kaniyang kaibigan kaya naman ipinost niya ito
sa kaniyang FB account. Doon niya ibinuhos ang galit niya sa kaibigan.
B. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka at MALI
naman kung ‘di sang-ayon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______6. May nakitang tula si Kyla. Nagandahan siya rito kaya ipinost niya ito sa
kaniyang FB account. Ito ay halimbawa ng Whistleblowing.
_______7. Nakita mo ang iyong kapatid na kumukupit ng pera sa pitaka ng iyong ama.
Napagdesisyunan mong sabihin sa iyong kapatid na ibalik ang kinuha niya
dahil mali ito at tutulungan mo siyang humingi ng tawad sa inyong ama. Ito
ay isang halimbawa ng Whistleblowing.
_______8. Nangopya ang isang negosyante sa isang sikat na brand ng sapatos. Ito ay
halimbawa ng Intellectual Piracy.
_______9. Nag-post ka ng isang video sa iyong FB at isinulat mo rito kung sino ang may
likha. Ito ay halimbawa ng Fair Use.
______10. Nagpakita ka ng painting sa iyong kaibigan at sinabi mong ito ay gawa ng
iyong kapatid. Ito ay halimbawa ng Fair Use.

MASTERY TEST IN ESP 10


(Performace Output)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Week 6

Paggalang sa katotohanan
Sa isang malinis na papel, bumuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa
katotohanan o magtala ng mga bagay na pansariling magagawa para matiyak na
naipakikita ang paggalang sa katotohanan. Gamitin ang pagkamalikhain sa paggawa nito.
Pagkatapos gawin ito, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang magagawa mo para patuloy na maisasagawa ang mga bagay na
iyong naitala at maipakikita ang paggalang sa katotohanan?
b. Ano ang mga posibleng maging balakid sa pagsasagawa ng mga ito?
c. Ano ang iyong magagawa upang malampasan ang mga balakid na ito?

9|Page
Pagbati mula sa iyong matagumpay na
pagpupunyagi sa pag-aaral sa kabila ng
pandemikong nangyayari sa ating mundo. At
dito nagtatapos ang huling bahagi mo sa Junior
High School, Goodluck sa panibagong Journey
mo sa Senior High School. Muli
CONGRATULATIONS sa iyo. Nawa’y
ipagpatuloy mo ang iyong pag aaral upang
makamit mo ang minimithi mong tagumpay.
Kasama ang dalangin sa Maykapal ako’y
naniniwala na lahat ng ito ay kaya mong
pagtagumpayan.

- Ang iyong guro sa ESP- Alvin M. Mandapat EdD

10 | P a g e

You might also like